• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 25th, 2024

Kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal… Zubiri, nanawagan ng agarang modernisasyon ng AFP at PCG

Posted on: June 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa marahas na sagupaan noong Hunyo 17 sa pagitan ng Chinese Coast Guard at mga tropa ng Philippine Navy malapit sa Ayungin Shoal, binigyang-diin ng Dating Pangulo ng Senado na si Juan Miguel Zubiri ang kritikal na pangangailangan na imodernisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine Coast Guard (PCG).

 

 

 

“Hindi na sapat ang pag-condemn sa China,” sabi ni Zubiri noong Biyernes, Hunyo 21. “Kahit pa maraming sektor ng pandaigdigang komunidad ang matatag na sumusuporta sa atin, hindi natin matitinag ang China. Malinaw na nais nilang patuloy na gamitin ang kanilang lakas upang mapasok ang ating teritoryo at ang ating eksklusibong economic zone.”

 

 

 

Ibinida ni Zubiri ang P6 bilyong badyet para sa AFP at P2.8 bilyon para sa PCG sa pambansang badyet ng 2024, na nakatuon sa modernisasyon ng kanilang mga kagamitan upang paghandaan ang palakas nang palakas na aksyon ng China sa South China Sea.

 

 

 

Binanggit din niya ang bagong pinasa na New Government Procurement Act, na makakatulong upang “mabilis na mabili ang mga kinakailangang kagamitan para sa ating matatapang na sundalo, na nagbubuwis ng kanilang buhay para sa soberanya ng ating mahal na bansa.”

 

 

 

“Nakahanda na ang budyet, at parating na ang batas. Nanawagan ako sa lahat ng mga nasa gobyerno na kumilos ng may pinakamataas na agarang pagkilos upang maisakatuparan ang ating mga plano sa modernisasyon, upang makapag-set up tayo ng mas malakas na depensa sa West Philippine Sea,” sabi ni Zubiri.

 

 

 

Binigyang-diin ni Zubiri ang kahalagahan ng paghahanda dahil sa tumitinding karahasan malapit sa BRP Sierra Madre, kung saan ang mga tauhan ng Chinese Coast Guard na may dalang bolo at palakol ay ilegal na sumampa at bumangga sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa isang resupply mission, na nagdulot ng pinsala sa mga inflatable hulls at mga sugat, kabilang ang isang tauhan ng Navy na nawalan ng hinlalaki.

 

 

 

“Nakita naman po natin sa mga ni-release na video kung paano kinawawa, pinagtulungan at parang kinuyog ang ating mga magigiting na sundalo, isa po ay nagtamo pa ng seryosong pinsala sa katawan,” sabi ni Zubiri.

 

 

 

 

“Ang pag-usad ng ating programa sa modernisasyon ng puwersa ay ang tanging paraan pasulong. Hindi man natin kayang tapatan ang lakas ng China, madadagdagan natin ang ating puwersa sa pagpapatrolya ng West Philippine Sea,” dagdag niya. (ROHN ROMULO)

Lahat ng natutunan kina Vilma at Edu: LUIS, napakinabangan at naipapasa kay Baby PEANUT

Posted on: June 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LAHAT ng natutunan ng Kapamilya TV host na si Luis Manzano sa mga magulang niyang sina Vilma Santos at Edu Manzano ay napakinabangan na niya ngayon para sa anak na si Peanut.

 

Kumbaga yung mga natutunan niya sa mga magulang at na-experience niya mula sa mga ito ay nai-apply niya ngayon sa pangangay na anak niya.

 

Isa na raw yung pagiging affectionate at malambing na daddy na ipinaramdam din sa kanya noon nina Ate Vi at Edu.

 

Bilang first-time daddy, bawat minuto ay mahalaga para sa kanya pagdating sa pagpapalaki at pag-aalaga sa first baby nila ni Jessy Mendiola.

 

Ayon pa kay Luis ay parehong hands-on parents silang ni Jessy pagdating kay Baby Peanut.

 

Sa totoo lang naman, sa unang buwan pa lamang ni Baby Peanut sa mundo at sa tuwing ilalabas sa vlog ng mag-asawa ang anak ay may mga nagko-comment, kung bakit I love you nang I love you si Luis?’

 

“So, parang du’n ko na-realize oo nga no, na I always say, ‘I love you Peanut, I love you anak,’” sabi pa ni Luis.

 

“Yun kasi ang nakikita ko, my dad (Edu) and I we hug we kiss, si Tito Ralph (Recto) din naman you can see how intense his love is for Peanut.

 

“So it was never something siguro na I consciously got from Mommy (Vilma), Daddy, from Tito Ralph. It was more of that environment that I grew up in so iyon ‘yung automatically napapasa ko kay Peanut,” pag amin pa ni Luis sa isang interview sa kanya.

 

Inilahad rin ni Luis na ang “biggest fear” daw niya bilang ama, “Ako naman bilang ama ang reality of not being able to provide. Hindi ko kailangang magbigay ng sobrang rangyang buhay, it’s not me, it’s not Jessy, and it’s not something for Peanut,” sey pa ng premyadong TV host.

 

“We just want a comfortable life na happy kami, happy ang mga tao sa pagilid and nakakakain naman kami. I guess that’s the biggest fear for me, one, especially na bata pa si Peanut,” lahad pa rin ng Kapamilya TV host.

 

Banggit pa ni Luis na lumaki raw si Peanut na hindi siya magiging blessing sa ibang tao.

 

“Sabi ko naman for you to be a blessing to other people, a common misconception is people always believe that it’s always monetary, na kailangan for you to be able to be a blessing kailangan lagi kang nagbibigay,” sambit pa ng TV host at aktor.

 

“When you say being a blessing means you just make life easier for so many people. Iyon ‘yung fear ko na hindi ma-instill kay Peanut as a father” dagdag pa niya.

 

At bilang tatay, gusto ni Luis na lumaking mabuting anak si Peanut.

 

“Para sa akin naniniwala ako na lahat tayo nagkamali na in one point.

 

“Lahat ng mga anak natin magkakamali pa rin at one point. But you always hope and pray that you raised them well enough na ‘yun ang babalikan nila, ‘yung core na iyon na pagpapalaki na kahit mapaligiran sila ng whatever temptation, day in and day out, they will always fall back on how you raised them,” seryosong lahad pa ni Luis.

(JIMI C. ESCALA)

KEVIN COSTNER’S AMBITIOUS CINEMATIC 3-HOUR EPIC “HORIZON: AN AMERICAN SAGA” STARTS JOURNEY IN PH CINEMAS ON JUNE 28

Posted on: June 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

An epic journey made for the cinema is about to unfold when “Horizon: An American Saga” hits Philippine cinemas on June 28.

 

 

With his list of notable global hits such as “The Bodyguard”, “Field of Dreams”, “The Untouchables” and his unforgettable roles in “Man of Steel” and Zach Snyder’s “Justice League” among others, Costner’s massive love for the movies resulted in Horizon, risking it all to follow his own dream, even using his own money and mortgaging his properties.

 

 

Kevin Costner’s highly-anticipated latest directorial comeback on the big screen after the success of his latest starrer in western series “Yellowstone” (from which he received a Golden Globe Award for Best Actor in a TV series), the 3-hour film “Horizon: An American Saga” brings together an impressive ensemble of actors that includes Sienna Miller, Sam Worthington, Giovanni Ribisi, Abbey Lee, Will Patton, Jena Malone, Michael Rooker, Danny Huston, Luke Wilson, Jeff Fahey, Isabell Fuhrman, Ella Hunt, David O’Hara, Owen Crowe Shoe, Tatanka Means, Tim Guinee, Scott Haze, Tom Payne, Alejandro Edda, James Russo, Jon Beavers, Jaime Campbell Bower and Michael Anganaro.

 

 

“Horizon: An American Saga” is a multi- faceted, years-long span of post-Civil War expansion and settlement of the American West. Experienced through the eyes of many, the epic journey is fraught with peril and intrigue from the constant onslaught of natural elements to the interactions with the Native American people who lived on the land and the determination and at many times ruthlessness of those who sought to settle it.

 

 

The movie vastly explores the lure of the Old West and how it was won—and lost—through the blood, sweat and tears of many. Spanning the four years of the Civil War, from 1861 to 1865. Costner plays Hayes Ellison, a man whom no one knows about but has a certain set of skills that he tries to bury but is forced to use when a community of people he encountered needed help.  Costner’s ambitious cinematic adventure will take audiences on an emotional journey across a country at war with itself, experienced through the lens of families, friends and foes all attempting to discover what it truly means to be the United States of America.

 

 

Rated R-13 by the local censor’s board, “Horizon: An American Saga” opens June 28 in local cinemas nationwide, distributed by Parallax Studios, Saga Films with Axinite Digicinema.
Join the journey #HorizonAmericanSaga

(ROHN ROMULO)

Proud na proud sa pagiging lola… JAYA, karga-karga ang unang apo na si GRAYSON

Posted on: June 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LAST year lang ni-launch via Sparkle Teens sina James Graham at Charlie Fleming.

 

 

Dream nila noon na makasama sa isang malaking teleserye. Natupad ang wish nila dahil kasama sila sa big cast ng Widows’ War.

 

 

Pareho nasa teleserye na Royal Blood sina James at Charlie kaya nag-crossover ang characters nila sa Widows’ War kunsaan may connection sila.

 

 

Si James na nag-pull ng plug sa life support machine ni Megan Young sa Royal Blood ay tahimik sa kanyang involvement sa bagong murder-mystery series ng GMA.

 

 

“Wala akong pwedeng sabihin kung bakit ako nandoon sa pamilya na ‘yun. Wala akong pwedeng ipaalam sa mga tao. Pero, let’s just say na may hinahanap si Louie,” sey ni James na dalawang eksena pa lang daw ang nakukunan sa kanya.

 

 

At 17 ay 6 footer na si James at mas matangkad pa siya sa kanyang American father. Hilig na sports nito ay swimming at ice skating.

 

 

Dream din ni James na pasukin ang medical field sa college: “Simula bata po, talagang gusto ko na magdoktor. And hanggang ngayon, di pa rin po talaga na wala sa feeling ko na ito yung gusto ko, ito yung gusto ko matutunan.”

 

 

Si Charlie din ay quiet sa connection ng character niyang si Sofia sa Widows’ War: “They took my character and James’ character and they wanted to continue the story po, here on Widdows Choir. So the crossover from Royal Blood. Secret pa po yung connection namin.”

 

 

Pinangak si Charlie sa Saudi Arabia at sa Cagayan de Oro na siya lumaki. Noong pandemic siya nag-audition via Zoom para sa Sparkle Teens.

 

 

May balak din daw na sumali ng beauty pageant si Charlie. Pero matagal pa raw dahil 15 pa lang siya.

 

 

“Siguro po when I’m 20 or 21 para mas prepared ako physically and mentally. Ngayon po, showbiz and school ang priority natin.”

 

 

***

 

 

LOLA na si Jaya!

 

 

Sa latest post ng Queen of Soul via Instagram, karga nito ang kanyang unang apo na si Grayson Gage.

 

 

Sinilang si Grayson noong June 18. Ang ama nito ay si Gavin na anak ng mister ni Jaya na si Gary Gotidoc sa dating karelasyon. Tinuring ni Jaya na anak rin niya si Gavin.

 

 

“We welcome you with so much joy and so grateful that I get to be your Lola. And Gavin, and Athena, I am so proud and happy for you two. You did it, and did it well. God bless you… love you… To @suzannev808 and @jonlylegara my goodness we are now Grandmas!!!! I’m celebrating with you,” caption ni Jaya.

 

 

2021 noong magdesisyon si Jaya at Gary na sa US na manirahan kasama ang kanilang mga anak.

 

 

Tinalikuran pansamantala ni Jaya ang kanyang showbiz career para maasikaso ang kanyang pamilya sa Amerika.

 

 

***

 

 

TINAKBO kamakailan sa emergency room ang British actor na si Sir Ian McKellen pagkatapos maaksidente sa gitna ng kanyang performance sa Noël Coward Theatre in London.

 

 

Nahulog sa stage ang 85-year old actor habang ginagawa nito ang fight scene sa play na Player Kings.

 

 

Ayon sa report ng DailyMail: “Sir Ian tripped over props and fell in almost a belly flop fashion. Instantly, he screamed and, honestly, the noises were bone-chilling. The lights were on so quickly, the curtains drawn, and within seconds they asked to evacuate the whole auditorium.”

 

 

Nasa recovery stage na raw ang two-time Oscar nominee na nakilala bilang si Gandalf the Grey sa The Lord of the Rings movies at bilang Magneto sa X-Men film series.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Nasa gitna sa pagsasawalang-bisa ng kasal nila ni Tom: CARLA, hati ang opinyon sa kontrobersyal na isyu ng diborsyo

Posted on: June 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

CONSERVATIVE si Carla Abellana, kaya hati ang opinyon niya sa kontrobersyal na isyu ngayon sa Pilipinas, ang gawing legal sa ating bansa ang divorce.

 

Hindi todo ang suporta niya sa usaping diborsyo, kaya nga lamang, si Carla mismo ay nasa gitna ng divorce proceedings dahil may nakasumiteng diborsyo sa Amerika ang dati niyang karelasyong si Tom Rodriguez.

 

Hindi rin lingid sa kaalaman ni Carla na maraming Pinoy ang nagdurusa sa pangit na relasyon pero walang magawa dahil nakatali ng kasal kaya halos fifty percent ng mga Pilipino, base sa survey, ay agree na isabatas na dito ang divorce.

 

Sa panayam kay Carla sa mediacon ng Widows’ War na upcoming primetime series nila ni Bea Alonzo, “It’s not new news, parang ilang beses na po na napag-usapan. Ilang beses na pong nag-attempt ang ating government, ang ating court na maipasa itong divorce bill.

 

“Vatican na lang at Pilipinas ang mukhang walang divorce, which shows anong society po, anong kultura meron tayo.

 

“Honestly, hindi ko alam… separation of state and church, but siguro they should listen more, yung ating public officials, they should listen to people, to the citizens kung ano ba talaga yung kailangan nila, gusto nila. Para dun sila mag-base,” seryosong sinabi ng Kapuso actress.

 

Sa tanong kung pabor ba o hindi si Carla sa diborsiyo…

 

“Medyo mixed din,” aniya.

 

“I wouldn’t say naman I’m pro-divorce, I wouldn’t say I’m anti-divorce.

 

“Parang ako din, medyo torn, given that I’m Roman Catholic.

 

“But ang napapansin ko at nararamdaman ko lang, personally, is ang dami nang sumisigaw na maipasa na siya, maging legal na siya.

 

“So, sana lang yon, mapakinggan na lalo na yung mga nangangailangan.”

 

Nahingan rin ng reaksyon si Carla tungkol sa ongoing divorce proceedings nila ni Tom sa U.S.

 

“Dito sa Pilipinas, ibang proseso po siya, e. Parang petition po siya, e. So, ongoing po yun.

 

“Kumbaga, yung ating local court, tatanggapin po nila yun. Kailangan po nilang i-recognize yung decree na yun, yung divorce decree.

 

“So, yun po ang parang gagawin na i-update yung status namin dito.

 

“Divorced po technically, pero dito po sa Philippines, in the process pa po yung pag-recognize po ng divorce decree.”

 

Annulment pa lamang ang legal sa Pilipinas.

 

Samantala, ang “Widows’ War ay” ipapalabas na simula July 1, 8:50 sa GMA Prime (delayed telecast 10:50 pm sa GTV) kung saan gaganap si Carla bilang si Georgina Balay at si Bea bilang si Samantha Castillo.

 

Sa direksyon ni Zig Dulay, kasama rin dito sina Tonton Gutierrez bilang si Galvan, Jeric Gonzales bilang Francis, Juancho Trivino bilang Abdul, Timmy Cruz bilang Mercy, Jackielou Blanco bilang Ruth, Lito Pimentel bilang Amando, Rita Daniela bilang Rebecca, Royce Cabrera bilang Jericho, Lovely Rivero bilang Vivian, James Graham bilang Louie, Charlie Flemming bilang Sofia, Matthew Uy bilang Edward at si Jean Garcia bilang si Aurora.

 

May special role sa Widows’ War sina Benjamin Alves bilang Basil at Rafael Rosell bilang Paco.

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads June 25, 2024

Posted on: June 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments