• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 1st, 2024

‘Amazing Earth’, ipinagdiriwang ang anim na taon ng eco-adventure na may espesyal na three-part series

Posted on: July 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MINARKAHAN ng award-winning na infotainment program ng GMA Network na ‘Amazing Earth’ ang isang napakahalagang milestone habang ipinagdiriwang nito ang anim na taon na nakabighani sa mga manonood ng Kapuso sa mga nakamamanghang destinasyon at nakaka-inspire na kwento ng konserbasyon.
Hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, ang ‘Amazing Earth’ ay naging paborito ng sambahayan, na nagpapakita ng kagandahan ng kalikasan at ang kahalagahan ng pangangalaga sa ating planeta.
Para i-commemorate ang special occasion, Itatanghal ng ‘Amazing Earth’ ang three-part series na “Mga Adventures na may Puso para sa Kalikasan.”
Ang naturang palabas ay magpapakilala rin ng isang bagong animal series na pinamagatang “Africa’s Deadliest” (Season 6) na nangangako na dadalhin ang mga manonood sa isang kapanapanabik na paglalakbay upang tuklasin ang mga pinaka-mapanganib na hayop sa Africa.
Nagsimula ang three-part 6th Anniversary noong Biyernes, Hunyo 28, na kung saan dinala ang mga manonood sa isang hindi malilimutang pakikipagsapalaran sa nakamamanghang Hundred Islands National Park sa Pilipinas.
Nasaksihan ni Ms. Earth-Air 2023 Yllana Aduana ang isang inter-island zipline at cliff dive sa loob ng isang kweba.  Binibigyang-liwanag din ng episode ang mayamang biodiversity ng parke sa pamamagitan ng isang segment na nagtatampok ng inspiradong “Mama Ranger” ng Tubbataha Marine Park, ang pinakamalaking protektadong marine park at bird sanctuary ng bansa.
Magpapatuloy ang pakikipagsapalaran sa Hulyo 5, habang tinatanggap ni Dingdong ang hamon sa ilalim ng tubig para sa isang makapigil-hiningang helmet dive kasama ang kanyang pinsan, ang aktor na si Arthur Solinap.  Maging inspirasyon ng Pinoy global surfing champion na si Jay-R Esquivel Jr. at ang kanyang dedikasyon sa sport, sa pagsunod sa mga yapak ng kanyang yumaong kapatid bilang isang one-legged surfer.
Sa Hulyo 12, ang ‘Amazing Earth’ ay magsasagawa ng isang kapana-panabik na plunge sa Africa’s Deadliest: Oceans.  Sa Pilipinas, kilalanin ang maalamat na Lola Scubasurero at ang Subasureros ng Hundred Islands, na nag-alay ng kanilang buhay sa parke.  Itatampok din sa episode ang Sparkle artist na si Angel Leighton habang inilalabas niya ang kanyang inner ninja warrior at nasakop ang pinakamalaking permanenteng obstacle course sa mundo.
Huwag palampasin ang excitement tuwing Biyernes ng 9:35 p.m. sa GMA-7 habang ipinagdiriwang ng ‘Amazing Earth’ ang anim na taon ng eco-adventures at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa mga manonood na pahalagahan at protektahan ang mga kababalaghan ng kalikasan.
Mapapanood din ng Global Pinoy ang programa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.
Para sa higit pang mga kuwento tungkol sa Kapuso Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.
(ROHN ROMULO) 

DIRECTOR LEE ISAAC CHUNG CHARTS A THRILLING NEW COURSE FOR THE “TWISTERS” FRANCHISE

Posted on: July 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments
THIS July, the epic studio disaster genre returns with an adrenaline-pumping, seat-gripping, big-screen thrill ride that puts you in direct contact with one of nature’s most wondrous—and destructive—forces. 
“Twisters,” a current-day chapter of the 1996 blockbuster, “Twister.” storms into Philippine cinemas starting July 17.  Directed by Lee Isaac Chung, the Oscar-nominated writer-director of “Minari,” “Twisters” stars Golden Globe nominee Daisy Edgar-Jones (“Where the Crawdads Sing,” “Normal People”) and Glen Powell (“Anyone But You,” “Top Gun: Maverick”) as opposing forces who come together to try to predict, and possibly tame, the immense power of tornadoes.
For director Lee Isaac Chung, tornadoes were just a part of growing up in Arkansas, but he was enthralled with the original Twister movie when it came out in 1996. Fast forwarding to the present, director Chung is thrilled to be part of Twisters, the current-day chapter of the 90s blockbuster. “When the producers came to me to direct this new chapter, I was truly honored and terrified to make the transition into tentpole, summer blockbuster territory. But the film embodies what inspired me to take on the challenge; I wanted to run toward my fears and not away from them.”
Watch the trailer here: https://youtu.be/qxxgOTQKpck
For Chung, directing Twisters would help him branch into a genre he’d been chasing his whole career.  “I thought of Minari as my last-ditch effort to make it work. If this was the end of the road for me as a filmmaker, I wanted to go out telling the one story that meant the most to me. Fortunately, it turned out so well that I didn’t have to quit, and better, it opened new doors for me,” he says. “Twisters was the type of film I dreamed I could someday do as a filmmaker. I always wanted to do an action movie. I always wanted to work on a big scale. And I love telling stories about multiple characters in which their relationships and fates are all intertwined. The ironic thing is that in many ways, Minari, while being small and personal, was a great precursor for Twisters, as it shares some similar elements, from an ending that’s something of a disaster movie on an intimate scale, to be being a story set in a part of America that I happen to know really, well.”
It was also an opportunity for Chung to honor a film that influenced him, along with directors that influenced him throughout his life, beginning with Jan de Bont, director of the 1996 Twister film. From beginning to end, I returned to Twister, and I would ask myself: ‘How would Jan do this?’ Because he did it so well, and I wanted to honor the fandom around the first film,” Chung explains. “But I’ve always loved Steven Spielberg, as well, and the process of working with him has been so great. I went back and watched Jaws a few times, as well as War of the Worlds—movies about powerful forces of nature or monstrous things coming at you or looming above you. They captured some of the tone we wanted for our tornadoes.”
In cinemas July 17, “Twisters” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company. Join the conversation online and use the hashtag #TwistersMovie (Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”) (ROHN ROMULO)

Ads July 1, 2024

Posted on: July 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Pwedeng gumanap sa remake ng ‘Ang Tanging Ina’: MELAI, nahihiya sa titulo na bagong ‘Comedy Queen’

Posted on: July 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SI Melai Cantiveros na raw ang maaaring tawagin na Comedy Queen of this Generation. 
Dahil daw sa nakikitang kagalingan ni Melai sa pagpapatawa.  Kumbaga sa kanyang kapanabayan ay nangunguna si Melai sa naturang larangan.
Pero nahihiya naman umano ang ko­medyana sa titulong ibinibigay sa kanya ng mga tagahanga.
“Thank you so much sa mga nagsasabi. I love you all pero nahihiya ako sa nagsasabi. Sobra akong hiya kasi siyempre ‘di ko naman masabi na ano.
“Sobra akong happy pero para sa akin siyempre ang dami ko pang dadaanan na mga butas bago ko pa makamit ‘yung mga ganyan,” pagpakumbaba pang banggit ni Melai.
May ilang mga tagahanga ni Melai ang nagsasabing ang komedyana raw ang pwedeng gumanap kung sakaling gawin ang remake ng pelikulang ‘Ang Tanging Ina’.
Pero para kay Melai ay talagang iniidolo at nirerespeto niya ang mga nakilalang ‘Comedy Queen” na si Ai Ai delas Alas.
“Hindi natin pwede i-bypass kasi siya talaga maraming napatunanyan na talaga. Andyn pa rin naman ang mga kagaya nina Ate Pokie (Pokwang), Ms. Eugene Domingo.
”So kung gagawin, why not pero sana wala tayo ma-hurt na kasaman at mga kaibigan.
“Gawa na lang tayo sarili natin,” giit ng komedyana.
***
HINDI raw naman itinago ni Nadia Montenegro ang anak daw nila ni Baron Giesler.
Ayon pa kay Nadia sa interbyu sa kanya ni Julius Babao ay hindi raw niya itinago sa mga mahal niya sa buhay ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak sa iba.
“‘Yong mga nangyari sa buhay ko before, in the past, siguro umabot sa 17, 18 years na naitayo ko.
“Hindi ko ito itinago sa mga taong dapat nakakaalam.
“Hindi ko rin ito itinago sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko itinago sa anak ko. Hindi ko itinago kay Boy [Asistio, Jr.]. Hindi ko itinago sa mga kapatid ko,” seryoso pang pahayag ng aktres.
“In fact, all these years, it was so difficult for people to understand. ‘Bakit okay sila
nagtagal sila ni Boy? Bakit sila okay ng mga anak niya kung may ganito?’” Banggit pa rin ni Nadia.
(JIMI C. ESCALA)

Nagpainit sa campaign video ng underwear brand: Sparkle hunk na si BRUCE, bagong pantasya ng netizens

Posted on: July 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANG Sparkle hunk na si Bruce Roeland ang bagong pantasya ng netizens dahil sa paglabas ng kanyang campaign video para sa underwear brand na Bench Body.

 

 

Sa naturang 15-second video on Instagram, suot lang ng dating child actor ay black underwear, cowboy hat at naka-display ang kanyang rock hard abs.
Isa si Bruce sa nagpainit sa mga beki sa summer campaign ng Sparkle na Boys of Summer. Na-achieve ng Fil-Belgian hunk ang minimithing body transformation noong magkaroon ng pandemic dahil sa ginawa niyang full body workout.
“Ginagawa ko for myself kasi dati I used to be bullied a lot, ‘Ang payat mo!’ ‘Kumakain ka ba?’ Para daw akong skeleton na naglalakad. Siyempre, nahu-hurt ako doon. Nung pandemic, kumain ako nang kumain, workout, tulog, paulit-ulit lang. Kahit sa bahay lang, ‘yun lang ‘yung ginagawa ko nung pandemic,” kuwento ni Bruce na huling napanood sa teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’
Kasama ni Bruce ang kapwa Kapuso stars na endorser din ng naturang underwear brand tulad nila Derrick Monasterio, David Licauco, EA Guzman, Gil Cuerva, Paul Salas, Yasser Marta, Luis Hontiveros, at Jeric Gonzales.
***
FIRST time na makapag-perform sa dalawang shows sa Amerika si former Manila Mayor Isko Moreno kasama ang Sparkle stars via ‘Sparkle World Tour 2024.’
Naranasan na ring mag-show sa ibang bansa ni Yorme noong ‘90s at sa Japan daw siya madalas mag-show noon. Ngayon ay mga kababayan sa Anaheim at San Francisco, California ang aaliwin nila nina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay at Ai-Ai delas Alas.
“Marami tayong pasasayahin na mga Global Pinoys at kahit sa show namin ay mapalapit namin sila sa mga pamilya at  kamag-anak nila na matagal nilang hindi nakakasama,” sey ni Yorme.
Looking forward si Yorme sa magiging rehearsals nila ng Sparkle stars. Ilan nga raw sa mga ito ay nakasama na niya sa trabaho.
“Nakakatuwa sila kasi naaalala ko yung kabataan ko. Kailangan maka-keep up tayo sa energy nila. Pero ang maganda pa sa mga batang ito, kahit sikat na sikat sila, very down-to-earth sila at walang yabang. Ang babait nila at marespeto sa mga nakakatanda sa kanila.”
***
ANG Hollywood screen legend na si Gena Rowlands ay na-diagnosed with Alzheimer’s disease.
The 94-year old two-time Oscar nominee na may career na tumagal ng seven decades ay nakilala sa kanyang mga pelikulang ‘A Woman Under The Influence’, ‘Gloria’, ‘Opening Night’, ‘Another Woman’ and ‘The Notebook’ kunssan gumanap siya bilang babae na may dementia.
Ang actor-director na si Nick Cassavetes and nag-share ng balita tungkol sa kalagayan ng kanyang ina. 
“I got my mom to play older Allie, and we spent a lot of time talking about Alzheimer’s and wanting to be authentic with it, and now, for the last five years, she’s had Alzheimer’s. She’s in full dementia. And it’s so crazy — we lived it, she acted it, and now it’s on us.
Ang ina pala ni Gena na si Lady Rowlands ay nagkaroon din ng naturang sakit.
“I went through that with my mother, and if Nick hadn’t directed the film, I don’t think I would have gone for it — it’s just too hard. It was a tough but wonderful movie,” sey ni Gena sa isang 2004 interview with O magazine.
Huling napanood si Gena sa big screen in 2014 sa pelikulang Six Dance Lessons in Six Weeks. In 2015 ay ginawaran siya ng Honorary Oscar.
(RUEL J. MENDOZA)