• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 2nd, 2024

“A Quiet Place: Day One” roars to record-breaking franchise best, and 2nd biggest opening weekend for 2024 in the PH

Posted on: July 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

A Quiet Place: Day One sets the biggest opening weekend in the history of the franchise, with a global tally of $98.5M. The film is also making noise locally as the 2nd biggest opening weekend in the Philippines for 2024.

 

 

 

 

Watch the newest trailer here: https://youtu.be/kshP9EQX-Ss

 

 

 

 

Set in one of the loudest cities on Earth, the third installment of the A Quiet Place franchise takes audiences back to the day the world went quiet, putting the city of New York on a standstill against hostile creatures that attack anything that makes noise.

 

 

 

 

IGN praises A Quiet Place: Day One, as the best in the series, writing “It’s impressive just how great A Quiet Place: Day One is. Not that the first two Quiet Place movies weren’t good – they’re both strong films in their own right. But this spinoff/prequel to those earlier films introduces new characters in a new setting that successfully elevates both the tension and the emotional impact of John Krasinski’s nearly dialogue-free horror films. The result is the series’ best movie to date.”

 

 

 

 

The Guardian affirms the strength and impact of the film, lauding the cast and choice of setting. “It could be the idea of setting the Quiet Place prequel in New York, one of the noisiest places on Earth. Or perhaps it’s because the intimate, taut horror premise of the first two pictures is beefed up with some robust city-smashing disaster movie muscle. Maybe it’s the casting of the always excellent Lupita Nyong’o in a textured and complex role – she plays Sam, a poet and a terminal cancer patient who just wants to live a little before she dies. All of this combines to ramp up the impact of A Quiet Place: Day One considerably, compared with its immediate predecessor.”

 

 

 

 

The Los Angeles Times notes the unique premise of the film. “It’s a refreshing, near-radical concept to build a studio film around, and as Sam sets off, a tote bag on her arm and her black-and-white support cat Frodo beside her, you may be reminded of that other woman-and-feline survival story, Alien, stripped to the bone,” they write.

 

 

 

 

Don’t miss out on the spine-tingling thrills as A Quiet Place: Day One is now showing in Philippine cinemas.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Kaabang-abang kung sinu-sino ang mag-uuwi ng tropeo: JED at OGIE, ilan lang sa eeksena sa Gabi ng Parangal ng ‘7th EDDYS’

Posted on: July 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINU-SINO ang tatanghaling pinakamagagaling at karapat-dapat na magwagi sa pinakaaabangang The 7th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd)?

 

 

 

Nakaabang na ang lahat sa idaraos na Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice na magaganap sa July 7, 2024, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

 

 

 

Mapapanood ang kabuuan ng awards night sa delayed telecast nito sa ALLTV sa July 14, 10 p.m. na muling ididirek ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

 

 

 

Magiging bahagi ng 7th The EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela, ang kauna-unahang Filipino artist na itinanghal na World Championships of Performing Arts winner.

 

 

 

May espesyal ding partisipasyon ang premyadong Ultimate Singer-Songwriter at TV host na si Ogie Alcasid na siguradong tatatak sa mga manonood.

 

 

 

Isang pasabog na production number din ang hatid ng mga drag queens na Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

 

 

 

Magsisilbing host sa magaganap na awards night ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa pelikulang ‘Bakit Di Mo Sabihin?’) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na sina Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito. Magiging red carpet host ang radio veteran host na si Mr. Fu.

 

 

 

Inaasahang mas magiging matindi ang labanan sa ikapitong edisyon ng The EDDYS. Magbabakbakan ang limang de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.

 

 

 

Ang mga nominado sa kategoryang Best Film ay ang “About Us But Not About Us” (The IdeaFirst Company, Octoberian Films, Quantum Films); “Firefly” (GMA Pictures, GMA Public Affairs);

 

 

 

“GomBurZa” (Jesuit Communications, MQuest Ventures, CMB Film Services); “Iti Mapukpukaw” (Project 8, GMA News and Public Affairs, Terminal Six Post) at Mallari” (Mentorque Productions, Clever Minds Inc.).

 

 

 

Nominado naman sa kategoryang Best Director sina Derick Cabrido (Mallari); Pepe Diokno (GomBurZa); Zig Dulay (Firefly); Jun Robles Lana (About Us But Not About Us); Carl Joseph Papa (Iti Mapukpukaw).

 

 

 

Magpapatalbugan sa pagka-best actress sina Kathryn Bernardo (A Very Good Girl); Charlie Dizon (Third World Romance); Julia Montes (Five Breakups And A Romance); Marian Rivera (Rewind); Vilma Santos (When I Met You In Tokyo); at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).

 

 

 

Nominado naman sa Best Actor category sina Elijah Canlas (Keys to the Heart); Dingdong Dantes (Rewind); Cedrick Juan (GomBurZa); Piolo Pascual (Mallari); Alden Richards (Five Breakups And A Romance); Romnick Sarmenta (About Us But Not About Us).

 

 

 

Para sa kategoryang Best Supporting Actress nominado sina Dolly de Leon (Keys to the Heart); Alessandra de Rossi (Firefly); Gloria Diaz (Mallari); Gladys Reyes (Apag); at Ruby Ruiz (Langitngit).

 

 

 

Sa Best Supporting Actor category maglalaban-laban sina Enchong Dee (GomBurZa); Keempee de Leon (Here Comes The Groom); Nanding Josef (Oras de Peligro); Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes); at JC Santos (Mallari).

 

 

 

Ang Brightlight Productions ang line producer ng awards night. Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom bilang major sponsor.

 

 

 

Katuwang din ng grupo ngayong taon ang Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Kamiseta at ang Echo Jam.

 

 

 

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

 

 

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Salve Asis ng Pilipino Star Ngayon at Pang Masa.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Nagbabalik ang sikat na girl group: BINI, ipinagdiriwang ang pagbabago sa newest single kasama ang Puregold

Posted on: July 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALIK ang nation’s girl group na BINI, kilala sa kanilang mga nangungunang kanta, at inihahandog ang isang bagong single na nilikha kasama ang Puregold.

 

 

 

Sa isang kakaibang lapit sa kantang “Nasa Atin ang Panalo,” ipinasok ng BINI ang temang “Ang Kwento ng Pagbabago.”

 

 

 

“When we decided to feature and work with our country’s leading musical artists, we knew we had to collaborate with BINI,” pahayag ni Puregold President Vincent Co.

 

 

 

“They’ve worked hard to make themselves an important part of the local music landscape, and we’re proud to showcase their talent in collaboration with Puregold.”

 

 

 

Ilang linggo na ang nakararaan, inilabas ng Puregold ang “Nasa Atin ang Panalo” music video, isang kolaborasyon kasama ang BINI, SB19, si Flow G, at ang SunKissed Lola.

 

 

 

Pagkatapos ipakita kung ano ang maaaring gawin ng bawat isa sa kanila sa kanta, handog naman ngayon ng Puregold ang kumpletong bersyon na itinanghal ng BINI.

 

 

 

Several weeks ago, Puregold released the “Nasa Atin ang Panalo” collaboration music video featuring four superstar acts in BINI, SB19, Flow G, and SunKissed Lola.

 

 

 

After teasing what each artist could do with the song, we’re now getting the first complete version as performed by a single artist in BINI.

 

 

 

Sa awitin, naka-pokus ang BINI sa kanilang pag-unlad at paglago bilang mga mang-aawit. Katulad ng kanilang mga nagmamahal na fan na tinatawag na “Blooms”, patuloy din ang BINI sa pamumukadkad sa kanilang karera.

 

 

 

Sa pambungad na mga liriko ng kanta, bakas ang pagdala ng mga nakaraan at kasalukuyang karanasan ng BINI sa kung nasaan sila ngayon: “Ang mga itinuro ng noon / Dalhin at palakasin ang ngayon.”

 

 

 

Paalala ang kanta sa mga Blooms at mga nagmamahal sa musika sa bansa, na palaging may panibagong araw upang pagbutihin pa ang sarili.

 

 

 

Binubuod ito ng BINI sa pre-chorus: “Anuman ang pinagmulan / Mas mahalaga ang pupuntahan!”

 

 

 

Sa music video ng single, mapapanood ang BINI na sumasayaw at nagtatanghal sa isang tila Puregold store. Dito, ibinabahagi ng BINI ang kanilang kuwentong Panalo sa mga empleyado at mamimili sa Puregold.

 

 

 

Ipinagdiriwang ng kanta ang BINI at ang mga taong nakatulong din sa tagumpay ng Puregold sa nagdaang mga taon.

 

 

 

“Just like BINI, Puregold is always working to achieve its own ‘kwento ng pagbabago,’” ani Ivy Hayagan-Piedad, senior marketing manager ng Puregold. “That’s why we continue to open locations nationwide, innovate to serve our customers better, and also be active in different initiatives to make a difference for the Philippines.”

 

 

 

Isa sa mga pangunahing magtatanghal sa “Nasa Atin ang Panalo” Thanksgiving concert ng Puregold ang BINI, sa Hulyo 12 sa Araneta Coliseum. Itatampok din sa concert ang SB19, at si Flow G; habang maghahandog naman ng espesyal na pagtatanghal ang SunKissed Lola.

 

 

 

Para sa karagdagang impormasyon kung paano makakukuha ng ticket, i-follow lamang ang Puregold at ang mga musikero sa kanilang mga social media account.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Masayang nagkasama after so many years: BEA, muling nasampolan ng sampal ni JEAN

Posted on: July 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING malaking parte si Jean Garcia sa pagiging artista ni Bea Alonzo. Unang silang nagkasama sa 2002 teleserye na Kaytagal Kang Hinintay at nasundan ito noong 2003 with ‘It Might Be You.’

 

 

 

 

Kaya natuwa si Jean noong b siya sa ‘Widows’ War’ dahil muli niyang makakatrabaho si Bea after 20 years.

 

 

 

 

“Teenager pa si Bea noon and first team-up pa nila yun ni John Lloyd (Cruz). Walang pinagbago si Bea. Same pa rin. Magaling naman na siya noon, mas lalo siyang magaling ngayon,” sey ni Jean na pinatikim na si Bea ng kanyang signature na sampal.

 

 

 

 

Sey ni Bea: “Nung sinampal niya ako, sabi ko, ‘Nakabalik na nga pala si Miss Jean Garcia sa buhay ko!’ Na-miss ko ‘yung intensity nung sampal ni Miss Jean.

 

 

 

 

“Buti na lang siya ‘yung ka-eksena ko kasi feeling ko mas masasaktan ako. I’m glad na nagkasama ulit kami after so many years.”

 

 

 

 

Hindi lang daw si Bea ang papakitaan ni Jean ng pagiging impaktita niya dahil pati Carla Abellana ay nag-aabang na masampolan niya.

 

 

 

 

Sey ni Carla: “Pinaghahandaan ko na. Wala pa kaming masyadong mabigat na eksena ni Ms. Jean pero masaya ako to work with her for the first time. Kaya ready na po ako sa pagsalo ng mga sampal niya.”

 

 

 

 

***

 

 

 

 

PUMANAW na ang aktor at direktor na si Manny Castañeda sa edad na 69, ayon sa Facebook post ng kaniyang kaibigan na si direk Jose “Joey” Javier Reyes.

 

 

 

 

“Most likely cardiac arrest. He has been sickly lately. Just a month ago he was diagnosed with pneumonia, and also a heart condition,” ayon kay Direk Joey sa cause of death ni Direk Manny.

 

 

 

 

Sa naturang post ni Reyes, chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), inihayag niya ang labis na kalungkutan sa pagpanaw ng kaniyang kaibigan, na una niyang nakilala noong walong taong gulang pa lang sila.

 

 

 

 

“I do not know how it is going to be without my best friend just sitting out there ready to bitch it out with me,” ani Reyes.

 

 

 

 

Ayon kay Reyes, matapos nilang magkakilala ni Castañeda noong walong-taong-gulang sila, muli silang nagkita sa canteen ng De la Salle College at mula noon ay hindi na sila nagkahiwalay.

 

 

 

 

“All throughout college … until we both ended up teaching then finding our place in the insane world of show business,” pagbahagi ni Reyes.

 

 

 

 

Bagaman may pagkakaiba, sinabi ni Reyes na laging nangingibabaw ang pagiging magkaibigan nila para sa isa’t isa.

 

 

 

 

“I never told this you when you were around because I knew you would just cringe and tell me to shut up — but you are such a great part of my life because you are my irreplaceable BFF,” pahayag niya.

 

 

 

 

“I am going to miss you big time,” pagtatapos sa caption ni Reyes sa black and white photo nilang dalawa.

 

 

 

 

***

 

 

 

 

MUKHANG tuluyan nang naghiwalay sina Jennifer Lopez at Ben Affleck.

 

 

 

 

Balita ng People magazine, naghakot na ng kanyang personal belongings si Ben mula sa Beverly Hills mansion nila ni Jennifer.

 

 

 

 

Kasalukuyang nagbabakasyon ni J.Lo sa Europe noong maghakot ng mga gamit si Ben.

 

 

 

 

“Ben continues to live at the Brentwood rental. He’s been there for about two months now. He seems okay. He’s been at his office every day and seems focused on work. He’s also spending time with his kids,” ayon sa People.

 

 

 

 

For sale na ang marital home nila for $65 million ayon sa realtor na si Santiago Arana from The Agency.

 

 

 

 

Magdadalawang taon pa lang kasal sina Ben at Jennifer ngayong July 16, pero nauwi na ito agad sa hiwalayan.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Navotas Youth Camp

Posted on: July 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ang Navotas Youth Camp para sa mga kabataang Navoteño upang tamasahin ang kanilang bakasyon sa paaralan habang hinahasa ang kanilang mga kasanayan sa palakasan at sining, bilang bahagi ng 17th Navotas cityhood anniversary. Pinuri naman ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok sa pagsusumikap sa kanilang school break. Nasa 477 Navoteño na may edad 10–19 ang nagsanay sa iba’t ibang sports habang 150 ang nagpasyang matuto ng sining. (Richard Mesa)

NAVOTAS YOUTH CAMP, INILUNSAD

Posted on: July 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINAGAWA ng pamahalaang lungsod ang Navotas Youth Camp para sa mga kabataang Navoteño upang tamasahin ang kanilang bakasyon sa paaralan habang hinahasa ang kanilang mga kasanayan sa palakasan at sining, bilang bahagi ng 17th Navotas cityhood anniversary.

 

 

 

 

Nasa 477 Navoteño na may edad 10–19 ang nagsanay sa iba’t ibang sports habang 150 ang nagpasyang matuto ng sining.

 

 

 

 

Pinuri naman ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok sa pagsusumikap sa kanilang school break.

 

 

 

 

“We’re glad that you chose to use your school vacation to improve your talents and skills. We hope you enjoyed the workshops and gained new friends. Continue to develop yourself and improve your abilities,” ani Tiangco.

 

 

 

 

Bilang isang dating atleta, sinabi ni Tiangco na umaasa ang lungsod na ang mga sports at arts camp ay magtataguyod ng holistic na pag-unlad ng mga kabataang Navoteño at hikayatin silang tuklasin ang kanilang mga talento at interes.

 

 

 

 

Kasama sa mga sports na sakop sa kampo ang arnis na may 16 na kalahok; athletics, 34; sepak takraw, 36; football, 16; pindutin ang football, 11; pencak silat, 22; at wushu, 25.

 

 

 

 

Bahagi rin ng pagsasanay ang basketball na may 50 manlalaro; volleyball, 70; judo, 55; karate, 52; taekwondo, 70; at paglangoy, 20.

 

 

 

 

Nag-sponsor ang San Miguel Corporation ng karagdagang kagamitan para sa sports camp.

 

 

 

 

Ang mga manlalaro ng Magnolia Chicken Timplados Hotshots na sina Abu Tratter, Jio Jalalon, at Ian Sangalan, kasama ang iba pang propesyonal na basketball coach, ay nanguna sa isang sesyon ng pagsasanay para sa mga Navoteño basketball aspirants.

 

 

 

 

Samantala, dumagsa ang mga kabataang artista ng Navoteño sa arts camp para matuto ng gitara, boses, sayaw, visual arts, o theater arts.

 

 

 

 

Hinimok ni Tiangco ang mga magulang na patuloy na suportahan ang interes ng kanilang mga anak sa sining at palakasan.

 

 

 

 

“Arts and sports help develop our children’s characters. Let us support their interests and help them shine in whatever they choose to do,” sabi niya.

 

 

 

 

Suportado din ng pamahalaang lungsod ang mga estudyanteng Navoteño na mahusay sa Sports and Arts sa pamamagitan ng NavotaAs Athletics and Arts Scholarship Program. (Richard Mesa)

Ads July 2, 2024

Posted on: July 2nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments