MATAPOS ang matagumpay na The 7th EDDYS (Entertainment Editor’s Choice) nitong Hulyo 7, 2024 na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, sa Pasay City, mapapanood na ang kabuuan nito ngayong Linggo, July 14, 10 p.m. sa ALLTV mula sa direksyon ni Eric Quizon.
Star-studded ang Gabi ng Parangal para sa ika-7 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa pangunguna ng mga bituing nagwagi sa major acting awards at mainit na pinag-usapan hanggang sa kasalukuyan.
Present sa maningning na Gabi ng Parangal si Julia Montes na siyang nagwaging best actress para sa pelikulang “Five Breakups And A Romance” at si Piolo Pascual na itinanghal namang best actor para sa “Mallari.”
Hindi naman nakarating si Charlie Dizon na naka-tie ni Julia para sa pelikulang “Third World Romance.”
Bukod dito, ginawaran din sina Julia at Piolo bilang Box-Office Heroes matapos tumabo sa takilya ang kanilang mga pelikula kasama ang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para sa “Rewind” at Kathryn Bernardo para naman sa “A Very Good Girl.”
Personal ding tinanggap ng mga EDDYS Icons para sa 2024 na sina Nova Villa, Leo Martinez, Eva Darren at Gina Alajar ang kanilang mga tropeo. Ang ikalimang awardee na si Sen. Lito Lapid ay hindi nakarating ngunit naroon ang kanyang pamangking si Atty. DX Lapid bilang representative.
Ngayong taon, itinanghal ang “About Us But Not About Us” bilang Best Film at Best Director naman si Jun Robles Lana para pa rin sa naturang pelikula. Na tinanggap ng director-producer na si Perci Intalan.
Dumalo rin ang producer ng “Mallari” na si Bryan Dy ng Mentorque Productions na siyang itinanghal na Rising Producer of the Year, na limang beses umakyat ng stage.
Ang Best Supporting Actress award ay naiuwi ni Gladys Reyes para sa “Apag” at ang Best Supporting Actor ay iginawad kay Enchong Dee para sa “GomBurZa”.
Nagsilbing host ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS na si Janine Gutierrez (para sa “Bakit Di Mo Sabihin?”) kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito.
Nagkaroon ng espesyal na pagtatanghal sa 7th EDDYS ang award-winning singer na si Jed Madela, Ultimate Singer-Songwriter Ogie Alcasid, drag queens Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.
Nagsilbing Red Carpet host naman ang veteran radio-online personality na si Mr. Fu.
Ilan sa mga naging presenters sa awards night ay ang acting winners ng 6th EDDYS — best actor Elijah Canlas, ang ka-tie ni Janine bilang best actress na si Max Eigenmann, best supporting actor na si Mon Confiado, at best supporting actress na si Nikki Valdez.
Nag-present din ng awards sina Sen. Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado, Cedrick Juan, James Reid, Direk Jose Javier Reyes, Joross Gamboa, Arnell Ignacio, RS Francisco, Liza Reyes ng Globe Telecoms, Kelley Day, Michael Sager, Jeric Gonzales, Miss Switzerland Franki Russell, Christophe Sommereux, Beaver Magtalas, Khai Flores, Shaira Tweg, at ang acting director ng PCSO na si Imelda Papin.
Naroon din si Korina Sanchez na binigyan ng Joe Quirino Award habang tinanggap naman ng magkapatid na CJ at Peach Caparas ang posthumous award para sa kanilang yumaong amang si Direk Carlo J. Caparas.
Dumalo rin ang director-producer na si Perci Intalan na siyang tumanggap ng mga tropeo para sa mga awards ng “About Us But Not About Us” at ang producer ng “Mallari” na si Bryan Dy ng Mentorque Productions na siyang itinanghal na Rising Producer of the Year.
Tinanggap ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson at former House Speaker Sonny Belmonte (para sa anak niyang si Quezon City Mayor Joy Belmonte) ang Isah V. Red award.
Present din ang aktor na si Leandro Baldemor na siyang nagdisenyo at lumikha ng bagong tropeo ng The EDDYS.
Ilan sa mga nominado sa iba’t ibang kategorya ay dumalo rin sa awards night kabilang na sina Romnick Sarmenta at Keempee de Leon.
Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, naging kaagapay din ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary.
Katuwang din ng grupo ngayong taon si DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Rep. Arjo Atayde, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.
Nagsilbi namang official auditor ang Juancho Robles, Chan Robles & Company (CPAs).
(ROHN ROMULO)