• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 13th, 2024

Dingdong, Marian, Alden at Julia, pararangal: GLADYS, LA at JC, waging best supporting actress at actor sa ‘40th Star Awards for Movies’

Posted on: July 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS na ng PMPC ang partial list ng mga nagwagi sa minor at technical categories ng 40th Star Awards for Movies.

 

 

Kasama na rin ang special awards sa pangunguna nina Alden Richards at Julia Montes na nanalong Movie Loveteam of the Year para sa pelikulang “Five Breakups And A Romance” at pagbibigay ng parangal sa mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang Takilya King and Queen para sa record-breaking movie nilang “Rewind.”

 

 

Itinanghal bilang Movie Supporting Actor of the Year si JC Santos para sa “Mallari” at si LA Santos para sa “In His Mother’s Eyes.” Si Gladys Reyes naman ang nagwaging Movie Supporting Actress of the Year para sa “Here Comes The Bride.”

 

 

Ang Movie Ensemble Acting of the Year ay nakuha ng cast ng “Mallari”.

 

 

Ang New Movie Actor of the Year ay si Dustin Yu (Shake Rattle And Roll Extreme – Rage episode) at ang New Movie Actor of the Year ay si Ysabel Ortega (Firefly).

 

 

Wagi naman si Euwenn Mikaell (Firefly) ng Movie Child Performer of the Year.

 

 

Malalaman ang mga nagsipagwagi sa huling anim na major categories sa mismong Gabi ng Parangal na magaganap sa July 21, 2024 sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo De Manila University, Quezon City.

 

 

Kabilang dito ang Movie Actress of the Year, Movie Actor of the Year, Movie of the Year, Movie Director of the Year, Indie Movie of the Year, at Indie Movie Director of the Year.

 

 

Kaabang-abang kung sino sa apat na movie queens na magsasabong – sina Star for All Seasons Vilma Santos (When I Met You In Tokyo), Megastar Sharon Cuneta (Family Of Two), Diamond Star Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes), at Superstar Nora Aunor (Pieta) – ang tatanghaling Movie Actress of the Year.

 

 

O baka naman masilat pa ang parangal ng iba pang nominadong aktres na kinabibilangan nina Gina Alajar (Monday First Screening), Ai-Ai delas Alas (Litrato), Alessandra De Rossi (What If), Gladys Reyes (Apag), Kathryn Bernardo (A Very Good Girl), at Marian Rivera (Rewind).

 

 

Maglalaban naman para sa Movie Actor of the Year sina Christopher De Leon (When I Met You In Tokyo), Dingdong Dantes (Rewind), Piolo Pascual (Mallari), Coco Martin (Apag), Alden Richards (Five Breakups And A Romance), Cedrick Juan (Gomburza), Roderick Paulate (In His Mother’s Eyes), Romnick Sarmenta (About Us Not About Us), Sean De Guzman (Fall Guy), at Alfred Vargas (Pieta).

 

 

Espesyal ang magiging selebrasyon ng PMPC ng ika-40 taon o apat na dekada ng Star Awards for Movies kaya naman apat na tinitingalang mga artista ang pararangalan ng Dekada Awards – sina National Artist Nora Aunor, Christopher de Leon, Piolo Pascual, at Vilma Santos.

 

 

Napili ang apat na Dekada Awardees base sa pinakamaraming bilang ng Acting Awards na napanalunan sa loob ng 40 taon o apat na dekada ng Star Awards for Movies (Top 2 for actors, Top 2 for actresses).

 

 

Igagawad ang Lifetime Achievement Awards sa dalawang haligi ng Philippine showbiz na sina veteran actress Liza Lorena (Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award) at veteran movie producer Vic del Rosario Jr. (Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award).

 

 

Bibigyang-parangal ng Ethel Ramos Dean’s Lister Award ang veteran columnist at dating PMPC President na si Ronald Constantino dahil sa malaking ambag niya sa club at maging sa industriya.
Ang 40th Star Awards for Movies ay inoorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nito na si Rodel Ocampo Fernardo. Katuwang ng PMPC ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay ididirehe ni Eric Quizon.

 

 

Ang kabuuan ng awards night ay ipalalabas sa A2Z sa July 27, Sabado,10:30 ng gabi.

Celebrate Two Decades of Philippine independent cinema with ‘Cinemalaya Bente: Loob, Lalim, Lakas’

Posted on: July 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Celebrate Two Decades of Philippine independent cinema with ‘Cinemalaya Bente: Loob, Lalim, Lakas’ from August 2-11, showcasing compelling films and diverse voices at Ayala Malls Manila Bay.

 

 

Twenty years into navigating the cinematic imagination, the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sets sail once more from August 2 to 11, guided by the Filipino people’s inner constellation, imagery, and creativity.

 

 

 

Embracing the theme “Cinemalaya Bente: Loob, Lalim, Lakas,” the pioneering independent film festival returns with 10 compelling full-length and 10 captivating short films in competition. For its 20th edition, Cinemalaya promises top-tier visual storytelling that ignites imaginations while amplifying diverse voices in cinema.

 

 

 

Full-Length Films in Competition:

ALIPATO AT MUOG by JL Burgos
AN ERRAND by Dominic Bekaert and Sarge Lacuesta
TUMANDOK by Arlie Sweet Sumagaysay and Richard Jeroui Salvadico
BALOTA by Kip Oebanda
GULAY LANG MANONG (NO MORE THAN VEGGIES) by BC Amparado
KANTIL (TRENCH) by Joshua Caesar Medroso
KONO BASHO by Jaime Pacena II
LOVE CHILD by Jonathan Jurilla
THE HEARING by Lawrence Fajardo and Honee Alipio
THE WEDDING DANCE by Julius Lumiqued

 

 

Short Feature Films in Competition:

ABOGBAYBAY by P.R. Monencillo Patindol
ALL THIS WASTED SPACE by Cris Bringas
AMBOT WALA KO KABALO UNSAY I-TITLE INI by Rey Anthony Villaverde
CROSS MY HEART AND HOPE TO DIE by Sam Manasca
I WAS WALKING ON THE STREETS OF CHINATOWN by Ryan Capili
MAMA by Alexandra Brizuela
MARIPOSA by Melanie Faye Tampos
PAMALANDONG SA DANOW (REFLECTION IN THE MARSH) by Breech Asher Harani
PRIMETIME MOTHER by Sonny Calvento
THE RED TRAILS (AN BAGA SA DALAN) by Mariel Ritchie Jolejole and Roniño Dolim

 

 

A New Venue for a Continuing Legacy

 

Amidst the ongoing rehabilitation of the CCP Main Building, the Cultural Center of the Philippines (CCP) and the Cinemalaya Foundation, Inc. proudly bring this cinematic feast to Ayala Malls Manila Bay. For over two decades, Ayala Malls has steadfastly supported CCP and Cinemalaya as a valued partner.

 

 

During its 10-day run, Cinemalaya films in competition and exhibitions will be screened at Cinema 2, Cinema 8, Cinema 9, and Cinema 10. These screenings secure a safe space for independent filmmakers to tell their stories and share perspectives on issues shaping the nation, while propelling the Philippine cinema industry to new heights.

 

 

For more information, visit the CCP website and the Cinemalaya website. Follow the official CCP and Cinemalaya Facebook pages and other social media accounts on X, Instagram, and TikTok.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Kung hindi naging isa sa singer ng SB19: STELL, malamang nagwo-work sa barko bilang isang cook

Posted on: July 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

EXTRA special daw ang GMA Gala 2024 on July 20 para sa JulieVer loveteam nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz dahil iyon din ang 35th birthday ng actor.

 

 

“Tumama on Ray’s birthday kaya parang big celebration iyon for him. May instant birthday party siya na star-studded pa,” tawa ni Julie.

 

 

 

Ready na raw ang isusuot ni Rayver at wala pa siyang clue kung ano ang isusuot ni Julie sa gala.

 

 

“Sinisikreto pa, e. Pero confident naman ako kay Juls kasi pasabog ang mga gowns niya parati. Lagi naman kaming coordinated sa tulong ng stylist namin,” sey ni Rayver.

 

 

Muling ring magkasama sa Sparkle World Tour 2024 ang JulieVer at inaabangan na sila ng kanilang fans sa California sa August kunsaan kasama nila sina Alden Richards, Isko Moreno, Boobay at Ai-Ai delas Alas.

 

 

“Sobrang excited talaga ako whenever I performed for our fellow kababayans abroad, kasi gusto ko na nadadala ko ‘yung Pilipinas sa kanila,” sey ni Julie.

 

 

Sey ni Rayver na mabenta sa Pinoy fans ang mga duet nila ni Julie: “Solid ang mga prod numbers especially kapag may duet kami ni Juls kasi hands-on si Juls kapag may duets kami.”

 

 

***

 

 

KUNG hindi raw naging singer si Stell Ajero ng SB19, malamang daw ay cook siya sa barko.

 

 

Paliwanag ni Stell, na-inspire daw siya noon sa Korean drama na Baker King: “Na-inspire ako, parang gusto kong mag-bake. Hanggang sa nag-decide ako na try ko mag-HRS.”

 

 

Ngayon ay di na kailangan magpawis sa kusina si Stell dahil isa na siya sa hinahangaan na singers ng kasalukuyang henerasyon.

 

 

Abala ngayon ang “Room” singer sa magiging concert nila ni Julie Anne San Jose na JulieXStell: Ang Ating Tinig, on July 27 at 28 sa New Frontier Theater.

 

 

Nabuo ang tandem nila dahil sa kanilang pagiging coach sa The Voice Philippines last year.

 

 

***

 

 

PUMANAW na ang isa sa beloved Hollywood star na sumikat noong ‘70s and ‘80s na si Shelley Duvall.

 

 

Duvall was 75 and died in her sleep sa kanyang bahay sa Blanco, Texas last July 11. Ayon sa kanyang life partner na si Dan Gilroy na nakipaglaban ito sa sakit na diabetes at noong 2016 ay nagkaroon ito ng mental illness.

 

 

Unconventional ang physical beauty ni Duvall dahil sa kanyang payat na katawan at mga bilugang mata. Dahil sa quirky looks kaya siya napiling gumanap bilang si Olive Oyl sa live-action adaptation ng cartoons na Popeye in 1980.

 

 

Di malilimutan ng horror film fans si Duvall dahil sa pagganap niya as Millie sa The Shining (1980) kunsaan napanalunan niya ang best actress award sa Cannes Film Festival.

 

 

Ang iba pang pelikula ni Duvall ay Brewster McCloud, Annie Hall, 3 Women, Time Bandits, Frankenweenie, Changing Habits, Homes Fries, The Portrait of a Lady, Roxanne at Nashville. Huli siyang napanood sa The Forest Hills in 2022.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Sa kabila ng kinahinatnan ng relasyon nila: BEA, grateful pa rin lalo na sa beautiful memories with DOMINIC

Posted on: July 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LABIS ngang ikinatuwa ni King of Talk Boy Abunda ang pagpayag ni Bea Alonzo para ma-interview sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.

 

 

 

Sa pagsisimula ng naturang talk show, ipinakilala ni Kuya Boy si Bea at mukhang magyayakapan ang dalawa para magbatian ngunit hindi natuloy kaya naupo na lang sila.

 

 

Say ni Kuya Boy, “This is an interview that people thought would never happen,” panimula ni Tito Boy.

 

 

“I know,” tugon naman ni Bea.

 

 

“So let me start by saying that may I have a consent to hug you?” tanong ng host kay Bea.

 

 

“Tito Boy, ang hug hindi na pinagpapaalam pa,” sagot naman ng aktres, kaya nagyakapan sila ng mahigpit.

 

 

Unang inusisa ni Kuya Boy kung kamusta na si Bea.

 

 

“Um, I’m just really enjoying my life. I guess I’m embracing the uncertainty. Kasi na-realize ko, minsan marami tayong plano sa buhay natin, pero God’s plans are always better.

 

 

“And so I’m just here to embrace the uncertainty kung ano yung nakalaan para sa akin,” say ng Kapuso actress.

 

 

Matatandaang early this year ay naghiwalay sina Bea at dating mapapangasawa na si Dominic Roque.

 

 

“Well, I’ve always known I am resilient but I didn’t know I’m this resilient,” ani Bea.

 

 

“Yes, it made me stronger. And na-realize ko at natutunan kong i-cancel talaga ‘yung mga noise na hindi kailangan sa buhay ko.

 

 

“And just accept or embrace, again, the magic word, those opinions that add value to my life,” pagpapatuloy niya.

 

 

Matatandaan din na si Kuya Boy ang naglabas ng balita sa “Fast Talk With Boy Abunda” na naghiwalay na talaga ang dalawa base sa kanyang reliable sources.

 

 

After this, naglabas na rin ng official statement sina Bea at Dominic para kumpirmahin na tapos na ang relasyon at hindi na matutuloy ang kasal.

 

 

Kasama ang pagpuna nila sa mga ulat na kinumpirma ng ibang tao ang kanilang paghihiwalay nang walang concerned.

 

 

Kaya sa Thursday episode ng Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ni Kuya Boy, “You and I, I think, share the same idea that we should close the discussion about your past relationship. And I want to do it here, at least on behalf of myself.”

 

 

Tinanong din niya si Bea kung paano isasara ng aktres ng yugto nila ni Dominic.

 

 

“It’s so hard. I mean, that’s a very hard question. But, siguro top of mind, na naisip ko lang ngayon, maraming salamat.

 

 

“I’m grateful to all the beautiful memories and even the not so beautiful memories because it made me stronger, it made me who I am right now. Yeah. Ang hirap ng tanong!” tugon pa isa sa bida nang pinag-uusapang Kapuso Primetime series na “Widows’ War”.

 

 

Puring-puri naman ni Bea ang kasama niya sa serye na si Carla Abellana, dahil napaka-professional nito at hindi feeling primadonna.

 

 

Inamin din ni Bea, ang tindi ng sampal na natanggap niya mula kay Jean Garcia na pinupuri rin sa ‘Widow’s War’, na umabot daw sa third level.

 

 

Ramdam na ramdam daw niya ang sakit nito, kasunod na parang nagna-numb at pangatlo, parang may pins and needles na tumutusok sa pisngi niya.

 

 

Pero worth it naman at masasabi niyang nasampal na siya ng isang Jean Garcia.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Zubiri, pinuri ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan

Posted on: July 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang paglagda ng Reciprocal Access Agreement (RAA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan, at sinabing ito ay “napapanahon” upang palakasin ang defense interoperability ng dalawang bansa.

 

 

Kabilang dito ang naval training ng mga sundalong Pilipino sa paggamit ng mga barko at kagamitan na binili mula sa Japan, na layong higit pang pagtibayin ang depensa at seguridad ng Pilipinas sa rehiyong Asya-Pasipiko.

 

 

“Noong 2022, ang dating Ambassador sa Pilipinas na si Koshikawa Kazuhiko at ako ay unang nag-usap tungkol sa posibilidad ng pagsulong ng Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng ating mga bansa, at dinala ko ang ideyang ito kay Pangulong Marcos sa simula pa lang ng kanyang administrasyon,” pahayag ni Zubiri.

 

 

“Kaya’t malugod kong tinatanggap ang pagpirma na ito, at umaasa ako na magiging isang mahalagang partnership ito para sa pag-abot ng kapayapaan sa rehiyon.”

 

 

Binigyang-diin ni Zubiri na ang paglagda ng RAA ay magpapalakas sa strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Japan, na tinawag niyang isang “napakahalagang kaalyado” (invaluable ally) ng Pilipinas.

 

 

“Ang Japan ay isang napakahalagang kaalyado at ang kanilang tulong ay mahalaga sa modernisasyon ng ating Coast Guard at Navy. Sa pamamagitan ng RAA na ito, maaari pa nating palakasin ang ating capacity-building sa pamamagitan ng mga joint military exercises,” kanyang idineklara.

 

 

Patuloy na itinutulak ni Zubiri ang RAA sa iba’t ibang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng Japan, tulad ng pagbisita ni Pangulong Marcos sa Japan noong Pebrero 2023 at ang sariling parliamentary visit ng Senado sa Japan noong Abril 2023, kung saan nakipagkita sila kay Prime Minister Kishida Fumio.

 

 

Sa imbitasyon ni Zubiri, pumunta naman ang Prime Minister sa Pilipinas noong Nobyembre 2023 upang magbigay ng makasaysayang talumpati sa patakaran sa isang joint session ng Philippine Congress.

 

 

Sa talumpating ito, kinumpirma niya na siya at si Pangulong Marcos ay magkasundo sa pangangailangan na itaguyod ang RAA.

 

 

“Ang ating pagpupursige ay nagbunga na, at ngayon ay maaari na nating asahan ang mas pinatibay na seguridad at kooperasyon sa depensa sa ilalim ng RAA,” ani Zubiri.

 

 

Ang Japan-Philippines RAA ay isang kasunduan na nagtatakda ng mga pamamaraan para sa mga kooperatibong aktibidad na isinasagawa ng mga puwersa ng Japan at Pilipinas habang ang puwersa ng isang bansa ay bumibisita sa kabilang bansa at nagtatakda ng legal na status ng puwersang bumibisita. Ang Pilipinas ang pangatlong bansa na pinirmahan ng Japan ng RAA, kasunod ng Australia at United Kingdom.

 

 

Sa tulong ng Japan-Philippines RAA, inaasahang mas mapapadali sa pagpapatupad ng mga kooperatibong aktibidad, tulad ng joint exercises at disaster relief sa pagitan ng Japan at Pilipinas at pagbutihin ang interoperability sa pagitan ng mga puwersa ng dalawang bansa.

 

 

Habang ang kalagayan ng seguridad sa rehiyon ay nagiging mas matindi, ang paglagda ng makasaysayang kasunduan na ito sa pagitan ng Japan at Pilipinas, na itinuturing bilang isang strategic juncture sa Asya, ay higit pang magpapalakas sa kooperasyon sa seguridad at depensa sa pagitan ng dalawang bansa at matibay na susuporta sa kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads July 13, 2024

Posted on: July 13th, 2024 by @peoplesbalita No Comments