• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 18th, 2024

Ads July 18, 2024

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Online sellers sinimulan nang patawan ng buwis

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SINIMULAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR).ang pagpapataw ng withholding tax sa mga online sellers.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ay batay sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 79-2024 na ipinalabas ng ahensiya.
“Electronic Marketplace Operators will begin imposing Withholding Tax against their sellers/merchants starting July 15, 2024. We have already extended this by 90 days. No further extensions will be given,” pahayag ni Lumagui.
Una nang binigyan ng BIR ng 90 araw na palugit o dalawang buwan ang mga online sellers para sa natu­rang pagbubuwis.
Saklaw ng kautusan ng BIR ang mga online sellers na nagsasagawa ng negosyo sa electronic marketplace gaya ng Lazada at Shopee.

Dalawang Tulfo, dating Pangulong Digong Duterte sa senatorial winning circle- Pulse Asia poll

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NASA ‘winning circle’ ang dalawang Tulfo at si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte sa June 17-24, 2024 Pulse Asia Survey para sa 2025 Elections Senatorial Preferences.
Tinatayang 58% ng survey respondents ang pumili kay broadcaster na naging ACT CIS Rep. Erwin Tulfo, dahilan para makopo niya ang unang puwesto, sinundan ito ni dating Senate President Vicente Sotto III na nasa pangalawang puwesto na may 50.4%.
Sumunod sina Senator Pia Cayetano na may 42.7% at ang kapatid naman ni Cong. Erwin Tulfo na si Ben Tulfo ay humamig ng 40.9%.
Nakakuha naman ng 38.7% si dating Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte habang si Senator Christopher “Bong” Go ay 36.6%.
Si Senator Imee Marcos ay nakakuha ng 33.8%, dating senador Manny Pacquiao 33.5%, dating senador Panfilo Lacson 32.2%, dating Manila Manila Mayor Isko Moreno 31.7 % at Senador Ronald dela Rosa na may 31.3%.
Si Senator Ramon “Bong” Revilla na may 29.9% ang magsasara ng winning circle.
Naka-abang naman sa labas ng Magic 12 sina dating congresswoman Vilma Santos Recto, Senator Lito Lapid, dating Senator Kiko Pangilinan, Makati Mayor Abby Binay, broadcaster Ted Failon, at dating Senador Gregorio Honasan.
Samantala, itinanggi naman ni Digong Duterte ang pahayag ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na plano niyang tumakbo sa pagka-senador kasama ang kanyang dalawang anak na si Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Sebastian Duterte sa halala sa susunod na taon.
Ang mga batang Duterte ay bahagi ng survey. si Sebastian Duterte ay mayroong 14.9% na may rank na 20-28 habang si Paulo Duterte naman ay mayroong 13.8% na may rank na 21-30.
Ang pangatlong Tulfo na si Raffy, isa ring broadcaster, ay isa ng Senador na magsisilbi hanggang 2028. (Daris Jose)

Online sellers sinimulan nang patawan ng buwis

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN na ng Bureau of Internal Revenue (BIR).ang pagpapataw ng withholding tax sa mga online sellers.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ay batay sa Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 79-2024 na ipinalabas ng ahensiya.
“Electronic Marketplace Operators will begin imposing Withholding Tax against their sellers/merchants starting July 15, 2024. We have already extended this by 90 days. No further extensions will be given,” pahayag ni Lumagui.
Una nang binigyan ng BIR ng 90 araw na palugit o dalawang buwan ang mga online sellers para sa natu­rang pagbubuwis.
Saklaw ng kautusan ng BIR ang mga online sellers na nagsasagawa ng negosyo sa electronic marketplace gaya ng Lazada at Shopee.

MV ng ‘Cherry on Top’, higit 8 million views na: BINI, nag-trending na naman dahil sa pagbatikos sa kanilang outfit

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-TRENDING nga ang sikat na Pinoy girl group na BINI dahil sa pagbatikos ng ilang netizens.

Isang video ang nag-viral na ipinost sa isang P-pop group kung saan makikita ang members ng BINI na naka-cap, shades, at face masks, na napaliligiran ng kanilang security escorts nang dumating sa Mactan-Cebu International Airport.

May mga netizen na nagkomento na napaka-OA raw ang get-up ng mga ito kumpara sa mga mas sikat sa kanila na katulad ni Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

“Ka-OA ba, feeling na sikat na sikat ahahaha KPOP na KPOP. Balutin niyo rin (mukha) niyo sa concert ha, para tapunan kayo ng kamatis ng mga taga-Cebu,” komento ng isang netizen patungkol sa BINI.

Isa pang netizen ang ikinumpara ang Ppop group sa asawa ni Matteo Guidicelli.

“(Sarah) continues to meet the expectations of her supporters and fans with her humility. She never acts like a ‘disney princess,’ whether at the airport or as a guest at events. Her humility sets her apart from others. I hope BINI will follow her example,” kasama ang photos nina Sarah at ng BINI, kuha sa airport.

May nagtanggol naman na ibang netizens at fans ng BINI at sinabing normal lang naman ang suot nila at baka nag-iingat lang sa kanilang health. Lalo pa nga’t matao ang airport at puwede pa rin silang makakuha ng virus.

Say pa ng kanilang fan, “Pag may mask, feeling sikat. Pag wala at nakitang walang makeup at mukhang pagod, todo okray naman sa looks. You really can’t win with people na epal at mema lang.”

Samantala, trending din ang newest music video ng BINI na “Cherry On Top”, dahil ilang oras pa lang ilabas ito noong July 11 ay nakakuha na ito ng mahigit one million views!

At wala pa ngang isang araw ay na-top trending na ito sa YouTube!

Kahapon nang i-check namin at higit 8 million views na ito after six days.

Nakipag-team up talaga ang BINI sa ilang sikat na K-Pop producers upang mabuo ang “Cherry On Top.”

Nakipag-collaborate sila kina Skylar Mones at Shintaro Yasuda.

Ang newest single ng BINI ay kasama upcoming album nila, ayon ng ABS-CBN Music head na si Roxy Liquigan.

Katatapos nga lang ng “BINIverse: The First Solo Concert” last month, at kasama sila matagumpay na Thanksgiving Concert ng Puregold last July 12.

Pero dapat paghandaan ng Blooms ang next concert nila sa October 4 na gaganapin sa Araneta Coliseum, Quezon City.

(ROHN ROMULO)

Ryan Reynolds’ Wade Wilson Meets His Own Variants in New ‘Deadpool & Wolverine’ Trailer

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ONLY a few days away from Marvel Studios’ only movie of 2024, promotion has officially entered its final stage.

The official Marvel X account unveiled a new trailer for Deadpool & Wolverine which is composed of almost entirely new footage, and also reveals new looks at two characters confirmed to appear in the film.

A previous trailer teased the first look at Lady Deadpool, but the new trailer continues this trend by starting with the same shot and then moving even further up, stopping just short of the anti-heroine’s face.

The trailer also shows brief looks — comparable to the aforementioned first Lady Deadpool trailer — at Cowboy Deadpool in Deadpool & Wolverine, showing a pair of cowboy boots and an old-fashioned western holster on the side of the Merc with a Mouth’s unmistakable red suit.

The new trailer also features Ryan Reynolds’ Wade Wilson making several jokes at Wolverine’s expense, not least of which is him proclaiming that “Disney brought him back, and they’re gonna make him do this until he’s 90.”

There’s also plenty of new dialogue from Yukio and Negasonic Teenage Warhead (or Longest Name Ever, whichever you prefer) where both them and Wolverine (Hugh Jackman) tease him about his hair piece. While mostly compiled of new footage, the trailer is a mash up of different jokes and puns showing that no one in this movie is safe from being teased.

This particular trailer doesn’t spoil any major cameos for the film, but those looking to go in completely blind would still do good to avoid it if they want to experience everything fresh for the first time.

After being absent from San Diego Comic Con last year due to the WGA and SAG-AFTRA strikes, Marvel is returning to Hall H like they never have before. In addition to hosting a normal panel revealing information about new and confirmed projects, Marvel will also hosts Deadpool & Wolverine specific panel on Thursday to celebrate the film premiering worldwide.

Both stars Reynolds and Jackman will be in attendance, with director Shawn Levyand Marvel CEO Kevin Feige also taking the stage to promote the film. MCU fans have been waiting all year for another Marvel movie in theaters, and that wait is now almost officially over.

Deadpool & Wolverine slices into theaters on July 24, two days advance in the US and other countries. Check out the new teaser above and look below to find showtimes near you. (Source: collider.com)

(ROHN ROMULO)

VP Sara Duterte, nilinaw na hindi biro ang pahayag niya na ‘designated survivor’ at hindi pagdalo sa SONA

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NILINAW  ni Vice President at dating Education Secretary Sara Duterte na hindi siya nagbibiro at hindi bomb threat ang sinabi niya na itatalaga niya ang kaniyang sarili bilang designated survivor.
Inihayag ito ng bise presidente kasabay ng ginanap na Brigada Eskwela National Kickoff sa pangunguna ng SDO Cebu Province ng Region VII kanina.
Ayon sa kay Duterte, marami ang nakaligtaan kung ano ang pinupunto niya. Kaya para sa kaniya, kung hindi umano naintindihan ang pahayag niya sa unang pagkakataon, hindi na karapat-dapat na ipaliwanag pa.
”Karon rako nakakita nga kanang Vice President nga ginapangita ang ilang attendance sa tanan nga mga butang. Dili to siya joke. Dili pod to siya bomb threat.”
Una nang iniulat na sinabi rin ng pangalawang pangulo na hindi siya dadalo sa July 22 SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil itinatalaga niya ang kaniyang sarili bilang designated survivor.
Sa U.S., ang designated survivor ay itinatalaga kung ang Presidente ay makikipagpulong sa lahat ng opisyal, kasama ang mga constitutionally designated successors gaya ng Vice President, Senate President, House Speaker at Supreme Court Chief Justice.
Sakaling may maganap na malagim na insidente na maaaring ikamatay ng Presidente at lahat ng successors, awtomatikong manunumpa ang sinumang Cabinet member na designated survivor bilang Presidente. (Daris Jose)

College graduates, hindi lang para kumita kundi para mabuhay ng matagal- Recto

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Finance Secretary Ralph G. Recto na ang ‘college diploma’ ay hindi lamang isang piraso ng papel dahil maaari itong makadagdag ng pitong taon sa pag-asang mabuhay.
Aniya, nakatutulong ang higher education na mapahusay ang mahabang buhay at overall well-being at karagdagan sa financial rewards nito.
Sa kamakailan lamang na naging talumpati ni Recto sa mga opisyal ng state universities and colleges, napukaw ang atensyon ng Kalihim sa hindi inaasahang benepisyo na darating sa pagsusulong ng higher education.
“A college graduate also enjoys a longer life expectancy, living seven years more on average from age 25. His likelihood of being in good health is 44 percent greater,” ang sinabi ni Recto sa 2024 Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) annual convention at general assembly.
“A college diploma may not make one as rich as Elon Musk. But it is a tried-and-tested ticket out of poverty–towards a life of prosperity and health,” aniya pa rin, sabay sabing mas maraming manggagawa na may college diplomas ang maaaring makapagpahusay ng ekonomiya ng bansa.
Tinuran pa ni Recto na ang pagkakaroon ng college education ay mayroong ‘higher rate of return’ kumpara sa kung ano ang maiaalok ng Bangko at stocks, maaaring magbunga ng 15%.
“Another study reveals that a college graduate’s chances of unemployment are 2.2 times lower compared to a high school graduate. His likelihood of securing a retirement plan through employment increases by 72 percent,” anito.
Tinukoy nito ang World Bank study kung saan tinatayang 17% ang itinaas sa kita para sa mga college degrees, ang pinakamataas kumpara sa mayroong primary at secondary education lamang.
“The biggest chunk of the P5.767 trillion budget for this year went to the education sector with P969 billion, up by 8.2 percent from the previous year,” ayon kay Recto.
Sinabi pa nito na ang SUCs ay mayroong double-digit increase sa funding ng 19.3% hanggang 132.9 billion pesos ngayong 2024, kabilang na ang P21.7 billion allotment para sa free tertiary education para sa mahigit na 3.1 million students sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Para mapunan ito, sinabi ni Recto na prayoridad din ng gobyerno ang ‘social protection, food security, at physical infrastructure’ para matiyak na ang mga Filipino ay “not just well-educated but are healthy and thriving.”
“This year, the government is spending around P440 billion on social protection programs, P221.7 billion on the agriculture sector, and P1.47 trillion on infrastructure projects including disaster-resilient school buildings,” ayon kay Recto sabay sabing ‘[R]ail projects like the upcoming Metro Manila Subway and the LRT-1 Cavite Extension will dramatically help students within the metro and nearby provinces to travel seamlessly to university areas.”
Hinikayat naman ni Recto ang SUCs na pangunahan na itaas ang ‘competitiveness’ ng educational institutions ng bansa na makapagpo-produce ng AI-ready graduates para sa bagong ekonomiya.
“Rest assured, the DOF stands ready to support the PASUC every step of the way in nurturing a new generation of healthy, smart, and globally competitive Bagong Pilipino,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Pedicab driver tiklo sa P204K droga sa Valenzuela drug bust

Posted on: July 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MAHIGIT P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa isang pedicab driver na sangkot umano sa pagtutulak ng ilegal na droga nang matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng umaga.
          Kinilala ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong suspek na si alyas ‘Dagul’, 42, at residente ng Brgy. Balangkas.
Sa kanyang report kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, sinabi ni Capt. Dorado na nakatanggap ng impormasyon ang kanyang mga tauhan hinggil sa umano’y pagbebenta ng illegal na droga ng suspek.
Bumuo ng team si Capt. Dorado sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos umanong bintahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-7:00 ng umaga sa Kabesang Imo at Bignay Sts., Brgy. Balangkas.
Ayon kay Lt. Llave, nakumpiska nila sa suspek ang humgi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P204,000, buy bust money na isang P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money, P200 recovered money, cellphone at coin purse.
Sinabi ni PMSg Carlos Erasquin Jr na sasampahan nila ang suspek ng kasong pagpabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.(Richard Mesa)