NAG-VIRAL ang performances nina Celine Dion at Lady Gaga sa opening ceremony ng Paris 2024 Olympics.
Si Lady Gaga ang nagbukas ng ceremony with a rendition of Zizi Jeanmaire’s “Mon Truc En Plumes” habang nasa stairs ng Seine River. Surrounded by pink feathers, Lady Gaga kicked on a chorus line and played on a piano.
Si Celine naman ang nag-close ng opening ceremony performing “L’Hymne à l’amour” by the French singer Édith Piaf, from a stage at the base of the Eiffel Tower.
Nag-perform din sa opening ceremony ang French-Malian pop star Aya Nakamura.
Kabilang ang 22 athletes mula sa Pilipinas na pumarada sa sarili nilang yacht along the Seine River. Sinuportahan sila ng maraming Pinoy na naka-base sa France at iba pang bansa sa Europe.
***
SUMAMA ang ilang Sparkle artists sa ‘Operation Bayanihan’ na isinagawa ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) para sa mga kababayang apektado ng matinding pagbaha dulot ng habagat at Super Typhoon Carina noong Huwebes, July 25.
Kabilang sina Rocco Nacino, Lexi Gonzales, Ysabel Ortega, Shuvee Etrata, Kim Perez, Elijah Alejo, Ashley Ortega, Mariane Osabel, Faith Da Silva, Jayson Gainza at Olive May sa Sparkle artists na nag-volunteer sa Tandang Sora warehouse.
Nag-volunteer naman sa Unang Hirit Studio, na isa sa relief drive locations ng Kapuso Network, sina Angel Leighton, AZ Martinez, Kaloy Tingcungco, at Saviour Ramos. Kasama naman ni Shaira Diaz ang kanyang co-host sa Unang Hirit na si Suzie Entrata-Abrera na namahagi ng relief goods para sa mga pamilyang pansamantalang lumikas sa evacuation center sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
Inanunsyo rin ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang social media accounts na ang proceeds at donations galing sa GMA Gala ay mapupunta sa mga nasalanta ng Super Typhoon Carina in coordination with GMA Kapuso Foundation.
Sa mga gusto pang magpadala ng tulong, maaaring mag-deposit sa official bank accounts ng GMA Kapuso Foundation o magpadala sa Cebuana Lhuillier. Pwede ring online via GCash, Shopee, Lazada, at Metrobank Credit Cards. Para sa kumpletong detalye, bisitahin ang www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.
***
HINDI makapaniwala ang Sparkle hunk na si Raheel Bhyria na ang unang movie niya na ‘Balota’ ay official entry sa 2024 Cinemalaya.
“Every time na naiisip ko ‘yun na parang… sobrang blessed ko lang na napasama ako sa Balota kasi si Direk Kip Oebanda, napakagaling, working with Ms. Marian Rivera, ang dami ko pong natutunan. So ayun, just blessed,” sey ni Raheel na unang pinakilala bilang isa sa Sparkada ng Sparkle GMA Artists Center noong 2022.
Lumabas na ang 22-year old Fil-Pakistani sa mga Kapuso shows na Luv Is: Caught In His Arms, Abot-Kamay Na Pangarap, Zero Kilometers Away, Magpakailanman at Daig Kayo Ng Lola Ko.
(RUEL J. MENDOZA)