• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 1st, 2024

GMA Public Affairs’ first investigative docu film “Lost Sabungeros” marks world premiere at Cinemalaya

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HIGHLY regarded for its award-winning documentaries, GMA Public Affairs is taking the genre to another level as it presents its first-ever investigative documentary film, “Lost Sabungeros” – set to premiere at the 2024 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival this August.

 

 

 

 

Directed by Bryan Brazil, “Lost Sabungeros” aims to investigate and find answers regarding the disappearances of over 30 sabungeros who have been abducted in various incidents since 2021.

 

 

 

 

When the COVID-19 pandemic shut down all cockfighting arenas in the Philippines, the century-old gambling bloodsport moved online and grew into a money-making machine overnight, creating instant millionaires. But things took a shocking turn when more than 30 men disappeared without a trace. In nine months, groups of cockfighters disappeared in three major arenas, while others were abducted in their homes or on the road. Months after the serial disappearances, not one has been found—dead or alive.

 

 

 

“Lost Sabungeros” documents some of the lives of people whose world has been turned upside down because of the bloodsport.

 

 

 

One of them is a father who has been a longtime sabungero. He has built his empire around cockfighting. Little did he know that the world he has been living in would cost him the life of his son, who was a driver for cockfighters.

 

 

 

Meanwhile, a woman watches as her partner, an e-sabong agent earning millions, gets snatched away right in front of her.

 

 

 

The team behind the docu-film also meets another woman whose brother works as a gaffer in a cockfighting arena. One day, her brother disappears with no trace. She later discovers her brother’s belongings inside an abandoned van.

 

 

 

“Lost Sabungeros” is one of the most dangerous and courageous investigative documentaries that GMA Public Affairs has produced to date. Reports of unidentified individuals observing the team and case studies during filming have surfaced. The families of the missing sabungeros are understandably cautious, expressing concerns for their safety and the potential risk of being targeted for abduction.

 

 

 

Despite these perils, they still choose to come forward, disregarding potential threats and peril. They want to uncover the truth behind the disappearances of their loved ones in what has been described as a “perfect crime” by no less than a Philippine Senator.

 

 

 

“Hindi naging madali ang proseso sa pagbuo ng dokumentaryo dahil ilang taon din sinundan ng team ang mga karakter sa kanilang paghahanap sa kanilang mahal sa buhay. Para sa akin, mahalagang mapanood ito ng ating kababayan dahil hindi lang ito kuwento ng mga sabungero, pinapakita rin nito ang matagal ng problema ng ating bansa, ang kawalang hustisya o culture of impunity na kalimitang binibiktima ang mahihirap at walang boses. (The process of creating the documentary was not easy, the team spent several years following the characters in their search for their loved ones. In my view, it is crucial for our fellow citizens to watch the film, as it explores not just the story of cockfighters but also exposes the long-standing issues of our country — the lack of justice and the culture of impunity that often victimizes the poor and voiceless.),” Brazil said.

 

 

 

Brazil is a homegrown GMA Public Affairs executive producer and director who has already won in the New York Festivals for his work in “The Atom Araullo Specials,” “Stand For Truth,” and “Brigada.” He also directed the EBS International Documentary Festival Winner “My Little Dancing Shoes,” which won the Tokyo Doc’s ‘Colours of Asia 2018’ Award.

 

 

 

The highlight of “Lost Sabungeros” is the three whistleblowers who came forward to share their knowledge about the crimes allegedly committed by those who abducted the missing sabungeros.

 

 

 

Produced by GMA Public Affairs and GMA Pictures, “Lost Sabungeros” will premiere at the 20th Cinemalaya Independent Film Festival on August 8, 5 PM, at Ayala Mall Manila Bay Cinema 2.

 

Mas gugustuhing siya ang mauna: HEART, hindi kakayanin ‘pag nawala ang asawang si Sen. CHIZ

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Kapuso Global Fashion Icon Heart Evangelista na hindi niya kakayaning mabuhay kung wala ang kanyang asawa na si Senator Francis “Chiz” Escudero.

 

 

 

“Yes, because it’s a cruel world. Ayan nanaman ako, cruel, it is, it’s a mean world and without Chiz, I don’t know how I will survive because he’s my everything.

 

 

 

Of course, God’s my everything naman. Mauna na lang talaga ako.”

 

 

Kuwento ni Heart tungkol sa kalusugan ni Chiz: “He’s very good, he’s super good now. He had an episode. I mean it was an episode, it was a scary episode, but it was a wake-up call for all of us to just really make sure that health is wealth, I mean it is. And now, he’s doing very good. Everything is perfect. And I make sure na perfect kasi if he goes, I go. If you jump, I jump, I swear. Ako na lang mauna, hindi ko talaga kaya. Hindi ko talaga kaya, hindi talaga.”

 

 

Bilang presidente naman ng Senate Spouses Foundation Inc., sey ni Heart na nangangapa pa siya.

 

 

“It’s very tough. It’s also very tough for me because I have a lot of questions, I don’t know what to do, I’m scared, but ayoko din naman siyang abalahin pa so I just have to trust my intuition and my heart that I mean well and I’ll do my best.”

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Nadal natapos na ang kampanya sa Olympics matapos talunin ni Djokovic

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS na ang kampanya ni Rafael Nadal sa Paris Olympics matapos talunin siya ni Novak Djokovic sa second round.

 

 

 

 

 

Sa simula pa lamang ng laro ay ipinamalas ni Djokovic na dominado nito ang laban at nakuh aang 6-1, 6-4 na panalo.

 

 

 

Ito na ang itinuturing na huling laban ni Nadal sa Olympics at maaring tuluyan na siyang magretiro sa paglalaro.

 

 

 

Huling nagkaharap kasi ang dalawang noong 2022 French Open at mula noon ay madalang na maglaro si Nadal dahil sa mga injury.

Eumir Marcial emosyonal sa pagkatalo laban sa mas batang Uzbek boxer

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NABIGO si Pinoy boxer Eumir Marcial sa men’s 80 kgs. sa nagpapatuloy na Paris Olympics.
Nakuha ng nakalaban nitong si Turabek Khabibullaev mula sa Uzbekistan ang unamous decision.
Sa unang round pa lamang ay ginamit ng Uzbekistan boxer ang kaniyang tangkad at haba ng kamay para makuha ang score mula sa limang judges.
Pinilit ng 28-anyos na si Marcial na makahabol subalit naging mailap at mabilis ang pag-iwas ng 20-anyos na Uzbekistan boxer.

Pinay swimmer Kayla Sanchez bigong makausad sa finals

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BIGONG makausad sa finals ng women’s 100 meter freestyle si Pinay swimmer Kayla Sanchez.
Nagtapos lamang kasi ang Filipino-Canadian sa pang-pito sa group at pang-15 sa overall ng semifinals.
Umabot sa 54.21 segundo ang kaniyang naitalang oras sa nasabing torneo.
Magugunitang nakapasok si Sanchez sa semis matapos makuha ang pang-10 puwesto sa overall sa heats category.

Petecio naka-usad na sa susunod na round ng women’s 57 kgs. boxing

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAGI si Pinay boxer Nesthy Petecio sa women’s 57 kgs. round of round sa nagpapatuloy na Paris Olympics.
Nakuha ni Petecio ang unanimous decision laban kay Jaismine ng India sa laban nila nitong madaling araw ng Hulyo 31.
Mula sa una hangang sa last round ay dominado ni Petecio na silver medalist noong Tokyo Olympics ang laban.
Sinabi nito na pinag-aralang mabuti nito ang mga galaw ng Indian boxer at desidido nito na makakuha ng gintong medalya.

After ng post sa IG story ng anak… Mayor FRANCIS, ipinagdiinang walang relasyon sina AMANDA at DANIEL

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGSALITA na ang First Daughter ng San Juan na si Amanda Zamora na patuloy na nali-link kay Daniel Padilla.

 

 

 

Hindi na nga bago ang Star Magic talent sa mata ng publiko dahil napanood na ito sa ‘Pinoy Big Brother Connect’ noong 2021.

 

 

 

At ngayon nga ay muling pinag-uusapan ang only daughter ni Mayor Francis Zamora nang pagpiyestahan ng netizens na siya raw bagong babae na ni DJ at pinalit daw kay Kathryn Bernardo.

 

 

Last Tuesday ay binasag na ni Amanda ang kanyang katahimikan tungkol sa isyu sa kanila ni Daniel sa kanyang Instagram story.

 

 

Pakiusap niya, “I kindly ask everyone to stop spreading baseless rumors and fake news where I am in no way associated with.

 

 

“May we be kinder in words towards one another and practice discernment, especially on the internet.”

 

 

Samantala, kahapon (July 31) si Mayor Zamora naman ang nakunan ng pahayag tungkol sa isyu.

 

 

Isa siya sa special guests sa launch ng CHARM by Dr. Joel Lopez, MD na ginanap sa South Wing Atrium, Greenhills Mall, na kung saan matatagpuan din ang wellness and longevity clinic.

 

 

Panimula ni Mayor Francis, “my daugther has been single all her life, sa totoo lang, kahit hindi kayo maniwala. Alam ko ho yan.

 

 

“She’s 23 years old and now focused in her studies. In fact, nasa America siya ngayon. Sa September, magsisimula na siya sa kanyang masters in Marketing.

 

 

“Kaya yun nagsasabi na sila, ako na po ang nagsasabi na hindi po totoo. I’m aware na there are showbiz personalities who are trying to link them together, wala pong katotohanan yan.

 

 

“Kung meron mang nagsi-circulate na pictures and trying to make it appear na sila po, ako na nagsasabi na hindi totoo.”

 

 

Paglilinaw pa ni Mayor Francis, “si Daniel Padilla ay kaibigan ko since 2017 at nagbukas kami ng negosyo dito sa Greenhills and up to now ay bukas pa po.

 

 

“We remain good friends. That’s why I’m very honored na ako ang napili ng kanilang pamilya na mamuno sa kasal ni JC at kinuha rin akong ninong.

 

 

“Si Karla Estrada ay matalik na kaibigan at ang kaibigan ni Amanda ay si Magui (Ford), sa totoo lang.”

 

 

Ano naman ang first reaction ng anak niya sa naturang isyu?

 

 

“We all know naman na hindi totoo yan, kaya smile na lang kami. Bahagi naman yang isyu sa buhay namin, tulad ako sa pulitika, ganyan din sa showbiz.

 

 

“Kaya gina-guide ko lang siya. Sabi ko, hindi natin mako-control ang iisipin ng ibang tao, dahil alam naman namin na hindi totoo.”

 

 

Natawa naman si Mayor Francis, sa tanong kung sakaling manligaw nga si Daniel, dahil hindi raw niya nakikita na mangyayari yun.

 

 

***

 

 

ADBOKASIYA ng CHARM BY DR. JOEL LOPEZ, MD ang mag-offer ng comprehensive wellness.

 

 

“CHARM stands for Center for Healthy Aging and Regenerative Medicine,” paliwanag ni CHARM Chief Executive Officer and Medical Director Dr. Joel Lopez sa naturang grand launching.

 

 

“We are dedicated to helping you embrace the beauty of healthy aging and regenerative medicine. Our approach combines the art of aesthetic enhancement with the science of rejuvenation.”

 

 

Ipinakita rin ni Dr. Lopez ang OligoScan sa publiko. Ito ay isang rebolusyonaryong pamamaraan ng pagsubok ng mineral status at potensyal na mabigat na metal toxicity. Nagsalita din siya tungkol sa malusog na pagtanda, pamumuhay ng iyong pinakamahusay na buhay habang ikaw ay tumatanda.

 

 

Ito ay sumasaklaw sa pagpapanatili ng pisikal. hental, at emosyonal na kagalingan habang umaangkop sa mga natural na pagbabago na nangyayari sa edad.

 

 

“Our team of experts understands the unique needs and desires of individuals who wish to age gracefully, and we offer personalized solutions to help you look and feel your best at every stage of life.”

 

 

Tinalakay din niya ang regenerative medicine, na isang cutting-edge field na ginagamit ang natural healing ability ng katawan upang maibalik at muling buuin ang mga nasirang tissue.

 

 

“We aim to optimize your body’s regenerative potential, by leveraging innovative treatments and techniques. Whether you seek to improve the appearance of your skin, enhance joint function, promote overall wellness, our regenerative medicine services can help unlock you body’s innate ability to heal and rejuvenate.”

 

 

Pwedeng magpa-iskedyul ng konsultasyon at tuklasin ang mga posibilidad ng healthy aging and regenerative medicine sa CHARM by Dr. JOEL LOPEZ, MD na matatagpuan sa Lower Ground Floor, Greenhills Mall, San Juan.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

“Biyahe ni Drew” explores new travel goals on GMA beginning August 3

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Good news to all Kapuso travel enthusiasts! Resident Biyahero Drew Arellano goes on a new adventure as GMA Public Affairs’ long-running travel show “Biyahe ni Drew” airs on GMA starting August 3.

 

 

 

 

On this new journey, Drew invites celebrities and personalities to join him on his travel adventures. From trying out thrilling activities to sampling local delicacies, the award-winning host and his guests are bound to experience the joy of traveling around the Philippines.

 

 

 

With Drew’s signature humor and the show’s stunning visuals, viewers are guaranteed a good time in each and every episode. Furthermore, biyaheros are set to experience each travel destination as if they are actually on a trip while staying at home.

 

 

 

For the show’s first episode on GMA, Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol tours Drew around her home province of Rizal. A proud Rizaleña, she challenges Drew to a gulaman-making contest in the local market. They also try making one of Rizal’s delicacies – the mouth-watering kumanoy. And for the first time, Herlene gamely joins Drew on an off-road adventure.

 

 

 

Get your travel fix with “Biyahe ni Drew” every Saturday starting August 3, 4:45 p.m. on GMA and Kapuso Stream. Biyahe ni Drew still airs every Sunday on GTV at 8:45 p.m.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Nagpakita ng kahusayan sa ‘Pulang Araw’… CASSY, pinupuri ng netizens sa pagganap bilang young BARBIE

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ng netizens ang gumanap na batang Barbie Forteza sa epic-serye ng GMA na ‘Pulang Araw’ na si Cassy Lavarias.

 

 

 

 

Bukod daw kasi sa hawig nito si Barbie, nagpakita rin ng husay sa pag-arte ang 11-year old child actress sa unang episode pa lang. Na-capture nga raw nito ang character ni Adelina na dumaan sa maraming pagsubok sa buhay.

 

 

 

 

Ito ang second time na gumanap si Cassy na batang Barbie. Nauna ay sa ‘Maging Sino Ka Man’ last year.

 

 

 

Nagsimula sa pag-arte si Cassy nung 6-years old siya.

 

 

 

Una siyang lumabas sa teleserye na Magkaagaw bilang anak nila Jeric Gonzales at Klea Pineda. Nasundan ito ng Nakarehas na Puso, Maging Sino Ka Man at Stolen Life.

 

 

 

First movie naman ni Cassy ay ang ‘Mallari’ ni Piolo Pascual.

 

 

 

***

 

 

 

INAMIN ni Kapuso Global Fashion Icon Heart Evangelista na hindi niya kakayaning mabuhay kung wala ang kanyang asawa na si Senator Francis “Chiz” Escudero.

 

 

 

“Yes, because it’s a cruel world. Ayan nanaman ako, cruel, it is, it’s a mean world and without Chiz, I don’t know how I will survive because he’s my everything. Of course, God’s my everything naman. Mauna na lang talaga ako.”

 

 

 

Kuwento ni Heart tungkol sa kalusugan ni Chiz: “He’s very good, he’s super good now. He had an episode. I mean it was an episode, it was a scary episode, but it was a wake-up call for all of us to just really make sure that health is wealth, I mean it is. And now, he’s doing very good. Everything is perfect. And I make sure na perfect kasi if he goes, I go. If you jump, I jump, I swear. Ako na lang mauna, hindi ko talaga kaya. Hindi ko talaga kaya, hindi talaga.”

 

 

 

Bilang presidente naman ng Senate Spouses Foundation Inc., sey ni Heart na nangangapa pa siya.

 

 

 

“It’s very tough. It’s also very tough for me because I have a lot of questions, I don’t know what to do, I’m scared, but ayoko din naman siyang abalahin pa so I just have to trust my intuition and my heart that I mean well and I’ll do my best.”

 

 

 

***

 

 

 

AFTER 30 years ay nagkaroon ng reunion ang ilan sa cast ng hit US TV drama series ng ‘90s na ‘Melrose Place.’

 

 

 

Unang umere in 1992 ang ‘Melrose Place’ na tungkol sa buhay ng iba’t ibang young adults sa isang apartment complex sa West Hollywood. Nagtapos ang series in 1999.

 

 

 

Sa naganap na podcast reunion, nagkita muli sina Courtney Thorne-Smith (Alison), Daphne Zuniga (Jo), Laura Leighton (Sydney) and Grant Show (Jake). Pinanood nila ulit ang seven seasons ng MP at pinagtawanan na lang nila ang kanilang pag-arte sa iba’t ibang episodes. May ibang episodes naman daw na hindi na nila matandaan na ginawa nila.

 

 

 

Ang iba pang nakasama sa cast ng MP ay sina Heather Locklear, Marcia Cross, Kristin Davis, Jack Wagner, Thomas Calabro, Andrew Shue, Josie Bissett, Doug Savant, Vanessa A. Williams, Amy Locane, Janet Caroll, Beata Pozniak, Patrick Muldoon, Lisa Rinna, Rob Estes, Kelly Rutherford and Alyssa Milano.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA) 

Matapos tanggalin ang PNP security detail: VP Sara, humingi ng proteksyon para sa kanyang pamilya

Posted on: August 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KASUNOD nang pagtanggal sa 75 pulis na itinalaga sa kanyang security detail, nanawagan si Vice President Sara Duterte sa kanyang mga supporters at kaalyado sa Senado na tiyakin ang kaligtasan ng kanyang pamilya.

 

 

 

 

Ang panawagan ni Duterte ay matapos na hikayatin ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) personnel “who are good at unarmed combat and volunteering” na magbigay ng karagdagang security para kay VP Sara.

 

 

Gayunman, sinabi ni VP Sara na walang dapat na ikabahala ang mga ito sa kanya, at sa halip ay bigyan ng proteksyon ang kanyang ina, asawa at apat na anak.

 

 

“Huwag kayong mag-alala sa akin. At hindi ninyo kailangan mag-ambag ng pera para sa security ko. Ang pagtatrabaho sa pamahalaan ay pag-alay ng buhay para sa bayan. Alam nating lahat na bahagi ito ng serbisyo,” ayon kay VP Sara.

 

 

“Isa lang ang hiling ko sa inyo—ang kaligtasan ng aking pamilya. Huwag ninyong payagan ang anumang karahasan sa aking ina, asawa at apat na anak, personal man o sa internet. At kung sakali man, huwag ninyong palampasin ang sinumang gagawa ng kapahamakan laban sa kanila,” dagdag na wika nito.

 

 

Nauna rito, binatikos ni VP Sara si Philippine National Police (PNP) chief Police General Rommel Francisco Marbil, kasunod ng kautusan ng huli na alisin ang 75 pulis na nakatalaga sa kaniya na magbigay ng proteksiyon.

 

 

Sa open letter ni Duterte kay Marbil, sinabi ng pangalawang pangulo na inalis ang ilang tauhan ng PNP Police Security and Protection Group (PSPG) na nakatalaga sa kaniya nang magbitiw siya bilang kalihim ng Department of Education (DepEd), at paglabas ng video ng kahawig umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tila may sininghot na pulbos.

 

 

“Ang relief ng mga PNP personnel ay dumating pagkatapos ko mag-resign sa DepEd, pagkatapos ko inihambing ang SONA sa isang catastrophic event, at pagkatapos lumabas ang cocaine video,” ayon kay Duterte.

 

 

“Let us spare our people from all the lies. Let us call it what it is — a clear case of political harassment,” dagdag niya.

 

 

Ayon pa kay Duterte, pinagkakatiwalaan niya ang mga inalis na pulis dahil ilan sa kanila ay nagbigay din ng seguridad sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula noong 2016, habang ang iba naman ay security detail na niya mula pa noong 2007.

 

 

“It was obviously a targeted list and a targeted maneuver — nothing else,” sabi pa ng pangalawang pangulo.

 

 

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Duterte na 75 tauhan ng PSPG na nakatalaga sa kaniya na security detail ay inalis sa utos ni Marbil noong July 22.

 

 

Samantala, iginiit ni VP Sara na ang pagtanggal sa security personnel ay naglagay sa kanyang pamilya sa panganib.

 

 

“Ano ba ang ibig sabihin ng ‘threat’ sa iyo? Ang banta ba ay maaari lamang magmula sa mga external elements? Hindi na ba ‘threat’ kung ang harassment ay nanggagaling mismo sa mga tauhan ng gobyerno?” aniya pa rin. (Daris Jose)