• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 3rd, 2024

Sinampahan ng kaso ni Sandro, may apela sa publiko: NIÑO, humihingi ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS na isiwalat ng GMA sa kanilang official statement na pormal nang nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach są network laban kina Jojo Nones at Richard Cruz na hindi na idinetalye ang nilalaman nito, ay pinarating ang abogado ng daalwang independent contractors.

 

 

 

Ayon kay Atty. Garduque, na iniulat ng “24 Oras” noong Huwebes nang gabi, nalulungkot at nasasaktan sina Nones at Cruz dahil sa kaliwa’t kanang pambabatikos.

 

 

 

Na kahit hindi pa raw kasi napatutunayang may nagawa silang kasalanan kay Sandro ay nahusgahan na sila na parang mga kriminal.

 

 

 

“Our clients are deeply saddened by the serious allegations hurled against them circulating on social media.

 

 

 

“And though these allegations do not mirror the true accounts of the event, we would like to reserve the right to respond in a proper forum when we receive a copy of the formal complaint.

 

 

 

“For the meantime, we urge the public to respect the investigation being conducted on this case and we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial,” sabi ng abogado ng dalawa.

 

 

 

Samantala, ayon naman sa ama ni Sandro na si Niño Muhlach, naghahanda na sila sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga taong nang-abuso sa anak.

 

 

 

Sinabi pa ng aktor at dating child wonder na lalantad siya at magsasalita sa tamang panahon. Balitang plano rin daw magsalita ni Sandro kapag may resulta na ang imbestigasyon ng GMA.

 

 

 

At sa latest post ni Niño sa kanyang Facebook account, humihingi siya ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta…

 

 

 

“Our family has suffered so much because of the unspeakable and vile acts done to our son. We ask for your prayers to help us muster enough strength and courage to withstand the horror of re-living the dastardly acts of the perpetrators as we seek justice through our legal system.

 

 

“Thank you for all your support and kind words and your gracious gift of space. We truly appreciate it.”

 

 

***

 

 

PATULOY ang pagtaas ng bilang ng child pornography at illegal gambling sites na nahaharang ng Globe.

 

 

Mula Enero hanggang Hunyo 2024, hinarang ng Globe ang 1,718 domains at 190,167 URLs na patungkol sa child pornography. Malaking pag-angat ito mula sa 1,295 domains at 129,652 URLs na na-block noong 2023.

 

 

Napigilan din ng Globe ang pag-access sa 2,726 domains ng mga illegal gambling sites, kumpara sa 1,828 noong nakaraang taon.

 

 

Sinisiguro ng Globe na ang mga programa ng kumpanya ay naaayon sa Anti-Child Pornography Act of 2009 (Republic Act 9775). Ang batas na ito ay nag-aatas sa mga internet service providers (ISPs) na gamitin ang teknolohiya para maiwasan ang access sa child pornography.

 

 

“Misyon ng Globe na gawing ligtas ang internet para sa lahat, lalo na sa mga bata. Ang mas pinaigting naming pagsisikap na pigilan ang access sa mga mapanganib na content ay patunay ng aming dedikasyon sa online safety,” ayon kay Anton Bonifacio, Chief Information Security Officer at Chief AI Officer ng Globe.

 

 

Nag-invest ang Globe ng higit sa $2.7 milyon sa mga advanced content filtering systems para mas mapaigting ang pagharang sa illegal content.

 

 

Nakikipagtulungan din ang Globe sa iba’t ibang organisasyon tulad ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Justice (DOJ), Philippine Chamber of Telecommunications Operators, at mga non-government organizations para mas palakasin pa ang proteksyon ng mga bata online.

 

 

Ayon sa pag-aaral ng US-based National Center for Missing and Exploited Children (NCMEC), ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang pinagmumulan ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) content.

 

 

Kaya naman hindi lang pagharang sa nakasasamang content ang ginagawa ng kumpanya.

 

 

Sa pamamagitan ng #MakeITSafePH campaign na inilunsad noong 2017, nagsasagawa ang Globe ng educational programs at awareness activities para bigyang kaalaman ang mga mamamayan kung paano protektahan ang kanilang sarili online.

 

 

Layunin ng Globe na maging responsable ang lahat sa paggamit ng teknolohiyang digital at matiyak na mas ligtas na internet para sa lahat ng Pilipino.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Disappointing ang result ng comeback single niya: KATY PERRY, napag-iwanan na ng milya-milya ni TAYLOR SWIFT

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAPAG-IWANAN na ng milya-milya ni Taylor Swift si Katy Perry dahil disappointing ang result ng comeback single nito na “Woman’s World.”

 

 

 

 

Pina-hype pa naman ni Katy ang pag-drop ng “Woman’s World” sa social media.

 

 

 

 

Nag-resign pa siya bilang judge sa “American Idol” para matutukan ang comeback album niya na 143. Last album niya ay ang Smile noong 2020.

 

 

 

Ayon sa Billboard: “Sadly, the dance-pop cut floundered upon its arrival, and the superstar is already moving on to the next.”

 

 

 

Kinumpara nga ito sa albums ni Taylor na ang lahat ng songs ay pasok sa Billboard charts.

 

 

 

Ang latest album ni Taylor na “The Tortured Poets Department” ay may hawak na record na 12 weeks at number one sa Billboard 200 chart.

 

 

 

***

 

 

 

KUNG may gagawin daw na spin-off seried mula sa characters ng ‘Black Rider’ ang direktor na si Rommel Penesa, gusto niyang ituloy ang loveteam nila Herlene Budol at Empoy.

 

 

 

Pumatok daw sa televiewers ang loveteam nila kaya nagkaroon sila ng sariling istorya sa Black Rider.

 

 

 

“Gusto kong ituloy ang love story nila. Nakakatuwa ang chemistry nila sa isa’t isa kaya kung magkaroon sila ng spin-off series, tiyak na magre-rate ito dahil may fans na sina Pretty at Oka,” sey ni Direk Rommel.

 

 

 

Inamin ni Herlene na naging mahirap makatrabaho si Empoy dahil natatawa siya sa hitsura nito.

 

 

 

“Sobrang hirap po kasi parang ‘yung itsura niya pa lang, hindi pa po nagsasalita, natatawa na po ako. Kahit heavy scene po kami na kailangan kong iiyak ako, ‘pag nakikita ko ‘yung mukha niya, nawawala po ako sa character ko kasi nagiging fangirl po niya ako,” kuwento ni Herlene.

 

 

 

Hindi rin daw inasahan ni Empoy na magiging maganda ang chemistry nila ni Herlene.

 

 

 

“At first, nagkakapaan pa kami ni Herlene. Medyo shy pa kami sa isa’t isa. Pero gusto naming mag-work yung mga eksena namin. Hanggang nahuli na namin yung kiliti ng isa’t isa. Kaya tuwing may scene kami, seryoso man o patawa, we make sure na nandun yung teamwork namin. Salamat sa mga sumubaybay sa love story nila Pretty at Oka.”

 

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

 

Nagpaalam kay Mayor Vico na gagawa ng serye: ANGELU, umaasang darating ang panahon na magkakaayos sila ni CLAUDINE

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAKITA ni Angelu de Leon ang kanyang husay sa pagiging kontrabida sa ‘Pulang Araw’.

 

 

 

 

Tinodo raw niya ang pag-arte dahil ang tagal din daw kasi niyang hindi tumanggap ng teleserye simula noong umupo siya bilang konsehal sa PasIg City. Last teleserye niya ay ‘Inagaw Na Bituin’ noong 2019 pa.

 

 

 

 

Di raw niya mapalagpas ang role na Carmela sa ‘Pulang Araw’ kaya nagpaalam siya kay Mayor Vico Sotto para gawin ang teleserye.

 

 

 

“Para mabalanse kasi siyempre may mga taping din na kailangan doon. Para rin in respect doon sa trabaho ko ngayon na bilang konsehal ng Pasig, kailangan magpaalam para hindi lagi siyang naghahap, “Nasa’n si Angelu? Bakit wala?” sey ng aktres.

 

 

 

Naungkat naman ang issue nila ni Claudine Barretto. Nagbitiw ng mga di magagandang salita si Claudine laban kay Angelu sa anniversary party nila Gladys Reyes at Christopher Roxas. Panahon pa lang nila sa ‘Ang TV’ noon ay may rivalry na ang dalawa.

 

 

 

Pero maayos na sinagot ni konsehala ang issue with Claudine na ‘di pa raw nakakausap: “Wala pang pagkakataon pero umaasa pa rin ako na darating ‘yung panahon na ‘yon.”

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

27 na manggagawa sa online gaming dineport

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Bureau of  Immigration (BI) ang pagpapa-deport sa unang  batch  ng Chinese national  na  dating inaresto  dahil sa illegal na pagtatrabaho sa bansa.
May kabuuan na 27 na mga Chinese national  ay pina-deport sakay ng  Philippine Airlines biyeheng  Shanghai, China.
Nabatid na dapat ay 38 na dayuhan ang dapat na ipa-deport  subalit anim sa kanila  ay walang clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI).
Paliwanag ni BI Commissioner Norman Tansingco  na  kinakailangan muna ng anim na indibidwal na ayusin muna ang nakabinbin nilang kaso sa Pilipinas at kumuha ng clearance bago isakatuparan ang pagpapa-deport sa kanila.
“We are committed to ensuring that all necessary legal procedures are followed before deportation,” ayon kay Tansingco .
“This is to guarantee that justice is served and the integrity of our legal system is upheld.”
Ang mga pina-deport  na Chinese national  ay bahagi ng unang inresto ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC)  sa magkahiwalay na lugar sa Las Piñas, Pasay, at  Tarlac.
Target ng nasabing operasyon ay mga illegal online gaming na nagresulta sa kanilang   pagkakaaresto  dahil sa paglabag nila  immigration law.
“The Bureau of Immigration remains dedicated to enforcing our immigration laws and ensuring that foreign nationals who violate these laws are dealt with accordingly,” ayon sa BI Chief.  “Our collaboration with other agencies, such as the PAOCC, highlights our unified effort to maintain law and order in the country.”  GENE ADSUARA 

Umento ng government workers matatanggap na

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAAARI nang matanggap ng mga kawani ng gobyerno ang umento sa sahod ngayong taon.

 

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, hinihintay na lamang nila na mailabas ng Palasyo ang executive order para rito.

 

Lumalabas na nasa P36 bilyon ang nakalaang alokasyon para sa salary adjustment sa ilalim ng Personnel Services Expenditures ng Fiscal Year 2024.

 

Nilinaw naman ng kalihim na retroactive ang salary adjustment ng mga kawani ng gobyerno mula Enero ng taong ito, subalit hindi niya matukoy kung magkano ang itataas sa sahod.

 

Para naman sa susunod na taon, naglaan aniya ang DBM ng P70 bilyon para sa susunod na tranche ng salary adjustment sa mga kawani ng gobyerno kasama na rito ang taas sweldo para sa mga guro.

 

Bukod sa dagdag sweldo, mayroon ding aasahang P7,000 na cash na medical allowance ang mga kawani ng gobyerno, kung saan nasa P9.6 bilyon ang inilaang pondo para rito.

 

Iginiit diin ni Pangandaman na mahalagang mabigyan ng atensyon ang kalusugan ng mga kawani ng gobyerno.

33 manggagawa mula sa sinalakay na POGO hubs sa Bamban, Pasay, balik-Tsina na

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY 33 empleyado ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Bamban, Tarlac at Pasay City ang itinapon na pabalik ng Tsina, araw ng Huwebes.
Ang mga manggagawa na dineport pabalik ng Tsina ay mula sa Smart Web Technology sa Pasay City, kung saan natuklasan ang torture chamber matapos itong salakayin noong 2023, at mula sa Zun Yuan Technology sa Bamban.
Isa rin sa katuwiran kaya’t dineport ang mga naturang manggagawa ay dahil sa pagiging ‘undesirable aliens’ bunsod ng kakulangan ng permits at visas.
Mahaharap din ang mga ito sa reklamong pakikipag-ugnayan sa illegal gambling sa Tsina.
“Technically kasi lahat ng mga yan will be treated as criminal suspects in China. So they will all be charged criminally in China,” ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio.
Samantala, sinabi naman ni PAOCC Executive Director Gilbert Cruz na maraming biktima ng mga POGO workers ang nasa Tsina.
“Maraming biktima. And yung coordination na ginagawa natin with the Chinese authorities, nakikita natin yung mga biktima sa kanila, sa China, and then yung scamming hub o yung mga scammers dito nang gagaling sa atin,” aniya pa rin.
Dahil dito, sinabi ni Casio, lahat ng POGO workers ay iba-blacklist.
Gayunman, sinabi nito na iyong mga boluntaryong aalis ng bansa bitbit ang kanilang mga papeles ay hindi iba-blacklist ng gobyerno.
“Pero even if they leave voluntarily, if their papers are not in proper order then they will still be blacklisted,” aniya pa rin.
Kabilang sa mga dineport ay ang mag-asawa kasama ang kanilang dalawang taong gulang na anak, na isinilang sa Pilipinas.
Gayunman, sinabi ng PAOCC na ang nasyonalidad ng bata ay nananatiling intsik dahil ang mga magulang ng bata ay intsik.
Matatandaang, sa pangatlong Ulat Sa Bayan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinagbawal na nito ang lahat ng POGOs sa bansa bago pa matapos ang taon. (Daris Jose)

PBBM, hiniling sa mga Pinoy na mahalin ang Pambansang Wika

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na mahalin ang Pambansang wika, binigyang diin ang kahalagahan ng layunin ng bansa na makamit ang pagkakaisa at pangalagaan ang ‘Filipino identity.’
“Ang okasyong ito ay nagsisilbing mahalagang paalala sa atin na mahalin ang wikang Filipino nang bukal sa ating puso at nanggagaling sa kamalayan na ang mga wikang minana ay nagtatanghal ng ating kahanga-hangang pagkakakilanlan bilang isang lipi,” ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Marcos para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.
“Subalit ang Buwan ng Wikang Pambansa ay hindi lamang isang paalala; ito ay isa ring paanyaya na patuloy nating mahalin at pagyamanin ang ating mga wika. Hitik ang ating panitikan ng mga obrang tiyak na magpapalalim ng ating pag-ibig sa bayan at makapanghihikayat sa bagong henerasyon na tangkilikin din ang sariling atin,” aniya pa rin.
Hinikayat naman ng Pangulo ang mga Filipino na tanggapin ang ganitong kamulatan sa puso at isip para pangalagaan ang ang ‘greater collaboration’ sa hanay ng mga ito para sa progresibo, malaya at pinag-isang bansa.
Habang dinadakila ng bansa ang ‘month-long celebration’ na may temang “Filipino: Wikang Magpapalaya” sinabi ng Pangulo na ang Presidential Proclamation No. 1041 ipinalabas noong 1997, “is a cornerstone in the strengthening of our unity and sense of self and the reason why we celebrate these qualities.”
“Ilan sa mga nabanggit ay ang pakinabang ng pagkakaroon ng wikang panlahat, ang malaking ambag nito sa pagkamit ng kasarinlan ng ating bansa, at ang kapangyarihan nito na buksan ang ating mga mata at isipan sa kahalagahan, karanasan, at kakayahan ng bawat isa,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Matatandaang, nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang Proclamation No. 1041 noong Hulyo 15, 1997, dahilan para ang buwan ng Agosto ay “Buwan ng Wikang Pambansa,” o National Language Month.  (Daris Jose)

DepEd, target na ayusin ang performance ng 8 milyong estudyante para sa 2025 PISA

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Education Secretary Sonny Angara na dapat na tutukan ng Department of Education (DepEd) ang performance ng 8 milyong mag-aaral at stakeholders nito sa paghahanda para sa Programme for International Student Assessment (PISA) para sa susunod na taon.
Sinabi ng Kalihim na ang kanyang “immediate goal” sa pag-upo sa DepEd ay iangat ang performance ng bansa sa susunod na PISA, nakatakdang isagawa sa March 2025.
“Tulungan niyo po ako sana do’n dahil ‘yung Grades 7, 8, 9, 10, mga 8 million lang naman ‘yan eh na kailangan natin tulungan. ‘Yung iba diyan walang computer, ‘yung iba diyan hindi nag-almusal, ‘yung iba diyan pagod na pagod maglakad, naka-tsinelas lang,” ang sinabi ni Angara sa education stakeholders.
“You know, these are the things that we have to deal with on the ground. But with you, again, there is hope amidst misery. There is so much hope, there is so much action, and pretty soon there will be results,” aniya pa rin.
Nauna rito, pinangunahan ni Angara ang paglulunsad ng Brigada Pagbasa Partners Network (BPPN), naglalayong i-mobilize ang mahigit sa milyong literacy advocates sa 2040, at tulungan ang 10 milyong Filipinong mag-aaral na magbasa sa kanilang angkop na antas.
Sa 2022 PISA results, ang Pilipinas ay nasa rank na pang-anim sa pinakamababa sa hanay ng 81 bansa at ekonomiya na nagpartisipa sa pag-aaral, patuloy kasing napag-iiwanan ang mga Filipinong mag-aaral sa pagbabasa, matematika at agham.
Noong nakaraang linggo, sinabi ni Angara na inirekumenda niya ang pagpapahusay sa performance ng mga estudyante ng Filipino sa PISA, alinsunod ito sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang iskor ng Pilipinas sa local at international tests. (Daris Jose)

P70-B, inilaan para sa unang dalawang tranches ng umento sa sahod ng mga gov’t employees

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINANUKALA ng gobyerno ng Pilipinas ang budget na P70 billion para sa una at pangalawang tranches ng umento sa sahod para sa mga empleyado ng gobyerno.
“Iyong 70 billion po para sa adjustment na iyan ng first tranche at saka second tranche for next year kasi gusto po natin simulan na this year iyong first tranche noong ating salary increase,” ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman.
Aniya, ang first tranche ng umento sa sahod ay magiging epektibo ng Enero 2024 at ipatutupad ng ‘retroactive.’
“So, iyon po four tranches hanggang 2027 and as of now po, we are perfecting the executive order po and we are hoping po for the issuance of the executive order soon po,” ayon kay Pangandaman.
Nauna rito, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panibagong salary increase para sa government workers sa kanyang pangatlong State of the Nation Address noong nakaraang linggo.
Sinabi rin nito na ang government employees ay makatatanggap ng medical allowance.
“Para naman sa ating mga kawani sa gobyerno, meron silang maaasahang medical allowance bilang karagdagang benepisyo sa susunod na taon,” ayon sa Pangulo.
“At hindi lamang yon, meron ding napipintong umento sa suweldo na makukuha nila sa apat na tranche,” ang Winika pa rin ng Chief Executive.
Tinuran ni Pangandaman, P9.6 billion ang inilaan para sa medical allowance ng mga government workers para sa taong 2025.
“P7,000 each employee po. Wala po kaming ano eh. Sa executive po, noon pong pumasok po ako, matagal na, pero galing ako sa Senate. So, iyong may mga fiscal autonomy, they provide. So, pagdating ko po sa executive, napansin ko, parang wala po kaming medical allowance o HMO, so hindi po kami nakakapagpa-checkup, at least iyong blood test and all.  Tapos, ER wala rin kaming access sa ganoon. So, we pay for it or maybe PhilHealth po. But, I think, this is a nice add to the benefits and allowances na mayroon po ang mga empleyado,” ang litanya ng Kalihim.
(Daris Jose)

ARE YOU HAVING A GOOD TIME? WATCH THE NEW TRAILER FOR ZOË KRAVITZ’S DIRECTORIAL DEBUT “BLINK TWICE,” STARRING CHANNING TATUM AND NAOMI ACKIE

Posted on: August 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BLINK and you’ll miss it.

 

 

 

 

“Blink Twice,” the feature film directorial debut of Zoë Kravitz (“X-Men: First Class,” “Fantastic Beasts” film series, “Big Little Lies”) starring Naomi Ackie (“Whitney Houston: I Wanna Dance with Somebody”) and Channing Tatum, opens only in cinemas August 21.

 

 

 

 

Watch the new trailer: https://youtu.be/aCuT-klGby4

 

 

 

Official synopsis:

 

 

When tech billionaire Slater King (Channing Tatum) meets cocktail waitress Frida (Naomi Ackie) at his fundraising gala, sparks fly. He invites her to join him and his friends on a dream vacation on his private island. It’s paradise. Wild nights blend into sun soaked days and everyone’s having a great time. No one wants this trip to end, but as strange things start to happen, Frida begins to question her reality. There is something wrong with this place. She’ll have to uncover the truth if she wants to make it out of this party alive.

 

 

 

About “Blink Twice”

 

 

Zoë Kravitz makes her feature directorial debut in the wild new psychological thriller “Blink Twice.” The screenplay is from Kravitz & E.T. Feigenbaum (“High Fidelity”), and the film is produced by Bruce Cohen, Tiffany Persons, Garret Levitz, Kravitz and Tatum. The executive producers are Stacy Perskie, Jordan Harkins and Vania Schlogel.

 

 

 

The film’s ensemble cast includes BAFTA winner Naomi Ackie (“The End of the F***ing World,” “Whitney Houston: I Wanna Dance with Somebody”), Channing Tatum (the “Magic Mike” films, “The Lost City”), Golden Globe winner Christian Slater (“Mr. Robot”), Simon Rex (“Red Rocket”), Adria Arjona (“Andor”), Kyle MacLachlan (“Fallout,” “The House with the Clock in Its Walls”), with Oscar winner Geena Davis (“The Accidental Tourist”), and Alia Shawkat (“Drift,” “Search Party”).

 

 

 

Opening in cinemas August 21, “Blink Twice” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company. Join the conversation with the hashtag #BlinkTwiceMovie

 

 

 

Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)