• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 5th, 2024

“Harold and the Purple Crayon” Comes to Life in a New Fantasy Comedy Film

Posted on: August 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

EXPERIENCE the magic of imagination as “Harold and the Purple Crayon” comes to life in a new fantasy comedy film starring Zachary Levi.

 

 

 

Discover a world of adventure when it opens in Philippine cinemas on August 21.

 

 

 

Countless families have cherished Crockett Johnson’s Harold and the Purple Crayon since its publication in 1955. The timeless story of an adventurous toddler who creates entire worlds with his magical purple crayon is getting a delightful twist in its latest film adaptation. In this version, Harold has grown up in his fantastical world and decides to draw a door into the real, modern world.

 

 

 

An Adventure Beyond Imagination

 

 

Producer John Davis shares insights into the thrilling journey Harold embarks upon in the film. “Harold and his friends are transformed from characters on the page to adventurers on a journey of self-discovery,” Davis says. “Their story is brimming with passion, imagination, and a sense of heart.”

 

 

Oscar-nominated director Carlos Saldanha, who read the original story to his own children, brings a deep personal connection to the film. “The original story is very simple and charming,” he reflects. “I love the way this movie expands on it. In the book, Harold is very sheltered, but entering the real world exposes him to the harsh realities of everyday life. He discovers new emotions, becoming a more complete and fuller human character, all while retaining his innocence.”

 

 

Playing the role of the intrepid Harold is Zachary Levi, who sees the film as more than an adaptation. “Harold and the Purple Crayon is a love letter to imagination itself,” Levi remarks. “There is no Harold without imagination. The power of imagination is just as integral to the movie as it is to the book.” When asked what he’d draw if he had Harold’s purple crayon, Levi opts for convenience. “The airplane scene was a lot of fun,” he says. “Maybe I’d draw a plane.”

 

 

Co-star Zooey Deschanel, who has also read the book to her children, shares her excitement. “I’ve been reading the book to my kids since they were really little,” she says. “It’s a much beloved book in my house, and I think this is the type of movie parents will want to go see with their kids.”

 

 

Director Saldanha finds magic in something as mundane as a crayon and invites audiences to share that magic and rediscover the power of imagination. “Pick up a crayon, and the possibilities are endless,” he enthuses. “With everything happening in our daily lives, we forget the power of the imagination, the power of believing, the power of dreaming, and the power of ‘drawing’ your way into a better place. This film invites audiences to rediscover that magic.”

 

 

So, grab a friend and set off into a world of adventure as Harold and the Purple Crayon opens in Philippine cinemas on August 21. #HaroldAndThePurpleCrayon

 

 

(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

Valdez hanga kay Delgaco

Posted on: August 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SALUDO si volleyball star Alyssa Valdez kay rower Joanie Delgaco na lumalaban sa 2024 Paris Olympics rowing competitions.

 

 

 

 

 

 

Nagpasalamat si Valdez sa sakripisyo ni Delgaco upang mabigyan ng karangalan ang bansa sa Olympics.

 

 

 

 

Alam ni Valdez ang paghihirap ng isang atleta sa training dahil naging bahagi rin ito ng national team sa mga nakalipas na taon.

 

 

 

 

Kaya naman mataas ang respeto ng Creamline veteran player sa lahat ng atletang lumalaban para sa Pilipinas.

 

 

 

 

“Kahit anong mangyari buo ang tiwala namin sa iyo. Anuman ang mangyari sa journey mo ngayong Olympics, saludong-saludo kami sa iyo,” ani Valdez.

 

 

 

 

Bago maging rower, naglaro muna si Delgaco ng volleyball noong nasa high school pa lamang ito.

 

 

 

At isa si Valdez sa mga hinahangaan nitong player sa mundo ng volleyball.

 

 

 

 

Umaasa si Valdez na makakapanood si Delgaco sa mga laro ni Valdez.

 

 

 

 

“I can’t wait to see you here in the Philippines at makapanood din ng mga volleyball games. Mas marami kang nai-inspire na mga atleta hindi lang ako,” ani Valdez.

 

 

 

 

Isa si Delgaco sa 22 atletang Pinoy na bahagi ng Team Philippines sa Paris Olympics.

 

 

 

 

Si Delgaco ang kauna-unahang Pinay rower na nagkwalipika sa Olympic Games.

 

 

 

 

Sa kabuuan, may apat na Pinoy pa lamang na nakapag-Olympics.

 

 

 

 

Nauna na sina Cris Nievarez noong 2020 Tokyo Olympics, Benjamin Tolentino noong 2000 Sydney Olympics at Edgardo Maerina noong 1988 Seoul Olympics.

Ex-gymnast, nakapag-uwi ng 1st gold medal para sa Guatemala matapos maging shooter

Posted on: August 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMAANI ngayon ng paghanga ang Olympian mula sa Guatemala na si Adriana Ruano.

 

 

 

 

 

Ito’y makaraang makapag-uwi siya ng gold medal na kauna-unahan para sa kanilang bansa.

 

 

 

 

Pero maliban sa naturang historic win, mas lalo pa siyang tiningala makaraang maungkat na dati na siyang sumali bilang gymnast.

 

 

 

 

Nabatid na nagkaroon ng spinal injury si Ruano kaya hindi na nakapagpatuloy.

 

 

 

 

Pero nakakita ito ng panibagong opurtunidad sa larangan ng shooting, kung saan pinaghusayan niya ang pagsasanay hanggang sa makamit ang unang gold medal para sa kaniyang bansa.

 

 

 

 

Sa 50 targets, nakuha ni Adriana ang 45 sa mga ito, bagay na naghatid sa kaniya sa top spot ng sinalihang event.

 

 

 

Megaworld may pa-condo sa Olympic gold medalist

Posted on: August 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG fully-furnished two-bedroom residential condominium unit ang ibibigay ng property giant Megaworld para sa Pinoy athlete na mananalo ng gold medal sa 2024 Paris Olympic Games.

 

 

 

 

 

“This 2024, we are celebrating our 100th year of participating in the Olympic Games, and what a way to celebrate this milestone than by recognizing the superb competitive spirit of our ne-west Olympic gold medalist and welcoming them to McKinley Hill,” ani Megaworld president Lourdes T. Gutierrez-Alfonso.

 

 

 

 

Ang condo unit na nagkakahalaga ng P24 milyon ay nasa loob ng 50-hec-tare McKinley Hill township sa Taguig City kung saan makikita ang pamosong Venice Grand Canal.

 

 

 

 

Kabuuang 22 atleta ang ipinadala ng bansa sa Paris Olympics sa pamumuno nina pole vaulter EJ Obiena, boxers Nesthy Petecio at Carlo Paalam at gymnast Carlos Yulo.

 

 

 

 

Ang iba pa ay sina Lauren Hoffman (athletics), John Cabang-Tolentino (athletics), Levi Jung-Rui-vivar, Aleah Finnegan, Emma Malabuyo (gymnastics), Elreen Ando, John Ceniza, Vanessa Sarno (weightlifting), Joanie Delgaco (rowing), Eumir Marcial, Hergie Bacyadan, Aira Villegas (boxing), Jarod Hatch, Kayla Sanchez (swimming), Dottie Ardina, Bianca Pagdanganan (golf), Sam Catantan (fen-cing) at Kiyomi Watanabe (judo).

 

 

 

 

“As one of the most cele-brated addresses in Fort Bonifacio, McKinley Hill is home to several world-class athletes, inclu­ding members of the Phi­lippine national teams for basketball and football. This makes it a perfect home for Filipino champions who live a life of passion and excellence through and through,” dagdag ni G­utierrez-Alfonso.

 

 

 

 

Ang McKinley Hill ay isa sa apat na Megaworld township developments na nasa loob ng Fort Bonifacio at ang isa sa pinakamala­king townships ng kum­panya sa Metro Manila.

 

 

 

Ito rin ang tahanan ng exclusive McKinley Hill Village, residential condos at villas, office towers, schools, foreign embassies at ng McKinley Hill Football Stadium.

PBBM inaprubahan EO sa wage, benefits hike ng government

Posted on: August 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang executive order na magbibigay ng umento sa sahod at dagdag sa mga benepisyo ng manggagawa sa gobyerno.

 

 

Ito ay matapos lagdaan kahapon ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 64.

 

 

Nasa ilalim ng nilagdaang EO 64 ni Bersamin ang updated na pasahod sa mga government workers na nakatalaga sa executive, legislative, at judicial branches; constitutional commissions at iba pang constitutional offices.

 

 

Base pa sa kautusan ang mga nagtatrabaho sa Government-Owned or-Controlled Corporations (GOCCs) na hindi saklaw ng Republic Act 10149 o ang “GOCC Governance Act of 2011.”ay sakop ng EO.

 

 

Kasama rin sa dagdag umento ang mga nasa lokal na pamahalaan. Magiging epektibo ang kautusan 15 matapos mailathala sa Official Gazette o sa pahayagan.

 

 

Sinabi ni Marcos na dahil sa kasalukuyang kalagayang pang-ekonomiya, kabilang ang pagbawas ng kakayahang bumili dulot ng inflation, ay kailangan na i-update ang mga sahod at benepisyo ng mga tauhan ng gobyerno para mapanatili ang competent, tapat, mabilis at malusog na pwersa ng trabaho na magreresulta sa mataas na productivity at magandang serbisyo sa publiko

 

 

Ipatutupad ang umento sa sahod sa apat na tranches.

 

 

Unang matatanggap ng mga manggagawa ang umento sa sahod Enero 1, 2024; ikalawang tranche sa Enero 1, 2025; ikatlo sa Enero 1, 2026; at ang ikaapat na tranche sa Enero 1, 2027.

 

 

Inatasan naman ang Department of Budget and Manage­ment (DBM) na mag-isyi ng kaukulang guidelines para maipatupad ang nakasaad sa EO 64.

Ags August 5, 2024

Posted on: August 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments