• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 6th, 2024

Unang producer na sumugal sa movie nila ni Gladys: JUDY ANN, labis-labis ang pasasalamat kay Mother LILY

Posted on: August 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ni Jed Madela ang mga larawan na kuha sa kanyang pagbisita kay Queen of All Media Kris Aquino, na patuloy na nakikipaglaban sa kanyang karamdaman.

 

 

 

Sa post ni Jed sa kanyang IG, may caption ito ng, “Finally got to visit Ms. Kris, Kuya Josh & Bimb. So happy to see her!

 

 

 

“We had a lot of catching up to do.”

 

 

Marami nga ang natuwa sa ginawang pagdalaw ni Jed, pero mas napansin ng netizens ang muling pagpayat ni Kris, na kanilang labis na ikinababahala.

 

 

Ilan sa mga komento nila:

 

 

“Sad. Paiba iba ng condition si Kris A. Ngayon ang payat nanaman nya. Nung interview with OD (Ogie Diaz) medyo okay ang built nya dun. Hope she get better soon.”

 

 

“She Just had her interview with Ogie Diaz lately diba? Mas better itsura niya dun. After a few months iba na ulit.”

 

 

“Sad result nga daw yung ginawang blood test kaya napabalik uli dun si Josh at Bimby.”

 

 

“Pumayat sya lalo God bless miss Kris.”

 

 

“Lalo sya pumayat maka uwi pa kaya sya.”

 

 

Samantala, isa nga si Jed sa favorite male singer ni Kris, at palaging nire-request kumanta sa show niya rati sa ABS-CBN.

 

 

Ipagpatuloy pa rin nating ipagdasal si Kris na bumuti na ang kanyang kalagayan, para makauwi na rin siya ng Pilipinas, at dito na tuluyang magpagaling.

 

 

***

 

 

MAY madamdaming mensahe ng pasasalamat si Judy Ann Santos-Agoncillo para kay Mother Lily Monteverde, na pumanaw noong ika-4 ng Agosto, anim na araw lang ang nakalipas ng mamatay ang kanyang asawa na si Father Remy Monteverde.

 

 

Mababasa sa IG post ni Juday na kalakip ang kanilang larawan, “My dearest mother Lily.. if i remember it right, this was our last photo together when we had our meeting for your biopic before the pandemic happened.. i could still remember how tight you embraced me when i arrived..”

 

 

Pag-alala pa ng award-winning actress, “all my firsts in showbizness was under you. My first teleserye “kaming mga ulila” and the only producer na sumugal sa amin ni gladys para gawin ang pelikulang “sana naman”.. and the rest is history..

 

 

“Ginawa mong makulay ang buhay ng maraming tao sa industriyang ito na minahal mo ng sobra sobra..

 

 

“And for that.. i will forever be grateful for your trust and love.. andito ako sa industriyang to, dahil sayo.. thank you mother.. fly high and enjoy walking around the heavens with father.. we love you soo much! 🙏🏼❤️”

 

 

Kahapon, nagsimula ang memorial service para kay Mother Lily sa 38 Valencia Events Place at sa Sabado, Agosto 10 naman ihahatid ang kanyang labi sa The Heritage Park sa Taguig City.

 

 

Sa statement na pinost ng Regal Entertainment, nare-request ang pamilya Monteverde na ipagdasal ang yumaong film producer.

 

 

Muli, ang aming taos-pusong pakikiramay.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Patuloy na ibibigay ang pagka-inis ng viewers… RICHARD, ‘di alam kung kailan magtatapos ang top-rating series

Posted on: August 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TILA wala nang katapusan ang extension ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ dahil nga sa consistent na mataas na ratings nito.

 

 

 

Kaya tanong namin kay Richard Yap, hanggang kailan ba ang show nila?

 

 

 

“As of now wala pa kaming ending e, so hindi pa namin alam, but of course, we want to continue giving you a good program.

 

 

“Of course, hinihintay ng mga tao ma-resolve yung mga problema dun at saka kung mag-e-end up ba kami ni Lynette, so yun, gusto ko abangan nila,” sagot ni Richard. Gumaganap ang aktor bilang Dr. RJ Tanyag sa show na kapareha ni Carmina Villarroel bilang si Lynette Santos, na ina ni Dra. Analyn Santos na ginagampanan naman ni Jillian Ward.

 

 

Dagdag pang sinabi ni Richard, “Well, of course we’re very happy because may trabaho kami, but we also want to continue giving you know, kung naiinis kayo sa show, gusto pa rin naming ibigay yung inis sa inyo,” at muling natawa si Richard, “para mag-continue, hindi naman maputol.”

 

 

Samantala, todo ang suporta ni Richard sa anak niyang si Ashley Sandrine Yap na pinasok ang pagnenegosyo via Sip2Glow, isang uri ng Collagen drink.

 

 

“Of course, it’s natural na suportahan ko siya because we’re family of business people,” pahayag ni Richard, “my dad was a businessman, kaya nga hindi ako naging doktor kasi gusto niyang magnegosyo ako.

 

 

“So all-out support tayo diyan because I think that’s the way to go rather than working for somebody.”

 

 

At siyempre, hahanap pa ba si Ashley ng ibang celebrity endorser, eh ama niya ang isa sa pinakasikat na artista ngayon, lalo pa at top-rating ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’.

 

 

Natawa nga si Richard sa tanong namin kung gaano katagal ang kontrata niya bilang endorser ng Sip2Glow, kung isang taon o panghabambuhay?

 

 

“Medyo may part na din ako sa negosyo, parang pampalubag-loob. Ha!Ha!Ha!“

 

 

So iyon nga, mag-business partner rin sina Richard at Ashley sa Sip2Glow?

 

 

“Parang ano… what do you call that? Industrial, yung bibigay ko lang yung pag-endorse ko, not really because binabayaran ako, but because I believe in the product also,” wika ni Richard.

 

 

Ayon pa kay Ashley, ang Sip2Glow ay gawa sa mga Korean ingredients at sa Korea mismo tinitimpla. Available na ito mabibili online.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Handog ang giant videoke birthday concert experience: ICE, aminadong nabitin dahil ‘di nakanta ang favorite OPM songs

Posted on: August 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Setyembre, sa iconic Music Museum sa Greenhills muli magaganap isang masaya at tatatak na selebrasyon ng Original Pilipino Music (OPM).

 

 

 

Mamarkahan ng Acoustic Icon ng Asia na si Ice Seguerra, ang kanyang ika-40 (+1) na kaarawan sa pamamagitan ng pinaka-aabangang ikatlong edisyon ng “Videoke Hits.”

 

 

 

Sa ika-13 ng Setyembre magaganap ang natatanging concert na ito at nangangako ng isang hindi malilimutang interactive experiences na kung saan magiging mahalagang bahagi ng palabas ang mga tagahanga ni Ice.

 

 

Ang “Videoke Hits: OPM Edition” ay maituturing na one-of-a-kind event na pinaghalo ang energy nang live performance at ang kaligayahan sa pag-awit sa videoke.

 

 

Magsisimula ito ng ika-8 nang gabi, kung saan kakantahin ni Ice ang mga iconic na videoke classic at paborito ng mga tagahanga.

 

 

Ang highly-interactive na “By Request with Ice, Please!” segment ay magbibigay sa mga manonood ng isang pambihirang pagkakataon na kumanta kasama si Ice.

 

 

Dapat ding abangan ang segment na “Jam with Ice” na kung saan iimbitahan ni Ice ang mga espesyal na bisita na sumama sa kanya sa entablado.

 

 

Ipakikita ni Ice ang kanyang kakaibang pananaw sa mga sikat na karaoke classic sa segment na “Ice-fied”, na naghahatid ng mga bago at kapana-panabik na interpretasyon ng mga minamahal na kanta.

 

 

Ang makabagong konseptong “VIDEOKE HITS” ay pinasimulan ng ideya ni Fire and Ice CEO at creative director na si Liza Diño, na humahantong sa isang malikhaing pakikipagtulungan sa Fire and Ice LIVE! team.

 

 

“This isn’t just any concert; it’s an interactive sing-along event where fans are part of the show! Ice will bring the Karaoke vibe live on stage, giving you a chance to hear your favorite hits like never before,” say naman ni Liza.

 

 

Pagbabali-tanaw sa kanyang previous shows, ibinahagi naman ni Ice ang kanyang excitement for the upcoming event.

 

 

“I felt bitin during my last Videoke Hits dahil hindi ko nakanta ang mga paborito kong OPM songs. Napakaraming OPM songs ang masarap kantahin sa videoke. I also want to do this for my fans.

 

 

 

“Instead of celebrating my birthday with just friends, this time around, I wanna enjoy my time with my fans kasi hindi ko ito normal na ginagawa. I don’t usually celebrate my birthday with other people, so ngayon, it’s one giant videoke birthday concert experience,” pahayag ni Ice.

 

 

 

Ang mga tiket para sa “Videoke Hits: OPM Edition” ay mabibili na TicketWorld at Fire and Ice LIVE! (09175420303). Ang mga presyo ay mula sa ₱1500 para sa mga upuan sa Balcony, ₱2000 para sa Orchestra Side B, ₱3000 para sa Orchestra Side A, ₱3500 para sa Gold, ₱4000 para sa Patron, ₱5000 para sa VIP na may additional options para sa isang Soundcheck Experience (₱1500) at sa Meet & Greet (₱1000) kasama si Ice Seguerra. Ang mga VVIP seat ay para sa ₱7000 na may kasamang Soundcheck Experience at Meet and Greet.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan kay Anna sa info@fireandice.ph o tumawag sa 09175420303.

 

 

Huwag palampasin ang natatanging pagkakataong ito na magdiwang kasama si Ice Seguerra at maging bahagi ng isang incredible videoke birthday party!

‘BLACKPINK World Tour’ earns rated PG; other films showing this week earn R-13 and R-16 rating

Posted on: August 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

FILIPINO and foreign fans of the iconic Korean pop girl group “BLACKPINK” will experience fun and thrill anew as the group’s concert has earned a PG (Parental Guidance) rating from the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

 

 

 

 

A PG classification advises parents or supervising adults that the film may contain any of the following: themes, language, violence, nudity, sex, and horror, whose treatment is suitable for children below thirteen (13) years of age, provided that children of said age are accompanied by supervising adults. The review committee comprised Board members Antonio Reyes, Racquel Maria Cruz, and Lillian Ng Gui.

 

 

 

 

Similarly, an animated film “Bluelock: Episode Nagi” distributed by Pioneer Films has also been assigned the same. The review panel for this was BM Gui, Reyes, and Robert “Bobby” Andrews, Jr., who explained that the material contains minimal and non-graphic depictions of violence and suffering that require parental supervision and guidance.

 

 

 

In addition, Warner Bros. (F.E.) Inc. film “Trap” starring Josh Harnett received an R-13 rating. The committee, led by JoAnn Bañaga, Angel Jamias, and Neal Del Rosario pointed out that the film contains psychological aspects that may not be suitable for children below thirteen (13) years of age. Similarly, a local production by VIVA Communications, Inc. starring Sue Ramirez, Barbie Imperial, and Phi Palmos received an R-13 rating.

 

 

 

The review committee, composed of Richard John Reynoso, Jan Marini Alano, and Katrina Angela Ebarle, noted that the movie contains brief and infrequent depictions of drugs or their use, depictions of horror, frightening scenes, and occasional gore, infrequent, brief, and non-graphic depictions of sexual activity, infrequent and non-graphic depictions of violence and suffering, mature themes, moderate swear words and menacing language.

 

 

 

While the film “Consumed” distributed by Pioneer Films, earned an R-16 rating which restricts viewership to those aged 16 and above. Board Members Reynoso, Cruz, and Wilma Galvante in charge of the film review, cited that the film contains discreet nudity, graphic but non-gratuitous depiction of horror, frightening scenes, violence, and gore.

 

 

 

MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio advised parents and guardians that they still need to guide children below the age restrictions and become responsible viewers that will set as a good example for the younger generations.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Isang araw matapos ilibing si Father Remy… MOTHER LILY, pumanaw na rin sa edad 84

Posted on: August 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PUMANAW na ang kilalang film producer na si Mother Lily Monteverde isang araw lamang matapos ilibing ang asawang si Leonardo “Father Remy” Monteverde.

 

 

 

Si Mother Lily ay 84 years old.

 

 

 

Kinumpirma ito ng anak niya na si Goldwin Monteverde sa ulat ng GMA. Mag-i-85 na sana si Mother Lily sa darating na August 19.

 

 

Si Lily Monteverde ang nagtayo ng Regal Entertainment na nakapag-produce na ng halos 300 films simula pa noong dekada ’60.

 

 

Naulila nina Mother Lily at Father Remy ang kanilang mga anak na sina Roselle, Dondon, Meme at Goldwin.

 

 

Ilan sa mga hindi malilimutang pelikula ng Regal Films ay ang “Mano Po” anthology na nagsimula noong 2002 na sinasabing pa-tribute ng itinuturing na ring movie icon sa kanyang Chinese Filipino roots.

 

 

Ang iba pang hindi malilimutang pelikula na ipinrodyus ni Mother Lily ay ang “Shake, Rattle & Roll” franchise, at marami pang iba na pinagbidahan ng kanyang Regal babies.

 

 

Year 2000 nang bigyan siya ng Lifetime Achievement Award ng Cinemanila International Film Festival at noong 2019 ay ginawaran siya ng Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award sa 37th Luna Awards.

 

 

Si Mother Lily rin ang itinanghal na Producer of the Year sa kauna-unahang The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) para sa hindi matatawarang kontribusyon ng Regal Entertainment.

 

 

Last July 29 nga nang pumanaw ang kanyang asawang na si “Father Remy” sa edad na 86 nang dahil sa pneumonia.

 

 

Nagluluksa naman ang buong showbiz industry.

 

 

Ang aming taus-pusong pakikiramay.

 

 

 

***

 

 

 

FL Liza Marcos, nagpasalamat sa UAE sa donasyon para sa mga sinalanta ng Bagyong Carina

 

 

 

Nagpasalamat si First Lady Liza Araneta-Marcos sa United Arab Emirates (UAE) sa donasyon nito na isang cargo flight na puno ng assorted goods para sa Filipinas upang matulungan ang mga grabeng nasalanta ng Super Typhoon Carina.

 

 

“Thank you to the United Arab Emirates for their generous humanitarian aid for flood victims of typhoon Carina,” ito ang naging post ng First Lady sa kanyang Instagram account.

 

 

Dumating ang naturang donasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong July 30, 2024 at agad itong inasikaso ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA).

 

 

Ito ay pormal na tinanggap nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr.

 

 

Ang UAE ay kinatawan ni Ambassador H.E. Mohammed Obaid Alqattam Alzaabi. Nandoon din sa ginanap na turnover ang Special Envoy to the UAE for Trade and Investment na si Anna Kathryna Yu Pimentel.

 

 

Nagpahayag din ng pasasalamat si DSWD Secretary Gatchalian sa ngalan ng pamahalaan ng Filipinas at ng mga mamamayang Filipino.

 

 

Kasama sa donasyon ang mahahalagang produktong pagkain, na ipamamahagi sa mga local government units (LGUs) at sa kanilang mga nasasakupan sa mga lugar na sinalanta nang todo ng bagyong Carina.

 

 

Pinasalamatan ni Mrs. Liza Marcos ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na nagkaroon ng mahalagang papel para matiyak ang walang putol na pagsasaayos at pagpapalabas ng mga donasyon.

 

 

Ang kanilang organisadong paghawak sa customs procedures ay naggarantiya na ang mga kaloob na goods ay naproseso nang maayos at naibigay sa mga tatanggap na ahensiya nang walang pagkaantala, na nagpapakita ng kanilang commitment sa mabilisan at epektibong serbisyo sa panahon ng krisis.

 

 

Ang mahalagang tulong o aid mula UAE ay nagpapakita ng importansiya ng international cooperation at support sa panahon ng krisis, at ang Filipinas ay labis na nagpapasalamat sa napapanahon at importanteng tulong na ito.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

DOUBLE GOLD KAY CARLOS YULO SA 2024 PARIS OLYMPICS

Posted on: August 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING nakasungkit ng gintong medalya si Pinoy gymnast Carlos Yulo sa vault final ng Paris Olympics 2024.
Nangibabaw si Yulo sa mga nakaharap nito kung saan mayroong nakuhang 15.433 points mula sa unang vault jump niya at 14.800 naman mula sa ikalawang jump.
Nagtala si Yulo ng kasaysayan dahil siya lamang ang atletang Pilipino na nakakuha ng dalawang gintong medalya sa isang Olympics.
Magugunitang nitong Sabado ng gabi ng makuha ni Yulo ang gintong medalya sa floor exercise.  Sa pagkakapanalo ni Caloy sa Artistic Gymnastics, Floor Exercise at Vault Final siya ngayon ang may hawak ng mga titulong “First Filipino Athlete to win two gold medals in the olympics, First Filipino Athlete to win two gold medals in a single olympics, First Olympic Medal for the Philippines in artistic gymnastic, First Male Philippine Athlete.
Pagkatapos ng kumpetisyon ay agad nagpasalamat  at narito ang mensahe ni two-time gold medalist Carlos Yulo sa lahat ng mga Pilipinong sumuporta sa kanya. ” Gusto ko pong magpasalamat sa pagpupuyat n’yo po, grabe po sa pag-take ng time po, na pagdasal ako, panoorin at subaybayan, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.  Huwag tayong mawawalan ng pag-asa.
Magpasalamat tayo sa Diyos kung anong meron tayo. God bless us all. Mag-ingat po tayong lahat. Sa mga taong naniwala sa akin talaga, para sa kanila ‘tong lahat.”
At mula sa People’s Balita, congratulations Carlos Edriel Yulo sa iyong makasaysayang panalo sa 2024 Paris Olympics, ang kauna-unahang Filipino Gymnast na nagwagi ng Olympic gold medal, hindi lang isa kundi dalawa pa,  ipinagmamalaki na namin, ang iyong kuwento ay inspirasyon sa bawat Pilipino.”
(M.R. Antazo)

Ads August 6, 2024

Posted on: August 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments