• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 20th, 2024

Net income ng PhilHealth papalo sa P61 bilyon

Posted on: August 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

TINIYAK ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto na hindi nakakaapekto sa benepisyo ng mga miyembro kahit gamitin pa ng gobyerno sa excess funds ng Philippine Health Insurance Corporation (PhiHealth) dahil papalo sa P61-B ang net income ng ahensiya ngayong taon.

 

 

 

Sinabi ni Recto na naaayon sa medical principle na “first do no harm” ang paggamit ng natutulog na pondo at hindi makakaapekto sa benepisyo ng mga miyembro.

 

 

“Yung benefit packages sa mga miyembro ng PhilHealth, daragdagan sa taon na ito ng mahigit 30%. Tapos ang malulubhang sakit katulad ng breast cancer, binibigay ngayon 100,000 pesos, gagawing 1.4 million. At marami pang iba,” paliwanag ni Recto.

 

 

“Madaragdagan ang benepisyo ng PhilHealth, at kahit daragdagan ‘to, malaki pa ang kita ng PhilHealth, at ‘yung kinuha lang natin dito ay ‘di galing sa contrbutions ng members; ito ay galing sa subsidiya ng gobyerno,” dagdag ni Recto.

 

 

Sa katunayan aniya ay magbibigay ang gobyerno sa susunod na taon ng P70 bilyon sa PhilHealth at sapat ito para madagdagan ang benepisyo.

 

 

Ipinaliwanag ni Recto sa pagsisimula ng panayam na mahigit kalahating trilyong piso ang nasa kaban ng ahensya, sapat na para mabayaran ang dalawa hanggang tatlong taon nitong gastusin.

 

 

Ibinunyag din ni Recto na ang P20 bilyong sobrang pondo ng PhilHealth na unang inilipat ay ginamit para masakop ang mga health emergency allowance ng mga health worker at frontliners.

‘Alien: Romulus’ Cemented Itself as a Notable Box Office Performer

Posted on: August 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

THE Alien franchise has a big hit thanks to Alien: Romulus’ box office performance, as its domestic and worldwide opening total is excellent for the series.

 

 

 

Director Fede Álvarez was responsible for relaunching Ridley Scott’s horror/action sci-fi franchise seven years after Alien: Covenant disappointed financially.

 

 

 

Although the 2017 film was still the second-biggest release in the series, the pressure was put on Alien: Romulus to reinvigorate interest in the world after another divisive installment from Scott.

 

 

Luckily, Alien: Romulus’ reviews were much more favorable ahead of its theatrical release. The best Alien movies have typically been strong box office performers, which is why Disney was so eager to continue the franchise in some form after the 20th Century acquisition.

 

 

The confidence in the film was emboldened when it was revealed that Alien: Romulus switched from a Hulu exclusive movie to getting a theatrical release. Disney and 20th Century’s faith in Alien: Romulus as a box office performer is now confirmed thanks to how much money it has made.

 

 

The movie’s domestic, international, and worldwide box office totals are only going to continue to rise from this point on.

 

 

Alien: Romulus cemented itself as a notable box office performer right away. After releasing on August 16, 2024, the seventh Alien movie has a box office total of $108.2 million worldwide via Box Office Mojo. This is largely thanks to the film’s strong performance overseas, where it made $66.7 million internationally. China provided a huge boost as the territory accounted for $25.7 million, making it the largest international location for Alien: Romulus’ box office. This is where the movie’s total worldwide box office stands as of this writing.

 

 

This means that Alien: Romulus has already outperformed its reported budget. According to Variety, Alien: Romulus’ budget was $80 million before marketing expenses. It only took the movie a few days to make more than its cost, setting up the film to be very successful for Disney and 20th Century overall. How big of a hit it is ultimately comes down to where the final box office totals land worldwide.

 

Looking more specifically at Alien: Romulus’ opening weekend, the domestic performance is notable. The movie managed to make $41.5 million over its first three days.

 

 

That is good enough to be the second-biggest opening weekend in the Alien franchise’s history, falling only behind Prometheus’ $51 million in 2012, not adjusted for inflation. The franchise comparisons showcase how impressive Alien: Romulus’ box office performance really is. Although the movies have a strong cultural footprint, they have not always been massive box office performers with record-breaking opening weekends.

 

More importantly, Alien: Romulus’ opening weekend box office total was well above industry projections. There was some belief heading into the film’s first weekend that it might make less than $30 million during that time frame. That would have put the movie in the same group as The Fall Guy or Furiosa: A Mad Max Saga as major blockbusters with less-than-stellar opening weekends in 2024.

 

 

Thanks to positive word of mouth, Alien: Romulus managed to overperform and deliver a victory for Disney and 20th Century by being the #1 movie at the box office that weekend, dethroning Deadpool & Wolverine.

 

 

Now showing in Philippine cinemas nationwide. (Source: screenrant.com)

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Dahil ‘di nagsabi na makikipag-live in sa boyfriend… OGIE, naging open sa naging sama ng loob sa anak na si LEILA

Posted on: August 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING open si Ogie Alcasid sa naging sama ng loob nito sa kanyang panganay na si Leila Alcasid nung makipag-live in ito kasama ang boyfriend na si Mito Fabie.

 

 

 

Si Leila ay anak ni Ogie sa ex-wife na si Miss Australia 1994 Michelle Van Eimeren.

 

 

 

“Ito naman ay open naman ito, ‘yung panganay ko actually bumukod, na ikinasama ng loob ko at sinabi ko sa kanilang dalawa ng boyfriend niya, ‘Bakit hindi kayo nagsabi sa akin?’ E alam mo naman ang kabataan, hindi magsasabi ‘yan e at lalo mong pipigilin, gagawin pa rin nila.

 

 

“Hanggang sa sinabi ko, ‘Alam n’yo, masama ang loob ko sa inyo na nagawa n’yo yan. Pero gayunpaman, kayo ay nag-a-adulting na, gawin n’yo ‘yan, bahala na kayo sa buhay n’yo.’” sey ni Ogie.
Gusto lang daw ni Ogie na magampanan ang papel niya bilang magulang sa kanyang mga anak.

 

 

“Kami bilang magulang, nandiyan lang kami, naghihintay lagi kung kailan n’yo gusto bumalik. Halimbawa lang, may nangyari sa kanila na hindi sila magkatuluyan, nandoon ka pa rin mag-aabang, gano’n ang role namin.

 

 

***

 

 

BACK-TO-SCHOOL din ang singer-actress na si Geneva Cruz.

 

 

Sa kanyang Instagram, pinost ni Gen ang photo niya bilang student with matching school ID sa Philippine Christian University sa Manila.

 

 

Business Administration ang kurso ni Gen sa PCU. Nasubukan daw niyang maging college student noon sa UST, pero kailangan niyang mag-drop sa kurso niyang AB Literature dahil nabuntis siya noon kay Heaven.

 

 

Noong magkaroon siya ng second child, pinlano na ni Gen ang pagbalik niya sa college para magkamit ng diploma.

 

 

“I needed to prioritize finishing a degree. I strongly believe in setting a positive example for my children, which drives me to dedicate time to pursuing my educational goals. It took me a long time to finally return to school and strive to complete college,” sey ni Gen na na-inspire rin sa singer na si Ronnie Liang na nakapagtapos ng ilang kurso sa kolehiyo.

 

 

***

 

 

SI Katy Perry ang tatanggap ng Video Vanguard Award sa MTV Video Music Awards on September 11.

 

 

Kasabay din nito ang pag-perform ni Katy ng new single niya na “Lifetime”.

 

 

Ang mga naging receipients ng award ay sina Shakira, Beyoncé, Nicki Minaj, Madonna, Rihanna, Janet Jackson, LL Cool J, Jennifer Lopez, Justin Timberlake, Missy Elliott and Michael Jackson.

 

 

This year’s VMAs, si Taylor Swift ang nanguna with 10 nominations. 9 naman ang natanggap ni Post Malone; 6 for Ariana Grande, Eminem and Sabrina Carpenter; 5 for Megan Thee Stallion and SZA; and 4 for Olivia Rodrigo, Lisa and Teddy Swims.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDDOZA)

Nagbabala dahil nabiktima ng isang scammer: SANYA, ginamit para makahingi ng donasyon para sa mga Aeta

Posted on: August 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BIKTIMA ng isang scammer ang GMA actress na si Sanya Lopez.

 

 

 

May gumagamit pala kasi ng fake account ni Sanya para makapambudol ng pera sa mga netizens na gamit ang pangalan at photo ng aktres.

 

 

 

Kaya nanawagan ang ‘Pulang Araw’ female star na huwag agad-agad magtitiwala sa mga nakakausap sa social media.

 

 

Upang makapagbigay babala ay nag-post si Sanya sa kanyang Instagram Story ng screenshot pag-uusap ng pekeng Sanya at ng isang biktima na hinihingan ng perang donasyon para sa mga Aeta sa Zambales pati na rin ang screenshot ng profile ng user na nagkukunwaring si Sanya.

 

 

May caption na “Scam Alert”, nagbabala si Sanya na huwag maniniwala sa mga ganitong modus.

 

 

Lahad ng Kapuso actress, “Sa lahat po ng mga chinat nu’ng scammer, hindi po ako yun. Okay? Malinaw, hindi po ako yun. Wag po kayo magbigay agad-agad ng tulong, my goodness
“Tawagan niyo, i-video call niyo, kailangan mukhang-mukha ko.”

 

 

May netizen pa na nag-reach out kay Sanya at sinabing siya man ay sinubukang biktimahin ng naturang scammer at pinadalhan ng mensahe ng panghihingi ng pera.

 

 

***

 

 

NAG-VIRAL noon ang sagot ni David Licauco sa “Family Feud” na dugtungan ang “Maria” na ang isinagot ni David ay “Ozawa”, na sinundan ng tawanan ng mga kagrupo niyang mga lalaki sa show ni Dingdong Dantes.

 

 

Alam naman nating lahat na isang sikat na adult female star si Maria Ozawa sa Japan kaya naman walang humpay na panunukso ang inabot ni David.

 

 

Kaya hindi akalain ng binata na darating ang araw na makakatrabaho siya ang Japanese actress at gaganap pa na ina niya; ito ay sa “Pulang Araw” ng GMA.

 

 

At hindi siyempre naiwasan na na-starstruck siya nang una niyang makita ang Japanese star.

 

 

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras Weekend”, ikinuwento ni David na nakita na niya si Maria sa taping ng kanilang serye kung saan gumaganap si David bilang si Hiroshi Tanaka.

 

 

“Actually paakyat dito nakita ko si Maria Ozawa,” kuwento ni David.

 

 

“Nagulat ako na nandiyan siya saka ang ganda niya.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Dapat ipakita na maging role model at makipag-ayos: Manong CHAVIT, nakikiusap kay CARLOS na ‘wag nang pahirapan ang kanyang pamilya

Posted on: August 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANG makipag-ayos sa kanyang pamilya ang pakiusap ni former Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson kay 2-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

 

 

 

Ito ang kanyang kundisyon bago niya ibigay ang P5 million reward sa kinikilala nang Pinoy champ.

 

 

 

Ayon pa sa dating gobernador nang makausap namin sa grand opening ng BB.Q Chicken sa Festival Mall, Alabang, umaasa si Manong Chavit na si Caloy na raw ang gumawa ng paraan para magkabati sila ng inang si Angelica Yulo at makipag-ayos na rin ang girlfriend na si Chloe San Jose.

 

 

Pero wala pa raw siyang natatanggap na mensahe mula sa kampo ni Carlos.

 

 

“Wala. Walang maka-contact sa kanya, eh. Pero kinu-contact ko na siya lang kaya nakikiusap ako kay Caloy na ipakita niya na ngayon champion siya.

 

 

“Naka-gold siya, ipakita niya na siya ang ano, role model of the family. Eh, ‘di maganda ‘yung pinapakita niya kung hindi siya makipag-reconcile sa pamilya.

 

 

“Pero as of last night, wala pa. So, magdadagdag ako ng premyo niya, limang milyon, kung buong pamilya mapagsama niya dahil dapat siya ang role model, eh,” kwento pa ni Manong Chavit.

 

 

Pag-amin pa ng former governor, “‘yun family niya, nakausap ko na, lahat sila, nanay, tatay, pati mga kapatıd niya, pero hindi raw nila makontak.

 

 

“So, nakikiusap ako kay Caloy, kung marinig man niya, pamilya mo muna dahil wala ka naman diyan kung hindi sa kanila.

 

 

“Yung ibibigay ko na limang milyon dagdag lang yun sa pamilya n’yo. Gusto ko talaga na magkabati silang pamilya.”

 

 

Nagbigay din ng advice si Manong Chavit kay Caloy, “Well, ngayon sikat siya, ‘wag siyang magbago. Dapat siyang role model at number one, pamilya. Kung anuman ang nangyari sa kanila, kalimutan na niya. Nasa sampung bilin ‘yun ng Diyos, respect your father and your mother, simple lang.

 

 

“Caloy, kung nakikinig ka man, nakikiusap ako, kausapin mo pamilya mo, ’wag mo na sila pahirapan dahil ‘yang gold na nakuha mo, hindi lang para sa ‘yo kundi para sa lahat, specially your family.

 

 

“Wala kang pinanggalingan kung hindi sa family mo. Kung ano ang mga nangyari, patawarin mo na sila. Bilin din ng Diyos ’yan, at kung magbati lang sila, okay na, bigay ko sa kanya P5 million.”

 

 

Nagbigay din ng update si Manong Chavit sa ‘Vagabond Season 2’ ni Lee Seung Gi, tuloy pa rin daw ito, may tinatapos lang daw sa story, para tuloy-tuloy at ang maganda dito pa rin ang shooting.

 

 

May isa pang sikat na Korean actor na si Ma Dong-seok na kausap niya at isang Hollywood movie, na parehong magso-shoot sa ‘Pinas.

 

 

Samantala, pang-11 branch na ng BB.Q Chicken sa Festival Mall at ayon sa dating gobernador, target ng company nila na makapagtayo ng 300 branches sa buong bansa. Mina-manage ito ng mga anak niya na sina Michelle at Carlene.

 

 

Natikman na namin ang iba’t-ibang flavors ng Korean chicken na pawang masasarap, pati na rin ang mga pasta, drinks and cocktails, na bagay talagang i-partner. Pati na rin ang kakaibang desserts tulad ng Yakult vanilla float.

 

 

At ilan nga sa popular sa branches sa Metro ay matatagpuan sa BGC, The Shops, Magnolia, Evia at Megamall.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads August 20, 2024

Posted on: August 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments