ISANG mahalagang katungkulan ang gagampanan ng aktres na si Gladys Reyes.
Sumumpa kamakailan si Gladys bilang miyembro ng Appeals Committee ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres ang video at ilang litrato ng kanyang panunumpa sa tanggapan ni Executive Secretary of the Philippines Lucas Bersamin.
“It’s an honor to be appointed by the Office of the President as Member of the Appeals Committee of MTRCB, representing TV industry,” sulat niya sa caption ng kanyang post.
Ang MTRCB Appeals Committee ay binubuo ng limang miyembro na itinatalaga ng pangulo ng Pilipinas.
Kabilang dito ang Representative of the President na nagsisilbing Chairman ng kumite, Representative of the Press Secretary na siya namang vice chairman, at tatlo pang miyembro na Representative of the Presidential Council for Youth Affairs, Representative of the Movie Industry, at Representative of the Television Industry.
Si Gladys ang itinalaga bilang Representative of the Television Industry.
Ang MTRCB Appeals Committee ang nagre-review ng mga apela matapos ang pangalawang desisyon ng MTRCB.
Ipinaliwanag din ni Gladys kung bakit hindi niya kasama ang mister na si Christopher Roxas at kanilang mga anak.
“Sayang at wala pa ang asawa @christopherroxas at mga anak ko na nasa Australia,” saad niya.
Humingi rin siya ng gabay sa Diyos para sa bagong katungkulan niyang ito.
Kasalukuyang napapanood si Gladys Reyes sa hit GMA Afternoon Prime series na ‘Abot-Kamay na Pangarap.’
***
SIGURADONG hindi puwedeng pagpantasyahan ni David Licauco ang former Japanese adult film star na si Maria Ozawa dahil gumaganap itong nanay niya sa ‘Pulang Araw’ ng GMA Prime.
Unang eksena raw ni David with Maria ay nung sinalubong siya pagdating niya sa bahay pagkatapos ng ilang taong pamamalagi sa Japan. Aminado ang Kapuso actor na na-starstruck siya sa Japanese actress.
Nag-viral noon si David sa kanyang guesting sa ‘Family Feud’ noong January nang banggitin ng aktor ang “Ozawa,” nang hingan siya ng mga pangalang nagsisimula sa “Maria.”
Nagkomento naman si Maria sa naturang viral clip ni David at tinawag niya ito na “cute.”
Taong 2005 nung gumawa ng adult videos sa Japan si Maria gamit ang screen name na Miyabi. After five years ay nag-quit na siya sa paggawa ng adult films para maging seryosong aktres at businesswoman.
In 2015, ginawa ni Maria ang pelikulang ‘Nilalang’ with Cesar Montano. Naging boyfriend naman niya ang celebrity chef na si Jose Sarasola. Nag-break sila nung 2021.
***
SA pagbukas ulit ng kaso sa pagkamatay ng ‘Friends’ star na si Matthew Perry noong October 2023, limang tao ang inaresto na may kinalaman sa pagpanaw ng aktor dahil sa ketamine overdose.
Ang mga inaresto ay sina Dr. Salvador Plasencia and Dr. Mark Chavez, Perry’s live-in assistant Kenneth Iwamasa, drug dealer Eric Fleming and so-called “Ketamine Queen” Jasveen Sangha.
Ayon sa report ng Extra: “Sangha and Plasencia are charged with one count of conspiracy to distribute ketamine. Sangha also is charged with one count of maintaining a drug-involved premises, one count of possession with intent to distribute methamphetamine, one count of possession with intent to distribute ketamine, and five counts of distribution of ketamine. Estrada stated that Plasencia charged Perry $55,000 in cash for the ketamine.”
Plasencia faces 120 years in prison, and Sangha faces life.
Natagpuang wala ng buhay si Perry sa kanyang bahau y sa Pacific Palisades. He was floating face down sa kanyang jacuzzi. Cause of death was “acute effects of ketamine and subsequent drowning.”
(RUEL J. MENDOZA)