• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 24th, 2024

Social pension para sa mga indigent seniors citizen, nakakuha ng P49.8B budget para sa susunod na taon

Posted on: August 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang gobyerno ng Pilipinas ng P49.8 billion budget para sa Social Pension ng mga Indigent Senior Citizens sa bansa sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program.

 

Ayon sa Department of Budget and Management, makatutulong ito upang matiyak ang patuloy na implementasyon ng social protection program para sa mga Filipino senior citizen ng DSWD.

 

Sinabi pa ng ahensya na ang alokasyon ay magbibigay-daan sa mahigit 4.08 milyong mahihirap na senior citizen na makatanggap ng buwanang allowance na P1,000 sa susunod na taon upang madagdagan ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at gastusin sa pagpapagamot.

 

Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng Social Pension Indigent Senior Citizens program ay nagsimulang tumanggap ng buwanang allowance na P1,000 ngayong taon, kasunod ng pagsasabatas ng Republic Act (R.A) No. 11916, na nagdoble sa kanilang buwanang pensyon mula P500.

 

Samantala, sa pagpapatupad ng expanded Centenarians Act, kabuuang P3 bilyon ang inilaan para pondohan ang P100,000 cash gift para sa mga Pilipinong umabot sa edad na 100, gayundin ang karagdagang P10,000 cash benefit sa lahat ng Pilipino edad 80, 85, 90 at 95.

 

Kung maaalala, nilagdaan ni PBBM ang R.A. 11982 noong Pebrero 2024, na nagpalawak ng saklaw ng R.A. 10868 at nagbigay ng mga benepisyo sa mga octogenarian at nonagenarian.

Statement of Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada on hid acquittal on direct and indirect bribery charges by the Sandiganbayan

Posted on: August 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

I AM deeply relieved of the Sandiganbayan Special Fifth Division’s decision finding merit in my motion for reconsideration and acquitting me of the direct and indirect bribery charges. This ruling reaffirms the innocence I have consistently maintained throughout the ordeal, which spanned a decade, as I sought to prove the baselessness of the accusations against me.

 

 

 

Pinatotohanan ng korte ang naunang pahayag ko na wala akong tinanggap na suhol, direkta man o hindi. Hindi ako kailanman gumamit ng pondo ng bayan para sa pansariling interes o para pagtakpan ang anumang gawain na taliwas sa mga umiiral na batas. At higit sa lahat, pinatotohanan ng desisyong ito na hindi ko sinira ang tiwala na ibinigay sa akin ng mga mamamayan.

 

 

Lubos akong nagpapasalamat sa Sandiganbayan sa pagkatig sa aking inihaing motion for reconsideration. Gayunpanan, hindi pa tapos ang laban. Bilang isang lingkod bayan, gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya, kahit gaano pa katagal, na linisin ang aking pangalan.

 

 

Hindi madali ang kabanatang pinagdaanan ko ngunit nanatili ang aking tiwala sa ating justice system at kumpiyansa na mapatunayan ang aking integridad bilang halal ng bayan.

 

 

This experience has only further solidified my commitment to work tirelessly for the betterment of our nation as we move forward.

 

Spa sa QC na pinuntahan ng unang Mpox case sa bansa, ipinasara

Posted on: August 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ng Quezon City Government ang agarang pagpapasara ng AED Infinity Wellness Spa matapos matuklasan na galing dito ang unang pasyente ng MPOX sa bansa.

 

 

Dagdag pa riyan ay nadiskubre rin ng Quezon City Government na walang kaukulang business permit ang naturang establisimyento.

 

 

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bukod sa wala silang business permit, wala rin silang mga kinakailangang Ancillary Permits tulad ng Sanitary Permit, Environmental Clearance at Fire Inspection Certificate.

 

 

Paliwanag pa ng alkalde, illegal silang nag-o-operate, kaya mataas din ang tsansa na may iba pang illegal na ginagawa doon.

 

 

Aayudahan naman ng lokal na pamahalaan ang mga empleyado ng nasabing Spa na pawang mga residente din ng lungsod.

 

 

Kaugnay nito, nananawagan si Mayor Belmonte sa mga nasa fun and leisure industry na sumunod sa patakaran at kumuha ng kaukulang mga permit, clearance at certificate na mula sa lokal na pamahalaan.

 

 

Inanunsyo rin ni Belmonte na otomatikong isasama na sa Quezon City Card ang Health Clearance upang maging mas maayos ang sistema. (PAUL JOHN REYES)

OSAA, ipatutupad pa rin ang warrant of arrest laban kay Shiela Leal Guo

Posted on: August 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPATUTUPAD pa rin ng Senate Sergeant at Arms ang warrant of arrest na inihain ng Senado laban kay Shiela Leal Guo.

 

 

 

Ito ang kinumpirma ni Senate Sgt-At-Arms Retired General Roberto Ancan na ipinadala ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

 

 

 

Nahuli ng mga otoridad sa Indonesia si Shiela Guo, ang kapatid ni Alice Guo at si Cassandra Li Ong, isa sa mga incorporators ng Lucky South 99 na iniimbestigahan sa Porac, Pampanga.

 

 

Ngunit bago ito maipatupad ay inabisuhan ang OSAA batay sa patnubay ng Department of Justice (DOJ) na isasailalim muna sa kustodiya ng National Bureau of Investigation o NBI sina Shiela at Cassanda para makapaghain na ng kaso laban kay Cassandra at makapagsagawa naman ng inquest proceedings ang Bureau of Immigration laban kay Shiela sa immigration charges.

 

 

Samantala, inatasan naman ni Escudero si Ancan na sumunod at ipagpatuloy ang pakikipag-ugnayan sa DOJ, NBI, BI, at PNP para sa maayos at mapayapang pamamaraan laban sa dalawang personalidad.

 

 

Gayunpaman, pinasalamatan naman ni Senadora Risa Hontiveros ang Indonesian authorities dahil sa mabilis na aksyon nito upang maaresto ang si Shiela at Cassandra

 

 

Inaasahan ni Hontiveros ang pagdalo nina Shiela at Cassandra ong sa ikakasang pagdinig ng tatlong komite sa Senado sa Martes, Agosto 27.

 

 

Giit ng senadora, mananagot ang dalawa sakaling hindi siputin ang ikakasang imbestigasyon.

 

 

Nakasentro naman ang pagdinig sa kung paano nakaalis ng bansa si Alice Guo.

 

 

 

 

(Daris Jose)

Mga naarestong sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong, mananatili sa BI

Posted on: August 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MANANATILI sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong sa Bureau of Immigration sa Maynila.

 

 

 

 

 

Si Shiela ay kapatid ni dismissed mayor Alice Guo.

 

 

 

Kasunod ito ng pagbalik nila sa Pilipinas matapos harangin at arestuhin sa Indonesia.

 

 

 

Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Asec. Mico Clavano, kakaharapin ng dalawa ang mga reklamong paglabag sa immigration laws.

 

 

 

Matatandaang may inilabas nang arrest order laban sa kanila ang Kongreso dahil sa hindi nila pagdalo sa mga pagpapatawag para sa hearing ukol sa POGO.

‘Pulang Araw’, ipapanood pa rin sa anak kahit kontrabida: DENNIS, hangang-hanga kay ALDEN na first time makatrabaho

Posted on: August 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINANONG si Dennis Trillo kung ano ang pakiramdam na makasama sa ‘Pulang Araw’ sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Alden Richards?

 

 

 

“Masarap yung pakiramdam na makatrabaho yung mga superstars, di ba? Feeling mo ka-level ka rin nila.

 

 

 

“Lalo na masarap makatrabaho ang isang Alden Richards, first time ko siyang nakatrabaho. Makikita mo talaga yung passion niya every time magkaeksena kayo, yung energy niya, energy level niya, parang hindi siya napapagod e.

 

 

“Talagang ibang klase din si Alden Richards,” bulalas ni Dennis na gumaganap bilang Colonel Yuta Saitoh ng Japanese Imperial Army.

 

 

“At siyempre, si Barbie at David, lalo na si Sanya. Masaya ako na makatrabaho sila ulit dahil nakatrabaho ko na sila noon, pero habang lumilipas yung panahon talagang nakikita mo yung growth nila.

 

 

“Si David, lalo na, talagang lagi rin niyang ini-improve yung sarili niya, malaking improvement na yung nakita ko sa kanya simula noon hanggang ngayon.”

 

 

Masama ang karakter niya sa serye, pero bilang tao at bilang si Dennis Trillo, ano ang natutunan niya sa pagiging bahagi ng ‘Pulang Araw’?

 

 

“Well, natutunan ko dito, ayun nga, bukod doon sa napakahirap na experience ng mga Pilipino nung panahon na yun,” tugon niya.

 

 

“Siyempre ayaw na natin mangyari yun, kaya iyon siguro, yung pag-iwas sa mga giyera sa buhay, maging peace-loving tayong mga tao, pahalagahan natin lahat ng mga tao sa paligid natin.”

 

 

Papayagan ba ni Dennis na panoorin ng mga anak niya ang ‘Pulang Araw’, gayung salbahe ang papel niya sa serye?

 

 

“Well, ako ni-recommend ko siya dun sa anak ko kasi high school siya e. So, makaka-relate siya dun sa tema ng history nung mapapanood niya.”

 

 

Pagpapatuloy pa ni Dennis, “Actually, yung Maria Clara at Ibarra pinanood niya din yun, dahil time din na pinag-aralan nila yung Noli Me Tangere nung pinalalabas yun.

 

 

“At ngayon, itong Pulang Araw siyempre ire-recommend ko rin sa kanya dahil wala rin siya masyadong alam dun sa mga nangyayari ng panahon ng Hapon e.

 

 

“Mabuti na mamulat siya dun sa mga katotohanang naganap noon, maganda man o hindi maganda, pero yun talaga yung history e.

 

 

“Iyon yung bumuo sa pagkatao natin e, kaya tayong mga Pilipino ngayon may sariling kalayaan.”

 

 

Ano sa palagay niya ang magiging reaction ni Calix (na magsi-17 na sa September) , na anak nina Dennis at dati niyang karelasyong si Carlene Aguilar, pag nakita nito ang karakter niya sa seryeng mua direksyon ni Dominic Zapata?

 

 

“Oo, siyempre medyo matatakot siguro siya ng konti, kasi talagang wala pa talaga ako nakikita na matinong ginawa nung character ko dun sa Pulang Araw,” pakli ni Dennis, “pero sobrang proud ako dahil talagang… talagang binigay namin talaga lahat nung oras namin para paghandaan na maging maganda lahat ng dialogue at yung pagbuo ng character.”

 

 

Stepfather si Dennis ni Alex Jazz, sixteen years old, na anak ng misis niyang si Jennylyn Mercado sa dati nitong karelasyong si Patrick Garcia, at bunsong anak naman nina Dennis at Jennylyn si Baby Dylan, two years old.

 

 

Maraming umiidolo kay Dennis, na sanay siyang nakikita na positibo ang ginagampanang mga papel sa telebisyon at pelikula.

 

 

Pero heto nga at kontrabida siya sa Pulang Araw ng GMA; ano kaya ang maaaring matutunan ng mga manonood mula kay Yuta Saitoh?

 

 

“Siguro madadala lang nila sa mapapanood nila dun sa character na ginampanan ko ay yung determination niya na makamit o makuha yung isang bagay.

 

 

“Siguro iyon lang yung nakikita ko sa ngayon, sa lahat ng mga nagawa naming eksena. Yun lang. Tsaka yung… iyon lang e.

 

 

“Iyon lang talaga sa ngayon.”

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Itinangging hiwalay na sila ni Regine… OGIE, pinayuhan na gayahin si MON na sampolan ang nagkakalat ng ‘fake news’

Posted on: August 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING usap-usapan sa social media at maging sa mga taong mahilig sa balitang showbiz na hiwalay raw mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

 

 

 

Dagdag pang balita na kapwa inaasikaso na raw ng dalawang Kapamilyang singers ang kanilang divorce paper.

 

 

 

Siyempre nakarating naman ito agad sa kaalaman ni Ogie at may nag-share sa kanyang Threads post.

 

 

Agad naman itong itinanggi at pinabulaanan ng sikat na Kapamilyang mang-aawit ang nabanggit na isyu.

 

 

Hindi raw totoo at malayo raw sa katotohanan ang pinakakalat na fake news ng Facebook page na ang nakalagay pa sa headline ay ganito: “Regine Velasquez Pinaasikaso na Divorce Papers nila ni Ogie Alcasid matapos ng Pagtataksil!”

 

 

“This post was sent to me. It is so sad that the owner would spread rumors about our marriage that is so sacred to both me and my wife and fabricate stories about our supposed separation. I report po natin ito,” paliwanag pa ni Ogie.

 

 

Sa ngayon ay wala namang binanggit si Ogie kung may balak ba siyang magsampa ng kaso laban sa hindi pa matukoy-tukoy sa ngayon na nasa likod ng mapanirang post.

 

 

Pero maraming mga malapit Kay Ogie at mga fans ng aktor singer ang humihimok sa kanya na bigyan ng sampol at para magtanda ito upang hindi na pamarisan.

 

 

Hindi raw sapat na i-report lang ang page. Gayahin niya raw ang aktor na si Mon Confiado na nagsampa ng demandang cyber libel laban sa isang vlogger na gumawa umano ng kuwento laban sa kaniya.

 

 

Ayan hindi totoong maghihiwalay na ang mag-asawa Ogie at Regine, huh!

 

 

***

 

 

MAY pasaring ang sikat na kapamilya newscaster na si Karen Davila very obvious para kay Senator Jinggoy Estrada.

 

 

Sa tweet ni Ms. Karen: “To our lawmakers,

 

 

“Stop victim blaming.

 

 

“Treat victims with compassion and sensitivity. Reliving a traumatic experience is horrific, more so in a public hearing.

 

 

“Stop barraging, asking “why did it take you 5 years? You should’ve filed a complaint immediately”. Victims are scared. They feel ashamed.

 

 

“And this kind of public shaming will not help victims to come out.

 

 

“Let me remind our senators, you serve the people. You are not gods. Do not act like it.”

 

 

Marami talaga ang nag-reak sa klase ng pagtatanong ni Sen. Jinggoy kay Gerald.

 

 

Samantala, binanggit ni Gerald na hindi naman talaga GMA ang ini-reklamo niya kundi ang gumawa sa kanya na isang musical director.

 

 

“Hindi po gma network ang kalaban ko kundi ‘yung mga tao na galit sa akin sa loob ng gma dahil sa pagsusumbong ko at ayaw akong bigyan ng trabaho nung mga panahong ‘yun.

 

 

“Lumipat po ako sa TV5 dahil may trabahong naghihintay sakin dun at tatanggapin lamang nila ako kung may release papers.

 

 

“Pero kung sinagot po nila ang aking kahilingan na mabigyan ng trabaho ay hindi po ako aalis dahil sa simula at simula ay isa akong Kapuso.

 

 

“The fact na tinanggal nila ang aking inakusahan ay nangangahulugang may probable cause. Pero wala kmi natanggap na official reply mula sa kanila kaya after one year ay sumulat ang manager ko sa kanila,” litanya pa ni Gerald.

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

 

Darkness unfolds in the latest Blumhouse thriller, “Speak No Evil”

Posted on: August 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PRODUCER Jason Blum got a call from an executive who saw a thriller that got under his skin, and was eager to see this film. The movie was the 2022 Danish film, Gaesterne, and the screenplay went on to be the inspiration for the latest Blumhouse thriller Speak No Evil. “I’m always glad to be the guy who gets the call when someone sees something disturbing— if it ruins your day, call me!— so I arranged to see it and I was floored. As it unfolded, I recoiled with each new revelation, and when it was over, I couldn’t shake it. I believed that in the right hands, an English language reinterpretation could be a very memorable, very unsettling, very special film,” Blum says.

 

 

Watch the trailer here: https://youtu.be/InvnbXX0VV8?si=jByoNRTk_JF_x0se

 

 

 

Speak No Evil follows an American family who befriends a British family, and subsequently gets invited to a vacation on their idyllic British farmhouse. Not all is what it seems though, and soon enough the family’s dream getaway turns into a nightmare.

 

 

To helm the film, Blum turned to horror writer-director James Watkins, who saw the potential within the material. . “I loved the sly and relatable conceit: people on holiday questioning the direction of their lives and befriending a couple who they think might hold the answers,” Watkins says. “The film really hooked me on a thematic level: its exploration of how modern society shackles us with rules and how we struggle to negotiate them.”

 

 

The film explores these themes through the Dalton family, Americans living in England, consisting of parents Ben and Louise, and their pre-teen daughter Agnes. Ben and Louise are struggling with their sense of distance from each other, while having crises of identity.

 

 

“The Daltons, particularly Ben, have been ground down by life, or at least, their lives don’t match up to the packaged perfect lives they are daily told they should be living by the feeds on their devices,” Watkins says. “‘Affluenza’ used to be the term – people who have lots of material things but are still struggling emotionally. Ben is particularly troubled. He feels that he’s past his prime, on the scrapheap. He’s not sure how to negotiate the modern world and its new codes,” Watkins says.

 

 

A chance to get away from it all takes the form of a British family: Paddy, who is the charismatic head of the household, Ciara, his wife, and their mute son Ant. “Paddy opens a door for Ben that makes him wonder: is there a better way of living? But when they visit the farm so Ben can live out these fantasies of rural authenticity, things aren’t quite what they imagined.

 

 

“The film becomes a kind of ‘check your privilege’ morality tale: Be careful what you wish for when you are complacent about your security and comforts, when you’re feeling trapped by ‘social norms’ and when you want to loosen up and find your animal self. You may think you want danger. But when real danger comes, do you even know how to deal with it?” Watkins continues.

 

 

Darkness unfolds as Speak No Evil arrives in Philippine cinemas on September 11, from Universal Pictures International.

 

 

Follow Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG) and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates on “Speak No Evil.” Connect with the hashtag #SpeakNoEvilPH.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Matapos na pula-pulaan ang ipinamigay na mga gulay: ANGELU, ‘di pinalampas ang nam-bash sa kanyang birthday community pantry

Posted on: August 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nga nakaligtas sa pambabatikos ang actress-councilor ng Pasig City na si Angelu de Leon na kung saan nakunan na namimigay ito ng mga gulay sa kanyang contituents.

 

 

 

Ayon sa isang netizens, namimigay si Konsi Angelu para panoorin ang GMA series na kinabibilangan niya, ang Pulang Araw.

 

 

 

Sa post ng netizen, makikita ang video ni Angelu kung saan nag-aabot ito ng gulay na sitaw sa mga nakapilang residente habang pino-promote ang nasabing serye.

 

 

“Kakapiranggot lang na gulay tapos gusto mo manood ng Pulang Bangaw? Grabe na ang pagka-desperada mo gurl,” birada ng basher.

 

 

Ni-repost naman ito ng isa pang netizen, “JUST INday Badiday: Pulang Araw, namigay ng limang pirasong sitaw mapanood lang. Yes po, lima po, nabilang ng SGV at Nielsen…CHARitable!”

 

 

Hindi naman ito pinalampas ni Angelu at sinagot ang post ng dalawang netizen sa X (dating Twitter).

 

 

Paliwanag ng aktres na nag-celebrate ng kanyang 44th birthday last August 22, “Hi, I do my yearly birthday community pantry as a way of giving back and being grateful to my constituents.

 

Personal ko po ito.”

 

 

Dagdag pa ng batikang aktres, “Nahiya naman ako na hindi ito sapat para sa’yo. Pero I guess hindi ka naman taga-Pasig. I will promote Pulang Araw because I am proud of our show.”

 

 

Sa kanyang Facebook post, nilinaw din ni Angelu na hindi lang sitaw ang ipinamigay nila sa mga residente.

 

 

“Meron pa hong putol na upo kasi hindi ko kaya mag bigay ng buo. Pinuputol namin para meron ang lahat. May talong, ampalaya at okra din.

 

 

“Ang mahal na pala talaga ng gulay ngayon. Hindi talaga aabot ang 64 pesos sa isang masustansyang meal per day.”

 

 

Samantala, isa kinabubuwisitan ngayon si Angelu sa Pulang Araw dahil sa karakter niya bilang si Carmela Borromeo, ang asawa ni Julio Borromeo (Epy Quizon) at ina ni Teresita Borromeo (Sanya Lopez). Isa siya nagpapahirap sa buhay nina Eduardo (Alden Richards) at Adelina (Barbie Forteza).

 

 

Ang Pulang Araw nga ang nagsisilbing comeback project ni Angelu matapos magpahinga sa showbiz ng ilang taon.

 

 

Ipinagpaalam daw niya ito kay Mayor Vico Sotto ang pagtanggap ng naturang serye.

 

 

 

(Rohn Romulo)

Ads August 24, 2024

Posted on: August 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments