AS of August 28, 2024, Wednesday, umabot na sa PHP320M ang gross sales ng Un/Happy For You.
Third week na sa mga sinehan ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto at tiyak na lalaki pa ang kinita nito dahil bukod sa domestic gross ay madagdag pa international screenings nito.
Na nagsimula noong Agosto 22, Huwebes, napanood na ang Un/Happy For You sa Australia, New Zealand, United Arab Emirates (UAE), at Kingdom of Saudi Arabia (KSA).
Agosto 23, Biyernes, pinalabas na ito sa USA, Canada, Guam, at Saipan.
Ngayong Huwebes, Agosto 29, showing na ito sa Qatar. Coming soon na ito sa Oman, Bahrain, Italy (Rome, Milan), Malta, Hong Kong, Malaysia, at Singapore. At may playdate na ito sa Cambodia, September 27.
At dahil nga sa tagumpay ng kanilang pelikula, magkakaroon ng ‘Happy For You: Thanksgiving Tour’ sina Joshua at Julia, kasama sina Aljon Mendoza, Bong Gonzales, at Bianca de Vera ngayong Sabado, Agosto 31 sa KCC Gensan Convention Center at KCC Koronadal.
At kahapon, nagkaroon ng special surprise ticket selling sina Joshua at Julia sa SM North EDSA na kung saan dinumog sila ng mga madlang pipol.
Ni-repost din ni Julia ang post ng Star Cinema at nagpapasalamat niya sa lahat ng sumuporta sa movie nila ni Joshua.
Ang ‘Un/Happy For You’ na ang biggest Star Cinema movie na after pandemic at pinalabas sa regular playdate.
Samantala, kahapon din, tatlong pelikulang Pinoy ang nag-open sa local cinemas.
Ito ay ang Pagtatag! The Documentary ng SB19, Love Child nina RK Bagatsing at Jane Oineza, at Real Life Fiction nina Piolo Pascual at Jasmine Curtis-Smith.
At dahil nga box-office hit ang JoshLia movie na Un/Happy For You, aabangan naman kung anong pelikula ang susunod na makalalampas sa P100 million mark.
***
ANG GMA Kapuso Foundation (GMAKF), ang sociocivic arm ng GMA Network, ay nakatanggap kamakailan ng fourmillion pesos na donasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang donasyon ay pormal na iniabot ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr. kay GMAKF Executive Vice President & Chief Operating Officer Rikki Escudero Catibog sa isinagawang “Sagip Dugtong Buhay” bloodletting event noong Agosto 17 sa Ever Gotesco Mall, Commonwealth Avenue, Quezon City.
Ang donasyong ito ay naging posible sa pamamagitan ng boluntaryong kontribusyon ng mga sundalo ng AFP, na naglaan ng Php 50 mula sa kanilang pang-araw-araw na subsistence allowance na Php 150—katumbas ng isang pagkain—para dito. Ang AFP donation drive ay nakalikom ng sapat na pondo – kalahati ay napunta sa pagbibigay ng tulong sa mga sundalo ng AFP na direktang naapektuhan ng Super Typhoon Carina, habang ang kalahati naman ay naibigay sa GMA Kapuso Foundation para sa iba pang mga Carina survivors.
Ididirekta ang donasyon ng AFP patungo sa post ng GMAKF na mga proyektong rehabilitasyon ng Super Typhoon Carina, partikular na ang pagtatayo ng mga silid-aralan sa mga lugar na may problema sa ekonomiya at mahirap.
Ang proyekto ay nagtataguyod ng pagboboluntaryo sa pamamagitan ng donasyon ng dugo, sa huli ay nakakatulong upang iligtas at pahabain ang mga buhay.
Para sa karagdagang detalye kung paano mag-donate sa GMAKF, bisitahin ang www.gmanetwork.com/kapusfoundation/donate.
(ROHN ROMULO)