• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 6th, 2024

Columbia Pictures to distribute GMA Pictures’ “Green Bones,” “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie”

Posted on: September 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MANILA, Philippines — GMA Pictures and Columbia Pictures have entered a landmark deal for the distribution of two upcoming films “Green Bones” and “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie” in a contract signing held at the Columbia Pictures office in the Philippines on September 5. This marks the return of Columbia Pictures in distributing local films in the Philippines.

 

Attending for GMA Pictures were GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes and GMA Pictures Executive Vice President and GMA Public Affairs First Vice President Nessa Valdellon.

 

Signing for Columbia Pictures were its Managing Director Christopher Sy and Sales & Operations Manager Andra de Erquiaga Manas.

 

Through this agreement, Columbia Pictures will take on the role of handling the local theatrical distribution of “Green Bones” and “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie.” 2024 marks the first time Columbia Pictures is distributing locally-produced films after eight years.

 

“GMA Pictures is proud to announce that two of its upcoming films, “Green Bones” and “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie,” will be distributed commercially by Columbia Pictures. As one of the leading film production companies in the world, Columbia Pictures has brought some of the biggest Hollywood blockbusters to Philippine theaters. We are honored and grateful that Columbia Pictures is with us in our endeavor to produce high-quality films and that these movies will be accessible to more moviegoers through this deal,” said Atty. Gozon-Valdes.

 

“Columbia Pictures has always been committed to the theatrical experience and we are thrilled to be partnering with GMA Pictures to distribute the MMFF entry “Green Bones” as well as “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie.” GMA Pictures has a rich legacy of producing award-winning and commercial films which we look forward to bringing to as wide an audience as possible,” said Sy.
Also gracing the event were “Green Bones” lead actors Dennis Trillo and Ruru Madrid.

 

Directed by Zig Dulay, “Green Bones” is a gripping, inspirational drama that delves into the story of a man accused of murdering his sister and niece, and a relentless corrections officer driven by an unquenchable thirst for justice. It is GMA Network’s official entry to the 2024 Metro Manila Film Festival. National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee is also among the film’s screenplay writersMeanwhile, “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie” is the movie spin-off of the annual Halloween special of “Kapuso Mo, Jessica Soho” that features real-life horror-themed stories and episodes.

 

Columbia Pictures, owned by Sony Pictures Entertainment, has released some of the biggest blockbusters of the past decade, including “Spider-Man: No Way Home,” Jumanji: Welcome to the Jungle,” “Venom,” “Spider-Man: Across the Spider-Verse,” and the recently released “It Ends With Us.” In 2023, Columbia released “Insidious: The Red Door” which became the highest grossing film for that year and the biggest horror film of all time in the Philippines.

 

Over the years, GMA Pictures has become a prominent player in the Philippine cinema landscape, captivating audiences locally and internationally. Some of its recent films include “Firefly,” “The Cheating Game,” and the 2024 Cinemalaya Independent Film Festival entry “Balota,” which was produced with GMA Entertainment Group.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

 

 

‘Agenda’ eere na sa Bilyonaryo News Channel: KORINA, balik sa pagbabalita at ka-tandem si PINKY

Posted on: September 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA nakatakdang major television debut ngayong Lunes, September 9, ipinabatid ng Bilyonaryo News Channel ang kanilang lineup para sa anchor desk ng primetime newscast na ‘AGENDA’.

 

Ang programa ay pangungunahan ng mga de-kalibreng broadcast news anchors ng bansa, ang Agenda Setters na sina Korina Sanchez-Roxas at Pinky Webb.

 

Naunang inihayag ang makasaysayang pagbabalik sa news anchoring ng award-winning journalist na si Korina, na ang huling naging newscast ay halos may isang dekada na.

 

Taglay ang mukha at pangalan na kasing kahulugan na ng Philippine media sa loob ng nagdaang limang dekadang pagiging anchor ng mga pangunahing news programs at lifestyle shows, si Korina ay isa na sa mga haligi ng broadcast journalism sa bansa. Ang ‘Agenda’ ay patuloy na sasandig sa kanyang diretsong estilo ng pagtatanong sa mga stakeholders tungkol sa iba-ibang isyu na nakakaapekto sa bansa bilang pangunahing agenda ng programa.

 

Makakasama sa newsdesk ng ‘Agenda’ ang isa pang kinikilalang broadcast journalist. Si Pinky ay may tatlong dekadang karanasan sa industriya ng pagiging anchor sa iba’t ibang programa para sa major news channel. Ang kanyang banayad na estilong panlabas ay bumabalanse sa kanyang masidhi at walang humpay na pamamahayag.

 

Si Pinky ay kilalang mapapagkatiwalaan at may kalmadong pagbabalita na hahatak sa mga manonood para dalhin ang kanilang atensyon sa mga pangunahing isyu at balita.

 

Bahagi rin ng Agenda si Jam Alindogan, na isang internationally-acclaimed correspondent at co-founder ng aid organization na Sinagtala. Si Jam ang magiging Foreign Affairs Editor ng channel na responsable sa lingguhang special report tungkol sa mga mahahalagang isyu sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

Isa pang beterano na makakasama sa pagbabalita ang walang takot na mamamahayag na si Nancy Carvajal. Si Nancy ay makakasama ng ‘Agenda Setters’ dalawang beses sa isang linggo para sa mga special reports.

 

Ang ‘Agenda’ ay araw-araw matutunghayan sa primetime newscast mula 6PM hanggang 7PM. Ang headline grabbing program na ito ang magiging pangunahing plataporma ng Bilyonaryo News Channel laban sa propaganda ng mga taong nasa kapangyarihan at panlaban sa mga nagkakalat ng fake news.

 

Ang ‘Agenda’ ang tatalakay sa mga pinakamalalaking isyu kada araw na may malaking epekto sa bansa at sa buhay ng sambayanan. Tatalakayin dito ang bawat anggulo at aspeto sa pamamagitan ng in-depth reporting, no-nonsense, hard-hitting interviews sa mga principal at major stakeholders.

 

Ang Bilyonaryo News Channel ay available sa free-to-watch television channel na BEAM TV 31 (sa pamamagitan ng mga digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga), gayundin sa pangunahing cable TV provider na Cignal Channel 24.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Kumayod nang husto para sa mga pangarap: TEEJAY, marami ring pinagdaanan na hirap sa buhay

Posted on: September 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UNANG beses na napanood ni Teejay Marquez ang pelikula nilang “Mamay: A Journey to Greatness (The Marcos Mamay Story)” sa special screening nito noong Agosto 27 sa Cinema 1 ng SM Megamall.

 

Ang una naming itinanong kay Teejay ay kung ano ang naramdaman niya matapos mapanood ang pelikula.

 

Lahad niya, “Siyempre nakatutuwa and marami akong natutunan nung napanood ko na yung pelikula. Siyempre nung una inasahan ko muna yung acting ko, kung paano ko ginampanan.

 

“Pero in the end, marami akong natutunan sa buhay ni mayor, sa mga paghihirap niya, so… nakaka-inspire,” bulalas ni Teejay.

 

“Pero iyon, I mean lahat ginalingan lahat, na na-project nila yung buhay ni Mayor at tsaka nung ibang mga ginampanan na ibang characters so masaya ako na napanood ko ito.

 

“And feeling ko maraming matututunan yung mga makakapanood nito.”

 

Ang pelikula ay tungkol sa kuwento ng buhay ni Mayor Marcos Mamay na alkalde ng Nunungan, Lanao del Norte. Gumaganap sa pelikula si Teejay bilang teenager na Marcos Mamay.

 

Si Teejay, ano ang natutunan niya sa pagiging bahagi ng pelikula?

 

“Iyong hirap ng buhay na pinagdaanan ni Mayor, lalung-lalo na yung nagpunta kami sa Lanao na doon ko na-experience, siyempre nag-shoot kami sa eskuwelahan.

 

“So totoong galing pa sila sa malayong lugar lalakarin nila para lang makapasok sa school.

 

“Dun ko nakita na andami sa atin na ayaw pumasok, andaming spoiled, naglalakwatsa lang, de-kotse, binibigay lahat pero ayaw mag-aral,” pahayag ni Teejay.

 

Si Mayor Mamay noong estudyante pa lamang, na si Teejay nga ang gumanap, ay naglalakad ng malayo mula sa bahay nila para makapasok sa eskuwelahan, at dahil salat sa buhay ay naka-tsinelas lamang dahil walang pambili ng sapatos.

 

“Noon wala silang means, walling resources, naka-tsinelas,” bulalas ni Teejay.

 

“Challenging pero masarap yung experience, mapi-feel mo na minsan kahit simple yung buhay kung may gusto ka talaga maa-achieve mo.”

 

Ano naman ang pinakamahirap niyang dinanas sa buhay?

 

“Well for me pinakamahirap yung feeling ko na hindi pa ako pinapansin kasi hindi pa ako accepted, may mga bagay na nasasabi sa iyo dahil baguhan ka pa.

 

“Siguro, nilunok ko lahat iyon because sabi ko naman parte lang ito, darating ang panahon may mga tao ring makakakita ng halaga ko, may reward din ito.

 

“Siguro in life naman, nahirapan lang ako na mag-aral kasi yung resources ng family ko, yung means hindi kaya para pag-aralin ako.

 

“So dumating yung point na pinasok ko yung pagko-commercial para makapag-aral. Buti na lang nag-e-enjoy ako sa pagko-commercial pero na-realize ko, pinagtrabahuhan ko pala.

 

“So, kumayod pala talaga ako para sa pangarap ko.”

 

At dahil gumanap siya bilang Young Mamay Marcos na naging mayor, pumasok ba sa isip ni Teejay na balang-araw ay nais rin niyang pasukin ang pulitika?

 

Ani Teejay, “Wala pa pong pumapasok na ganyan sa isip ko pero inspired ako sa mga taong pumapasok sa pulitika para tumulong dahil laki rin sila sa hirap.

 

“Ako naman siguro kung dumating sa punto na magkaroon ako ng ekstra, siguro ise-share ko na lang pero hindi po pumapasok sa isip ko na tatakbo ako.

 

“Kung sumobra man yung maging resources ko itutulong ko na lang.

 

“Hindi ko pa naiisip na pumasok [sa pulitika], pero tingnan natin, for me basta makatulong ako masaya na ako.”

 

Mula sa Mamay Production, nasa pelikula rin sina Jeric Raval as Marcos Mamay, Ara Mina, Victor Neri, Polo Ravales, Julio Diaz, Devon Seron, Ron Angeles, Ali Forbes, Jethro Ramirez, Sheila Delgado, sa panulat at direksyon ni Neal “Buboy” Tan.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ni-reveal sa isang video post kasama ang pamilya: IYA, buntis na naman sa ika-limang anak nila ni DREW

Posted on: September 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUNTIS muli si Iya Villania na ika-limang anak nila ni Drew Arellano.

 

Sa kanilang Instagram Reel, nag-post ng video at larawan ang pamilya Arellano na sumasayaw sa tugtuging “Mambo No. 5” ni Lou Bega.

 

Isa-isang nagpakita ang mga anak nina Drew at Iya, na sina Primo, Leon, Alana, at Astro, at sa huli, ipinakita naman ang larawan ng ultrasound ng bago nilang baby.

 

Naglagay si Iya sa caption ng waving hand emoji.

 

Dinagsa naman ng pagbati ang mag-asawa mula sa kanilang followers at maging sa mga kapuwa nila celebrities.

 

Nitong nakaraang Enero, biniro nina Iya at Drew ang netizens sa pagkakaroon ng ika-limang anak.

 

Taong 2014 nang ikasal ang mag-asawa.

 

Taong 2022 naman nang isilang ni Iya ang bunso nilang anak na si Astro.

 

***

 

TATLONG award-winning actresses ang makakasama ni Dennis Trillo sa kanyang gagawin na series na ‘Severino: The First Serial Killer’.

 

Ito ay sina Dolly de Leon, Chai Fonacier at Meryll Soriano.

 

Si Yam Laranas ang magdidirek ng series. Kilala si Direk Yam sa mga pelikula niyang Sigaw, The Echo, Hibla, The Road, Aurora, Balahibong Pusa, Radyo, Patient X at Ikaw Lamang Hanggang Ngayon.

 

Sa Instagram account ni Dennis, pinost niya ang photos kasama niya sina Meryll, Chai, Dolly, and Direk Yam.

 

“#SEVERINO #yamlaranas,” caption pa niya.

 

Ang Severino ay kuwento ni Juan Severino Mallari, isang pari na nakilala bilang “first serial killer in the Philippines.”

 

Severino is from producer-distributor CreaZion Studios with a script written by Dodo Dayao (‘Cattleya Killer’), Rona Co (‘Hello, Love, Goodbye’), and Rody Vera (‘Die Beautiful’).

 

***

 

NAGING red carpet official ang couple na sina Brad Pitt at Ines de Ramon nung sabay silang maglakad sa red carpet ng Venice Film Festival.

 

Ito ang first time na makita ang dalawa sa isang international film festival. Suot ni Ines ay draped, asymmetric Entire Studios gown and bedazzled box clutch. Si Brad ay suot ang black suit featuring a blazer with satin lapels by Louis Vuitton.

 

Kasama ng gorgeous couple ang mag-asawang George and Amal Clooney. Co-stars sina Brad at George sa pelikulang ‘Wolfs’ na pinalabas sa naturang festival.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads September 6, 2024

Posted on: September 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UAAP may bagong rules sa Season 87

Posted on: September 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Simula sa Season 87, ipatutupad ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang bagong patakaran para sa mga student-athletes na nagnanais lumipat ng unibersidad.

 

 

Pormal nang inihayag ni UAAP Executive Director Atty. Rebo Saguisag ang pasya ng Board of Managing Directors sa press conference kahapon sa Novotel.

 

 

Base sa bagong rules, ang isang student-athlete na nais mag-transfer sa kapwa UAAP member school ay mababawasan ng dalawang taon na playing years mula sa dating patakaran na isang taon lamang.

 

 

“The UAAP, as a collegial body, decided that any transfer made after the academic year 2023-2024 will not only incur the usual residency requirement but will now be charged with an additional eligibility year, making it a total of two years,” ani Saguisag.

 

 

Halimbawa, ang isang rookie na nagpasyang lumipat ng ibang school sa susunod na season ay magkakaroon na lamang ng dalawang taon na playing years kasama ang kanyang bagong team.
“In simpler terms, the residency period will remain the same but only the playing years of the transferee will be affected,” ani Saguisag.

 

 

Nakatakdang magsimula ang Season 87 sa Setyembre 7 sa Smart Araneta Coliseum kung saan inaabangan na ang palabas na inihahanda ng season host University of the Philippines.

 

 

Kabilang na rito ang performance ng OPM band Eraserheads.

 

Masisilayan din ang salpukan ng UP Fighting Maroons at Ateneo Blue Eagles na kilala sa tawag na “Battle of Katipunan.”

 

 

Ang tema sa season na ito ay ‘Stronger, Better, Together.’

Ex-NBA star Rajon Rondo naghain ng guilty plea sa mga kaso niya

Posted on: September 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN ng guilty plea si dating NBA star Rajon Rondo sa kinakaharap nitong kasong kriminal.

 

Nahaharap kasi si Rondo ng iligal na pagdadala ng baril sa Indiana.

 

 

Ang nasabing paghain nito ng guilty plea ay para maibasura na ang kasong possession of marijuana at possession of paraphernalia.

 

 

Bilang bahagi ng kasunduan ay makukulong siya ng 180 araw pero ang kaniyang hatol ay nasuspendi.

 

 

Dahil dito ay gugugulin na lamang nito ang oras niya sa probation.

 

 

Huling naglaro sa NBA si Rondo noong 2021-2022 season.

Gilas Youth nabigo sa New Zealand 75-58 sa FIBA U18 Asia Cup

Posted on: September 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NABIGO ang Gilas Pilipinas Youth sa New Zealand 75-58 sa FIBA U18 Asia Cup 2024 sa Amman, Jordan.

 

 

Nasayang ang ginawang 30 points ni Joh Earl Medina para sa Batang Gilas.

 

 

Tanging panalo lamang ng Batang Gilas ay laban sa Indonesia 75-48 sa pagsisimula ng laro.

 

 

Dahil dito ay mayroong isang panalo at dalawang talo na sila sa Group D.

 

 

Maglalaro pa Batang Gilas sa quarterfinals laban sa mananalo sa pagitan ng Japan at Qatar ng Group C.

Creamline nagkampeon sa PVL matapos ilampaso ang Akari

Posted on: September 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING nakuha ng Creamline Cool Smashers ang kampeonato sa PVL matapos tapusin ang pangarap ng AKARI sa winner-take-all title game.

 

 

Nangibabaw ang Creamline sa score na 25-15, 25-23, 25-17 para maitala ang ika-siyam na kampeonato.

 

 

Hindi naman nakapaglaro sa Creamline sina Alyssa Valdez, Tots Carlos, Jema Galanza at Jia de Guzman dahil sa pagkakaroon ng injuries, may national duties o nasa ibang bansa.

 

 

Itinuturing na ang Creamline bilang pinakamagaling koponan ng PVL dahil ito na ang pang-16th podium finish at 12th final appearance.

 

 

Tinanghal naman bilang finals Most Valuable Player si Bernadeth Pons.

Inflation para sa Agosto 2024, naitala sa 3.3% – PSA

Posted on: September 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAHAGYANG bumagal ang inflation rate ng Pilipinas noong buwan ng Agosto dahil sa mas mahinang pagtaas ng gastos sa pagkain at transportasyon.

 

 

Ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA), magandang development ito.

 

 

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation, na sumusukat sa rate ng pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at serbisyo, ay bumagal sa 3.3% noong nakaraang buwan, mas mababa kaysa sa 4.4% rate noong Hulyo.

 

 

Dahil dito, ang year-to-date inflation print sa unang walong buwan ng 2024 sa 3.6%, pagbagal mula sa 5.3% rate sa parehong panahon noong nakaraang taon at nasa loob pa rin ng threshold ng gobyerno na 2% hanggang 4%.

 

 

Bumulusok din ito sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 3.2% hanggang 4% para sa kaparehong period.