• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 18th, 2024

Together Until the End: Watch the Final Trailer for “Venom: The Last Dance”

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PREPARE for the final chapter in Eddie and Venom’s story. Watch the trailer for Venom: The Last Dance.

 

 

Starring Tom Hardy, this gripping…

 

Eddie and Venom’s partnership faces its ultimate test as their story reaches a dramatic conclusion in “Venom: The Last Dance.“

 

Slated to crash into Philippine cinemas on October 23, fans can now watch the emotional and thrilling final trailer. Get ready for an epic farewell to one of Marvel’s most complex antiheroes!
About Venom: The Last Dance

 

Tom Hardy reprises his iconic role as Venom in this highly anticipated finale. The film dives deep into Eddie Brock and Venom’s unbreakable yet tumultuous bond as they navigate the chaos closing in on them. Hunted by both the human and symbiote worlds, the duo faces their toughest challenge yet. As the net tightens, Eddie and Venom must make a heart-wrenching decision that will decide their fate—forever.

 

Venom: The Last Dance promises a mix of heart, action, and suspense, delivering a finale that fans won’t forget. As the curtains fall on this legendary partnership, audiences will be on the edge of their seats for the final ride.

 

Stellar Cast and Creative Team

The film features an all-star cast, including: Tom Hardy as Venom/Eddie Brock, Chiwetel Ejiofor, Juno Temple, Rhys Ifans, Peggy Lu, Alanna Ubach, Stephen Graham.

 

Directed by Kelly Marcel, who also penned the screenplay based on a story co-written by Marcel and Tom Hardy, this film promises to be a gripping conclusion to the Venom trilogy. Produced by Avi Arad, Matt Tolmach, Amy Pascal, Kelly Marcel, Tom Hardy, and Hutch Parker, Venom: The Last Dance is shaping up to be a cinematic event to remember.

 

Mark your calendars! Venom: The Last Dance will hit Philippine theaters on October 23. Don’t miss your chance to witness the epic finale. Distributed by Columbia Pictures, the local arm of Sony Pictures Releasing International, this is one ride you’ll want to experience on the big screen.

 

(Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

May mensahe rin kay Kyline na nali-link sa anak: JACKIE, proud mom sa pagrampa ni KOBE sa ‘New York Fashion Week’

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PROUD mom si Jackie Forster sa pagrampa ng anak na si Kobe Paras sa New York Fashion Week.

 

 

May mensahe rin si Jackie kay Kyline Alcantara na nali-link ngayon kay Kobe.

 

 

Sa Instagram, ibinahagi ni Jackie ang video compilation ng pagrampa ni Kobe sa naturang fashion event para sa brand na Millari.

 

 

“We are so ready for it! Kobe walking at #NYFW for @milarri_” saad ni Jackie sa caption.

 

 

Nagkomento naman si Kobe sa naturang post ng kanyang ina na, “I love you so much mama,”‘ na may kasamang red heart emojis.

 

 

“I love you more! See!? It only took me two days to make the video so proud of you two keep pushing pass your comfort zone my beautiful talented boy! Anything is possible,” tugon ni Jackie sa anak.

 

 

Nagkomento rin si Kyline sa post ni Jackie na may tatlong white heart emojis.

 

 

Tugon dito ni Jackie para kay Kyline, “Sky is the limit for you two!”

 

 

Rumampa rin sa naturang event si Kyline para sa Filipino fashion designer na Chris Nick’s Spring/Summer 2025 show.

 

 

Walang pagkumpirma mula sa dalawa tungkol sa tunay nilang relasyon, pero inihayag ni Kyline sa isang panayam na masaya siya ngayon.

 

 

***

 

 

PROUD ang Kapuso singer-songwriter Vilmark sa latest single niya under GMA Music na “O Jo!”

 

 

Isa itong heartwarming love song that pays homage to his roots and celebrates the beauty of Kapampangan culture.

 

 

“O Jo!” is a term of endearment in Kapampangan, inspired by Vilmark’s personal experiences as a witness sa pagmamahalan ng kanyang parents.

 

 

“I hope the song will inspire listeners to embrace their heritage and celebrate the power of love. I hope people will feel kung paano magmahal ang isang Kapampangan. This is my first single about love and I’ve been waiting for this perfect time to finally release a love song,” sey pa niya.

 

 

Stream Vilmark’s “O Jo!” on digital platforms worldwide.

 

 

***

 

 

FOR the first time ay dalawang Japanese actors ang nagwagi sa Primetime Emmy Awards bilang lead actor and actress in a drama series.

 

 

Ito ay sina Hiroyuki Sanada at Anna Sawai na nanalo para sa FX series na Shogun. Nanalo ring Best Drama Series ang Shogun.

 

 

Pamilyar ang maraming Pinoy kay Sanada dahil gumawa siya ng pelikula sa ating bansa noong 1995 titled Sigaw ng Puso kunsaan nakasama niya sina Lorna Tolentino at Sharmaine Suarez.

 

 

Bagama’t hindi nanalong Best Comedy Series ang The Bear ng FX at napanalunan ito ng Hacks ng HBO, napanalunan ng The Bear ang best actor (Jeremy Allen White), best supporting actor (Ebon Moss-Bachrach) at best supporting actress (Liza Colon-Sayas).

 

 

Si Jean Smart ang nanalong best comedy actress for Hacks.

 

 

Ang iba pang nanalo ay sina Jodie Foster (best actress in a limited series: True Detective); Billy Crudup (best supporting actor in a drama series: The Morning Show); Richard Gadd (best actor in a limited series: Baby Reindeer); Elizabeth Debicki (best supporting actress in a drama series: The Crown); Jessica Gunning (best supporting actress in a limited series: Baby Reindeer); Lamorne Morris (best supporting actor in a limited series: Fargo); Baby Reindeer (best limited series); Traitors (best reality competition program); The Daily Show (best talk series).

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Apektado nang malamang may abdominal cancer: ISKO, isa sa unang bumisita sa naging ka-tandem na si Dr. WILLIE

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISA si Isko Moreno sa mga unang dumalaw kay Dr. Willie Ong.

 

 

Sey pa ng Manila mayoral aspirant na ganun na lang daw ang pagdarasal niya para sa agarang paggaling na kaibigan niyang naging ka-tandem niya last presidential elections.

 

Kasalukuyang nakipaglaban si Doc Willie ngayon sa abdominal cancer.

 

Apektado si Yorme sa pinagdaraanang pagsubok ngayon ni Doc Willie matapos niyang mapanood ang video nito kung saan ibinalita nga niya ang tungkol sa pagkakaroon ng cancer at sumasailalim siya ngayon sa chemotherapy.

 

Nalulungkot daw siya sa natanggap na masamang balita pero naniniwala siya na hindi magpapabaya ang kaibigang doktor at lalabanan nito ang kanyang cancer.

 

***

 

SOBRANG nalungkot si Arjo Atayde dahil hindi siya napasama sa seryeng ‘Incognito’ na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Richard Gutierrez.

 

Bukod kasi sa pagiging aktor ay nanunungkulan din si Arjo bilang Congressman sa 1st District ng Quezon City.

 

Posibleng sa susunod na taon pa muling makagawa ang aktor at pulitiko ng isang serye.

 

“I’ve been gone for about five years. Marami na pong nangyari. Definitely I’m looking forward to coming back and to be back on my playground. I wanna work with everyone naman talaga. It really gives me the opportunity to learn more.

 

“Nagugulat din po ako sa ibang mga artista the way they did it kapag sinabing ‘Action!’ ng direktor,” banggit pa ni Arjo.

 

Kahit abala sa kabi-kabilang trabaho ay sinisikap naman ni Arjo na magampanan ang pagiging asawa kay Maine Mendoza.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Matapos pumalit bilang bokalista ng ‘Lily’: JOSHUA, bina-bash at pilit kinukumpara kay KEAN

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SI Joshua Bulot ang pumalit sa unang bokalista ng Lily, na dating Calla Lily, na si Kean Cipriano.

 

 

Kaya kinumusta namin ang journey niya bilang miyembro ng naturang banda.

 

 

“Actually sobrang natuwa ako kasi ano, ang bilis rin ng chemistry naming lahat,” wika ni Joshua, “kumbaga nagkaroon kami ng struggles pero sa totoo lang pag iniisip mo ang bilis rin ng nagyari sa amin.

 

 

“Na ang daming kumukuha sa amin, ang daming nag-embrace sa amin.

 

“Marami ring bashers pero totoo yan naka-help din sa amin.

 

“Looking forward ako sa marami pang puwede naming gawin,” ang nakangiting sinabi pa rin ni Joshua na agaw-pansin sa suot niyang crop top kaya kita ang kanyang mga matitipunong braso, well-defined abs at pusod na napapaligiran ng balahibong pusa.

 

Nakapanayam namin ang Lily sa magandang venue ng VEE’S G-Pub Resto Bar and Events Place sa Greenfield City sa Mandaluyong.

 

By the way, speaking of Joshua, siya ang sumulat ng bagong kanta ng Lily, ang very sexy and titillating song na ang titulo ay HIGA.

 

Natawa naman ang grupo sa tanong namin kung ano na ang matinding pamba-bash ang dinanas nila.

 

“More on sa akin e,” bulalas ni Joshua, “kasi siyempre pinalitan ko si Kean so maraming comparison. Isipin mo si Kean maangas, naka-shades tapos ako naka-crop top!

 

“So parang alam mo yun? Maraming nam-bash sa akin, na hindi daw ako rakista. Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako rakista.

 

“And I’m not Kean Cipriano. I’m Joshua Bulot. And this is not Calla Lily, this is Lily.

 

“So gusto kong iparating sa mga tao na wala kayong dapat ikumpara kasi this is a new band and I’m not Kean, I’m not the shadow of Kean,” pahayag pa ni Joshua na umani ng palakpakan.

 

Second anniversary ng bandang Lily.

 

“Magtu-two years na kami ngayong September 21,” kuwento sa amin ng hot and hunky vocalist ng grupo.

 

“Actually andaming nangyari,” saad naman ni Lem Belaro (drummer/songwriter) sa tanong namin kung kumusta ang journey nila sa loob ng dalawang taon.

 

“Una siyempre ang hirap talaga kasi honestly, kailangan naming mag-adjust sa isa’t-isa. Like [may] mga matagal ng members, we’ve been around seventeen years na.

 

“And then may mga bago kaming members, silang tatlo,” pagtukoy ni Lem kina Joshua, Nathan Reyes na rhythm guitarist (na hindi masyadong bago dahil 2017 ay nasa Cala Lily na ito pero bilang sessionista pa lamang at hindi pa permanente) at si Ezra Decinal na keyboardista ng Lily.

 

Ang mga original members naman na nanggaling pa sa Calla Lily ay sina Aaron Ricafrente na bassist ng grupo, Alden Acosta (lead guitarist) at si Lem nga.

 

Pagpapatuloy pa ni Lem, “Kailangang, alam mo yun, magkakaibang ugali, millennials tapos Gen Z, medyo mahirap pagsamahin.

 

“Pero dahil sa music actually nabubuo lahat. Nagiging maayos ang isang malaking puzzle.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Handog ng Globe para sa kabataang Pinoy: BINI at SunKissed Lola, pangungunahan ang ‘G FEST 2024’

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANG Globe ay naghahanda upang bigyang-inspirasyon ang mga kabataang Pilipino sa G FEST 2024, na isang electrifying three-leg event sa Manila, Iloilo, at Davao na pinaghalong musika at pagkamalikhain upang magbigay ng inspirasyon sa lakas ng loob at magpakawala ng pagpapahayag ng sarili.

 

 

Ang G FEST ngayong taon, bahagi ng taunang pagdiriwang ng G Day na minarkahan ang iconic na Globe prefix 0917, ay naglalayong bumuo ng mas malalim na koneksyon sa mga customer habang pinapayaman ang kanilang pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng mga curated, makabuluhang aktibidad at eksklusibong mga reward.

 

 

Ang G FEST ay nagsisilbing plataporma para sa mga kabataang Pilipino na ipahayag ang kanilang sarili at ituloy ang kanilang mga hilig, na may natatanging pagkakataon na makibahagi sa entablado sa kanilang mga idolo.

 

“We’re excited to bring G FEST to life, giving young Filipinos space where their passions can thrive. This event is a celebration of creativity, collaboration, and courage, and we can’t wait to see how it will inspire and empower the next generation to break boundaries and pursue their dreams with confidence,” pahayag ni Bianca Wong, Globe’s Vice President of the Feel Valued Tribe.

 

Ang kaganapan ay magsisimula sa Setyembre 22, 2024, sa SMX Convention Center sa Pasay City, na nag-aalok ng kapana-panabik na lineup ng mga atraksyon at sorpresa. Maaaring umasa ang mga dadalo sa mga nakaka-engganyong workshop, mapang-akit na pagtatanghal ng musika, at showcase ng mga artistang mangangalakal na na-curate ng Patrons of the Arts.

 

Ang highlight ng G FEST ay ang lineup nito ng mga nakatutuwang live set ng mga nangungunang artist na sina BINI, Denise Julia, Jason Dhakal, SunKissed Lola, at ASTER sa Courage Stage.

 

Maaari ring makilahok ang mga manonood sa mga workshop na “Go Lang Nang Go”, kung saan maaari silang matuto ng mga aralin sa sining ng pagganap mula sa mga mahuhusay sa industriya.

 

Pangungunahan nina BINI Coaches na sina Mickey Perz, Reden Blanquera, at Matthew Almodovar ang Dance Like BINI session, na nagtuturo sa mga tagahanga ng choreography para sa “Cherry On Top,” ang pinakabagong hit ng girl group sa bansa.

 

Ang singer-songwriter na sina Denise Julia at Jason Dhakal ay sasali sa lineup para magbahagi ng mahahalagang insight sa “How to Be a Pop Star.”

 

Hinihikayat ang mga customer ng Globe na i-redeem ang kanilang G FEST 2024 pass sa GlobeOne app, na nagbubukas ng access sa lahat experiences at aktibidad na naghihintay sa kanila.

 

Para naman sa mga hindi makadadalo, ang G FEST Manila ay mag-i-stream nang live sa Facebook at YouTube page ng Globe sa Setyembre 22, 2024, simula 6 PM, na tinitiyak na lahat ay makakasama sa kasiyahan mula sa kahit saan.

 

Ipagpapatuloy ng G FEST ang misyon nito na magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan sa Oktubre 5, 2024, sa Iloilo Convention Center, at sa Nobyembre 16, 2024, sa SMX Convention Center, Davao City.

 

Ang G FEST 2024 ay naging posible sa suporta ng mga pangunahing partner, kabilang ang Patrons of the Arts bilang Opisyal na Kasosyo sa Sining, Billboard Philippines bilang Opisyal na Kasosyo sa Music Media, at HelixPay bilang Opisyal na Kasosyo sa Ticketing.

 

Kasama sa iba pang partner ang Warner Music Philippines, SM Malls Online, Parlon, Marqed Salon, Angkas, foodpanda, GrabCar, Move It, KonsultaMD, Jollibee, BLCKBOX ng Tier One Entertainment, BLOOM Philippines, at SMX Convention Center.

 

Inaanyayahan ng Globe ang lahat ng kabataang Pilipino na maging bahagi ng G FEST 2024, isang selebrasyon na idinisenyo upang magbigay ng inspirasyon at kapangyarihan sa kanila na abutin ang kanilang mga pangarap.

 

Upang matuto nang higit pa tungkol sa kung paano maging bahagi ng G FEST 2024, pakibisita ang http://glbe.co/GDayEveryday

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Cheska and Kendra Kramer Advocates for Cervical Cancer Awareness and Prevention

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

Cervical cancer survivor Belay Fernando, beauty queen and advocate Bea McLelland, and celebrity advocates Cheska Kramer and daughter Kendra Kramer led the discussion on empowering women in the fight against cervical cancer with host Niña Corpuz.

 

 

UNDERSCORING the importance of health education and open communication, celebrity mother-and-daughter duo Cheska and Kendra Kramer have introduced their new advocacy focused on cervical cancer awareness and prevention. The pair recently took center stage as panelists at the event “Her Story, Her Strength: Speaking Up on What We DeCerv,” organized by MSD in the Philippines, where they passionately discussed the vital role of family support in fostering awareness and understanding of cervical cancer.

 

 

Cervical cancer is mostly caused by an infection with the human papillomavirus (HPV), a group of more than 200 related viruses transmitted through intimate skin-to-skin contact. While cervical cancer is one of the only two cancers preventable through vaccination, 12 Filipinas die every day due to the disease. Since HPV can be sexually acquired, there remains a stigma surrounding cervical cancer, which can also contribute to the hesitance to seek medical care, including consultation, screening, and vaccination.

 

 

Cheska, known for her role as a devoted mother and influencer, highlighted the significance of creating an environment where mothers and daughters can openly discuss health-related issues. “It is essential that we have open communication with our children,” Cheska shared. “With that open communication, Kendra gets to tell me everything she needs to tell her mom. Intentional Parenting is so important. With intentional parenting, they shouldn’t feel like they can’t come to us and speak to us about everything.”

 

 

Kendra, echoed this sentiment, emphasizing how these conversations lay the groundwork for continued health awareness. “I’m very grateful that I have a very intentional mom who is always willing to make time for me despite how busy she is with her work. I leave no room for secrets with my mom, I tell her everything, anything I’m feeling. I like having an open communication with my mom,” she added.

 

 

Kendra, though still in her teens, has already become an advocate for her generation. She spoke about how these conversations with her mother have made her more aware of the importance of many health-related preventive measures, such as the vaccine for cervical cancer.

 

 

Open Family Communication for Better Health Awareness

The Kramers’ advocacy doesn’t stop at their own family. They are using their platform to encourage other families to prioritize health literacy and open communication. During the event, they stressed that cervical cancer prevention is not just a personal responsibility but a collective one that involves the entire family.

 

 

“Because all information is now out in the open, I have more conversations with my daughters about diseases like this that happen. We’re open to talking about how we can find ways to prevent it. We remind them to value themselves, value your bodies, take care of your health, abd to listen to your body,” Cheska explained. “When it comes to vaccination, letting them decide when they are ready for things like this should also be considered.”

 

 

Kendra added that being part of these conversations has empowered her to take an active role in her health. “If you know that you can prevent something, I think you should take the opportunity. It’s good to start young. I think it’s good we’re taking preventive measures, so we won’t need to worry about it in the future,” she shared.

 

 

The Kramers’ advocacy is a testament to the power of family in driving change. By leading by example, Cheska and Kendra are showing that health education is not just about imparting knowledge, but about creating a supportive environment where that knowledge can be shared and acted upon.

 

 

“When we know what prevention can do in terms of emotional, financial, and health, it helps us look forward to a better future. Getting informed is a priority. If you’re feeling anything, be brave and go to the doctor,” Cheska emphasized. “Talks like this are important as they make us feel like we’re not alone and that there’s always hope. There is hope when we do something about it, when we take the steps to prevent it.”

 

 

Kendra encouraged young girls to be proactive about their health by learning more about cervical cancer and how they can take preventive measures, “I’m glad that I can use my platform to spread awareness on this disease, and it’s good that my followers can see it from account so that they can be more aware and educate themselves on this topic and learn the appropriate preventive measures.”

 

 

A United Front for Health Literacy

MSD in the Philipines and panelists share the stage with the ‘Cervical Cancer? ‘Di mo de-CERV’ shield, which represents that prevention is the greatest ally in the battle against cervical cancer and that each one assumes a critical role in protecting women’s health.

 

 

The event brought together experts, advocates, and influencers to discuss the pressing issue of cervical cancer awareness and prevention. The event featured discussions on key topics such as health literacy, where experts, including Dr. Stephanie Veneracion and pharmacist Liza Sta. Maria provided accessible insights into cervical cancer prevention.

 

 

Liza discussed that HPV vaccination is now available in some pharmacies, making it more accessible for women, “Pharmacists are now allowed to give vaccinations. There are pharmacists that are licensed to give the vaccines with proper training certification. They would be able to administer the vaccine.”

 

 

Everyday Choices, the second segment of the discussion, highlighted practical strategies for incorporating disease prevention into daily life, with influencers like Aencille Santos, Jessica Tinio, and Ivy Bermejo, sharing tips on integrating wellness routines into daily routines, including busy schedules and finances.

 

 

“Preventive measures in the Philippines range from 3,000 and above for screening and vaccination. Some public health programs even offer free vaccinations,” said financial advisor Ivy. “Early detection treatments are more affordable compared to treating advanced stages of cancer, which can run up to millions of pesos. There’s also still indirect causes like maintenance, after-treatment costs. If you think about it, investing in preventive measures is a smart financial decision as well.”

 

 

Finally, the last segment, the Voices of Empowerment discussion, invited cervical cancer advocates like cervical cancer survivor Belay Fernando, who shared her story as she battled the disease, and beauty queen Bea McLelland, who continues to promote cervical cancer awareness to her audiences of all ages.

 

 

Belay highlighted the role of a solid support system throughout her treatment, explaining, “Having my family and friends there for me has really helped me survive cervical cancer. They always made sure that someone was with me in every session, like radiation, chemotherapy, they’re always there. For me, beyond getting through treatment, I wanted to make sure that I live a meaningful life and did amazing things after for them because of what they put into my treatment.” She also acknowledged that some women fighting cancer today may not have the same financial and emotional support as her, overemphasizing the need for continued awareness on cervical cancer.

 

 

As Cheska and Kendra Kramer continue to champion the cause of cervical cancer prevention, their advocacy serves as a reminder that the strength of family support can be a powerful force in the fight against diseases. Through their efforts, they are not only raising awareness but also inspiring others to take charge of their health and the health of their loved ones.

 

 

Now, it’s time for everyone to take action—schedule regular check-ups with your doctor, and ask them about your and your family’s vaccine eligibility. Through these steps, Filipinos can protect themselves and their loved ones, helping to prevent cervical cancer and build a healthier future for all.

EJ Obiena target na gumawa ng panibagong record sa susunod na taon

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nawawalan ng pag-asa si Pinoy pole vaulter EJ Obiena na makamit ang mga target na record para sa sarili.

 

 

Sinabi nito na kapag tuluyan ng itong gumaling mula sa kaniyang injury sa likod ay handa na nitong mahgitan ang kaniyang 6.00 meters na record.

 

 

Ang nasabing record kasi ay kaniyang nakamit noong 2023 World Championship sa Hungary kung saan pumangalawa ito sa record-holder na si Armand Duplantis ng Sweden.

 

 

Sa kasaysayan ay tanging mayroong tatlong katao lamang ang nakaabot ng mahigit 6.10 meters na target ngayon ni Obiena.

 

Ang mga ito ay kinabibilangan nina legendary Sergey Bubka ng Ukraine na mayroong 6.15 meters noong 1993; Renauld Lavillenie ng France na mayroong 6.16 meters at si Duplantis namayroong 6.26 meters sa Diamond league.

 

 

Ayon kay Obiena na masaya na ito kapag maabot ang target na 6.15 meters.

 

 

Tiwala naman ang coach nito na si Vitaly Petrov na kayang abutin ng Pinoy pole vaulter ang nasabing taas.

 

 

Sa ngayon ay target ni Obiena tuluyang magpagaling kung saan base sa mga pagsusuri ng kaniyang mga doktor ay aabutin pa itong ilang buwan para sa paggaling.

San Beda sosolohin ang No. 2 spot

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITUTULOY ng nagdedepen­sang San Beda University ang kanilang arangkada sa pagharap sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 100 men’s basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

 

 

Sasagupain ng Red Lions ang Generals ngayong alas-2:30 ng hapon matapos ang salpukan ng Letran Knights at Arellano Chiefs sa alas-11 ng umaga.

 

 

Solo ng St. Benilde ang liderato bitbit ang 3-0 baraha sa itaas ng San Beda (2-1), Perpetual (2-1), San Sebastian (2-1), Mapua (2-1), Letran (1-1), EAC (1-2), Lyceum (1-2), Arellano (0-2) at Jose Rizal (0-3).

 

Tumipa ang Red Lions ng 85-75 panalo sa Stags, habang nakatikim ang Generals ng 55-77 kabiguan sa Blazers sa kanilang mga huling laro.

 

 

Sa nasabing tagumpay ng San Beda ay naglista si rookie guard Bryan Sajonia ng career-high 26 points bukod sa 8 rebounds, 4 assists, 2 steals at 1 block at may 21 markers si center Yukien Andrada tampok ang limang three-point shots.

 

Sa unang laro, ang ikalawang dikit na ratsada ang hangad ng Knights sa pakikipagtuos sa Chiefs.

 

 

Tinusok ng Letran ang 70-62 panalo sa Jose Rizal sa huling laro.

Police Captain , misis pinasok sa bahay, pinagbabaril patay

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TRAHEDYA ang sinapit ng isang police captain at misis nitong negosyante na kap pulis na kapwa nasawi habang malubhang nasugatan ng kanilang menor-de- edad na anak nang pasukin ang bahay at pagbabarilin sila ng ‘di pa tukoy na salarin, sa Alabang, Muntinlupa City, Lunes ng mada­ling araw.
Kinilala ang mga nasawi na sina P/Captain Aminoden Sanchez Mangonday, Mary Grace Ramirez Ma­ngonday, 40, na isang negosyante.
Kasalukuyang ginagamot pa sa ospital ang anak nilang si alyas “Shasmeen”, 12-anyos.
Sa inisyal na ulat mula sa Muntinlupa City Police Station, naganap ang insidente ala-1:10 ng madaling araw, sa Tierra Villas, L&B 2 Ilaya St., Alabang.
Lumalabas na isa lang ang suspek na inilarawang nasa 5’9 ang taas, nakasuot ng itim na jacket at itim na pantalon, mahaba ang buhok, na armado ng baril.
Sa imbestigasyon, naidlip sa sofa bed ng kanilang sala si Capt. Ma­ngonday sa ikalawang palapag nang pasukin ng suspek at binaril sa ulo, kasunod ay pinasok naman ang bedroom ng mag-asawa kung saan nandon  Mary Grace na pinagbabaril din sa din ulo.
Dahil sa narinig na magkakasunod na putok ay lumabas ng kaniyang kuwarto si Shasmeen na nakakita sa suspek na binaril din ng suspek
Batay din sa ulat, hindi nai-lock ang pintuan ng bahay kaya napasok umano ng suspek.
Dadalhin ang mga bangkay sa Blue Mosque, Maharlika Village, sa Taguig City para sa tradisyunal na paglilibing bilang Islam.
Nabatid na si Capt. Mangonday ay kasalukuyang nasa schooling ng Investigation Officers Basic Course(IOBC) na malapit na sanang matapos.
Bumuo na si P/Colonel Robert Domingo ng tracker teams na mag-iimbestiga at posibleng pag-aresto sa matutukoy na suspek. (Daris Jose)

19,000 Pinoy na nagtatrabaho sa POGO, maaapektuhan sa ban ng DOLE

Posted on: September 18th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT  19,000 Filipino workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) firms sa  National Capital Region (NCR) ang maapektuhan sa nalalapit na ban, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ni DOLE-NCR Assistant Regional Director Jude Thomas Trayvilla na nakapag-profile ang ahensya ng nasa 19,341 Filipino employees na nagtatrabaho sa ilalim ng 48 internet gaming licenses (IGLs) sa kabisera ng rehiyon.
Karamihan sa mga manggagawa ay sumasahod ng tinatayang aabot sa halagang P16,00/ Hanggang P22,000 ay naka-empleyo sa ilalim ng administrative task, e coding, Hr, liaison, marketing, finance, IT, housekeeping gayundin ang drivers at security guards.
Noong nakaraang linggo, inulit ng DOLE na handa itong magbigay ng tulong sa mga Filipino workers na nawalan ng trabaho dahil sa POGO ban.
Kabilang sa mga interbensyon ng DOLE na ibigay sa mga apektadong empleyado ay ang TUPAD program, livelihood projects, at isang specialized job fair, dagdag ni Trayvilla.
Ang job fair ay isasagawa sa Oktubre 10, 2024 sa Ayala Malls Manila Bay sa Pasay City. Hindi bababa sa 70 employer ang inaasahang lalahok sa kaganapan.
Ang pagbabawal sa POGO sa bansa ay inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, sa kanyang ikatlong State of the Nation Address. GENE ADSUARA