INAPRUBAHAN na ng House of Representatives ang P6.352-trillion national budget ng taong 2025.
Ang nasabing pag-apruba ay isang araw matapos sertipikahan ito Pangulong Ferdinand Marcos Jr na urgent.
Mayroong kabuuang 285 na kongresista ang bumuto na pumabor sa House Bill 10800 o kilala bilang “An Act Appropriating Funds for the Operation of the Government of the Republic of the Philippines”.
Habang mayroong tatlong kongresista naman ang bumuto laban sa nasabing panukalang batas.
Sa kaniyang talumpati ay pinasalamatan ni House Speaker Ferdinand Romualdez ang kapwa mambabatas dahil sa pagpasa na ng budget.
Giit nito na mahalaga ang nasabing budget para sa pagpondo sa mga pangunahing proyekto ng gobyerno gaya sa imprastraktura, human at social development, environmental protection, technological innovations at sustainable development.