SINABI ng isang senior U.S. defense official na ang pinakabagong nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog noong unang bahagi ng taong kasalukuyan.
Maituturing itong isang malaking kahihiyan para sa Beijing na hangad na mapalawak ang military capabilities nito.
Sa ulat, sinasabing ang Tsina ay mayroon ng pinakamalaking navy sa buong mundo, mayroong 370 barko, at nagsimula nang gumawa ng bagong henerasyon ng nuclear-armed submarines.
Winika ng senior U.S. defense official na ang bagong first-in-class nuclear-powered attack submarine ng Tsina ay lumubog sa tabi ng pier o pantalan sa pagitan ng Mayo at Hunyo.
Sinabi naman ng tagapagsalita ng Chinese embassy sa Washington na wala itong maibibigay na impormasyon ukol dito.
Hindi naman malinaw kung ano ang dahilan ng paglubog o kung ito may lulan na nuclear fuel ng oras na iyon.
“In addition to the obvious questions about training standards and equipment quality, the incident raises deeper questions about the PLA’s internal accountability and oversight of China’s defense industry – which has long been plagued by corruption,” ang sinabi ng opisyal, gumamit ng acronym para sa People’s Liberation Army.
“It’s not surprising that the PLA Navy would try to conceal” the sinking,” ang sinabi pa rin ng opisyal.
Samantala, ang balita ay unang iniulat ng Wall Street Journal.
Isang serye ng satellite images mula sa Planet Labs mula Hunyo ang lumabas para ipakita ang cranes sa Wuchang shipyard, kung saan ang submarine ay nakadaong.
“As of 2022, China had six nuclear-powered ballistic missile submarines, six nuclear-powered attack submarines and 48 diesel-powered attack submarines,” ayon sa Pentagon report ukol sa China’s military.
“That submarine force is expected to grow to 65 by 2025 and 80 by 2035,” ang sinabi naman ng U.S. Defense Department. (Daris Jose)