• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 15th, 2024

2 kelot na nasita sa paglabag sa ordinansa, bistado sa droga

Posted on: October 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu nang takbuhan ang mga pulis na mag-iisyu sa kanila ng tiket dahil sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City.

 

 

Sa ulat, habang nagsasagawa ng Anti-criminality foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS4) sa Pla-Pla St., Brgy. 14 nang matiyempuhan nila ang dalawang lalaki na walang suot na damit habang gumagala sa lugar dakong alas-2:15 ng madaling araw.

 

 

Nang iisyuhan nila ng tiket dahil sa paglabag sa umiirala n ordinansa ng lungsod ay bigla lamang umanong kumaripas ng takbo ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska ng mga pulis sa suspek na sina alyas Miel, 26, at alyas Michael, 45, kapwa residente ng lungsod ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 7.6 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P51,680.

 

 

Dahil dito, pinosasan ng mga pulis ang mga suspek at sasampahan ng kasong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Biden personal na binisita ang mga nasalanta ng bagyong Milton; $600-M tulong tiniyak

Posted on: October 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Personal na binisita ni US President Joe Biden ang mga nasalanta ng hurricane Milton sa Florida.

 

 

Sinabi nito na labis silang nagpapasalamat dahil sa hindi gaano naging matindi ang pinsalang dulot ng bagyo gaya ng inaasahan.

 

 

Nangako ito na magbibigay ng $600-milyon na tuloy para sa mga naapektuhan ng bagyo.

 

 

Sa nasabing halaga ay $100-M dito ay mapupunta sa improvement ng power system ng Florida.

 

 

Magugunitang umabot na sa 17 katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Milton na nananalasa noong nakaraang linggo.

Bulacan emerges as Top 1 Province in Local Source Revenues for FY 2022

Posted on: October 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

CITY OF MALOLOS- The Province of Bulacan added another feather to its cap as it was hailed as the Top 1 Province in Local Source Revenues (LSR) in Nominal Terms for the Fiscal Year (FY) 2022, and Top 3 for FY 2023 during the 37th Bureau of Local Government Finance (BLGF) Anniversary Stakeholders’ Recognition held at Seda Manila Bay, Parañaque City last Wednesday, October 9, 2024.

 

Bulacan achieved ₱2.4 billion in local revenues in 2022 and ₱2.2 billion in 2023 coming from tax revenues including real property tax, tax on business, and other taxes; and non-tax revenues including regulatory fees, service or user charges, receipts from economic enterprise, and other receipts.

 

Governor Daniel R. Fernando, together with Provincial Treasurer Atty. Maria Teresa L. Camacho, received the recognitions from Department of Finance Secretary Ralph G. Recto and BLGF Executive Director Consolacion Q. Agcaoili.

 

In his speech, Sec. Recto said that local government units and their leaders are the true drivers of inclusive economic growth for the nation because they are the frontline institutions that create opportunities, uplift lives, and directly transform the communities.

 

“Saludo po ako sa inyong dedikasyon na patuloy na iangat ang antas ng serbisyo para sa ating mga kababayan. I am confident that each of you will become a shining example for all other LGUs, inspiring them to strive harder and deliver better, for the success of every LGU translates into prosperity for the people you serve,” the finance secretary said.

 

The province was also awarded as Top 5 in FY 2022 and Top 7 in FY 2023 for the Ratio of Local Source Revenues to Total Current Operating Income; and Top 10 in FY 2022 for the Year-on-Year Growth in Local Source Revenue achieving 29.22% growth.

Ombudsman, ibinasura ang mga kaso ni Duque sa ukol sa P41-B pandemic supply

Posted on: October 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBINASURA na ng Office of the Ombudsman ang mga administrative charges laban kay dating Department of Health (DOH) Sectretary Francisco Duque III tungkol sa mga kinikwestyong pagbili ng mga Covid-19 supplies at Covid kits na nagkakahalaga ng P41 billion noong taong 2020.

 

 

Ang mga kasong grave misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service at gross neglect of duty na siyang ipinataw kay Duque noong Agosto ngayong taon ay ganap na na-dismiss.

 

 

Ito ay matapos na pagbigyan ng Ombudsman ang motion for reconsideration ni Duque na una nang nahatulan ng ahensya na guilty ang dating opisyal at isa pang kapwa akusado nito noong Mayo 6.

 

 

Dahil doon ay tuluyang napatalsik sa pwesto si Duque bilang DOH Secretary.

 

Siya rin ay inalisan ng mga retirement benefits at perpetually disqualified sa kahit anong government positions o trabaho.

 

 

Samantala, nitong Agosto 5 ay pumayag na ang Ombudsman na hindi na siya maaaring maging subject ng administrative complaints dahil matagal nang tapos ang termino nito bilang kalihim ng ahensya. (Daris Jose)

2 Driving Schools sinuspinde ng LTO dahil sa pamemeke ng TDC, PDC Certificates

Posted on: October 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II sa mga driving school at accredited na klinika ng ahensya na medical clinics na umiwas sa anumang ilegal na gawain na maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan ng publiko sa kalsada.

 

Ito ay matapos masuspinde nang 30 araw ang operasyon ng dalawang driving school sa Tarlac at Quezon province dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pamemeke ng Theoretical Driving Course (TDC) at Practical Driving Course (PDC) certificates.

 

Nauna nang iniutos ni Assec Mendoza ang masusing imbestigasyon sa umano’y pamemeke ng TDC at PDC certificates matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa modus operandi ng ilang tiwaling driving school.

 

Pinalawak din niya ang kautusan upang isama ang mga accredited medical clinics ng LTO matapos makatanggap ng hiwalay na ulat ng pamemeke ng mga medical certificate.

 

“This is part of our aggressive campaign against fixers. We cannot allow these modus operandi to happen because what is at stake are the safety of road users,” ani Assec Mendoza.

 

Ayon kay Renante Militante, hepe ng LTO-Intelligence and Investigation Division, agad nilang inatasan ang pag-deploy ng mga poseur client bilang pagsunod sa utos ni Assec Mendoza na naglalayong matukoy ang mga driving schools na nasangkot sa ilegal na aktibidad.

 

 

Sa ulat ni Militante, nakuha ng kanilang poseur client ang TDC sa Driving School sa San Sebastian, Tarlac kahit hindi personal na dumalo sa pamamagitan ng tulong ng isang instructor.

 

Samantala, nakuha rin ng isa pang poseur client ang PDC mula sa Driving Academy sa Lucena City, Quezon province, kahit hindi nakumpleto ang kinakailangang oras at hindi dumalo sa mandatoryong road safety seminar.

 

“We already issued a Show Cause Order to these two driving schools to demand their explanation why they should not be punished for violating the provisions of the accreditation given to them,” ani Assec Mendoza.

 

“Both the driving schools were also suspended for 30 days pending the result of the ongoing investigation,” dagdag niya.

 

Sinabi ni Assec Mendoza na ang agresibong kampanya laban sa mga tiwaling driving schools ay alinsunod sa utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista, upang matiyak na tanging mga kwalipikadong indibidwal lamang ang mabibigyan ng lisensya sa pagmamaneho, bilang bahagi ng kanyang adbokasiya para sa road safety.

 

Ang TDC at PDC ay pangunahing kinakailangan para sa pagkuha ng lisensya sa pagmamaneho.

 

“This action should serve as a stern warning against driving schools and accredited medical clinics to do what is right. Otherwise, we will not hesitate to cancel their operation because what is at stake here are the life and limb of all road users,” ani Assec Mendoza.

 

Dagdag pa niya na mas marami pang operasyon at imbestigasyon ang isasagawa laban sa mga tiwaling driving schools at medical clinics base sa mga impormasyong hawak ng LTO. (PAUL JOHN REYES)

3 drug suspects tiklo sa halos P.4M droga at baril sa Caloocan

Posted on: October 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa halos P.4 milyong halaga ng shabu at isang baril ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Restie Mables ang naarestong mga suspek na sina alyas Louie, 43, (HVI), alyas Ron, 44, at alyas Buboy, 23, pawang residente ng lungsod.

 

 

Sa ulat ni Lt. Mables kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagtutulak ng droga ni ‘Louie’ at ‘Ron’ kaya ikinasa nila ang buy bust operation laban sa mga ito.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,500 halaga ng droga at nang tanggapin ni ‘Ron’ ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba dakong alas-4:08 sa Kawal Raffol 2 Brgy., 28, kasama ang kanila umanong parokyano na si ‘Buboy’.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 57 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P387,600, buy-bust money na isang P500 at 6-pirasong P1,000 boodle money habang nakuha naman kay ‘Louie’ ang isang kalibre .45 pistol na may isang magazine at kargado ng tatlong bala.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan pa na kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act ang kakaharapin ni ‘Louie’. (Richard Mesa)

Walang taas-pasahe basta may fuel subsidy – transport

Posted on: October 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI hihirit ng dagdag pasahe ang mga transport groups kung magbibigay ng fuel subsidy ang gobyerno.

 

Ito naman ang kondi­syon ng Magnificent 7 kaugnay ng pagtataas ng presyo ng diesel at gasolina bukas.

 

Sa panayam kay Pangkalahatang Sanggunian Manila & Suburb Drivers Association Nationwide, Inc. (PASANG-MASDA) President Roberto “Ka Obet” Martin, sinabi nito na nagpulong na sila ng Magnificent 7 at nagkasundo na hindi ­maghain ng dagdag-pasahe at sa halip ay hihilingin na lamang nila sa Department of Transportation na bigyan sila ng fuel subsidies.

 

Kadalasan aniyang nakakatanggap ng P10,000 fuel subsidy ang bawat mo­dern PUVs habang P6,000 naman bawat isa ang mga traditional jeepneys.

 

 

“There will be no (petition for fare hike). We know how to respond to the needs of the passengers. Drivers and operators do not take advantage just to earn,” ani Martin.

 

 

Inaasahang tataas ang diesel ng P2.70 mula sa dating P2.50 kada litro habang P2.50 mula sa P2.30 kada litro sa gasolina.

 

 

Sinabi ni Martin na bagama’t malaking kawalan sa kanila ang halos P3 taas sa presyo ng krudo, kailangan pa rin nilang balansehin ang sitwasyon.

 

Iniintindi na lamang nila ang hirap ng mga commu­ters at mga manggagawa na sumasahod lamang ng minimum wage.

15K benepisyaryo mula sa industriya ng sining, inayudahan sa BPSF

Posted on: October 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang isang malawak na programa na nagkakahalaga ng P75 milyon, na layuning magbigay ng tulong-pinansyal at mga pagkakataon sa pagpapahusay ng kakayahan para sa mahigit 15,000 miyembro ng industriya ng sining, kabilang ang pinansyal na suporta at iba pang mga serbisyo ng pamahalaan.

 

 

Ang event na may paksang “Paglinang sa Industriya ng Paglikha” ay ginanap kahapon hanggang Lunes sa PhilSports Arena (ULTRA) sa Pasig City, na layuning itaguyod ang mga propesyonal mula sa sektor ng pelikula, telebisyon, teatro, at radyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang mahalagang serbisyo at benepisyo.

 

 

Ang programa na inisyatiba ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pangunahing tagapagtaguyod ng BPSF, na nakapaghatid na ng mga serbisyo at tulong mula sa gobyerno na umaabot na sa halagang higit P10 bilyon sa mahigit 2.5 milyong pamilya sa 24 na lugar sa buong Pilipinas.

 

Ayon kay Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” Gabonada Jr. na ang BPSF para sa industriya ng sining ay nagbahagi ng tig-P5,000 cash aid sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa ilalim ng Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ng DSWD.

 

Umaabot naman sa 75,000 kilo ng bigas ang ipinamahagi ni Romualdez na kilala sa tawag na “Mr. Rice” para sa 2-day event, kung saan tig-5 kilo ng bigas ang tatanggapin ng bawat benepisyaryo.

 

 

Sa event, 23 ahensya ng gobyerno ang nakilahok sa pagbigay ng access sa mahigit 100 serbisyo ng gobyerno, tulad ng mga permit, lisensya, at serbisyong pangkalusugan, na mahalaga para sa mga propesyonal sa industriya ng sining. (Daris Jose)

Garma iniugnay si Sen. Bong Go sa drug war finances via trusted aide na si ‘Muking

Posted on: October 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ang isang indibidwal na malapit kay Senator Bong Go hinggil sa financial operations hinggil sa kontrobersiyal na madugong war on drugs ng Duterte administration.

 

 

Sa testimonya ni Garma sa House Quad Committee nuong Biyernes, tinukoy nito ang isang alias “Muking” kung saan natukoy ito na si Espino na staff member ni Go sa opisina nito sa Davao City Hall nuong alkalde pa si Duterte at nagpatuloy na magtrabaho kay Go hanggang siya ay naging Special Assistant to the President sa Malacañang na nasilbing Assistant Secretary sa kaniyang opisina.

 

 

Ibinunyag ni Garma sa komite ang umanoy reward system para sa EJKs.

 

 

Sa affidavit ni Garma kaniyang tinuro sina ex-PRRD at Go na siyang nagtatag sa nationwide campaign ng war on drugs na nagresulta ng maraming kaso ng EJK.

 

 

Sinabi ni Garma na na nuong 2016 kinontak siya ni Espino para kunin ang contact information ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 11 Chief Col. Edilberto Leonardo batay sa hiling ni ex-PRRD.

 

 

Nirekomenda ni Garma si Leonardo na pangunahan ng national anti-drug task force na nagre-replicate sa Davao Model.

 

 

Pinaiimbita naman ni Quad Comm overall chair Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers kay Espino.

 

 

Idinitalye naman ni Garma ang ugnayan ni Espino kay Peter Parungo, na isang non-PNP personnel na siyang nagma-manage ng malaking halaga ng pera na ipinapadala sa ibat ibang bank accounts nuong kasagsagan ng drug war operations.

 

 

Ayon kay Garma nagpahayag ng pagkabahala si Parungo dahil sa malalakin halaga ng pera ang pumapasok sa account niya.

 

 

Natukoy na ang mga accounts ni Parungo na Metrobank, BDO, at PS Bank ang siyang primary conduits sa mga transaksiyon.

 

 

Sa ngayon iniimbestigahan na ng Quad Comm ang intersection ng illegal Philippine offshore and gaming operators (POGO), drug syndicates, at drug-related EJKs.

 

 

Atat din ang mga mambabatas na mabunyag ang role ni Espino.

 

 

Sa susunod na pagdinig inaasahan na tutukuyin ang pinansiyal na aspeto sa anti-drug campaign.

 

 

Sabi ni Barbers na mahalaga na masundan ang money trail. (Daris Jose)

26-anyos na governor na pumalit kay DILG Sec. Remulla sa Cavite, nagsimula na ng trabaho

Posted on: October 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Agad sinimulan ni bagong Cavite Gov. Athena Tolentino ang kaniyang trabaho bilang pinuno ng kanilang lalawigan.

 

 

Si Tolentino ay dating bise gobernador at umakyat bilang punong lalawigan makaraang mai-appoint ang dating gobernador na si DILG Sec. Jonvic Remulla.

 

 

Sa edad na 26, si Gov. Athena ang pinakabata at unang babaeng gobernador ng probinsya ng Cavite.

 

 

Ipinanganak siya noong June 11, 1998.

 

 

Siya ay miyembro ng National Unity Party (NUP).

 

 

Una rito, nanumpa na ang gobernadora kahapon, kung saan sinamahan siya ng kaniyang amang si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, inang si Agnes Tolentino at ilang malalapit sa kaniya.

 

 

Ang pag-akyat ni Gov. Tolentino ay kasunod ng appointment ni Sec. Jonvic bilang pinuno ng Department of Interior and Local Government (DILG), kung saan humalili naman siya sa nagbitiw na si Sec. Benhur Abalos Jr.

 

 

Nabatid na si Abalos ay tumatakbo bilang senador. (Daris Jose)