• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 16th, 2024

Pinas, Malaysia palalakasin ang pagtutulungan sa edukasyon, disaster response- Malakanyang

Posted on: October 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Malaysia na palakasin ang pagtutulungan sa edukasyon at disaster response.

 

Isinagawa ang kasunduan matapos na mainit na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dr. Ahmad Zahid Bin Hamidi, Malaysia’s Deputy Prime Minister at Minister for Rural and Regional Development, sa Palasyo ng Malakanyang.

 

Sa ginawang courtesy call ni Hamidi, sinabi ni Pangulong Marcos na ang “very good workforce” ng Pilipinas ay ‘young, hardworking, at well-trained.’

 

“Filipinos are used to working with foreign entities because of our diaspora. But we have to train them. After COVID, everything is new. The technologies are different,” ang sinabi ni Pangulong Marcos ayon sa Presidential Communications Office (PCO),.

 

Ayon pa rin sa Malakanyang, sinabi ni Hamidi na nais ng Malaysia na matuto mula sa Philippine education system, sinabi nito na nakatutok ang bansa sa paghikayat sa mga estudyante na piliin ang Technical and Vocational Education and Training (TVET).

 

Pagdating naman sa disaster response cooperation, binanggit ni Hamido ang Malaysian special group na tinawag na SMART Team, maaaring ipadala sa Pilipinas sa panahon ng tag-bagyo at kalamidad subalit kailangan ang pag-apruba ng Pangulo.

 

“Of course, that is a very generous offer of assistance. Yes, thank you. Actually, we can organize that as soon as everyone is ready for that,” ang tugon naman ni Pangulong Marcos.

 

Matatandaang, binisita ni Pangulong Marcos ang Malaysia noong July 2023. Buwan ng Marso ngayong taon, kagyat na tinugunan ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ang naging pagbisita ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng opisyal na pagbisita sa Pilipinas.

 

“Malaysia was the Philippines’ ninth largest trading last year, with total trade amounting to $8.15 billion,” ayon sa PCO. (Daris Jose)

PBBM, pinasalamatan ang UAE president para sa pagkakaloob ng ‘pardon’ sa 143 Pinoy

Posted on: October 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay United Arab Emirates (UAE) President Sheikh Mohamed bin Zayed matapos na pagkalooban ng huli ng pardon ang 143 Filipino.

 

Sa social media post, araw ng Martes, sinabi ni Pangulong Marcos na nakausap niya si UAE President sa telepono kung saan ay pag-usapan nila ang yumayabong na ugnayan ng dalawang bansa at tulong ng Arab country na ibinigay sa Pilipinas kasunod ng kamakailan lamang mga bagyo.

 

“I extended to him my heartfelt thanks for the UAE’s humanitarian aid in the wake of the recent typhoons and floods that struck the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

“It is always inspiring to hear how our Filipino workers continue to excel andmake a positive contributioninthe UAE. I expressed my gratitude for the kindness extended to them, particularly their generous pardon of 143 Filipinos, which has brought relief to many families,” aniya pa rin.

 

Tinuran ng Chief Executive na ang Pilipinas at UAE “share strong bonds, rooted in the values and aspirations of our peoples.”

 

“I look forward to strengthening this partnership in the years ahead,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Samantala, hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Pangulong Marcos tungkol sa pardon.

 

Sinabi naman ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega, na kadalasang ibinibigay ang pardon tuwing Eid’l Adha sa buwan ng Hunyo.

 

Mga nakagagawa rin lang umano ng minor offenses ang pinagkakalooban ng pardon.

 

“We were formally informed of this by the UAE Embassy last August, and the Philippines appreciates this kind gesture of our friends from the United Arab Emirates,” ani De Vega. (Daris Jose)

PCG, K9 EOD, nagsagawa ng paneling inspection

Posted on: October 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng paneling,inspection at iba pang security measures ang Philippine Coast Guard (PCG) K-9 Explosive Ordnance Disposal (K9-EOD) Team.

 

Ito ay kaugnay sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa Manila.

 

Ang PCG ay bahagi ng security cluster, kasama ang Philippine National Police (PNP).

 

Ang gobyerno ng Pilipinas sa pakikipagtulungan sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR) ang magho-host sa APMCDRR ngayong taon mula Okt.14 hanggang 18,2024.

 

Dahil sa nasabing APMCDRR, inanunsyo naman ng Malacañang na walang trabaho at pasok sa eskuwela sa Manila at Pasay nitong Lunes at Martes. GENE ADSUARA

Full audit at investigation sa Oplan Double Barrel

Posted on: October 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas sa Commission on Audit (COA) na magsagawa ng isang komprehensibong audit sa Oplan Double Barrel ng Duterte administration kasunod ng naging pagbubunyag ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager Royina Garma. Garma ukol sa cash rewards kada pagpaslang sa war on drugs na nagkakahalaga mula P20,000 hanggang P1 million.

 

 

“These disturbing revelations necessitate a thorough investigation. If the reward system truly reached up to P1 million per killing, the potential misuse of funds could have amounted to billions, turning Oplan Double Barrel into Oplan Pork Barrel,” ani Brosas.

 

 

Hiniling din ni Brosas na imbestigahan ang posibleng money laundering at iba pang corrupt practices na may kaugnayan sa pagpondo sa war on drugs.

 

 

“Lumalabas sa sinabi ni Garma na totoong maraming inosenteng tao ang pinatay ng mga pulis para lang makakuha ng cash reward,” pahayag ni Brosas. (Vina de Guzman)

2 drug suspects tiklo sa P68K ‘tobats’ sa Navotas

Posted on: October 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P68K halaga ng shabu nang matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas Francis, 47, at alyas Jomarie, 30, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Cortes, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang maaresto ang mga suspek sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque, ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.05 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P68,340.00 at buy bust money.

 

 

Ayon kay Capt. Rufo, bago ang pagkakaaresto nila sa mga suspek ay unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito kaya iniutos niya sa kanyang mga tauhan na isinailalim ang dalawa sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang report, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Pilipinas, humingi ng donasyong warship sa US para i deploy sa West Philippine Sea

Posted on: October 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa United States na mag-donate ng warship sa Philippine Sea, na nakatakdang i-deactivate sa 2025.

 

 

Ang apela ay ginawa ng mambabatas sa pamamagitan ng ipinadalang liham kina State Secretary Anthony Blinken, Defense Secretary Lloyd James Austin III at US Ambassador to Manila MaryKay Carlson.

 

 

Ayon kay Rodriguez, kung idodonate ng US government ang USS Philippine Sea sa Pilipinas ay magagamit ito ng gobyerno bilang suporta sa Navy at Coast Guard patrols sa paligid ng bansa kabilang na ang West Philippine Sea.

 

 

“I am sure that it will be a big asset in our efforts to defend our territorial waters, our sovereign rights, and our personnel and fishermen from intruders,” anang mambabatas.

 

 

Ang US warship ay isang Flight II Ticonderoga-class guided missile cruiser na nasa aktibong serbisyo sa US Navy.

 

 

Sinabi ni Rodriguez sa tatlong opisyal na ang USS Philippine Sea ay “named for the Battle of the Philippine Sea during World War II.”

 

 

Natapos nito ang ilang deployments nito bilang bahagi ng as Operation Enduring Freedom, ang official name na ginamit ng US government para sa global war laban sa terorismo mula 2001 hanggang 2014.

 

 

Ipinadeploy ito kamakailan sa eastern Mediterranean bilang tugon sa giyera ng Israel laban sa Hamas at encounters ng US sa Houthis.

 

 

Ang USS Philippine Sea ang nagligtas sa 26 Filipino crew members ng supertanker Brillante Virtuoso, matapos sunugin umano ng pirata gamit ang rocket-propelled grenades sa Aden, Yemen.

 

 

“With its historical background and its name being apropos and relevant to the current issue on our West Philippine Sea sovereign rights being illegally challenged by China, may I request that the USS Philippine Sea be donated to the Philippines,” nakasaad sa liham nito kina Blinken, Austin at Carlson. (Vina de Guzman)

Top 4 most wanted person ng Malabon, nakorner sa Navotas

Posted on: October 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BAGSAK sa selda ang isang lalaki na wanted sa kasong pagpatay sa Lungsod ng Malabon matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operatio sa Navotas City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng 47-anyos na akusadong nasa Top 4 Most Wanted Person ng Malabon police.

 

 

Kaagad inatasan ni Col. Cortes ang mga tauhan ng Warrant of Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para sa gagawing pagtugis sa akusado.

 

 

Katuwang ang mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station (SS4), agad nagsagawa ang WSS team 1 ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-10:55 umaga sa Bangus Street Barangay, NBBS Kaunlaran.

 

 

Ang akusado ay binitbit ng mga tauhan ni Col. Cortes sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene Mapile-Osinada ng Regional Trial Court Branch 170, Malabon City, para sa kasong Murder.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Navotas City Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment orde mula sa korte.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Cortes at ang kanyang mga tauhan dahil sa kanilang matagumpay na pagtugis kontra wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado. (Richard Mesa)

‘Underground operations’ ng illegal POGOs, laganap pa rin-PAOCC

Posted on: October 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na laganap pa rin ang illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa buong bansa.

 

Ito’y sa kabila ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isara at itigil ang lahat ng operasyon ng POGOs sa pagtatapos ng taon.

 

Sa katunayan, sinabi ni PAOCC Spokesperson Winston Casio na maaaring may mahigit na 100 illegal POGO hubs ang nananatiling palihim na nago-operate sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

“Ang problema talaga natin ay yung mga illegal talaga from the get-go. Yung sa umpisa palang illegal na talaga sila, underground na po sila. Yun yung nagiging problema ngayon sapagkat hinahabol po natin sila all over the country… Kasi yung dating malalaki na daan-daan, ‘yung libo ang mga empleyado, nag disintegrate sila into smaller units kaya mas lalo silang dumami,” ang sinabi ni Casio.

 

Ani pa ni Casio na ang pagtugon sa illegal POGOs ay nangangailangan ng “whole of government approach”, kailangan din na isama ang ilang iba’t ibang ahensiya sa executive branch, at mahalaga ang suporta ng komunidad para mahanap, maisara at mapahinto ang illegal operations.

 

“Yung hamon talaga ay napakaraming nag underground. There are a good number of them and we’re having difficulty catching up. If assuming lang po na may matira after December 31, magtutuloy-tuloy pa rin ang mandato ng task force na kinabibilangan namin… Assuming may matira pa beyond December, we’ll still go after them and close them down,” ang litaniya ni Casio.

 

Noong nakaraang linggo ay inaresto ng PAOCC at Bureau of Immigration (BI) sa isang subdivision sa Binan, Laguna ang diumano’y “godfather” ng POGO sa buong Pilipinas.

 

Pinangalanan ni PAOCC chief Usec. Gilbert Cruz ang suspek na si Lyu Dong.

 

Kasama sa mga naaresto ang nasa 10 Chinese POGO bosses at pitong Pilipinong bodyguard nila. (Daris Jose)

Pekeng social media account ginagamit

Posted on: October 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IINGAT ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko hinggil sa mga pekeng social media account na ginagamit ang pangalan ng kanilang ahensiya.

 

Sa abiso ng BOC, may ilang indibdwal o grupo ang nagpapakilala sa social media na tauhan ng customs kung saan ginagamit nila ito sa iligal na paraan at marami na rin ang nabibiktima nito.

 

Idinadawit din ang mga pangalan ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na naniningil ng pera para sa mabilisan transaksyon sa mga karagamento.

 

Nilinaw ng BOC na hindi sila nagsasagawa ng anumang transaksyon na idinadaan sa social media o sa mga online platforms at tanging sa opisina lamang nila ito ginagawa.

 

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan ns ang BOC sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para makilala at mapanagot ang mga nasa likod ng iligal na gawain.

 

Pinapayuhan naman ang publiko na huwag ng tangkilikin at agad na ireport sa mga otoridad o sa tanggapan ng BOC ang sinumang mag-aalok nito. GENE ADSUARA

Kapasidad ng LGUs sa DRRM at Climate Change palalakasin pa – DILG

Posted on: October 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni DILG Sec Jonvic Remulla na kanilang palalakasin pa ang kapasidad ng mga local government units sa disaster risk reduction management at climate change batay sa ipinag-uutos sa saligang batas.

 

 

Ginawa ni Sec. Remulla ang pahayag sa ginanap na Local and Regional Government Assembly, Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction.

 

 

Si Remulla ang Vice Chairperson ng NDRRMC.

 

Nanawagan naman ang Kalihim sa mga LGUs na kailangan ng umaksiyon na ngayon para sa disaster resiliency lalo at ang Asia Pacific region ay isa sa pinaka disaster prone areas sa mundo.

 

 

Siniguro din ni Remulla na ipagpatuloy ng DILG ang pagbibigay ng policy guidance, technical support at capacity interventions sa LGUs upang masiguro na ang mga ito ay empowered at may sapat na kakayahan na pangunahan ang disaster risk reduction efforts sa kani kanilang mga lugar.