NANINDIGAN si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na walang halong politika sa pagtulong ng departamento sa mga nangangailangan o humihingi ng tulong.
Sinabi ni Gatchalian na tumutulong sila sa mga nangangailangan kahit mayroon o walang referral mula sa mga politiko.
“Every day naman kahit walang referral ‘pag pumunta ka sa tanggapan ng DSWD tinutulungan ka. Hindi mo kailangan ng referral. Kung may referral, tutulungan ka rin,” ayon sa Kalihim.
Ipinahayag ito ng Kalihim nang hingan ng komento ukol sa do umano’y binasura ng DSWD ang ‘ referrals for assistance’ mula sa Office of the Vice President (OVP).
Sinabi pa ng Kalihim na hindi nila pinopollitika ang pagtulong sa tao lalo pa’t ang responsable sa pagbibigay ng tulong ay ang mga licensed social workers, ang ibig sabihin ang kanilang lisensiya ay malalagay sa pangnib at alanganin kapag pinolitika nila ang pagtulong sa mga nangangailangan.
Aniya pa, nakipag-ugnayan na sila sa OVP para sa paglilinaw. Maaari aniya silang magbigay ng screenshots ng kanilang pag-uusap para patunayan na mali ang alegasyon.
“So, para sa akin palagay ko ‘yung mga ‘yun ay sapat na na mga documentation para maipakita namin na wala kaming kinikilingang referral or walang referral, or may referral, lahat ng pupunta sa office, tinatanggap naman natin,” aniya pa rin.
“Wala kaming record na aming tinanggihan,” dagdag na wika ni Gatchalian.
Sa Senado, tiniyak ni Gatchalian na ang tulong ay para sa lahat.
“Lahat ng nangangailangan ng tulong, tutulungan,” ang sinabi ni Gatchalian.
“Hindi ho nagiging selective ang Departamento natin. Ang mga social worker ho natin ang sumusuri nyan. Pagka nagbigay ho ang kongresista o ang kahit na sinong partner ng referral list, bine-vet ho nating mabuti yon (,” ang sinabi pa rin n iGatchalian sa mga miyembro ng Senate Finance Committee. (Daris Jose)