• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 17th, 2024

Higit 100 illegal POGOs tuloy operasyon — PAOCC

Posted on: October 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAMAMAYAGPAG pa rin ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa sa kabila ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na wala ng operasyon nito bago matapos ang 2024.

 

Namamayagpag pa rin ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa sa kabila ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na wala ng operasyon nito bago matapos ang 2024.

 

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Spokesperson Winston Casio, nasa higit 100 illegal POGO hubs pa ang nagpapatuloy sa kanilang operasyon.

 

“Ang problema talaga natin ay ‘yung mga illegal talaga from the get-go. ‘Yung sa umpisa palang illegal na talaga sila, underground na po sila. ‘Yun ‘yung nagiging problema ngayon sapagkat hinahabol po natin sila all over the country… Kasi ‘yung dating malalaki na daan-daan, ‘yung libo ang mga empleyado, nag disintegrate sila into smaller units kaya mas lalo silang dumami,” ani Casio.

 

Naniniwala si Casio na kailangan ang koordinas­yon ng lahat ng sangay ng pamahalaan at maging ng LGUs at barangay upang matukoy at matigil ang operasyon ngga illegal POGOs.

 

Dagdag ni Casio ang mga barangay at LGUs ang siyang dapat na manguna sa pagsawata ng mga illegal activities sa kanilang mga lugar.

 

Tiniyak ni Casio na tuluy tuloy ang kanilang operasyon kahit matapos ang Disyembre.

 

Kamakailan nang madakip ng mga awtoridad ang sinasabing “godfather” ng POGO na si Lyu Dong sa Biñan Laguna. (Daris Jose)

PH vessels, inilagay sa panganib ang buhay ng Chinese personnel malapit sa Pag-asa Island- Tsina

Posted on: October 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IGINIIT ng Beijing na inilagay sa panganib ng Philippine vessels ang buhay ng Chinese personnel na nasa barko ng pangingisda dahil mapanganib na naglalayag malapit sa Pag-asa Islandsa West Philippine Sea (WPS).

 

Tinanong kasi ang Chinese Foreign Ministry ukol sa Oct. 11 incident kung saan sinasabing di umano’y sinadyang banggain ng Chinese Maritime Militia ang barko ng Philippine Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa may bahagi ng Pag-asa (Sandy) Cays.

 

Ayon sa BFAR na naganap ang insidente noong October 11 habang nagsasagawa ng routine maritime patrol ang BRP Datu Cabaylo at BRP Datu Sanday.

 

Ayon sa BFAR, binuntutan at sinubukang harangan ng barkong CMM 00108 ang BRP Datu Cabaylo.

 

At habang dahan-dahang papalapit ang BRP Datu Cabaylo (MMOV 3001) sa Pag-asa (Sandy Cay) ay ginitgit na ito ng Chinese vessel.

 

Ayon sa BFAR, nagtamo ng minor dents ang kanilang sasakyang pandagat partikular sa starboard bow nito.

 

Sa kabila naman ng insidente, nakumpleto pa rin ng BFAR vessels ang kanilang maritime patrol at ligtas na nakadaong sa Pag-asa Sheltered Port.

 

“We commend the officers and crew of the BRP Datu Cabaylo (MMOV 3001) as they continue to perform their duty, in line with the mandate of BFAR, to uphold Philippine jurisdiction and rights over its territorial waters and exclusive economic zone,” saad pa ng BFAR.

 

At nang hingan ng komento ukol sa bagay na ito si Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning ay sinabi niya na “As far as I know, the truth is that Philippine official vessels sailed dangerously in waters under China’s jurisdiction and collided with a Chinese fishing boat conducting regular operation there.”

 

“The behavior violates China’s sovereignty and gravely threatens the safety of Chinese fishing boats and crew,” ang sinabi pa ni Mao Ning.

 

Nanawagan din ito sa Pilipinas na “to earnestly respect China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests in the South China Sea”, panawagan din ito na itigil muna ang anumang aksyon na maaaring kumplikado sa sitwasyon. (Daris Jose)

Get ready for the ultimate psychological horror experience as Naomi Scott shines in ‘Smile 2’

Posted on: October 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Parker Finn is thrilled about casting the multi-talented Naomi Scott as the lead in the highly anticipated horror sequel, Smile 2. Known for her roles in Charlie’s Angels and Aladdin, Scott’s casting has left Finn in awe. “Naomi is a triple, quadruple, quintuple threat,” he says, emphasizing how “amazing” she is in this dark, psychological thriller.

 

In Smile 2, Scott steps into the role of Skye Riley, a global pop superstar on the verge of a new world tour. However, Riley’s life takes a sinister turn as she becomes plagued by eerie and unexplainable events. Battling personal demons, including the pressures of fame and her own traumatic past, Riley finds herself teetering on the edge of madness, forced to confront a mysterious curse.

 

 

For this emotionally demanding role, Finn needed someone who could capture the delicate balance between fame and fragility. Enter Naomi Scott.

 

 

Scott and Finn first met for what was supposed to be a brief meeting, but it turned into a three-hour conversation. “We couldn’t speak fast enough,” recalls Scott. “I had no idea that this movie had music involved but I could see that Parker was itching to tell me about it.” Once the filmmaker revealed that the movie he was working on was about a singer, Scott thought, “Well, this sounds like me!”

 

 

Skye’s character isn’t just about glitz and glamor. Beneath her pop star persona lies a young woman grappling with the aftermath of addiction and trauma. “We meet her and although she’s sober, she’s incredibly numb,” explains Scott. “I don’t think she’s present in her body and she hasn’t dealt with a lot of the things she needs time and space to deal with. There’s a lot bubbling under the surface. But for someone who has to deal with everything she’s dealing with – it’s interesting that when she gets the curse, it activates this survival instinct of someone who really wants to live. She wants to survive.”

 

 

For Scott, portraying Skye’s dual nature—the polished, public superstar and the broken, private individual—was a unique challenge. “She’s not someone who was born into any kind of privilege,” Scott says. “She’s someone who has had to fight for everything. And there was a version of herself that was projected back to her from the world. I think she felt a need to run with that and therefore didn’t have the space to discover who she was. When it comes to her music and her art, she’s very self-assured and is one of those artists who knows what they want. But outside of that, there’s a stunted maturity and a stunted growth with relationships. And as she relates to herself, I don’t think she knows who she is. So that was interesting and fun to play.”

 

 

Director Parker Finn is effusive in his praise for Scott’s performance. “Naomi is so unbelievably talented,” he says. “She can do everything. There are moments where she needs to be able to play a very elegant Grace Kelly-type in her public persona, and other moments where we see her at absolute rock bottom, at her worst. And Naomi did both with aplomb.”

 

 

Smile 2, set to terrify audiences starting October 16, is a chilling continuation of the curse introduced in the original Smile. Directed and written by Parker Finn, the film promises to push boundaries with its uncut R-18 rating in the Philippines. Finn, along with producers Marty Bowen, Wyck Godfrey, and others, have crafted a horror experience that is both terrifying and thought-provoking.

 

 

The film also boasts an ensemble cast including Rosemarie DeWitt, Lukas Gage, Miles Gutierrez-Riley, and Kyle Gallner. The combination of psychological terror and powerful performances guarantees a film that will haunt viewers long after they leave the theater.

 

 

Smile 2, distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures, will be released uncut in Philippine cinemas on October 16. Don’t miss the terrifying journey of Skye Riley, brought to life by Naomi Scott in a performance you won’t forget. Be part of the conversation using #Smile2 and #SmileMovie, and tag @paramountpicsph on social media.

 

 

 

(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Gonzaga hinugot ng ZUS Coffee

Posted on: October 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DESIDIDO ang Zus Coffee Thunderbelles na makipagsabayan sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence na papalo sa susunod na buwan.

 

Ito ay matapos kunin ng Thunderbelles ang serbisyo ni opposite spiker at dating Most Valuable Player (MVP) Jovelyn Gonzaga para palakasin ang lineup nito.

 

Pormal nang inanunsiyo ng pamunuan ng Thunderbelles ang pagkuha nito kay Gonzaga kahapon sa kanilang mga social media accounts.

 

 

Mainit itong tinanggap ng Thunderbelles na magsisilbi nitong bagong pamil­ya sa PVL.

 

Pormal nang inanunsiyo ng pamunuan ng Thunderbelles ang pagkuha nito kay Gonzaga kahapon sa kanilang mga social media accounts.

 

Mainit itong tinanggap ng Thunderbelles na magsisilbi nitong bagong pamil­ya sa PVL.

 

“Welcome to the ZUS family, ‘Bionic Ilongga’,” ayon sa post ng Thunderbelles.

 

Huling naglaro si Gonzaga kasama ang Cignal HD Spikers sa 2024 All-Filipino Conference.

 

Una nang nagparamdam ang Thunderbelles nang ilabas nito sa kanilang social media na magiging official sponsor ito ni Gonzaga noong Agosto.

 

Malaki ang maitutulong ni Gonzaga sa Thunderbelles lalo pa’t malalim ang karanasan nito na maibabahagi nito sa kanyang mga bagitong teammates.

 

Makakasama ni Gonzaga sa Thunderbelles sina Cloanne Mondonedo, Gayle Pascual at Michelle Gamit.

TNT, GSM didikit sa finals berth

Posted on: October 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING pipilitin ng nagdedepensang TNT Tropang Giga na makadikit sa finals berth kagaya ng mis­yon ng Barangay Ginebra.

 

 

Maghaharap ang Tropang Giga at Rain or Shine Elasto Painters ngayong alas-5 ng hapon kasunod ang pagsagupa ng Gin Kings sa San Miguel Beermen sa alas-7:30 ng gabi sa Game Four ng Season 49 PBA Governors’ Cup semifinal series sa Smart Araneta Coliseum.

 

Kinuha ng TNT ang 2-0 lead bago inagaw ng Rain or Shine ang Game Three, 110-109, para makalapit sa 1-2 sa kanilang best-of-seven showdown.

 

 

“Pahirapan ‘yung laro. I think we passed the test of character, we’re able to hang in there versus a strong team with a good import. We’re able to survive that,” ani Elasto Painters’ coach Yeng Guiao sa pagtakas nila sa Tropang Giga.

 

Sina import Rondae Hollis-Jefferson, Roger Pogoy, Calvin Oftana, Jayson Castro at Poy Erram ang muling babandera sa TNT katapat sina import Aaron Fuller, Andrei Caracut, Jhonard Clarito, Beau Belga at Gian Mamuyac ng Rain or Shine.

 

 

“Just had a confidence in myself, just knowing we don’t want to go down 0-3. It’s not impossible to get back. But that’s a tall order, trying to comeback down 0-3,” sabi ni Fuller na humakot ng 26 points at 16 rebounds sa Game Three.

 

 

Hawak din ng Ginebra ang 2-1 bentahe sa kanilang serye ng San Miguel matapos ilusot ang 99-94 panalo sa Game Three.

 

 

Muling sasandig ang Ginebra kay Brownlee kasama sina Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Stephen Holt, Joe Devance at rookie RJ Abarrientos kontra kina import EJ AEJ Anosike, eight-time PBA MVP June Mar Fajardo, CJ Perez, Terrence Romeo, Marcio Lassiter at Jericho Cruz ng SMB.

Unang pagkatalo ngayong preseason, nalasap ng defending champion na Celtics mula sa Raptors

Posted on: October 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINALASAP ng Toronto Raptors sa Boston Celtics ang unang pagkatalo ngayong preseason sa kabila ng comeback effort ng defending champion.

 

 

Sa unang quarter pa lamang, nagpaulan na ang Raptors ng 46 points habang 27 points lamang ang naging ganti ng Celtics.

 

 

Gayunpaman, bumangon ang Celtics sa ikalawang kawarter at nagbuhos ng 40 points kontra sa 20 points na nagawa ng Raptors, daan upang lumamang ang Celtics ng isang puntos.

 

 

Pagpasok ng 3rd quarter, muling bumalik ang sigla ng Raptors at nagpakawala ng 31 points habang 19 points lamang ang sagot ng Celtics.

 

Pagpasok ng 4rth quarter, tinangka ng Celtics na lumamang gamit ang 32 last quarter points, ngunit hindi naman nagpabaya ang Raptors at binantayan ang comeback effort ng 2024 NBA Champion. Natapos ang laro sa score na 119 – 118, pabor sa Toronto.

 

 

Nagpakawala ng 26 points, 10 assists, at 9 rebounds ang forward na si Scottie Barnes habang 27 points naman ang naging ambag ng guard na si Gradey Dick.

 

 

Sa Boston, bagaman preseason games pa lang, ibinabad si Jayson Tatum ng 34 mins. at gumawa ng 24 pts. at 8 rebounds. Nagbuhos din ng 23 points ang guard na si Derrick White.

 

 

Bago ang naturang laban, apat na magkakasunod na game ang naipanalo ng Boston habang ito naman ang ikalawang panalo ng Raptors, hawak ang dalawang pagkatalo.

Mas malakas na ‘international legal frameworks’, kailangan sa pagtugon sa kalamidad, sakuna -PBBM

Posted on: October 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mas malakas na ‘international legal framework’ na magsisilbi bilang gabay para sa disaster response measures.

 

”We must advocate for stronger international legal frameworks that guide disaster prevention and response. The Philippines is proud to lead the initiative toward developing an international legal instrument for the Protection of Persons in the Event of Disasters,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa pagbubukas ng 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa Pasay City.

 

Sinabi ni Pangulong Marcos, nakahanda ang Asia-Pacific na manguna sa disaster risk reduction at climate action.

 

”This endeavor aims to fill critical gaps in international disaster response laws, uphold the rights and dignity of affected persons, establish clearer obligations, and enhance humanitarian coordination,” dagdag na wika nito.

 

Binigyang diin naman ni Pangulong Marcos kung paano ang ‘climate change at disasters’ ay ‘catalysts’ para sa ‘human displacement.’

 

”This necessitates forward-thinking policies that create safe pathways for migration and to support those displaced by disasters so that they can rebuild their lives with dignity and security,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

Tinuran pa ni Pangulo Marcos na sa lahat ng panig ng Asia-Pacific region, “nations grapple with similar trials, navigating the balance between continued economic growth and dealing with the ever-present threat of disasters.”

 

”The Asia-Pacific region also stands as a testament to the unwavering spirit of its people. From the tsunami in the Indian Ocean to Typhoon Haiyan in the Pacific Ocean, from the earthquakes in Nepal to floods in South Asia, our nations have conquered monumental challenges,” ang winika ng Chief Executive.

 

“There is a need to harmonize approaches and pursue meaningful actions under these mandates to secure a sustainable and climate-resilient future,” ang sinabi pa ng Punong Ehekutibo.

 

Ang APMCDRR ay ang primary platform ng rehiyon para mag-monitor, review, at pasiglahin ang kooperasyon para sa implementasyon ng Sendai Framework for Disaster Risk Reduction 2015-2030 sa regional level.

 

Hangad naman ng komperensiya na magbigay ng oportunidad para sa comprehensive review ng regional progress pagdating sa ‘risk reduction efforts.’ (Daris Jose)

Sa panahon ng war on drugs ng administrasyong Duterte… Muling pagbubukas ng imbestigasyon sa high-profile killings suportado ng Malakanyang

Posted on: October 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ng Malakanyang ang posibleng muling pagbubukas ng imbestigasyon sa high-profile killings na may kinalaman sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

 

”Of course. The reopening of the investigations of the high killings related to the war on drugs should indicate that the Marcos administration places the highest importance on the fair dispensation of justice and on the universal observance of the rule of law in the country,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang text message nang tanungin kung susuportahan ng Marcos administration ang nasabing imbestigasyon.

 

Nauna rito, napaulat na plano ngayon ng Philippine National Police (PNP) na pabuksan sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang ilang mga opisyal na napatay sa war on drugs ni dating Pangulong Duterte.

 

Kasunod ito sa naging rebelasyon ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chief Royina Garma sa Quad Committee ng Kamara na sangkot ang isang aktibong pulis sa pagpaslang noon kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

 

Ang alkalde ay binaril umano ng sniper noong Hulyo 2018 habang ito ay nasa flag raising ceremony.

 

Sinabi ni Garma na isang “Albotra” ang nagkuwento sa kanya at ipinagyabang pa nito.

 

Sinabi pa ni PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo, na isa lamang ang kaso ni Halili ang pinabubuksan bukod pa sa ilang mga kaso ng mga government officials na nasangkot sa war on drugs. (Daris Jose)

PBBM, hangad ang pinasimpleng MINING FISCAL REGIME

Posted on: October 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas na itulak ang pinasimpleng fiscal regime para sa mining industry.

 

Tinukoy ni Pangulong Marcos ang Rationalization of the Mining Fiscal Regime, na kanyang inilarawan bilang “fundamental to creating a fair and equitable mining environment for everyone involved.”

 

“I urge all our dedicated agencies and esteemed members of Congress to support the Rationalization of the Mining Fiscal Regime,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang 2023 Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA) sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Ipinanukala ng batas ang isang revised fiscal regime, pagpapataw ng isang four-tier, margin-based royalty mula 1.5% hanggang 5% sa income o kinita mula sa mining operations sa labas ng mineral reservations.

 

Sa ilalim ng kasalukuyang fiscal regime, ang iba’t ibang obligasyon ng mining groups at mga kompanya ay depende sa mining agreement. Nagpapataw din ito ng buwis para lamang sa mga minahan na nago-operate sa loob ng mineral reservation.

 

Inatasan din ni Pangulong Marcos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palakasin ang ‘regulatory capabilities’ nito para sa industriya.

 

“It is equally vital for the DENR to strengthen regulatory capabilities for all mining operations to ensure compliance with safety and environmental standards,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Sa kabilang dako, kabilang sa mga regulasyon na binanggit ng Pangulo ay ang pagpapalabas ng Administrative Order No. 2022-04, nagbibigay mandato sa biodiversity management sa mining operations, kasama ang pagtatatag ng National Environment and Natural Resources Geospatial Database.

 

“The measure reflects the government’s commitment to responsible practices,” ang tinuran ng Chief Executive.

 

Tinukoy din ng Punong Ehekutibo na ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS) Act, nilagdaan noong Mayo ng taong kasalukuyan, binigyang diin ang dedikasyon para sa napananatiling ‘resources management.’

 

“This landmark legislation ensures that a robust system is in place to quantify and integrate the value of our country’s natural assets into national economic planning and decision-making,” aniya pa rin.

 

“This will enable us to better balance economic gains with environmental protection and guarantee that the true cost of resource extraction is accounted for,” ang winika ng Pangulo. (Daris Jose)

OVP, pinanindigan ang pahayag ukol sa ‘rejected’ referrals

Posted on: October 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINANINDIGAN ng Office of the Vice President (OVP) ang sinabi nito na tinanggihan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang libo-libong referrals mula sa OVP.

 

Taliwas ito sa sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na may pruweba ito na in-accommodate nila ang ‘requests for assistance’ mula sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte.

 

“The claim by Secretary Rexlon Gatchalian that the Department of Social Welfare and Development has accommodated all referrals from the Office of the Vice President is inaccurate and misleading,” ang sinabi ni OVP Director for Operations Norman Baloro.

 

“While such statements may paint a picture of seamless coordination between our two offices, the reality on the ground tells a different story,” dagdag na wika nito.

 

Nauna rito, itinuro ni Gatchalian si Baloro bilang handling officer ng OVP na di umano’y nagsabi na in -accommodate ng DSWD ang lahat ng kanilang requests matapos sabihin ni VP Sara na pinopolitika ng DSWD ang assistance program ng gobyerno.

 

Sinabi pa ni Gatchalian na maaari silang magbigay sa Senado ng kopya ng screenshots ng nasabing pag-uusap.

 

Subalit, biglang bawi naman si Baloro at nagpahayag na “there had been several instances when OVP referrals were declined.”

 

Binigyang halimbawa ni Baloro ang tinanggihan na request for assistance ng DSWD mula sa grupo ng mga indibiduwal na apektado ng African Swine Flu. Ang katuwiran ng DSWD, hindi ito gumagawa ng “mass payout” sa kabila ng ginawa naman nila ito sa ibang lugar kasama ang ibang politiko.

 

Mayroon ding 7,056 pending applications para sa Assistance for Individuals in Crisis Situations (AICS) at 2,597 pending applications para naman sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ang ni-refer ng OVP Satellite Offices sa Panay at Negros Island.

 

Tinuran ni Baloro na naghanda siya ng listahan ng mga tinukoy na benepisaryo ng OVP Cebu, Bohol, at Siquijor Satellite Offices kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggap ang tulong mula sa DSWD.

 

“There is no clear explanation provided by the DSWD to the OVP referred clients from the Satellite Offices on the delay or inaction on the requests,” ang nakasaad sa kalatas ni Baloro.

 

“To dismiss these unserved clients is to ignore the real challenges many Filipinos face in accessing social services,” aniya pa rin.

 

Kaya nga nanawagan si Baloro sa DSWD na kaagad na kumilos “to address these gaps and fulfill the government’s obligation to provide aid to every Filipino.” (Daris Jose)