NAGPADALA na ng imbitasyon ang House Quad Committee kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Sens. Bong Go at Bato dela Rosa sa susunod na pagdinig kaugnay ng extra judicial killing at reward system sa drug war ng nakaraang administrasyon.
“Nagpadala na kami ng imbitasyon kay ex President Duterte, kay Senador Go at Senador Bato,” ayon kay quad comm chairman Rep. Robert Barbers.
Sakaling hindi dumalo sa pagdinig si Duterte, sinabi ni Barbers na irerespeto nila ito.
Samantalang sina Go at Bato ay may mga ‘interparliamentary courtesy’ naman kung hindi ng mga ito nais na dumalo sa pagdinig.
Magugunita na noong Biyernes, ibinunyag ni dating PCSO General Manager ret. Col. Royina Garma na ginamit umano ang ‘Davao model’ sa drug war kung saan may kapalit na reward na mula P20,000 hanggang P1 milyon ang bawat mapapatay na mga drug personalities.
“As for the senators, of course, their names were mentioned. We want to give them a chance to respond to the allegations against them so that we can be fair,” ani Barbers. (Daris Jose)