• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 21st, 2024

MMDA sa mga kandidato: ‘Wag mangampanya sa sementeryo

Posted on: October 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kandidato sa 2025 Midterm elections na iwasang mangampanya at sa halip ay ibigay ang panahon at oras sa namayapa at mga pamilya nito.

 

 

Ginawa ni MMDA Chairman Artes ang apela kasabay ng kanyang pulong sa mga kinatawan ng 17 local government units (LGU) sa Metro Manila at ilang concerned government agencies sa pagsa­sapinal ng “Oplan Undas 202” nitong Oktubre 18.

 

“Ako naman po ay naniniwala na may sense of decency pa rin ang mga pulitiko na hindi nila sasamantalahin ang pagkakataong ito..,”ani Artes.

 

Dapat din aniyang, sumunod sila sa itinakdang regulasyon ng local government units (LGUs) para sa kaayusan at kapayapaan sa mga sementeryo.

 

 

Una nang nagpaalala ang Manila City go­vernment na “no private or political groups may hold events to ensure a solemn commemoration of All Souls Day.”

 

Kabilang sa priority areas ang limang public cemeteries na kinabibilangan ng Manila North Cemetery, Manila South Cemetery, Bagbag Public Ce­metery in Quezon City, Loyola Memorial Park sa Marikina, at San Juan Public Cemetery na tututukan ng mga awtoridad at MMDA.

 

 

Gayunman, papayagan naman ang paglalagay ng tent ng mga pulitiko na mamimigay ng pagkain at inumin.

PBBM, hindi alam kung paano maging Pangulo- VP Sara

Posted on: October 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MATAPANG na sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung paano maging Pangulo ng Pilipinas kaya’t hindi na kataka-taka kung ang bansa ay “on this road to hell”.

 

 

“Hindi ko kasalanan that we’re on this road to hell… Hindi marunong maging presidente ang nakaupo. Kasalanan ko ba ‘yun? Hindi,” ang pahayag ni VP Sara.

 

“Kasi kung alam mo naman na may kakulangan ka, bibilisan mo yung gagawin mo para mag-catch up. Hindi ka naman uupo lang doon,” ang dagdag na wika nito.

 

Kung maalala nagsanib pwersa sina Pang. Marcos at VP Sara nuong nakaraang 2022 Presidential elections sa ilalim na Unity Team.

 

Sa unang dalawang taon naging maganda ang relasyon ng dalawa subalit pagpasok ng ikatlong taon ay unti-unti ng nagkakalamat hanggang sa nuong buwan ng Hunyo ay nagbitiw sa pwesto bilang DepEd Secretary si VP Sara.

 

Inihayag din ng Pangalawang Pangulo na hindi sila magka-ibigan ni Pang. Marcos dahil nagkakilala lamang sila nuong kasagsagan na ng kampanya kaya hindi niya ito kilala.

 

Aniya ang kanyang kaibigan ay si Senator Imee Marcos.

 

 

Sinabi ni VP Sara na huli silang nagkausap ni Pang. Marcos noong magtungo siya sa Malakanyang at ibigay ang kaniyang resignation bilang kalihim ng Department of Education (DepED). (Daris Jose)

2 drug suspects tiklo sa P.1M shabu sa Valenzuela

Posted on: October 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects na naaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni District Drugs Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na si alyas Jojo, 47, at alyas Chris, 37, kapwa residente ng lungsod.

 

 

Ayon kay Major Rivera, bago ang pagkakaaresto sa mga suspek ay unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni ‘Jojo’ kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

Nang makumpirma na positibo ang report, bumuo ng team si Major Rivera sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora saka ikinasa ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Jojo’ at ‘Chris’ dakong alas-10:40 ng gabi sa Pitacion St., Elysian Subdivision, Brgy. Marulas.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 15 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102,000 at buy bust money na isang P1,000 bill at isang P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang DDEU sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Libreng cremation sa Tugatog Cemetery, binuksan ng Malabon LGU

Posted on: October 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang muling pagbubukas at pagbabasbas ng Tugatog Public Cemetery upang bigyang-daan ang mga residente na bisitahin ang kanilang mga yumaong kamag-anak sa libingan bilang bahagi ng paggunita ng All Saints Day and All Souls Day o Undas 2024.

 

Nagsagawa ng Banal na Misa ang lokal na pamahalaan para sa kaluluwa ng mga namatay na inidibidwal na nakalibing sa TPC at sinimulan din ng libreng cremation ng mga buto ng mga labi na hinukay para sa muling pagpapaunlad ng sementeryo.

 

Unang nagtungo si Mayor Jeannie sa TPC para alamin ang alalahanin at mensahe ng mga pamilyang humiling ng libreng cremation ng kanilang mga namatay na kaanak at tiniyak din niya na patuloy silang magsasagawa ng mga programa at proyekto para sa mga nakalibing sa sementeryo.

 

“Hindi po namin pababayaan ang inyong mga mahal sa buhay na yumao at inilibing dito sa Tugatog Public Cemetery bago pa man simulan ang pagsasaayos nito noong 2021. Itong libreng cremation na ating inilapit sa kanilang mga pamilya ay isa sa mga paunang serbisyong ating maibibigay para masiguro na nasa maayos na kalagayan ang mga labi at magkaroon ng kapayapaan sa kanilang mga puso. Wala ho kayong babayaran, makipag-ugnayan lang po sa ating pamahalaang lungsod. Alam natin na matagal nang naghihintay ang mga Malabueño na mabisita at makapagdasal para sa kanilang mga yumaong mga mahal sa buhay na nasa sementeryo na ito,” ani Mayor Jeannie.

 

“Ngayon na malapit na ang Undas ay ating sinikap na mabuksan ito kahit na maraming pang kailangan tapusin sa lugar simula ng i-redevelop ito. Nagkaroon ng mga alalahanin ang mga residente ukol sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit ating tinutukan ang mga pagsasaayos sa lugar simula ng tayo ay manungkulan bilang alkalde ng Malabon. Kahit parte lamang ng sementeryo ang maaring buksan para sa darating na Undas ay sinisiguro nating ligtas, malinis, at kaaya-aya ang lugar upang maayos na makapagdasal ang mga Malabueño sa kanilang mga mahal sa buhay na nandito,” dagdag niya.

 

Nauna rito, namahagi ang pamahalaang lungsod ng consent forms sa mga pamilyang gustong maka-avail ng libreng cremation ng mga labi ng kanilang mga yumaong kaanak sa TPC. Nagbigay din sila ng mga opsyon sa ibang pamilya kabilang ang paglipat ng mga buto sa ossuary ng TPC o sa iba pang mga sementeryo o columbaria.

 

Ibinahagi ng City Health Department-Sanitation Division na ang mga pamilya ng mahigit 500 namatay na Malabueño ay nakipag-ugnayan sa kanila para makuha ang libreng cremation package na kinabibilangan ng urn, bulaklak, kandila, bulaklak, pagdadala ng mga labi sa crematorium at iba pang bayad sa sementeryo.

 

Noong Linggo, Oktubre 12, siniyasat ni Mayor Jeannie ang TPC upang matiyak na ang lugar, ang ossuary at columbarium, at ang Wall of Remembrance para sa paghanhanda sa muling pagbubukas ng sementeryo.

 

Nagsagawa rin ang mga miyembro ng CED at CENRO ng repainting ng columbarium, pagkukumpuni ng imprastraktura, landscaping, at paglilinis ng mga palumpong sa TPC para sa paggunita ng All Saints Day at All Souls Day. Naglagay din ng mga portal, water station, at sanitizer para sa kalinisan at kaligtasan ng mga bisita.

 

Tiniyak ng pamahalaang lungsod sa mga residente na ang mga bangkay ng mga namatay na hinukay sa paunang yugto ng muling pagpapaunlad ng TPC ay ligtas at inalok ng tulong para sa libreng cremation at ilipat sa ossuary o iba pang mga sementeryo nito. Nagtatag din ito ng action center upang magbigay ng tulong sa mga bisita sa paghahanap ng mga niches/vault sa columbarium o ossuary kung saan inilagay ang mga labi ng kanilang mga mahal sa buhay, at mapanatili ang kalinisan, kapayapaan, at kaayusan sa lugar. pagtatayo ng dalawang palapag na gusali na may humigit-kumulang 600 apartment tombs/niches para magdagdag ng espasyo para sa libing ng mga namatay na Malabueño.

 

“Noong 2021 po nang pansamantalang isara ang Tugatog Cemetery dahil sa redevelopment na sinimulan rito, at alam po namin ang hinaing ng mga Malabueño na masigurong nasa maayos na kalagayan ang mga labi ng kanilang mga minamahal,” pahayag ng alkalde. (Richard Mesa)

PBBM, pinuri ang naging papel ni Escudero sa ‘political reconciliation’ kay Robredo

Posted on: October 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pagtulong na magkasundo sila ng kanyang political rival na si dating vice president Leni Robredo.

 

Sa isinagawang ceremonial signing ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law sa Palasyo ng Malakanyang, ikinatuwua at pinasalamatan ni Pangulong Marcos si Escudero dahil sa mabuting kalooban nito sa pag-imbita kay Robredo sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena (SSA) sa Sorsogon City, araw ng Huwebes.

 

“Senate President Chiz Escudero… has taken a very important step towards political reconciliation yesterday,” ang sinabi ng Pangulo at matapos ay banggitin ang presensiya ni Escudero sa signing ceremony.

 

Pinangunahan nni Pangulong Marcos ang inagurasyon ng SSA, nagkaroon ng brief meeting kasama si Robredo at kanyang political ally, dating senador Bam Aquino, sa holding area ng venue.

 

Si Escudero ang nag-imbita kay Robredo para i-welcome si Pangulong Marcos sa ngalan ng Bicol Region.

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang Bicol Region ay balwarte ni Robredo, tatakbo sa pagka-alkalde sa Naga City, Camarines Sur sa 2025 midterm elections.

 

Samantala, sa sidelines ng event, saglit na kinamayan ni Pangulong Marcos sina Robredo at Aquino.

 

Sinabi ni Pangulong Marcos na masaya siya na naplantsa na ang mga bagay-bagay sa kanila ni Robredo.

 

“Well done. I’m so happy you did that,” ang sinabi Pangulong Marcos kay Escudero. (Daris Jose)

Malakanyang deadma sa mga patutsada ni VP Sara

Posted on: October 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na papatulan ng Office of the President ang mga patutsada ni Vice President Sara Duterte sa naging press briefing nito.

 

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na hindi maglalabas ng pahayag ang Palasyo kaugnay sa mga atake ni Vice President Sara Duterte.

 

Mababatid na maaanghang ang mga binitawan na salita ni VP Sara kanina sa sitdown interview nito laban kay Pangulong Bongbong Marcos at sa pamumuno nito sa bansa.

 

Kabilang dito ang pagsasalarawan nyang hindi marunong ang Presidente na nakaupo, at nasa “road to hell” ngayon ang Pilipinas.

 

Ibinahagi rin ng Vice President sa kanyang presson na pinagbantaan nito si Senator Imee Marcos sa kanilang group chat na kung hindi anya titigil ang kanilang kampo, ay huhukayin nito ang labi ni Ferdinand Marcos Sr. sa libingan ng mga bayani at itatapon sa West Philippine Sea.

 

Bumwelta rin ang Bise Presidente sa “deception” na sinabi ng Pangulo, matapos matanong sa interview sa Lao kung ano ang saloobin nito sa sinabi ni Sara na hindi sila magkaibigan.

 

Maaalalang buwag na ang uniteam tandem ni Pangulong Marcos at VP Sara, matapos mag resign sa gabinete ang Bise Presidente noong Hunyo. (Daris Jose)

Hamon ng mga Kongresista… VP Duterte ipaliwanag ‘under oath’ confidential funds, renta sa safehouses

Posted on: October 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON ng mga Kongresista si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ‘under oath’ kung saan ginasta ang milyon-milyong confidential funds at sobrang mahal na renta ng mga safehouses na walang mga dokumento.

 

“We are still waiting for the Vice President to explain the need for 34 safehouses in less than two weeks. The public has a right to know why P16 million of their money was spent so dubiously,” ayon kay House Assistant Majority Leader Paolo Ortega.

 

Ipinunto ni Ortega na ang hindi pagbigay ni Duterte ng malinaw na mga sagot tungkol sa mga safehouse at ang kahina-hinalang paggamit ng mga aktibidad ng AFP bilang pangtakip ay lalong nagpapa-init sa tanong kung sana napunta ang pondo. Binigyan diin ng mambabatas ang kahalagahan na humarap na si Duterte sa pagdinig, manumpa na magsasabi ng totoo at ihayag kung papaano nito ginastos ang pondo.

 

Sa pinakahuling pagdinig ng Committee on Good Government ay nabuking na ginamit ng DepEd sa ilalim noon ni Duterte, ang sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines upang palitawin ang paggastos ng P15 milyong halaga ng confidential funds sa Youth Leadership Summit (YLS) pero sa testimonya ng mga opisyal ng militar, inilahad ng mga ito na kanya-kanyang gastos at zero o walang ibinigay na pondo para dito si VP Sara.

 

“This is not just about accounting errors; this is deception. Using the military to cover up the improper use of confidential funds is an egregious act,” saad pa ni Acidre.

 

Bukod pa rito, siniyasat din ng komite ang paggastos ng Office of the Vice President (OVP) ng P16 milyon para sa renta ng mga safehouse sa loob lamang ng 11 araw noong 2022. Ilan sa safehouses ay nagkakahalaga ng P90,000 kada araw habang meron ding P1 milyon. (Daris Jose)

Don’t miss this breathtaking adaptation of the iconic musical, ‘Wicked’ starring Cynthia Erivo and Ariana Grande

Posted on: October 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ONE of the most eagerly anticipated films of 2024 is about to sweep the nation as the magic of “Wicked” arrives in Philippine cinemas on November 20! Fans of the iconic Broadway musical can now secure their seats for the big-screen adaptation of this enchanting tale by reserving tickets online starting today.

 

 

Prepare to be transported back to the land of Oz, where the untold story of two unlikely friends, Elphaba and Glinda, will unfold in an epic cinematic experience.

 

 

This highly anticipated adaptation of the Broadway sensation, Wicked, brings the spellbinding music, captivating story, and beloved characters to life like never before. Don’t miss your chance to experience Elphaba’s powerful rise and Glinda’s dazzling charm in this awe-inspiring movie event.

 

 

🎶 Watch the special announcement featuring snippets of the fan-favorite songs “Popular” and “Defying Gravity.”

 

 

To secure your tickets for Wicked, visit the ticketing websites of your favorite local cinemas and ensure you don’t miss out on the enchanting journey that has captured hearts worldwide. Early reservations are encouraged as seats are expected to sell out fast!

 

 

Wicked, the beloved musical that has reigned on stage for two decades, is finally making its long-awaited debut on the silver screen, promising to be a generation-defining cinematic event. Directed by Jon M. Chu, the visionary behind hits like Crazy Rich Asians and In the Heights, the film is the first chapter of a two-part saga, with the second part slated for release on November 26, 2025.

 

 

The Wicked film features an all-star cast led by Cynthia Erivo as Elphaba, the misunderstood and powerful witch with emerald-green skin. The charismatic Glinda is portrayed by Ariana Grande, blending charm, ambition, and vocal prowess. Academy Award winner Michelle Yeoh takes on the role of Madame Morrible, while Jonathan Bailey charms as the carefree prince Fiyero. Ethan Slater, Marissa Bode, and Jeff Goldblum round out the magical ensemble in key roles.

 

 

The film also introduces new faces and characters, including Bowen Yang, Bronwyn James, Keala Settle, and the legendary Peter Dinklage lending his voice to Dr. Dillamond.

 

 

Wicked is brought to life by producers Marc Platt and David Stone, whose combined work across film, TV, and stage has earned them multiple awards and accolades. With an incredible creative team behind the scenes, including Winnie Holzman (the book writer for the stage musical) and Stephen Schwartz (the iconic composer), this adaptation stays true to its roots while offering fresh cinematic flair.

 

 

As one of the most beloved musicals of all time, Wicked has enchanted millions of fans around the world with its magical melodies, thrilling storylines, and unforgettable characters. Now, it’s your turn to be swept off your feet by this once-in-a-lifetime film experience.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Sa 16th Star Awards for Music: DONNY at BELLE, waging Male and Female Pop Artist of the Year

Posted on: October 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISA sa pinakasikat na young aktor sa ngayon ay ang anak Maricel Laxa at Anthony Pa­ngilinan na si Donny Pangilinan.

 

Ang mga nabanggit na parents ni Donny ang tumatayong talent manager niya.

 

Isa si Donny sa mga inaalagaan ngayon ng Kapamilya network and no doubt ang tambalang Donny at Belle Mariano ang pumatok nang husto.

 

Pagdating sa mga proyekto na inaalok sa kanila ng network, lalo na yung kung sino ang makakapareha ay wala raw nagiging problema si Maricel para sa panganay na anak.

 

“Parang hindi pa naman kami pumupunta sa ganoong klaseng usapan. Kasi it’s really been DonBelle for the longest time. I’m a DonBelle fan,” sey pa ni Maricel sa isang interview.

 

Ayon pa rin sa semi-retired actress ay wala rin daw namang problema at hindi raw naman siya nakikialam kung sino ang gusto ni Donny na makasama sa tunay na buhay.

 

Kumbaga, hinayaan na raw niya at malayang magdesisyon si Donny para sa sariling mga kagustuhan.

 

“We manage him but we don’t own him. That’s very clear. We’re just taking care of him. We’re helping him take care of what he has so that he can be better at what he’s doing to help other people,” lahad pa rin ni Maricel.

 

Kamakailan lamang ay dumaan sa isang operasyon ang mister ni Maricel.

 

Sa ngayon daw ay patuloy nang bumubuti ang kalagayan ni Anthony.

 

“He’s doing much better. He’s back to work. Nagtatrabaho na, nagwo-walking, lahat. I mean, that’s the only way he will heal. We were in the hospital for three weeks.

 

“Ngayon he is recovering. It’s been two weeks out of the hospital. We didn’t want to make it public. We just wanted a private time para sa pamilya so that we could heal properly, all of us.

 

“Kasi kapag dumadaan sa ganitong challenge sa buhay, kailangan ng suporta ng bawat isa. And so we went through it quietly and it’s the most beautiful thing to go through together,” paliwanag ng aktres.

 

***

 

SPEAKING of Donny Pangilinan, ang sikat na aktor ang nanalong Male Pop Artist of the Year sa 16th Star Awards for Music.

 

Ang nasabing PMPC awards night ay gaganapin sa October 27, 6PM, sa Carlos P. Romulo Auditorium RCBC Plaza, Makati City.

 

Kabilang pa sa winners ay sina Kings of PPop, ang SB19 na ang hit song na “Gento” ay nanalong Dance Recording of the Year.

 

Nagwagi naman ang Ben&Ben ng Music Video of the Year para sa revival song nilang “The Way You Look At Me,” na ang music video ay idinirehe ni Blasgil Tanquilut.

 

Ang original singer ng naturang awitin na si Christian Bautista ay may special appearance sa music video na tampok sina Barbie Forteza at David Licauco.

 

Panalo ng Collaboration of the Year ang pagsasama nina Gary Valenciano at Gloc-9 sa kantang “Walang Pumapalakpak.” Nasungkit din ni Gloc-9 ang Rap Album of the Year para sa kanyang album na “Pilak.”

 

Sigurado namang masayang-masaya ang DonBelle fans dahil nagwagi ang kanilang mga idolo sa magkahiwalay na Pop categories. Si Donny Pangilinan ang itinanghal na Male Pop Artist of the Year para sa single niyang “Biglaan” kasama ang hitmaker ding si Maki sa kantang “Saan.” Nakuha naman ni Belle Mariano ang Female Pop Artist of the Year para sa awitin niyang “Bugambilya”.

 

Nangabog naman sina Kim Chiu, Maymay Entrata, at Vice Ganda sa Novelty categories. Si Kim Chiu ang itinanghal na Novelty Artist of the Year para sa kanta niyang “Ms. Ukay.”

 

Naghati naman sa award na Novelty Song of the Year ang “Rampa” ni Vice Ganda at ang “Autodedma” ni Maymay.

 

Mag-uuwi rin ng mga parangal ang multi-awarded hitmakers na sina Zack Tabudlo (Pop Album of the Year – 3rd Time’s A Charm); Moira dela Torre (Female Acoustic Artist of the Year – Eme); Juan Karlos (Rock Album of the Year – Sad Songs and Bullshit); KZ Tandingan (Female R&B Artist of the Year -Kailan Pa Ma’y Ikaw): at Kris Lawrence (Male R&B Artist of the Year – Buti Na Lang).

 

Dahil nga partial list of winners pa lang ang inilalabas ng PMPC, kaabang-abang din kung sino-sino pa ang mga mananalo sa iba pang mga kategorya. Iaanunsiyo ang winners sa natitirang mga kategorya sa mismong awards night.

 

Pangungunahan iyan ng labanan para sa tatanghaling Song of the Year sa pagitan ng SB19 (Gento), BINI (Pantropiko), Juan Karlos (Ere), Zack Tabudlo (Gusto), Moira Dela Torre (Ikaw at Sila), Maki (Saan), at Lola Amour (Raining in Manila).

 

Nominado sa Male Recording Artist of the Year sina Bamboo, Billy Crawford, Christian Bautista, Erik Santos, Juan Karlos, Zack Tabudlo, at Ogie Alcasid.

 

Sina Regine Velasquez, Moira Dela Torre, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Morisette, Julie Anne San Jose, Katrina Velarde, at Sarah Geronimo naman ang mga nominado sa Female Recording Artist of the Year.

 

Nakaka-excite rin kung sino ang mananalo sa Album of the Year, Duo/Group Artist of the Year, Male and Female Concert Performers of the Year, Duo/Group Concert Performers of the Year, at Concert of the Year.

 

Bibigyan ng espesyal na mga parangal ang industry icons na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano at veteran music producer, musical director, at arrranger na si Homer Flores.

 

Igagawad kay Gary ang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award, habang pararangalan naman si Homer ng Parangal Levi Celerio Lifetime Achievement Award.

 

Ang 16th Star Awards for Music ay inoorganisa ng mga opisyal at miyembro ng PMPC sa pangunguna ng Pangulo nito na si Rodel Ocampo Fernardo. Katuwang ng PMPC ang Airtime Marketing ni Tess Celestino-Howard. Ang awards night ay ididirehe ni Eric Quizon.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Sa ibinahagi niya sa Instagram Stories: BEA, kitang-kita ang matinding kasiyahan sa sorpresa ng ‘Widows’ War’ family

Posted on: October 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAKIKITA ang matinding kasiyahan ni Bea Alonzo sa inihandang sorpresa ng “Widows’ War” family para sa kanyang kaarawan sa set ng Kapuso primetime series.

 

 

Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ng Kapuso actress ang video clips sa selebrasyon ng kanyang kaarawan sa set ng serye habang inaawitan siya ng cast members ng “Happy Birthday.”

 

 

Makikita sa video na dumating si Bea sa lugar na may mga dekorasyon at mga handa, at naghihintay sa kanya ang cast at crew ng “Widows’ War.”

 

 

“Salamat sa pagmamahal, Widows’ War family! Mahal ko kayo,” saad ni Bea, na nagdiwang ng kanyang ika-37 taong kaarawan.

 

 

***

 

 

MAITUTURING na educational ang GMA Prime series na Pulang Araw na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco, at Alden Richards.

 

 

Kathang-isip man ang kuwento ng programa, base pa rin ito sa kasaysayan ng Pilipinas, partikular ang World War II at panahon ng pananakop ng mga Hapon.

 

 

Kaya naman nagamit pa ng isang guro mula sa Pampanga ang isang episode nito para sa isang lesson.

 

 

Inatasan ng teacher at content creator na si Karla Ong-Bagtas ang kanyang mga mag-aaral na gumawa ng critique paper base sa episode 55 ng Pulang Araw.

 

 

Ipinakita sa episode na ito ang karahasang naranasan ng mga kababaihan sa kamay ng mga sundalong Hapon.

 

 

Ayon kay Teacher Karla, humanga rin siya sa ganda ng pagkakagawa ng serye.

 

 

“Integration of Pulang Araw Ep.55 to our lesson (Writing a Critique Paper using Feminism & Marxism Approach)

 

 

THIS IS A MASTERPIECE! Apakaganda! Kudos GMA!” sulat niya sa Facebook.

 

 

Napuno rin ng magagandang comments tungkol sa programa ang post ni Teacher Karla.

 

 

Sumang-ayon ang ilan na magandang ipapanood ang serye sa mga kabataan para kapulutan nila ng aral.

 

 

Inihambing naman ng ilang ang Pulang Araw sa makatuturang mga cultural at historical programs ng GMA Network tulad ng Maria Clara at Ibarra at Legal Wives.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)