• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 25th, 2024

Reinforcement Teams, tumutulong na sa typhoon-hit Bicol- OCD

Posted on: October 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPADALA na ang Office of Civil Defense (OCD) ng mas maraming reinforcement teams para tumulong sa rescue operations sa mga lugar na apektado ng Severe Tropical Storm ‘Kristine’.

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni OCD spokesperson Director Edgar Posadas na nanatiling prayoridad ang nagpapatuloy na rescue efforts sa Bicol.

 

“Ang challenge pa rin nila doon ay the floodings which are really mataas pa,” aniya pa rin.

 

“There are enough resources pero, yun nga, sa taas ng baha—these are in Naga and several municipalities in Camarines Sur such as Presentacion, Bula, and the other towns nearby,” ang sinabi pa ni Posadas.

 

Aniya pa, ang teams at equipment mula sa Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay dineploy para dagdag an at isama sa operasyon ng local government units.

 

“As we speak mayroong padating na mga reinforcement from the Southern Luzon Command, both personnel and equipment and, at the same time, magpapadala din ng tulong doon kasi we practice at OCD ‘yung pagtulong po ng mga less affected na mga regions to assist nearby regions,” ayon kay Posadas.

 

Tinuran pa nito na ang reinforcement teams mula sa Eastern Visayas ay tutulong din sa Bicol.

 

Ani Posadas, ipinadala na ang tulong sa mga bayan ng Polangui at Libon sa Albay.

 

“Medyo mayroon pa tayong challenge doon sa ibang mga malalayong mga barangays and lugar,” ang winika ni Posadas.

 

“But we are getting there with the augmentation ng SolCom and the region 8 contingent, I’m sure malaking tulong ‘yun.”dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, may 10 katao na ang iniulat na nasawi, dalawa ang sugatan habang siya naman ang nawawala, ayon sa OCD.

 

May 19 naman na LGUs naman ang nagdeklara ng state of calamity. (Daris Jose)

LGUs, nahihirapan na makapaghatid ng food aid sa mga biktima ni “Kristine” — DSWD

Posted on: October 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAHIHIRAPAN ang ilang local government units (LGUs) na makapaghatid at mamahagi ng food assistance sa mga pamilyang apektado ng Severe Tropical Storm Kristine.

 

Sa katunayan, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na 50,000 family food packs lamang mula sa 170,000 packs na nakatago sa iba’t ibang bodega sa Bicol Region ang nakuha ng LGUs.

 

“Actually, marami silang request pero nag-aantay kami na kunin nila at pick-up-in nila,” ang sinabi pa ni Gatchalian sa isang panayam.

 

“Katulad kahapon, kausap ko si Governor, acting governor ng Albay, si Vice Governor Glenda. Sabi nga niya, onti-onti nang bumababa ‘yung tubig sa Albay pero kailangan nila ng kaunting panahon bago nila makuha ‘yung mga goods sa aming mga warehouse,” dagdag na pahayag ng Kalihim.

 

Sa Camarines Sur, sinabi ni Gatchalian na dahan-dahang nakukuha ng mga awtoridad ang food packs, subalit nakapokus talaga ang mga ito sa pagsalba sa mga residente na apektado ng bagyo.

 

Ang signal No.3 ay nakataas sa mahigit sa 16 na lugar sa Luzon habang kumikilos si Kristine patungong Cordillera Administrative Region.

 

Nakapagtala naman ang mga awtoridad ng 20 kataong nasawi sa Bicol Region.

 

Ani Gatchalian, may karagdagang 50,000 food packs ang patungo na sa Bicol Region.

 

“Patuloy kaming nakikipagugnayan sa mga LGUs na kunin na ‘yung mga goods. Ang instruction ng Pangulo naman sa akin kahapon siguraduhin na hindi kami maubusan doon. So habang nag di-distribute tayo ngayon sa mga LGUs, meron na tayong mga goods na papunta ulit ng Bicol,” ang sinabi pa ng Kalihim.

 

Samantala, sinabi ni Gatchalian na ang LGUs ang responsable sa paghahatid ng food packs sa mga pamilya at hindi ang DSWD.

 

“Ang DSWD, ang role namin is suportahan ang ating mga LGUs kung sakaling kulangin sila ng mga goods. So tayo, nasa warehouse natin ‘yung mga good bago pa tumaman… ‘yung epekto ni Bagyong Kristine,” aniya pa rin.

 

Samantala dahil sa bagyong Kristine ay muling sinuspinde ng gobyerno ang pasok sa trabaho sa tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa buong Luzon. (Daris Jose)

 

27 road sections, isinara dahil kay ‘Kristine,’ clearing ops, kasalukuyang isinasagawa- DPWH

Posted on: October 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAY 27 road sections sa tatlong rehiyon ang isinara sa trapiko dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami).

 

Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kanilang ‘6 a.m. report’, na 21 lansangan ang hindi madaraanan sa Bicol, apat sa Cordillera region, at dalawa sa Cagayan Valley.

 

“Clearing operations of DPWH Quick Response Teams are also underway along roads where floodwaters have subsided. We expect that many of the flooded roads will be opened to traffic this afternoon,” ang sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan.

 

Nag-deploy naman ang departamento ng quick response assets, kabilang na ang 2,048 piraso ng equipment at 9,005 personnel para sa clearing operations.

 

“The roads are inaccessible to vehicles due to soil collapse, flooding, collapsed pavement, landslides, fallen trees, rock collapse, rockslides, debris, and collapsed bridges,” ayon sa DPWH.

 

Napaulat din na may 10 road sections sa apat na rehiyon ang may limitadong access dahil sa ‘soil/rock collapse, road collapse, at pagbaha’, pito sa Bicol at tig-isa naman sa Cordillera, Calabarzon, at Eastern Visayas.

 

Samantala, winika naman ng DPWH na ang lahat ng national roads at tulay sa ibang apektadong rehiyon ay maaaring daanan ng lahat ng uri ng sasakyan. (Daris Jose)

Halos 200 pamilya sa Caloocan, nakatanggap ng CELA

Posted on: October 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HALOS 200 pamilya ang nakatanggap ng Certificate of Entitlement for Lot Allocation (CELA) sa pamamagitan ng pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan at ng Housing and Relocation Office (HARO), sa ginanap na seremonya na pinangunahan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.

 

Ang mga benepisyaryo ay matagal nang mga residente ng Sitio Gitna, Barangay 166 at Block 105, Camarin, Barangay 174 na ngayon ay sigurado na ang pagkakaroon ng kanilang lote na may nga titulo sa pangalan nila sa pamamagitan ng issuance ng CELA.

 

Binati naman ni Mayor Along ang mga pamilyang nakatanggap ng kanilang mga sertipiko at pinaalalahanan din sila na pangalagaan ang mga ari-arian na subject ng CELA para magamit ng kanilang mga anak at apo.

 

“Malugod ko pong binabati ang lahat ng mga kababayan nating nakatanggap na ng kani-kanilang CELA para sa loteng kinatatayuan ng kanilang mga tahanan. Alam ko po kung gaano kayo kasabik na maging opisyal ang pagmamay-ari ng mga lupang ito at ipinagmamalaki ko po na sa pamamagitan ng HARO, nakatulong tayo na bigyan ng katuparan ang inyong mga pangarap,” ani Mayor Along.

 

 

“Alagaan po ninyo ang mga lupang ito dahil layon nating bigyan ng pagkakataon ang mga Batang Kankaloo na maipapamana ang mga ito sa kanilang mga anak at apo sa mga susunod na panahon,” dagdag niya.

 

Binanggit din ng alkalde na sinimulan na ng pamahalaang lungsod ang mga socialized housing program nito at tiniyak sa kanyang mga nasasakupan na mas maraming benepisyaryo ang magkakaroon ng kani-kanilang mga tahanan bago matapos ang taon. (Richard Mesa)

Pagdinig ng Quad Comm, kinansela

Posted on: October 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINANSELA ng Quad Comm ang pagdinig nito kahapon (Huwebes) upang hayaan ang mga miyembro ng Kamara na mapagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng tulong sa kani-kanilang distrito na apektado ng bagyong Kristine.

 

Nagpahayag din si Rep. Ace Barbers, lead Chair ng Quad Committee, nang pag-aalala sa mga kababayang apektado ng bagyo.

 

“Our primary focus right now is to assist our constituents who have been severely impacted by Typhoon Kristine. Many of our fellow Filipinos are dealing with devastating loss and damage to their homes, livelihoods, and communities. As representatives of the people, we have a duty to be on the ground and lend every possible support,” ani Barbers.

 

Inihayag nito ang pangangailangan nang pagpapatupad ng isang whole-of-nation approach sa pagresponde sa naturang krisis.

 

“This is not the time for division. We need a united response to ensure that those who are hardest hit by this calamity receive immediate relief. The national government, local government units, the private sector, and civic organizations must all come together in a coordinated effort to help our kababayans rebuild,” dagdag nito.

 

Ihahayag ng House Quad Committee ang panibago nitong schedule ng pagdiig kapag nagbalik normal na angsitwasyon at naiparating na ang tulong sa mga naapektuhan. (Vina de Guzman)

Motorcycle rider, patay sa trailer truck

Posted on: October 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang isang rider nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang trailer truck sa Sampaloc, Manila Huwebes ng madaling araw.

 

Isinugod pa sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Adelo Aton y Domingo, nasa wastong edad ng 65 Maria Clara St, 7th Ave, Caloocan City, Manila subalit hindi na ito umabot ng buhay dahil sa malalang sugat sa katawan.

 

Kinilala naman ang driver ng Truck na may Trailer Isuzu Giga na may plakang RJM 973 na si Ginelo Repala y Zoilo, 29 ng Road10 Blk6, Vitas, Tondo, Manila.

 

Sa ulat, bandang ala-1:20 kahapon ng madalaing araw nang naganap ang insidente sa North bound lane ng NLEX Connector Road malapit sa Loyola Exit, sakop ng Sampaloc, Manila kung saan minamaneho ng suspek ang kanyang truck na may trailer habang binabagtas ang northbound lane ng NLEX Connector Road sa Sampaloc, Manila habang minamanheo naman ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas din ang nasabing lugar nang nag-counter flow sa lugar galing Espana Toll exit.

 

Dahil sa pangyayari, nabangga ang harapang bahagi ng motorsiklo ng biktima ang kaliwang bahagi ng minamanehong truck ng suspek dahilan upang tumilapon ang biktima mula sa kanyang motorsiklo sa sementadong kalsada.

 

Isinugod ang biktima sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay. GENE ADSUARA

Gobyerno, dapat na magbigay ng insentibo para makaakit ng e-vehicle investors—PBBM

Posted on: October 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kailangan na magbigay ng insentibo kung nais ng Pilipinas na makaakit ng mas maraming investors sa e-mobility industry ng bansa.

 

Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Oct. 22, kung saan nakapulong ng Pangulo ang mga opisyal ng Department of Science and Technology (DOST) at kinauukulang ahensiya ng pamahalaan para talakayin kung paano ide-develop at pananatilihin ang Philippine e-mobility industry sa pamamagitan ng siyensiya, teknolohiya at innovation.

 

Winika ng Pangulo na nais niya ang pinahusay na inisyatiba para palakasin ang e-mobility industry ng bansa, binigyang-diin ang pangangailangan na magbigay ng insentibo para maka- attract ng mas maraming investors.

 

“We need investors to come in. Of course we’ll provide incentives from the government. That’s what we need to do. We need incentives for investors to come in. Hopefully local,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa naturang pulong.

 

“But we’ll take anybody who’s interested. But then they will have to undertake the production design to scale it up to a level to actually make a difference to the market,” aniya pa rin.

 

Tinuran pa ng Pangulo na hindi problema ang disenyo pagdating sa e-mobility ng bansa kundi sa ‘scaling’ ng industriya.

 

“We’re always running into the same problem – it’s the scaling. Production design. Then the investment. How do we (attract investments). That’s the hardest part of this. A high school science student can design an e-trike. Walang problema yun because again the technology is so simple, so well-understood. But it’s the scaling,” ayon sa Chief Executive.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni DOST Secretary Renato Solidum Jr. na naghihintay lamang ang mga potensiyal na mga investor para sa isang policy statement mula sa gobyerno.

 

Naghihintay din aniya ang mga manufacturers at fabricators para sa government policy.

 

Binigyang diin naman ni Solidum na makalilikha ang e-mobility industry ng mas maraming trabaho sa ‘maintenance, after-sales service at at iba pang serbisyo.’

 

Pagdating naman sa government policy, lumilikha naman ang Department of Trade and Industry (DTI) ng strategic roadmap sa ilalim ng Electric Vehicle Industry Development (EVIDA) para bumalangkas ng mga polisiya at makaisip ng posibleng insentibo para suportahan ang e-vehicles.

 

“Another initiative is by working with locally owned ToJo Motors to figure out the necessary policies to make it conducive for locally manufactured e-vehicle, specifically e-trikes and e-jeepneys to operate in the Philippines,” ayon kay Solidum.

 

Pagdating naman sa produksyon, sinabi ni Solidum kay Pangulong Marcos na ang e-trikes ay magiging ‘mass produced’ sa Isabela sa lalong madaling panahon.

 

Marami aniyang customers ang naghihintay para sa electric trikes sa merkado.

 

Samantala, interesado rin ang mga opisyal ng General Santos City kasama ang mga tricycle operators.

 

“Local agri-machinery manufacturers could help speed up trike production,”ang sinabi ni Solidum.

 

Sa ulat, “as of Oct. 18,” mayroong 25,196 registered e-vehicles (EVs) at 705 EV charging stations (EVCS) sa bansa na may 92 accredited EVCS providers. Ang mga providers aniya ay makalilikha ng 10,407 bagong trabaho at P1.99 bilyon na investments. (Daris Jose)

VP Sara, niresbakan si Boying Remulla: Wala siyang alam sa batas

Posted on: October 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Vice-President Sara Duterte na walang alam sa batas si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang sabihin ng huli na “very disturbing” ang kanyang pahayag hinggil sa mga labi ni dating Pang. Ferdinand Marcos Jr..

 

Nauna rito, sa isang pulong balitaan ay inamin ni VP Sara na binalaan niya si Sen. Imee Marcos na personal niyang huhukayin ang mga labi ng ama nitong si dating Pang. Marcos at itatapon sa West Philippine Sea (WPS) kung ipagpapatuloy nila ang political attacks laban sa kanya.

 

Ayon naman kay Justice Secretary Jesus ­Crispin ‘Boying’ Remulla, ang mga naging pahayag ng bise presidente ay isang paglapas­tangan sa alaala ng dating pangulo, na matagal nang namayapa.

 

“Ipagdasal natin ang Pilipinas dahil we have a Secretary of Justice na hindi alam ang batas. There is a big difference between talking about desecration of a body and actually desecrating a body.

 

Talking about desecration of a body is not desecration of the dead,” ang sinabi ni VP Sara.

 

“Dapat sana siguro as a lawyer, maintindihan niya ‘yun kaagad but apparently, sabi nga ng iba, kapag mabilis ka, meron talagang mabagal ang pick up,” aniya pa rin.

 

“It desecrates the memory of a person, it desecrates the peaceful state that he must be in, having already perished, to disturb the body and there are many other moral principles that are being violated, and we are looking at the legal aspects also,” pahayag naman ni Remulla sabay sabing “We’re conducting a study.”

 

Inulit nito na ang naturang pahayag, mula sa isang ikalawang pangulo, na ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, ay nakakabahala.

 

“Very disturbing for a person of her rank, second highest official of the land, the remarks are unbeco­ming, I think and it does not augur well for the dignity of the office,” giit ng kalihim. “That’s very disturbing if a person can think that way and she holds a very high position. I think it’s very disturbing. Lahat naman tayo, hindi natin gusto iyong narinig natin.”

 

“Marami kasing approaches diyan. Pero it desecrates the memory of a person, it desecrates the peaceful state that he must be in, having already perished,” ang sinabi ni Remulla.

 

“There are many other moral principles that are being violated and we are looking at the legal aspects. We are conducting a study,” aniya pa rin.

 

Matatandaang ang ama ni VP Sara na si dating Pang. Rodrigo Duterte ang nagpahintulot na mailibing ang mga labi ng dating Pang. Marcos sa Libingan ng Mga Bayani noong 2016. (Daris Jose)

Dating VP Leni Robredo, pinaalalahanan ang publiko hinggil sa kumakalat na ‘fake number’ na humihingi ng donasyon

Posted on: October 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ni dating Vice President Leni Robredo ang publiko hinggil sa kumakalat na fake number na humihingi ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Kristine.

 

Ayon kay Robredo, isa lang ang kanyang personal na numero at hindi rin siya gumagamit ng messenger.

 

Nilinaw din ng dating pangalawang pangulo na ang kanilang Angat Buhay o Naga Team ay hindi tumatanggap ng cash donations bilang bahagi ng kanilang pulisiya sa usapin ng transparency.

 

Dagdag pa ni Robredo na tanging ang ‘Kaya Natin’ movement group lamang ang kanilang inootorisa na tumanggap ng cash donations para sa kanila bilang bahagi ng transparency and accountability.

 

Hinimok din nito ang publiko na huwag maniniwala sa mga nagpapanggap bilang Leni Robredo o miyembro ng Angat Buhay. (Daris Jose)

Bicol pinalubog ni ‘Kristine’: 7 patay!

Posted on: October 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINALUBOG ng bagyong ‘Kristine’ ang Bicol region na nagresulta sa pagkamatay ng pito katao habang libu-libo ang inilikas , Miyerkules.

 

Sa ulat ni PNP-Bicol chief, PBGen. Andre Dizon, ang mga naitalang nasawi ay mula sa Naga City, bayan ng Palanas sa Masbate at sa Bagamanoc sa Catanduanes habang mula naman sa Paracale town sa Camarines Norte ang mga sugatan at mula Iriga City sa Camarines Sur ang nawawala.

 

Ayon kay Dizon, hindi nila mapasok ang bayan ng Libon sa Albay dahil sa malaking pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan dulot ng bagyong Kristine. Wala namang naitalang biktima sa Libon. Isinailalim na sa state of calamity ang Albay.

 

Umaabot naman sa 67,733 indibidwal ang pa­tuloy na nasa evacuation centers, habang nasa 303 barangays mula sa pitong lalawigan sa Bicol Region ang patuloy pa rin ang baha hanggang sa kasalukuyan.

 

Nasa 20 lugar din sa Bicol Region ang nagtala ng landslide kung saan pinakamarami ang Albay na mayroong 10 lugar, 4 sa Sorsogon, 3 sa Camarines sur, 2 sa Camarines Norte at 1 sa Catanduanes.

 

Binigyan diin naman ni Gremil Naz, spokesperson ng Office of the Civil Defense (OCD)-Bicol na bagamat maayos at maganda ang koordinasyon ng iba’t ibang disaster response agencies sa Bicol patuloy pa rin ang kanilang monitoring ma­ging sa mga social media na kadalasang ginagamit ngayon upang makahingi ng tulong. Nawalan din ng supply ng kuryente sa 36 lugar at maging linya ng komunikasyon.

 

Sinuspinde rin ang operasyon ng 34 seaports sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Central Visayas, at Eastern Visayas dahil sa bagyong Kristine kung saan 4,753 pasahero, 703 rolling cargoes, 26 vessels, at 13 motorized bancas ang stranded.

 

Sa press briefing naman sa National Disaster Coordinating Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Interior and Local Go­vernment Secretary Jonvic Remulla na ipinarating sa kaniya ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “LRay“ Villafuerte na sa 600 Barangays sa Naga City ay nasa 300 ang lumubog sa baha.

 

Ang matinding pagbaha sa Bicol Region ay naranasan bago pa man mag-landfall ang bagyong Kristine. Nabulaga ang mga residente nang makitang tila ‘waterworld’ ang kanilang lugar na umapaw ang tubig hanggang bubong ng bahay.

 

Ayon sa PAGASA, napanatili ng bagyo ang kanyang lakas at naging isang severe tropical storm na.

 

Inaasahang si Kristine ay magla-landfall sa Isabela at daraan sa bulubunduking lugar ng Northern Luzon at saka susulpot sa may katubigan ng Ilocos Region, Huwebes ng umaga.

 

 

Bahagya itong hihina habang tumatawid sa Northern Luzon at muling lalakas oras na marating ang West Philippine Sea.

 

Inaasahan na si Kristine ay lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), Biyernes.