• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 28th, 2024

Djokovic umatras na sa paglalaro sa Paris Masters

Posted on: October 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMATRAS na sa paglalaro sa Paris Masters si defending champion Novak Djokovic.

 

 

Kinumpirma ito ng organizers at hindi na sila nagbigay pa ng anumang detalye.

 

 

Noong nakaraang linggo ay naglaro pa ang 37-anyos na Serbian tennis star sa Six Kings Slam exhibition.

 

 

Sa social media account ng nito ay humingi siya ng paumanhin sa mga fans na nag-antabay sa kaniyang paglalaro.

Harapan ng Yankees at Dodgers pinilahan ng mga baseball fans

Posted on: October 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING mga baseball fans ang pumila para makapanood ng laban ng Los Angeles Dodgers at New York Yankees.

 

 

Ang nasabing laban ng dalawa ay tinagurian bilang baseball blockbuster for the ages.

 

 

Itinuturing din na ang harapan ng dalawang sikat na franchises ng 12th World Serie kabilang na rin ang makasaysayang pagiging magkarbal nila sa loob ng 43 taon.

 

 

Isa sa mga inaabangan nila ay si Dodgers Japanese superstar Shohei Ohtani na tinaguriang best all-time round player kasunod ng legendary na si Babe Ruth.

 

 

Sinabi ni Yankees manager Aaron Boone na ang harapan ng dalawang koponan ay may matagal ng kasaysayan sa larong baseball.

Ex-tennis star Maria Sharapova napili bilang 2025 Tennis Hall of Fame

Posted on: October 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAPILI bilang inductees ng 2025 International Tennis Hall of Fame si dating World number Maria Sharapova.

 

Kasama rin itong napili ang US doubles team na magkapati na sina Bob at Mike Bryan.

 

Ang five-time Grand Slam champion ay isa sa 10 mga babae na nagkamit ng career singles Grand Slam.

 

Nanatili siya ng limang taon sa pagiging numero uno sa kabuuang career WTA career niya mula 2001 hanggang 2020.

 

Habang ang magkapatid na Bryan nagwagi ng 16 major doubles title at naging pinakamatagumpay na duo sa ATP na hawak nila ang pagiging numero uno sa loob ng 438 linggo.

 

Napili bilang inductees ng 2025 International Tennis Hall of Fame si dating World number Maria Sharapova.

 

Kasama rin itong napili ang US doubles team na magkapati na sina Bob at Mike Bryan.

 

Ang five-time Grand Slam champion ay isa sa 10 mga babae na nagkamit ng career singles Grand Slam.

 

Nanatili siya ng limang taon sa pagiging numero uno sa kabuuang career WTA career niya mula 2001 hanggang 2020.

ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Posted on: October 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ALINSUNOD  sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ginamit na rin ang mga presidential helicopter upang mapabilis pa ang relief operations sa mga nasalanta ng Bagyong #KristinePH sa iba’t ibang lugar sa bansa.

PBBM, personal na dinalaw ang mga taga-Cam Sur na naapektuhan ng bagyong Kristine

Posted on: October 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PERSONAL na kinumusta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga komunidad na apektado ng Bagyong Kristine sa Bula, Camarines Sur, at kanyang tiniyak ang patuloy na suporta ng pamahalaan hanggang sa kanilang tuluyang pagbangon.

 

 

 

Kasama ang DSWD, namahagi ang Pangulo ng cash assistance at karagdagang food packs para maalalayan ang mga residenteng nagsisimula nang bumalik sa kani-kanilang mga tahanan.

ININSPEKSYON ni Mayor John Rey Tiangco ang parte ng coastal dike sa Navotas City

Posted on: October 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ININSPEKSYON ni Mayor John Rey Tiangco ang parte ng coastal dike sa Navotas City na nasira ng mga barkong dumikit dito dahil sa malakas na hangin na dala ng Bagyong Kristine. Ayon kay Mayor Tiangco, ipapa-assess ang damage dito para mapaayos ng mga kumpanyang nagmamay-ari ng mga barko.

 

 

Hinihintay nalang aniya na tumaas ang level ng high tide at kumalma ang dagat para mahatak na ang mga barko palayo sa dike.

 

 

Patuloy itong babantayan ng pamahalaang lungsod, kasama ang mga Coast Guard, hanggang maialis na ang mga barko dalampasigan ng Navotas. (Richard Mesa)

PBBM sa mga ahensiya ng gobyerno: Maghanda para sa paparating na cyclone

Posted on: October 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensiya ng gobyerno na maghanda sa tropical cyclone na inaasahan na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong linggo.

 

“We’ll just have to keep monitoring the situation and make sure, always, the rescue and relief don’t stop. It doesn’t matter [if] there’s another storm coming, we cannot stop. That cannot stop,” ayon kay Pangulong Marcos sa situational briefing.

 

Nagbigay ng kautusan ang Pangulo sa kabila ng patuloy na pakikipagbuno ng bansa sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine

 

“And then, the support that we are giving, that DSWD (Department of Social Welfare and Development) is giving [to] those who have been displaced, who are still in the evacuation centers, there are [those] staying outside of their homes, with their relatives, their friends, that also cannot stop,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, sinabi ng PAGASA na ang cyclone ay maaaring pumasok sa bansa, Martes ng umaga at lumabas sa northern boundary ng PAR, araw ng Miyerkules.

 

Samantala, nakapagtala ang Office of Civil Defense (OCD) ng 46 na tao na nasawi sa hagupit ng bagyong “Kristine” (international name: Trami).

 

Habang tinatahak na ng bagyo ang karagatan, patuloy ang pagkilos ng mga rescue worker para matulungan ang mga taong na-trap sa kanilang mga bahay dahil sa mataas na baha.

 

Nagkaroon din ng kakulangan sa rubber boats pero mayroon na umanong mga paparating.

 

Batay sa datos mula kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, karamihan sa mga nasawi ay mula sa Bicol Region na 28, sumunod ang Calabarzon na may 15.

 

May tig-isang naitalang nasawi sa Ilocos Region, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula.

 

Mayroon ding 20 nawawala, at pito ang sugatan.

 

Sa kanyang talumpati nitong Biyernes, nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga naging biktima ng bagyo.

 

Iniutos naman ni Pangulong Marcos ang full mobilization ng military assets para sa relief operations upang mahatiran ng tulong ang mga biktima.

 

Tinatayang 20 bagyo ang tumatama sa Pilipinas bawat taon. Pero sa mga bagong pag-aaral, napapansin na ang mga bagyo na tumatama sa Asia-Pacific region ay nabubuo malapit na sa mga dalampasigan, at mabilis na lumalakas, at nagtatagal sa kalupaan.

 

Pinaniniwalaan na may kaugnayan dito ang climate change. (Daris Jose)

18 katawan, naiahon na; retrieval operation sa Batangas landslide, gagawin nang 24/7

Posted on: October 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa 18 labi ang nahukay ng mga otoridad sa nagpapatuloy na operasyon sa Brgy Sampaloc, Talisay City, Batangas, kung saan pinaniniwalaang nabaon ng buhay ang mahigit 20 katao dahil sa biglaang pagguho ng lupa.

 

 

Kabilang sa mga unang nahukay ang labi ng 12 bata, ilan sa kanila ay naka-yakap pa sa kanilang magulang.

 

Batay sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo, gagawin na ring 24/7 ang paghuhukay sa lugar gamit ang mga heavy equipment at manpower mula sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan, Philippine National Police, at local na pamahalaan.

 

 

Ayon sa mga otoridad, dahan-dahan ang ginagawang paghuhukay ng mga heavy equipment dahil sa sensitibong kalagayan ng mga labi na pinaniniwalaang nabaon, karamihan dito ay mga bata.
Gumagamit din ang mga otoridad ng K-9 units upang matunton ang mga labi.

 

 

Ilan sa mga nagpapahirap sa ginagawang rescue at retrieval operations ay ang malalaking tipak ng bato, mga punongkahoy, at mga parte ng bahay na halos sabay-sabay na bumagsak sa mga natutulog na biktima.

 

 

Samantala, ayon kay Brgy Sampaloc councilor Lalie Almeda, sinabi ng konsehal na hindi nila inakalang mangyayari ang malawakang pagguho ng lupa sa kanilang barangay.

 

Aniya, ito ang unang pagkakataon na mangyari ang ganitong insidente, at ikinabigla ng lahat ang lawak ng pinsalang inabot nito.

 

 

Bagaman may mga landslide nang nangyari sa nakalipas na taon, pawang maliliit lamang ang mga ito at hindi naging dahilan ng pakawala ng mga buhay.

 

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga opisyal ng brgy, malaking bulto ng lupa at mga tipak ng bato na galing pa sa bundok na sakop na ng Tagaytay City, Cavite, ang bumagsak sa mga bahay na sakop ng brgy Sampaloc, Talisay City.

 

 

Posibleng bumigay ang dalisdis ng bundok dahil sa ilang araw na pag-ulan at tuluyang bumagsak.

 

Maliban sa mga residente sa naturang komunidad, pinangangambahang may ilan ding dayuhan na nasama sa mga casualties, ngunit wala pang kumpirmasyon ang mga otoridad.

 

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy din ang clearing operations sa mga kalsada sa Talisay City na inabot ng makapal na putik at lupa mula sa kabundukan. (Daris Jose)

Sa pananalasa ng Severe Tropical Storm ayon sa OCD… 46 na patay sa bagsik ni ‘Kristine’

Posted on: October 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa 46 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine ayon sa Office of Civil Defense (OCD).

 

 

Ayon kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang bilang ng mga nasawi ay mula sa Bicol Region, 28, na sinundan ng Calabarzon na may 15 habang tig-isa naman ang naitala mula sa Ilocos Region, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula.

 

 

Nasa 20 katao naman ang nawawala habang pito ang nasugatan.

 

 

Patuloy namang sinusuong ng mga rescue workers ang mataas na tubig-baha upang mailigtas ang mga residente na na-trap sa mga bubungan ng bahay.

 

 

Libu-libo naman ang nawalan ng kanilang nga tirahan sa pagragasa ng baha sa loob ng dalawang araw na walang tigil na pag-ulan.

 

 

Ayon naman kay Philippine National Police-Bicol Region Office 5 Director PBGen. Andre Dizon, marami pa rin ang nangangailangan ng tulong sa rehiyon kaya patuloy din ang kanilang pagkilos kung saan ang lahat ng kanyang mga pulis ay nakakalat na sa lugar.

 

 

Ani Dizon, isa sa mga problema sa pag-rescue ay ang kakulangan sa mga rubber boats upang maisakay ang mga mare-rescue at mailipat sa ligtas na lugar.

 

 

Samantala, sinabi naman ng Department of Agriculture (DA) na inihahanda na ang ?80.21 milyong halaga ng agricultural inputs na kinabibilangan ng mga binhi at biologics para sa livestocks na mula sa Regional Offices nito sa Cordillera Administrative Region, Central Luzon; Calabarzon, MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas.

 

 

Mayroon ding hanggang ?25,000 loan ang maaa­ring ialok sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC).

 

 

Kaugnay nito, nakapagtala na ang DA ng P80.80-milyong halaga ng pinsala ng agri sector kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine sa apat na rehiyon sa bansa. May katumbas itong nasa 1,570 ektarya ng sakahan at 2,864 na mga magsasaka.

 

 

Inaasahan naman ng DA na lalaki pa ang pinsala ng bagyong Kristine sa iba pang agri commodities sa bansa.

 

 

Sa report naman ng Department of Education (DepEd), nasa 37,375 paaralan ang apektado buhat sa 15 rehiyon.

 

 

Tumaas din ang bilang ng mga paaralan na nagsisilbi ngayong evacuation centers na nasa 352 habang ang mga binaha o natabunan ng gumuhong lupa ay nasa 144 na.

 

 

Umakyat na rin sa P1.06-bilyon ang naitalang pinsala sa mga paaralan dulot ng bagyong Kristine.

 

 

Ayon sa record, nasa 322 rito ang “totally damaged” o tuluyang nasira habang 504 ang partially damaged o bahagyang nawasak.

 

 

 

Aabot naman sa mahigit 19 na milyong mag-aaral ang naapektuhan ng bagyo gayundin ang nasa 733,739 mga guro at non-teaching personnel. (Daris Jose)

 

2 kapwa akusado sa US ni Apollo Quiboloy pumayag sa plea agreement

Posted on: October 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PUMASOK na sa plea agreement ang dalawa pang-kapwa akusado ni Pastor Apollo Quiboloy sa US.

 

Ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC)member na sin Gia Cabactulan, at Amanda Estopare ay pumayag na pumasok sa plea agreement.

 

Sila ang nahaharap sa kasong ‘visa-fraud’ dahil sa pekeng pagpapakasal at pinipilit ang mga miyembro nila manghingi ng pera para sa KOJC.

 

Dahil dito ay posibleng maharap ng limang taon na pagkakakulong at pagbabayaran ng hindi bababa sa $200,000.

 

 

Magugunitang noong nakaraang linggo rin ay pumasok na sa plead agreement ang isa pang kapwa akusado na si Marissa Duenas.

 

Ang susunod na hakbang ngayon ay magsasagawa ng pag-schedule ang korte sa US para sa pagdinig sa nasabing kaso.

 

Sina Duenas, Cabactulan, Estopare at Quiboloy ay kinasuhang federal court noong 2021 sa California gaya ng sex trafficking at Money laundering. (Daris Jose)