• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 31st, 2024

4Ps na buntis, may anak na edad 0-2, dapat mag-profile update – DSWD

Posted on: October 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga household-beneficiaries na buntis at may anak na edad 0 hanggang 2-taong gulang na mag-profile update upang mapabilang sa roll-out ng First 1000 Days (F1KD) conditional cash grant na karagdang financial support sa ilalim ng 4Ps, sa susunod na taon.

 

 

Ayon kay DSWD 4Ps Social Marketing Division Chief Marie Grace Ponce, mahalagang makapag-update ng profile information ang mga 4Ps beneficiaries na buntis at lactating mother upang sila ay mapabilang sa dagdag benepisyo ng programa.

 

 

Ang F1KD conditional cash grant ay ka­ragdagang financial support sa ilalim ng 4Ps na naunang iminungkahi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para mabigyan ng dagdag na tulong ang mga household beneficiaries sa unang 1,000 araw ng paglaki ng bata.

 

 

Ang mga beneficia­ries na magpo-profile update ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang city o municipal links upang makapag-fill up ng Beneficiary Updating System (BUS) Form 5 at magsumite ng mga documentary requirements tulad ng birth certificate o local civil registry ng bata, at maaari ring magbigay ng medical certificate o health certificate ng buntis na miyembro na galing sa kanilang Rural Health Unit (RHU) o Barangay Health Station (BHS). (Daris Jose)

CHR, nag-deploy ng Quick Response Operation para imbestigahan ang mga insidente ng pagpatay sa election aspirants at local officials

Posted on: October 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MARIING kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagtaas ng karahasan laban sa mga election aspirant at local officials sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Kaugnay nito, nag-deploy na ang komisyon ng Quick response Operation team para imbestigahan ang mga insidente ng pagpatay at para matukoy kung ang mga ito ay politically motivated.

 

 

Sa isang pahayag ngayong Martes, sinabi ng komisyon na sa kabila ng kamakailang pagtatapos ng paghahain ng certificate of candidacy, nakapagtala na ng mga insidente ng karahasan at pag-atake.

 

 

Isa na dito ang kaso nina Agutaya, Palawan municipal election officer Emmanuel Gacott at kaniyang maybahay na kapwa natagpuang patay sa kanilang bahay sa Barangy Cambian noong Setyembre 25. Tinitignan ngayon ng mga awtoridad ang robbery bilang posibleng motibo sa krimen subalit hindi isinasantabi ang posibilidad na maaaring naging isa sa motibo ay ang posisyon ni Gacott bilang isang election officer.

 

 

Tinukoy din ng komisyon ang pagkasawi ni San Nicolas, Ilocos Norte chairperson Francisco Bagay noong Setyembre din. Binaril ang biktima habang nasa kaniyang garahe ng hindi pa natutukoy na armadong kalalakihan.

 

 

Sa Ilocos Sur naman, binaril-patay sina Barangay Lapting kagawad Bello Joseph Padua Valorozo at kaniyang anak na lalaki ng riding in tandem sa bayan ng San Juan.

 

 

Gayundin ang bayolenteng insidente na nangyari sa pagitan ng mga residente at grupo ng isang tumatakbo sa pagka-Bise Alkalde sa Maguindanao del Sur.

 

 

Nangyari ang insidente sa kasagsagan ng COC filing sa Shariff Aguak noong Oktubre 8 na ikinasawi ng isang Barangay Peacekeeping Action Team member at 6 pang indibidwal ang nasugatan. (Daris Jose)

Bong Go: Mga ospital, Malasakit Centers maghanda sa post-flooding surge

Posted on: October 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Senator Christopher “Bong” Go sa mga ospital at Malasakit Centers sa buong bansa na maghanda sa potensyal na pagdami ng mga pasyente dahil sa pagbaha sa iba’t ibang lugar.

 

 

 

Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng paggamit ng Malasakit Centers para makapagbigay ng tulong medikal sa mga naapektuhan ng bagyo, dulot ng matinding pagbaha, kung saan maraming residente ang napadpad sa mga rooftop.

 

 

Ayon kay Go, kritikal ang maagap at sapat na pangangalagang pangkalusugan sa mga pamilyang bakwit, lalo sa mga bata, at matatandang residente na maaaring tamaan ng mga sakit na dala ng tubig-baha pagkatapos ng mahabang araw ng matinding pag-ulan.

 

 

“Ang Malasakit Center ay para sa ating mga kababayan na naghahanap ng tulong medikal lalo sa panahon ng sakuna ngayon na maraming nasalanta ng bagyo,” sabi ni Go.

Coalition for Good Governance (CGG) hiningi ang pag-aalis kay LTO chief

Posted on: October 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG grupo na tinatawag na Coalition for Good Governance (CGG) ang nanawagan kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tanggalin sa puwesto si Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Vigor D. Mendoza II.

 

 

 

Hiniling ng grupo na alisin sa puwesto si Mendoza dahil sa alegasyon ng korupsyon sa LTO.

 

 

Ayon sa grupo na pinapayagan ni Mendoza na magkaron ng mga maanomalyang transaksyon dahil sa paggamit ng dati at lumang LTO-IT system.

 

 

Ayon sa isang report, ang lumang IT system na tinutukoy ay ang Stradcom’s Motor Vehicle Inspection and Registration System (MVIRS).

 

 

Ang mga lumagda sa petisyon kay President Marcos ay sila Diolito Inosanto, president ng FELTOP; Augosto Lagman, AAP Board Member; at Martin Delos Angeles, vice-president ng Philippine Transport Monitor.

 

 

Binatikos ng mga lumagda ang pagtataas ng registro at computer fees sa LTO gamit ang lumang Information Technology system. Tinuligsa rin ng grupo ang di umano’y maanomalyang pagrerehistro ng mga sasakyan ng walang insurance policies o di kaya ay may pekeng insurance at walang kaukulang inspeksyon.

 

 

Nakasaad sa petisyon na sila ay nanawagan sa Pangulo na palitan na ang kasalukuyang namumuno sa LTO at magtalaga ng bagong LTO chief na walang bahid ng korupsyon upang magpatuloy ng tunay na reporma sa LTO.

 

 

“Stradcom’s contract with the LTO expired several years ago, but the system remains partially operational under what is termed a phaseout agreement. In December 2021, then LTO assistant secretary Edgar Galvante issued a memorandum mandating the decommissioning of Stradcom’s LTO-ITS driver’s license module. This directive instructed driving schools and medical clinics to send data solely through the Land Transportation Management System (LTMS), a government-owned platform designed to replace Stradcom,” wika ng isang dating IT LTO consultant na hindi nagpakilala.

 

 

Ang LTMS ay ginastusan ng pamahalaan ng halos P8 billion pesos. Sa ngayon, parehas na ginagamit ang Stradcom at LTMS kahit na bigong magkaron ng full operasyon ang huli.

 

 

Sa website ng LTO, nakalagay dito na ang LTMS ay may 27/7 online portal na nag proproseso ng transaksyon para sa mga licenses, registrations, renewals, at ibang pang concerns ng motoring public sa buong bansa.

 

 

Ayon sa isang kritiko, kahit na gumastos na ang pamahalaan ng malaking halaga sinasabi nila ang phasing out ng dating system ay nababalam pa rin. Patuloy pa rin nakakuha ang LTO ng mga reklamo tungkol sa mga irregularities, inefficiencies at accusations ng mga korupsyon sa ahensiya.

 

 

Dati pa sinabi ni Mendoza na kanyang ipapatupad ng buo ang LTMS noong nakaraang November 2023 subalit hindi ito nangyari.

 

 

Samantala, noong nakaraang Augusto ay nag post ang LTO sa kanilang website na ang kanilang Management Information Division (MID) ay nagsagawa ng isang comprehensive briefing para sa flow ng proseso sa LTMS portal.

 

 

“This initiative was carried out under my directive aimed at bolstering the agency’s digital programs. This is also in line with President Ferdinand Marcos Jr’s mandate for comprehensive digitization across all government agencies,” wika ni Mendoza.

 

 

Sa ngayon ay hindi pa sumasagot si Mendoza sa mga bagong akusasyon sa kanyang ahensya tungkol sa alegasyon ng kurupsyon at ang ginawang pagtataas ng computer fees. LASACMAR

P2.5M bato, nasamsam sa 2 drug suspects sa Caloocan

Posted on: October 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P2.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matiklo sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles naarestong mga suspek na sina alyas “Star”, 39, babae at alyas “Tropa”, 40, kapwa residente ng lungsod.

 

 

 

Batay sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas Star kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

 

Nang makumpirma na positibo ang ulat, ikinasa ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas-9:06 ng gabi sa Phase 7A, Package 10, Kaagapay Road, Bagong Silang Brgy., 176.

 

 

 

Ani Lt. Mables, nakumpiska nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 375 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P2,550,000 at buy bust money.

 

 

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Papel ng kababaihan sa Pinas ibinida ni Pangandaman

Posted on: October 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILI ang commitment ng bansa sa pagtataguyod ng women empowerment, partikular ang kanilang mahalagang papel sa pagsusulong ng kapayapaan, diin ni Budget Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman.

 

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng International Conference on Women, Peace, and Security (ICWPS) sa Philippine International Convention Center (PICC), ibinahagi ni Pangandaman ang mga hakbangin ng bansa sa pagsusulong ng mahalagang papel ng mga kababaihan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa bansa.

 

 

Ipinaliwanag ni Pangandaman ang importansiya ng pagsasama-sama at pagtutulungan partikular sa naranasang kalamidad ng bansa dulot ng bagyong Kristine, kaya napapanahon umano ang pagtalakay sa nagbabagong panahon at seguridad sa mga kababaihan.

 

 

“Dialogue is always a good start,” ani Pangandaman patungkol sa nagdaang kalamidad na nagsilbing malaking hamon sa mga kababaihan sa mga apektadong lugar.

 

 

Nabanggit din ng DBM chief ang pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Minda­nao (BARMM) kasabay sa pagbuo ng Bangsamoro Women Commission, na nakatutok sa malaking papel ng kababaihan sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng katahimikan sa naturang rehiyon.

 

 

Ipinaliwanag din ni Pangandaman, natatanging Muslim sa gabinete, ang commitment ng Pilipinas sa tinatawag na gender-responsive budgeting, na nagpapatupad ng “Women’s Budget” policy na nagtatakda ng hindi bababa sa 5 porsiyentong pondo ng mga ahensiya ng pamahalaan para sa mga gender program.

 

 

Ipinabatid rin ni Pangandaman ang commitment ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. kaugnay sa “elevating women to more prominent roles, as well as greater voice” na makikita sa komposisyon ng mga gabinete tampok ang limang babaeng minister.

 

 

Nanawagan si Pangandaman sa mga delegado ng ICWPS na magbahagi ng mga istratehiya para palakasin ang partisipasyon ng mga kababaihan at magsilbing instrumento ng pagbabago sa lipunan.

 

Philhealth at gobyerno, nangakong tatalima sa TRO ng SC sa paglilipat ng P29.90B sobrang pondo sa national treasury

Posted on: October 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tatalima ito sa temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema sa paglilipat ng P29.90 billion na natitirang labis na pondo sa national treasury.

 

 

Sa parte naman ni Solicitor General Menardo Guevarra, nirerespeto umano niya ang kautusan ng SC. Ang opisina nga ng SG ang humiling noon sa SC na ibasura ang petisyon na kumukwestiyon sa excess funds ng Philhealth at ikinatwirang ang paglilipat ay legal at hindi labag sa right to health ng taumbayan.

 

 

Ginagalang din ng Department of Finance ang interbensiyon ng SC sa naturang usapin. Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, bilang isa din siyang public servant, kinikilala niya ang karapatan ng bawat mamamayan para humingi ng solusyon mula sa mga korte. Tiniyak din ng kalihim na tatalima ang DOF sa kautusan ng korte.

 

 

Subalit muling binigyang diin ni Sec. Recto na ang paglilipat ng sobrang pondo ng government-owned and controlled corporations (GOCCs) ay mandato sa ilalim ng batas o General Appropriations Act 2024 na inaprubahan ng Kongreso.

 

 

Una rito, nitong Martes, naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court En Banc para pigilan ang paglipat ng sobrang reserve funds ng PhilHealth sa national treasury. Pinag-isa naman ng Korte ang mga petisyong inihain ng 1SAMBAYAN Coalition at ang mga naunang inihaing kaso nina Sen. Koko Pimentel at Bayan Muna Chairman Neri Colmenares.

 

 

Kinukwestiyon ng tatlong petisyon ang pagbalik ng sobrang reserve funds ng mga GOCCs sa national treasury para pondohan ang unprogrammed appropriations. Pinagkokomento naman ang mga respondent sa petisyon ng 1Sambayan at sa aplikasyon nito para sa TRO o Writ of Preliminary injunction sa loob ng 10 araw. (Daris Jose)

Quad Comm leaders itinanggi alegasyon pinilit ang isang PNP official na mag-testimonya vs war on drugs ni ex-PRRD

Posted on: October 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBINASURA ng mga lider ng House Quad Comm na “kasinungalingan” ang mga alegasyon na pinilit nila ang isang opisyal ng pulisya na suportahan ang testimonya kaugnay sa kontrobersyal na reward system sa brutal na war on drugs ng administrasyong Duterte.

 

 

 

Sinabi ni Police Col. Hector Grijaldo sa isang panel ng Senado na “pinilit” siya ng mga co-chair ng Quad Committee na sina Rep. Dan Fernandez at Bienvenido “Benny” Abante Jr. noong Oktubre 22 na pumirma umano sa isang affidavit at suportahan ang testimonya ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa diumano’y mga insentibo sa anti-drug operations.

 

 

Sa pagharap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, na dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sinabi ni Grijaldo na naramdaman niyang “corrupted to make that statement” sa ilalim ng pressure mula sa mga mambabatas.

 

 

Mariing pinabulaanan ni Fernandez, chair ng House Committee on Public Order and Safety, ang pahayag ni Grijaldo, na inilarawan ito bilang “lies of the highest level” at bilang isang pagtatangka na pahinain ang patuloy na imbestigasyon ng mega-panel sa umano’y extrajudicial killings noong kampanya kontra droga ni Duterte.

 

 

Iginiit niya na hindi pinilit ng komite si Grijaldo na suportahan ang anumang mga pahayag at ang pagtatanong ay bahagi ng mas malawak na pagsisikap na humingi ng hustisya para sa libu-libong buhay na nawala sa digmaang droga ni Duterte.

 

 

Mariin din kinontra ni Manila’s 6th District Rep. Bienvenido Abante ang pahayag ni Grijaldo.

 

 

Kasunod ng testimonya ni Grijaldo inihayag ni ex PRRD na magsampa siya ng “subornation of perjury” case laban kay Rep. Fernandez.

 

 

Sabi naman ni Fernandez “carry on” hindi siya matitinag na ipursige ang katotohanan laban sa mga nangyaring patayan. (Vina de Guzman)

Dating aktor na si John Wayne Sace, inaresto matapos mapatay ang sariling kaibigan sa Pasig City

Posted on: October 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO at nasa kustodiya na ng pamunuan ng Pasig City Police ang dating aktor na si John Wayne na sangkot sa kasong pagpatay umano sa kanyang kaibigan.

 

 

Ayon kay EPD Director PCol. Villamor Tuliao, bandang alas syete kagabi, nang pagbabarilin ng aktor ang kaniyang kaibigan sa barangay Sagad, Pasig City.

 

 

Sinubukan pa raw tumakas ng aktor pero nahuli ito sa isang motel.

 

 

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na matagal nang kaalitan ni John Wayne ang kaniyang kaibigan

 

 

Sa online post din nito bago siya maaresto, bagama’t walang binanggit na pangalan, sinabi nitong may banta sa kaniyang buhay at sa buhay ng kaniyang pamilya.

 

 

Huling napanood sa telebisyon si John Wayne sa FPJ’s Ang Probinsyano noong 2021 hanggang 2022 bilang si Omar. (Richard Mesa)

Leon’ lumakas pa: North Luzon, Quezon, Bicol tinumbok

Posted on: October 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUMABAS ang bagyong Leon habang nasa may katubigan ng silangan ng Cagayan.

 

 

Alas-5 ng hapon kahapon, ang sentro ng Leon ay namataan ng PAGASA sa layong 505 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o nasa layong 515 kilo­metro silangan ng Aparri, Cagayan.

 

 

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 150km bawat oras at pagbugso na sa 185 km bawat oras.

 

 

Dulot nito, nakataas ang signal number 2 ng bagyo sa Batanes, Babuyan Islands, mainland Cagayan, northern at eastern portions ng Isabela, Apayao, northern portion ng Kalinga, northern portion ng Abra at Ilocos Norte.

 

 

Signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Isa­bela, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Abra, Ilocos Sur, La Union, eastern portion ng Nueva Ecija, Aurora, northern at eastern portion ng Quezon, kasama na ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at northern portion ng Sorsogon.

 

 

Lalapit si Leon sa Batanes Huwebes ng madaling araw o sa hapon na maaaring lumakas bilang super typhoon paglapit dito.

 

 

Makaraang lampasan ang landmass ng Taiwan, si Leon ay iikot sa hilaga hilagang silangan ng Taiwan Strait papuntang East China Sea hanggang sa lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa November 1. (Daris Jose)