• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 4th, 2024

Panlilio, Canlas suportado si Tolentino

Posted on: November 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO nina Sama­hang Basketbol ng Pilipinas head Al Panlilio at sur­fing federation chief Dr. Jose Raul Canlas ang lide­rato ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.

 

 

NIlinaw ng dalawa na bahagi sila ng tiket ni Tolentino para sa nalalapit na POC elections.

 

 

Tatakbo si Panlilio bilang first vice president habang treasurer naman si Canlas kasama ang grupo ni Tolentino.

 

“I’m committed only to Philippine sports, to the Filipino athletes and to the leadership of Abraham “Bambol” Tolentino, who did a good job, and we are hoping to make it better or sustainable in the upco­ming years,” ani Panlilio.

 

 

Ito rin ang pananaw ni Canlas na siyang lider ng United Philippine Surfing Association.

 

 

“I am for Philippines sports and for the Filipino athletes. Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino has proven himself as an effective leader,” ani Canlas.

 

 

Target ni Tolentino na muling makakuha ng four-year term bilang POC president sa eleksiyon na idaraos sa Nobyembre 29 sa East Ocean Seafood Restaurant.

 

 

Kasama ni Tolentino sa grupo sina Panlilio, se­cond vice president Richard Gomez, Canlas, Donaldo “Don” Caringal bilang auditor, at executive board members Alvin Aguilar ng wrestling, Alexander “Ali” Sulit ng judo, Ferdinand “Ferdie” Agustin ng jiu-jitsu, Leonora Escollante ng canoe-kayak at Leah Jalandoni Gonzales ng fencing.

 

 

Makakalaban ni Tolentino si baseball association president Chito Loyzaga.

 

 

Nauna nang inilabas ni Loyzaga na kasama nito sina Panlilio at Canlas sa grupo.

 

 

Subalit nilinaw nina Panlilio at Canlas na tinanggihan nito pareho ang offer ni Loyzaga na maging bahagi ng kanilang tiket.

Mojdeh pasok na naman sa World Cup Finals

Posted on: November 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA IKALAWANG pagkakataon, masisilayan sa finals si Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh sa 2024 World Aquatics Swimming World Cup third leg na ginaganap sa Singapore.

 

 

Muling aarriba sa finals si Mojdeh sa pagkakataong ito sa women’s 400m Individual Medley kung saan makikipagsabayan ito sa mahuhusay na tankers sa mundo.

 

 

Kabilang sa mga makakasabay ni Mojdeh sa finals si Katie Grimes ng Amerika na silver medalist sa 2024 Paris Olympics gayundin sina Mary Sophie Harvey ng Canada at Tara Kinder ng Australia.

 

 

Pasok din sa finals sina WakaKobori ng Japan, Yiyan Victoria Lim ng Singapore, Nikolera Trnikova ng Slovakia at Apple Jean Gwinn ng Chinese-Taipei.

 

 

Nagpasya si Mojdeh na hindi na sumalang sa 50m butterfly at 100m breaststroke events upang maisentro ang kanyang a­ten­siyon sa 400m IM finals.

 

 

“Unfortunately, I had to scratch the 50 fly and 100 breaststroke heats to focus on the IM,” ani Mojdeh na incoming freshman sa University of Southern California sa Los Angeles.

 

 

Aminado si Mojdeh na matinding laban ang haharapin nito ngunit handa itong makipagsabayan sa mahuhusay na tankers sa kanyang event.

 

 

“While I’m not expecting a stellar time due to fatigue and a lingering injury, I’m grateful for the experience of competing against the world’s best. I’m also enjo­ying Singapore’s delicious food and relaxed atmos­phere,” dagdag ni Mojdeh.

 

 

Nauna nang nakapasok sa finals ng 200m butterfly si Mojdeh kung saan nagtapos ito sa ikawalong puwesto tangan ang bilis na dalawang minuto at 16.58 segundo.

 

 

“I had a better performance in Singapore than in Korea, especially qualifying for the 200 Fly and 400 IM finals back to back,” ani Mojdeh.

 

 

Nagpasalamat ito sa Philippine Aquatics Inc. at Philippine Sports Commission sa suportang ibinibigay nito upang mas lalo pang mapalakas ang mga swimmers.

 

 

“I’m thankful to my coaches, Sherwyn Santiago and Jerricson Llanos, for their guidance and support, as well as to PAI coaches, PSC, and my teammates. This ex­perience will undoubtedly help me grow as an athlete and better represent the Philippines in the future,” wika ni Mojdeh.

PBBM ayaw nang pag-usapan tungkol kay VP Sara

Posted on: November 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na pinatulan pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga banat ni Vice President Sara Duterte laban sa kanya.

 

 

Sa pagbisita ng Pangulo sa mga labi ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, natanong siya tungkol sa pahayag ni VP Duterte na nais niyang ipahukay ang mga labi ng ama at itatapon sa West Philippine Sea (WPS).
Sagot ni Pangulong Marcos, mas makakabu­ting hindi na magkomento.

 

“I’d rather not,” ma­iksing tugon ni Marcos.

 

 

Bukod dito, ayaw na rin pag-usapan ni Pangu­long Marcos nang tanungin kung ano ang lagay ng pagkakaibigan nila ni Duterte.

 

 

“Let’s talk about it some other time,” wika niya.

 

Kasama rin ng Pangulo na bumisita sa puntod ng dating Pangulo si First Lady Imelda Marcos.

 

 

Samantala, hangad naman ni Pangulong Marcos na maging mataimtim ang paggunita ng mga Filipino sa Undas. (Daris Jose)

Ni-raid na condo sa Maynila, ‘Mother of all POGO hubs’-PAOCC

Posted on: November 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINUTURING ng Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) na “Mother of all POGO hubs” ang sinalakay na 40 palapag na condominium kamakailan sa Adriatico, Maynila kasabay ng pahayag na hindi sila titigil sa kanilang operasyon laban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).

 

 

Ayon sa PAOCC, ang naturang condominium ay naging “taguan” ng ilegal na mga aktibidad ng POGO sa bansa, kabilang na ang mga dating nakabase sa POGO hub ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

 

 

Lumilitaw na pagmamay- ari ng Chinese ang gusali na umano’y nagpapakilalang “untouchable” dahil sa malalakas na koneksyon sa ilang mga ahensya ng gobyerno. Ipinagmamalaki rin ng Chinese ang kanyang pagkakalapit sa dating Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre at iba pang opisyal ng Duterte administration.

 

Maraming palapag ng gusali ang ginawang pansamantalang opisina ng mga hindi rehistrado at hindi reguladong mga operator.

 

na ang ginawang pagsalakay na nagresulta sa pag-aresto ng halos isang libong katao, kabilang ang 69 na dayuhan na umano’y sangkot sa ilegal na mga aktibidad, ay bunga ng masusing ­operasyon na pinangunahan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco D. Marbil, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMGen. Sidney Hernia, at PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) Director PMGen. Ronnie Cariaga, kasama ang suporta ng iba pang unit ng pulisya.

 

 

Ang matagumpay na pagsalakay ay pagpapakita ng paninindigan PAOCC at PNP na buwagin at puksain sa mga krimen na may kaugnayan sa online scams, ilegal na sugal, at human trafficking.

 

 

Dagdag ng PAOCC, dapat na iturn over agad sa Bureau of Immigration (BI) ang mga nahuling undocumented na dayuhan para sa tamang proseso at deportation. Subalit nakakapagtakang tinatanggihan umano ng BI ang mga dayuhan na indikasyon ng impluwensiya ang nasabing Chinese national.

 

 

Giit pa ng PAOCC, dapat nang mabuwag ang koneksiyon ng maimpluwensiyang dayuhan upang matapos na ang mga illegal activities.
(Daris Jose)

Ads November 4, 2024

Posted on: November 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments