“MAKINIG sa mga tao. Gumawa ng plano. Pakinggan.”
Inihahatid ng Dr. Carl Balita Productions at ng The Manila Times ang “Plataporma with Dr. Carl E. Balita”.
Isa itong makabuluhang programa kung saan ang mga political aspirants ay mapag-uusapan ang kanilang mga plano sa pulitika para sa ikabubuti ng sambayanan at ng bansa sa pangkalahatan.
Matutunghayan ito sa Luzon, Visayas, at Mindanao; at masusulyapan kung ano ang mga pangangailangan ng mga Pilipino.
Itatampok nito ang mga sumusunod na segment:
• Plataporma – propesyonal na background at mga plano na gagawin nila para maging kapaki-pakinabang ng mamamayan at sa bansa.
• Data Po Sa Amin – mga solusyon na maibibigay sa mga istatistikang ipakikita ng show
• Pili-Pinoy – makinig at sagutin ang mga tanong ng masa
• Ang Aking Kumpisal – isang intimate at tapat na pagtatapat sa mga tao
Magpi-premiere na ang “Plataporma with Dr. Carl E. Balita” ngayong Biyernes, Nobyembre 8 mula 5:00-6:00 PM, sabay-sabay itong mapapanood sa maraming platform at istasyon:
Facebook: Carl E. Balita – 1,300,000 followers:
YouTube: @DrCar;Balita – halos 400,000 subscriber:
TikTok: @DrCarlBalita – halos 300,000 followers na may 3,600,000 combines likes ; The Manila Times; DZME: at sa i ba pang cable channels.
Para sa first episode, si Prof. Clarita R. Carlos ang makakapanayam ni Dr. Carl.
Si Carlos ay professor sa Department of Political Science in UP at executive director of Center for Political and Democratic Reform, Inc. (CPDRI), concurrently serving as head of the Office of Strategic and Special Concerns of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Naging president ng National Defense College of the Philippines from 1998 to 2001.
Naging consultant in the Senate of the Philippines and the House of Representatives at Local Government Development Foundation since 2003; consultant of the OPAPP in the GPH-MILF peace negotiations (2008-2010); director of Philippine National Red Cross (2001-2006); and consultant in the GRP-RAM negotiations.
Nire-recognize si Prof. Carlos bilang pioneer in Political Psychology in the Philippines.
Abangan ang mga pasabog sa kasagutan sa mga tanong ni Dr. Carl.
Si Dr. Carl at kilalang nurse, midwife, educator, entrepreneur, at multimedia personality.
Ginawaran siya ng “Best Media Personality in Public Service” ng Golden Dove Awards.
Nag-host ng “Radyo Negosyo” sa DZMM sa loob ng 20 taon, isang Hall of Fame awardee para sa “Best Business Program”.
Nakakuha siya ng halos 5 milyong boto noong Mayo 2022 na halalan para sa Senador.
Ang speaking of Senators, naka-line up na niyang interview-hin sina Cong. Teddy Casiño, Cong. Wilbert Lee, Kiko Pangilinan, Bam Aquino at marami pang iba.
May pahayag din siya tungkol sa naging statement ni Willie Revillame na kanyang plataporma sa pagtakbo bilang senador.
“I want to ask him, if he understands the role of senator. Because I think the public want to answer that. Not because, I don’t want him to win, but I want to give him a platform to explain more, why winning is more important to him than being prepared to the job.
“You can’t be admitted to the job, then learn about the job later, it’s basic,” pahayag niya.
Dagdag pa ni Dr. Carl, “kukuha ka nga katulong sa bahay, tatanungin mo muna kung ano ang alam niya, kung saan galing. Yun driver, hihingian mo ng NBI clearance, baka mamaya car napper pala, very basic yun.
“Yun pa kayang maging isang Senador.”
Isa pa sa gustong ipaabot ni Dr. Carl sa kanyang show sa mga Pinoy, “naiintindihan ba ng mga tatakbo ang totoong problema ng Pilipinas?
“Gusto kong ibandera sa publiko yun, na ito ba ang iboboto nyo. Alam ba niya sagutin ang mga tanong, na dapat tinatanong sa isang senador?
“Ikaw ba ay isang senador para lang magbigay ng ayuda o mag-imbestiga lang?”
Marami pang kaabang-abang na makahulugang katanungan ang ibabato ni Dr. Carl sa kanyang mga kakapanayamin.
(ROHN ROMULO)