MAY plano ang pamahalaan ng magtayo ng bagong transport hub sa lungsod ng Quezon na mayroon access sa ginagawang Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) at itatayo sa 3-hectare na lugar na pag-aari ng Government Service Insurance System (GSIS).
Tatawagin itong “Project Hub” na itatayo sa strategic na lokasyon sa pagitan ng Elliptical Road at Commonwealth Avenue kung saan ito ay inaasahang magbibigay ng suporta upang maging maayos ang ibat-ibang transport modes na may operasyon sa nasabing lugar.
Kung matatapos ito sa 2027, ang proyekto ay inaasahan rin na makakatulong upang gumanda ang koneksyon sa estasyon ng Philcoa ng MRT 7 na babagtas naman mula sa North Triangle Common Station sa North Edsa papuntang San Jose del Monte sa Bulacan.
“Our property in Quezon City is centrally located and accessible, positioned in a location that maximizes connectivity with the city and surrounding regions. The vision for Project Hub is to develop a world-class intermodal transport facility that will streamline bus travel, prioritize passenger comfort, and seamlessly integrate with other transit systems, including MRT 7,” wika ni GSIS president at general manager Wick Veloso.
Ang Department of Transportation (DOTr) na tutulungan ng World Bank para sa pondo ay siyang magiging responsable sa plano, pondo, at opersyon ng nasabing intermodal hub.
Habang ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) naman ay siyang gagawa ng feasibility study na bibigyan pansin ang traffic management at ilang basic design ng transport hub.
Samantalang, ang lungsod ng Quezon na siyang host city ay bahala sa pagkuha ng mga kailangan permits at clearances upang masiguro ang magandang takbo ng nasabing proyekto. LASACMAR