• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 27th, 2024

EJ pumirma sa NXLED

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULA sa Chery Tiggo ay lumipat si EJ Laure sa Nxled sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

 

 

 

Muling sasabak sa aksyon si Laure sa pagsagupa ng Chameleons sa Crossovers ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng PLDT High Speed Hitters at Capital1 Solar Spikers sa alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

 

 

Umaasa ang Nxled na makakasampa sila sa win column sa pagdating ni Laure katuwang sina Chiara Permentilla, Lycha Ebon, Lucille Almonte, May Luna at Krich Macaslang.

 

Yumukod ang Chameleons sa ZUS Coffee Thunderbelles, 25-19, 23-25, 22-25, 15-25, habang nakalasap ang Crossovers ng 19-25, 25-20, 18-25, 21-25, kabiguan sa Cignal HD Spikers.

 

 

Magkasosyo sa liderato ang PLDT, nagdedepensang Creamline at Cignal HD sa magkakatulad nilang 2-0 baraha kasunod ang Akari (2-1), Petro Gazz (2-1), Choco Mucho (2-1), ZUS Coffee (1-1), Chery Tiggo (1-1), Capital1 (0-2), Nxled (0-2), Farm Fresh (0-2) at Galeries Tower (0-3).

 

Samantala, ang pagsolo sa liderato ang pakay ng PLDT sa pagsagupa sa Capital1.

 

 

Nagmula ang High Speed Hitters sa 27-25, 25-22, 25-23 paggupo sa Highrisers sa kanilang huling laro tampok ang 28 points ni Fil-Canadian Savi Davison.

 

 

“Hindi na pushover ang mga tao, eh. Lahat magaling, lahat ma­lakas na,” ani coach Rald Ricafort. “Katulad ng pag-remind ko, hindi porke’t naka 2-0 na, medyo bababa ‘yung level, kailangang same lang hanggang dulo.”

 

Nakatikim naman ang Solar Spikers ng 20-25, 24-26, 28-26, 9-25 pagkatalo sa Flying Titans para sa kanilang ikalawang dikit na kamalasan.

Malabon, may bagong ‘Lab for All’ medical van

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINAGAWA ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang blessing at ceremonial turnover ng bagong ‘Lab for All’ medical van, sa pangakong mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga Malabueño,

 

 

Ang pagpapasinaya ng Lab for All medical van ay pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval, kasama sina William Vincent “Vinny” Marcos, anak ng Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,, City Administrator Alex Rosete, Newport World Resorts Foundation Executive Director and Trustee Atty. Walter Mactal at Ospital ng Malabon Chief Dr. Jennifer Amolo.

 

Ang Lab for All na pangunahing programa ng Unang Ginang ay ibinahagi sa Malabon sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts upang mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan sa bawa’t komunidad, lalo na ang mga maralita, sa pamamagitan ng libreng serbisyong medikal, laboratory, konsultasyon at mga gamot para sa lahat ng nangangailangan.

 

Ang 22-talampakang medical van kinapapalooban ng iba’t-ibang gamit pang-medikal kabilang ang Hematology analyzer para sa kumpletong blood count ng CBC, Chemistry analyzer o blood chemistry test, x-ray, ultrasound at electrocardiogram (ECG) machines.

 

Sinabi ni Mayor Jeannie na karagdagang tulong sa kanilang programang pangkalusugan at kagalingan ang medical van lalu’t mga de-kalidad ng serbisyo ang ibabahagi nito sa Malabueños.

 

“Ang LAB for All Medical van ay malaking tulong para sa mga Malabueño dahil nailalapit nito ang mga serbisyong medikal sa lahat, lalo na sa mga higit na nangangailangan. Sa susunod ay makikita niyo na ang van na ito na umiikot sa ating lungsod upang makatulong sa inyo. Makakaasa kayo na mas marami pang serbisyong pangkalusugan ang ating gagawin upang masigurong malusog ang Malabueñp tungo sa progreso at pag-unlad,” ani alkalde. (Richard Mesa)

Ads November 27, 2024

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Dive into the Overworld for an epic live-action adventure, “A Minecraft Movie” starring Jason Momoa and Jack Black

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Don’t miss “A Minecraft Movie,” starring Jason Momoa and Jack Black, hitting cinemas April 2025!

 

Get ready, gamers and movie lovers! The highly anticipated “A Minecraft Movie” is set to hit theaters on April 2, 2025.

 

Featuring an all-star cast, including Jason Momoa, Jack Black, and Jennifer Coolidge, this live-action adaptation of the world’s best-selling video game will transport you to the pixelated wonders of the Overworld in an unforgettable adventure.

 

In “A Minecraft Movie,” creativity isn’t just fun—it’s the key to survival. When four unlikely heroes—Garrett “The Garbage Man” Garrison (Momoa), Henry (Sebastian Eugene Hansen), Natalie(Emma Myers), and Dawn (Danielle Brooks)—find themselves mysteriously transported into the Overworld, their journey takes a wild turn.

 

This vibrant, blocky dimension thrives on imagination, but it’s not all sunshine and crafting tables. From Piglins to Zombies, the Overworld is crawling with danger. To find their way back home, the group must learn to master this magical land. Along the way, they team up with the ultimate crafting expert, Steve (Jack Black), for a quest that promises to challenge their creativity, courage, and teamwork.

 

Directed by Oscar nominee Jared Hess (“Nacho Libre”), the film’s all-star lineup includes: Jason Momoa (“Aquaman”) as the fearless Garrett, Jack Black (“School of Rock”) as the hilarious and crafty Steve, Emma Myers (“Wednesday”) as the sharp and resourceful Natalie, Danielle Brooks (“The Color Purple”) as the strong-willed Dawn and Jennifer Coolidge (“The White Lotus”) in a yet-to-be-revealed role.

 

 

Produced by Warner Bros. Pictures, Legendary Pictures, and Mojäng Aktiebolag, “A Minecraft Movie” combines the expertise of top Hollywood creatives. The production is helmed by industry giants Roy Lee, Jon Berg, and Mary Parent, with the game’s developers playing a key role in preserving its iconic charm.

 

 

Minecraft fans of all ages can expect thrilling action, laugh-out-loud moments, and heartfelt lessons about embracing your unique talents. Whether you’re a veteran player or new to the world of blocks and biomes, this film promises to deliver something magical for everyone.

 

 

Mark your calendars: April 2, 2025 – it’s a cinematic experience you won’t want to miss. IMAX screenings availablefor the ultimate immersive journey into the Overworld.

 

 

(Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

1,400 pamilya makikinabang sa itatayong NavotaAs Homes III

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SISIMULAN na ang pagtatayo ng NavotaAs Homes 5-Tanza 1 Phase 2 housing project ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasunod ng isinagawang groundbreaking nito sa pangunguna nina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa National Housing Authority (NHA).

 

 

Pag natapos na ang may 5.6 ektaryang proyektong pabahay na may 24 na palapag at may tig-60-unit ang bawat isa ay tiyak na pakikipanabangan ng 1,400 pamilyang Navoteño.

 

Sinabi ni Mayor Tiangco na nais nilang magkaroon ng maayos at ligtas na matitirhan ang mga Navoteños na naninirahan sa malapit sa baybaying dagat at lugar na malimit lumubog sa baha.

 

“More importantly, we want them to have a fresh start. ‘Bagong bahay, bagong buhay’ embodies our dream of providing them with not just a home but a new beginning filled with hope and opportunity,” aniya.

 

Sa kasalukuyan, lima na ang in-city housing project ng Navotas na may kabuuang 2,187 units na tinitirhan na ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog, bagyo, at iba pang kalamidad.

 

Samantala, malugod namang pinuni ni Cong. Toby Tiangco ang proyekto na aniya ay pang-matagalang solusyon sa kawalan ng maayos na matitirhan ng maraming Navoteño.

 

“This project reflects our unwavering commitment to uplifting the lives of Navoteños. Providing safe, accessible, and well-equipped housing is not just about shelter but about building a foundation for a brighter future,” pahayag niya.

 

Umaasa ang magkapatid na Tiangco na kanilang mapapasinayahan na sa susunod na taon ang phases 1 at 2 ng proyekto upang mapakinabangan na ng kanilang mga kababayang walang maayos na tirahan.

 

Dumalo din sa seremonya ng groundbreaking sina NHA General Manager Joeben Tai, NHA NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita Panopio, at Department of Human Settlements and Urban Development USec. Ronald Samuel T. Young. (Richard Mesa)

Bilang ng MC taxi, ‘di nadagdagan may 3 taon na – LTFRB

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NILIWANAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi na nadagdagan pa ang bilang ng motorcycle taxi (MC taxi) sa Metro Manila may tatlong taon nang nakararaan.

 

 

Ito ang reaksyon ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz sa ulat na hindi na makontrol ang pagdami ng bilang ng MC taxis sa NCR.

 

Nilinaw ni Guadiz na tanging sa Regions III at IV lamang may pagtaas ang bilang ng mga MC taxi upang madagdagan ang bilang ng mga sasakyan doon dulot ng malaking populasyon.

 

“LTFRB did not increase the number of MC Taxi in NCR. It has been pegged at 45,000 three (3) years ago. It still stands at 45,000. The increase was in Regions 3 (at 4,000) and Region 4 (at 4,000),” sabi ni Guadiz.

 

Nilinaw ni Guadiz na nagsumite ang Technical Working Group (TWG) for MC taxi ng resulta sa ginawang pag-aaral hinggil dito na naging basehan ng pagpasa ng House Bill 10571 na naglalaan ng ligtas at mura na pampasaherong sasakyan noong Oktubre.

 

Ang panukalang ito anya ay nasa Senado na para sa pagpasa ng kanilang version ng Motorcycle Taxi Law.

 

Nilinaw ni Guadiz na ang pagbaba ng ridership ay resulta ng pagbabago ng work pattern ng mga empleyado tulad ng work from home, asynchronous academic schedule ng mga paaralan at pagdami ng mga nasakay sa ibang mass transport tulad ng tren at bus.

 

Una nang sinabi ng malalaking transport groups na bumaba ng 50 percent ang kanilang kita dahil sa pagdami ng online passenger vehicles.

 

tirahan dahil sa sunog, bagyo, at iba pang kalamidad.

Dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Hold Me Close’: JULIA, kayang lumaban kina VILMA at JUDY ANN sa pagka-best actress

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PURING-PURI si Carlo Aquino ang kanyang leading lady na si Julia Barretto, para nakapahusay nitong pagganap sa kanilang 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Hold Me Close” na mula sa Viva Films.

 

 

Kayang-kaya raw ni Julia na makipagsabayan at lumaban kina Vilma Santos para ‘Uninvited’ at Judy Ann Santos sa ‘Espantaho’.

 

“Sobrang husay kaya ni Juju dito, ‘di ba direk?” Pahayag ni Carlo the actor sa ginanap na grand mediacon para sa balik-tambalan nila ng aktres.

 

Ang “Hold Me Close” ang follow-up nila sa 2022 movie na “Expensive Candy,” na mula rin sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

 

Sagot naman ni Julia na parang nangliliit sa mga papuri, “Sobra ko sila idolo. Even to be mentioned with their name, nakaka-dyahe siya. But I think this film, making it and being included, is such a great honor.”

 

Ang “Hold Me Close” ay kinunan Karatsu, Japan, tungkol ito kay Woody (Aquino), na isang “wondering soul” na naghahanap ng place na puwedeng tawagin na home, makikilala niya si Lynlyn (Barretto ), isang squid vendor na may kakaibang psychic gift na kung saan may kakayahang malaman kung ano ang maidudulot sa kanya ng mga taong makikilala.

 

Habang tinalakay ng ‘Expensive Candy’ ang mas mapangahas na tema, tiyak na hatakin nina Julia at Carlo ang ating puso sa ‘Hold Me Close’ ngayong Pasko, na lalong magpapatunay sa kanilang versatility bilang mga aktor.

 

At sa recent success ng romance movie nina Julia at Joshua Garcia, ‘Un/happy For You’, makakaasa na naman ng movie fans ng isa pang nakaka-engganyong pagganap mula kay Julia.

 

Ang “Hold Me Close” ang pagbabalik-MMFF ng dalawang bida. Huling napanood si Julia sa 2016 entry na ‘Vince at Kath at James’, habang si Carlo ay kasama sa 2012 entry na ‘Shake, Rattle, and Roll XIV.’

 

Balik-MMFF din si Direk Laxamana, last year ay siya ang nag-dire ng action-adventure epic na ‘Penduko’. Kilala rin siya sa kanyang matagumpay na mga romantic drama tulad ‘100 Tula Para Kay Stella’ at ‘Just a Stranger’.

 

Kaya ‘wag palampasin sa Araw ng Pasko ang muling pagsasama nina Julia at Carlo upang makita kung ang pag-ibig ay kaya talagang talunin ang mga pag-iingat ng tadhana.
(ROHN ROMULO)

Kasong sedition, conspiracy, pinag-aaralan ng gobyerno vs VP Sara kasunod ng banta kay PBBM

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Ikinu-konsidera na pamahalaan ang pagha-hain ng sedition charges o iba pang mas matinding kaso laban kay Vice President Sara Duterte, kasunod ng pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

 

Inihayag ni Justice (DOJ) Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na ikinu-konsidera na nila bilang mastermind ng assasination plot sa pangulo, sa Unang Ginang, at sa House Speaker ang Bise Presidente, kasunod ng mismong pag-amin nito sa plano sa isang video.

 

 

Mahaharap aniya sa legal na aksyon ang Ikalawang Pangulo.

 

TinitiNgnan rin aniya nila ang conspiracy at tinutukoy na rin ang pagkakakilanlan ng mga posibleng kasabwat sa planong ito. (Daris Jose)

Tiangco brothers, pinangunahan ang groundbreaking ceremony ng NavotaAs Homes 5

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng NavotaAs Homes 5-Tanza 1 Phase 2 housing project ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna nina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco, kasama sina NHA General Manager Joeben Tai, NHA NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita Panopio, at Department of Human Settlements and Urban Development USec. Ronald Samuel T. Young, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa National Housing Authority (NHA). (Richard Mesa)

Alice Guo, kinokonsidera bilang isang ‘agent of influence’- NICA

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINOKONSIDERA ng isang opisyal ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na isang “agent of influence” ang sinibak na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, kilala rin bilang si Chinese national Guo Hua Ping.

 

 

“Within historical context, given that these activities have been common especially during the Cold War, the activities and the facts that have come to light so far in this committee and other committees especially in the House [of Representatives], point to the fact that she is [an agent of influence]. And even in discussions within the intelligence community, there is a consensus that indeed she is an agent of influence,” ayon kay NICA Deputy Director General Ashley Acedillo.

 

Bagama’t wala pa aniyang batas na magbibigay-pakahulugan kung ano ang “agent of influence”, sinabi ni Acedillo na naaangkop ito kay Guo na ginamit ang katayuan sa buhay at posisyon para pakinabangan ang bansa na pinagsisilbihan nito.

 

“There are several ways to define an agent of influence. What is applicable on the part of Ms. Guo Hua Ping is that she uses her influence, her stature or her position to influence public opinion or decision making to produce results beneficial to the country whose services they benefit from. To that effect that is applicable to her and therefore she may be classified as such,” ang paliwanag ni Acedillo.

 

“It requires a determination of fact, meaning that the intelligence agency to which that trained her, employed her, and supervised her or controlled her, either confirms or an officer of that agency confirms the existence or the fact rather of Ms. Guo Hua Ping being their agent. We have not come to that determination yet,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, pinalutang ni Senadora Risa Hontiveros ang ideya na si Guo ay nagsisilbi bilang isang Chinese spy.

 

Samantala, sa ipinalabas na isang Al Jazeera documentary noong Oktubre, sinabi ni self-confessed Chinese spy She Zhijiang na si Guo ay isa ring agent ng Chinese Ministry of State Security at minsan nang humirit sa kanya ng campaign funds. (Daris Jose)