• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 27th, 2024

9-month infra spending, tumaas ng halos 12% ngayong 2024

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUMAKI ang gastos ng national government para sa imprastraktura ng P1.142 trillion mula Enero hanggang Setyembre,.

 

 

Sa katunayan, tinukoy ang pinakabagong data, sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ito ay umabot sa 11.9% mas mataas kaysa sa P1.021 trillion na naitala sa kaparehong panahon ng nakaraang taon.

 

Sinabi pa ng departamento na ang pigura ay mas mataas kaysa sa P595 billion nine-month infrastructure spending noong 2020; P807 billion noong 2021; at P911.6 billion noong 2022.

 

“Likewise, the figure is 75.6 percent of the total P1.501 trillion allocation for infrastructure this year,” ayon sa DBM.

 

Samantala, layon ng Build, Better, More program ng adimistrasyong Marcos ang palawakin ang imprastraktura sa pamamagitan ng pag-develop ng lansagan, riles, mass transport, at flood control infrastructure projects para hayaang lumago sa mga remote municipality. (Daris Jose)

PBBM, dumating na sa UAE para sa working visit

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DUMATING na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United Arab Emirates (UAE) para sa one-day working visit para palakasin ang relasyon sa Pilipinas.

 

 

“The plane carrying Marcos and his trimmed-down delegation arrived in the UAE at 2:06 am Tuesday (6:06 am Manila Time),” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez.

 

Habang nasa Gulf State, makakapulong ng Pangulo ang kanyang counterpart na si His Highness Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan sa Abu Dhabi.

 

Inaasahan naman na may kasunduan na pipirmahan sa pagitan ng dalawang bansa habang nakabisita ang Pangulo (Marcos).

 

Sa kanilang dako, sinabi ng PCO na sisimulan ni Pangulong Marcos ang one-day working visit sa Gulf state na may “a high purpose” na palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at UAE.

 

Samantala, pinaliit na lamang ng delegasyon na kasama ng Pangulo sa byaheng ito “to the barest minimum” dahil nais ng Chief Executive na kagyat na bumalk ng Maynila para ipagpatuloy ang kanyang “personal supervision and inspection of the relief and reconstruction activities in communities devastated by six successive typhoons.” (Daris Jose)

Adoration chapel ang takbuhan ‘pag may problema: JUDY ANN, naisip din noon na mag-quit na lang sa showbiz

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA tatlumpung’t walong taon na niya sa industriya ng pelikula at telebisyon, may pagkakataon bang pumasok sa isipan ni Judy Ann Santos na mag-quit o huminto na sa pag-aartista?

 

Na ayaw na niyang mag-artista?

 

“Alam mo siguro… oo naman,” umpisang sinabi ni Judy Ann.

 

“Nung bata ako, nung bata ako na andaming… hindi pa bashers ang tawag sa mga nagba-blind item and all.

 

“At some point, pag pagod ka and feeling mo wala kang kakampi, lalo pag bata ka, siguro mga ano ‘to, 16, 17 na halos wala ako talagang pahinga. Maiisip mo talaga, ‘Worth it pa ba ‘to?’

 

“Parang hindi na ako masaya.

 

“Pero nami-miss ko yung mga katrabaho ko, nami-miss ko yung… alam mo kung ano yung pinaka-nami-miss ko sa bawat pasok ko sa trabaho?

 

“Crew, production, kasi enjoy na enjoy akong makipagkulitan sa kanila, enjoy na enjoy akong nakikipag-usap sa mga taong may ibang kuwento ng buhay, na tinuturing kang pamilya, yung ganun.

 

“Yung naiiba yung hulog ko, kasi dun ko na-appreciate na napakasuwerte ko sa binigay na path ng Lord sa akin, na I’m able to experience a lot of things.

 

“Kung saan-saang bansa ako nakapunta, nakapag-aral ako uli dahil nagtrabaho ako. Kumbaga ang dami kong na-achieve dahil sa trabahong ‘to.”

 

Dagdag pa niya, “Pero hindi ko naman din itatago sa sarili ko na may mga moments talaga na tinatanong ko sa sarili ko, ‘Bakit ba ako naging artista?’

 

“Sabi nila mukha akong siopao, sabi nila para akong aparador, sabi nila nagkamata at ilong lang ako, pag ngumiti ako, buhay na siopao na ako,” at tumawa si Judy Ann.

 

“Tapos pag tinitingnan ko yung sarili ko sa umaga, parang totoo nga,” at muli siyang humalakhak.

 

“May ganun, yung parang hindi naman ako kawalan sa industriya, may mga ganun talaga.

 

“Lalo kapag pagod ka tapos wala kang ibang narinig kundi mga negatibong bagay tungkol sa ‘yo, siyempre pag bata ka, hindi mo naman naisip na bad publicity is still publicity, papatulan mo pa rin.

 

“Maaapektuhan ka talaga, lalo pag wala kang tulog, para kang ipot ng bibe, ang sensitive mo, ang lambot mo, yung, ‘Ayoko na!’

 

“Tapos iinom ka, magpapakalasing ka, tapos ma-tsi-tsismis ka. So parang dumating ako sa point na hindi ko na alam kung sino yung mga totoong kaibigan ko nung time na yun.

 

“Kaya hindi naman ako nagbawas, nagbawas na lang ako ng paglabas. Yung sa bahay na lang ako, alam mo yan, sa bahay tayo iinom, punta tayo ng Tagaytay, o alam mo yun, yung kung saan yung pinaka-safe na lugar.

 

“And then eventually, nakuha ko na yung vibe na gusto ko na pang small group lang pala talaga ako.

 

“Hindi pala ako pang-barkada package. Yung gusto ko mas intimate na kuwentuhan, ayoko pala nung labas ng labas.”

 

“So may mga ano din, may mga pagkakataon din, ako rin naman yung gumagawa ng paraan na makapag-reset ako, kasi na-realize ko na, ‘Ay kung hindi ako magre-reset para sa sarili ko, ikamamatay ko itong trabaho ‘to!’

 

“Kasi wala akong pahinga, wala akong tulog, hindi ako nakakakain ng tama. Tapos feeling ko kasi bata ako, hindi ako magkakasakit.

 

“But at the end of the day, yung meron ka lang talaga, maliban sa sarili mo, pamilya mo e, at saka ang Diyos. Kaya ginagawa ko talaga noon, just to keep me sane, every time na mapa-pack up ako from a shooting or a taping, bago ako umuwi dadaan ako sa Adoration Chapel, meron akong quiet time.

 

“Palagi akong may quiet time. Minsan nga dun na ako nakakatulog, ginigising lang ako ng guwardiya.

 

“Kumbaga iyon na yung naging safe space ko.

 

“Alam ng mga naging drivers ko yan na bago umuwi tatanungin ako, ‘Bunso daan ba tayo ng chapel?’

 

“Alam nila yun, yung kailangan hindi lang makapagpag, pero makapagpasalamat man lang ako na I was able to get through that day,” pahayag pa ni Judy Ann na bida sa ‘Espantaho’ na official entry ng Quantum Films, Cineko Productions at Purple Bunny Productions sa 50th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Disyembre 25, 2024.

 

Sa direksyon ni Chito Roño, nasa ‘Espantaho’ rin sina Lorna Tolentino, Chanda Romero, Janice de Belen, JC Santos, Nico Antonio, Donna Cariaga, Mon Confiado, ang child actor Kian Co at sina Eugene Domino at Tommy Abuel sa mga espesyal na papel.

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

DOTr: Istasyon ng Ninoy Aquino Avenue ng LRT 1 Extension malayo sa airport

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng Department of Transportation (DOTr) na ang bagong bukas na Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) Cavite Extension na may istasyon sa Ninoy Aquino Avenue ay walang derechong koneksyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa ginawang konsiderasyon sa right-of-way ng tinatayo pa ito.

 

 

 

Mayroon limang bagong istasyon ang LRT 1 Cavite Extension Phase 1. Ang mga sumusunod na istasyon ay ang mga ito : Redemptorist-ASEANA, MIA Road, Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos.

 

 

Ang istasyon sa PITX ay may walkway papuntang bus terminal habang ang istasyon ng Ninoy Aquino Avenue ay walang walkway na may layong dalawa (2) hanggang apat (4) na kilometro sa NAIA.

 

 

Ayon naman kay DOTr undersecretary Jeremy Regino na ang estasyon sa Ninoy Aquino Avenue ay siya ng pinakamalapit na lugar at “most technically viable” upang itayo ang nasabing istasyon sapagka’t mayroon ilog sa pagitan ng istasyon sa Ninoy Aquino Avenue at ng airport.

 

 

“Before you reach the site of Ninoy Aquino station, there is a river. Thus, a station could not be built because the commuters would not have a place for unloading and loading. That location now is the nearest that we could built it and if you move it closer, it would be on the river already,” saad ni Regino.

 

 

Dagdag pa ni Regino na ang train alignment o ruta mula sa istasyon ng PITX papuntang istasyon ng Ninoy Aquino Avenue ay ginawang nasa itaas ng ilog at kaya kung gagawin naman sa ibang ruta ay maraming maapektuhan na kabahayan at imprastruktura na gigibain.

 

 

Pinag-aaralan pa ng DOTr ang isang posibleng solusyon sa problema ay ang pagtatayo ng monorail shuttle train na magdudugtong sa istasyon ng Ninoy Aquino Avenue at NAIA Terminal 1.

 

 

“A battery-operated or electric that is using rubber wheels is possible and not the traditional with railroad tracks. It would be like the one in Hong Kong Disneyland,” dagdag ni Regino.

 

 

Sinabi naman ng LRMC na sila ay nakikipag-usap sa mga transport operators at ibang lokal na pamahalaan sa mga karatig na lugar na kung maaari ay magbigay sila ng shuttle service para sa mga pasahero na baba at sasakay papuntang airport.

 

 

Noong unang araw ng operasyon ng LRT 1 Cavite Extension ay nakita ng LRMC na madaming foot traffic sa istasyon ng Redemptorist-ASEANA at Dr. Santos sa Paranaque.

 

 

Binigyan naman ng kasiguraduhan mula sa LRMC ang mga pasahero na halos lahat ng kanilang trains ay bago at madami upang maging sapat para mabigyan ng serbisyo ang madaming pasahero na gumagamit ng LRT 1 Extension.

 

 

Ang LRT 1 Cavite Extension ay isang proyekto sa rail na nagdudugtong mula sa istasyon ng Baclaran papuntang istasyon ng Dr. Santos sa Sucat, Paranaque na makakabawas ng travel time mula sa dating isang oras na magiging 20 minuto na lamang.

 

 

Maaari nang maglakbay ang pasahero ng derecho mula sa estasyon ng Fernando Poe Jr. sa Quezon City papuntang Paranaque sa halagang P45.00 at kulang-kulang na isang (1) oras na travel time.

 

 

Ayon sa projection, maseserbisyuhan nito ang karagdagang 80,000 na pasahero kada araw mula sa kabuuang 323,000 na pasahero sa ngayon.

 

 

Dahil marami na ang sasakay dito kung kayat inaasahang magluluwag na ang trapiko sa southern part ng Metro Manila. LASACMAR

Katahimikan ng PSC sa banta sa kanyang buhay, nagpahina sa aking seguridad- VP Sara

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINUWESTIYON ni Vice President Sara Duterte ang “katahimikan ” ng Presidential Security Command (PSC) sa death threats laban sa kanya, sa kanyang pamilya, at Office of the Vice President (OVP) personnel na di umano’y natanggap ng mga Ito.

 

 

Sa isang kalatas, inalala ni VP Sara kung paano ang Vice President Security and Protection Group (VPSPG) ay inilipat sa Ilalim ng PSC, at inimpluwensiyahan ng Office of the President (OP), nang magbitiw mula sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo.

 

Bagama’t hindi dinetalye ang “documented threats” na di umano’y kanyang natanggap, nagpahayag naman ng pagkabahala si VP Sara na pinabayaan ng PSC ang kanyang seguridad-
“Presuming the PSC is still a non-partisan professional organization, why is the command eerily quiet on the documented threats to me, my family and OVP personnel. The silence is then proof that the inclusion of VPSPG in the PSC is clearly to undermine my security and nothing else,” aniya pa rin.

 

Ang pahayag na ito ni VP Sara ay matapos paigtingin ng PSC ang seguridad ni Pangulong Marcos sa gitna ng banta ng bise-presidente na nag-hire na siya ng assassin para ipatumba ang Chief Executive, Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinatay.

 

Tinuran pa ng PSC sa isang kalatas noong November 23 na “Any threat to the life of the President and the First Family, regardless of its origin—and especially one made so brazenly in public—is treated with the utmost seriousness.”

 

“We consider this a matter of national security and shall take all necessary measures to ensure the President’s safety,” dagdag na wika nito.

 

Kung matatandaan, ang VPSPG ay nilikha noong June 2022 para sa proteksyon ni Sara Duterte matapos na siya at si Marcos ay nanalo noong 2022 polls.

 

Nilikha ito para sa hiwalay na unit mula sa PSC at naging Armed Forces of the Philippines (AFP) wide support “with a corresponding AFP table of personnel and equipment.”

 

“A move to distinguish the security of the Vice President and make it independent,”ang sinabi ni VP Sara.

 

 

Gayunman, nananatili naman si VP Sara sa ‘hot water’ ukol sa paggamit ng OVP ng confidential funds, na sa ngayon ay hinihimay ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

 

Nang ang kanyang chief-of-staff, na-cite in contempt si OVP Undersecretary Zuleika Lopez, at dinitine matapos ang Nov. 21 hearing para sa kanyang “undue interference,” ang sinabi ni VP Sara sa kanyang Zoom press conference.

 

Sa nagsabi pa ring press conference, ibinahagi nito ang kanyang naging pakikipag-usap sa isang hitman para itumba ang First Couple at Romualdez kapag may nangyari sa kanya.

 

Subalit matapos paigtingin ng PSC ang seguridad ni Pangulong Marcos, sinabi ni VP Sara na nakatanggap din siya ng death threats. (Daris Jose)

Masbate discus thrower nagtala ng gold medal sa Batang Pinoy

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKUHA ng discus thrower mula sa Masbate ang unang gintong medalya sa nagpapatuloy na 2024 Batang Pinoy National Championships.

 

 

 

Naitala ni Courtney Jewel Trangia ang 38.30 meters sa girls division na ginanap sa Ramon V. Mitra Jr Sport Complex sa Puerto Princesa, Palawan.

 

 

Ito na ang pangatlong sunod na kampeonato niya sa discus throw.

 

 

Ang 17-anyos na unang nanalo ng gold medal sa discus throw sa Philippine Athletics Championships na ginanap sa Pasig City nitong Abril.

Walang basehan ang mga tirada at akusasyon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte kay PBBM

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITO ang pahayag ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe sa mga tirada at akusasyon ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte labrtean kay Presidente Bongbong Marcos.

 

 

Giit nito, ang pag-atake ay pagpapakita lamang kung gaano umano kadesperado ni Duterte para mailayo ang atensiyon mula sa isinasagawang imbestigasyon sa alegasyon na crimes against humanity at sa anak nitong si Vice President Sara Duterte kaugnay naman sa misuse ng milyong halaga ng confidential intelligence funds.

 

“The Filipino people will never support a family that seeks to cling to power to evade accountability for corruption, genocide, and other high crimes. Former President Duterte’s rant is nothing more than a desperate attempt to undermine the credibility of our government and its leaders,” anang mambabatas.

 

 

Isa rin umanong kaipokrituhan sa bahagi ng dating pangulo kung saan pinaalala ni Dalipe sa publiko ang naging pag amin mismo ni Duterte ang paggamit nito ng fentanyl.

 

“Let us not forget that Duterte himself admitted to being a fentanyl user. If anyone deserves the label of a drug addict, it is certainly not President Marcos but the former president who has openly confessed to his dependence on drugs,” ani Dalipe.

 

Samantala, hinikayat nito ang gobyerno na manatiling matatag sa paghahanap ng accountability sa naging krimen umano ni Duterte.

 

 

Nagpahayag naman si Dalipe sa patuloy na pagbibigay suporta kay Presidente Marcos. (Vina de Guzman)

Mga magsasaka sa Bulacan, tumanggap ng tulong mula sa UAE

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Upang matulungang makabangon ang mga nasa agrikutural na komunidad matapos ang hagupit ng nagdaang Tropical Storm Kristine at iba pang hamong pang ekonomiya, namahagi ng may kabuuang 3,000 kahon ng essential goods sa mga Bulakenyong magsasaka sa lalawigan ang United Arab Emirates sa pangunguna ng Emirates Red Crescent noong Sabado, Nobyembre 23, 2024 sa Bulacan Capitol Gymnasium dito.

 

 

Inihatid ng mga kinatawan mula sa UAE kabilang sina G. Obaid Ahmed Alshehhi, Unang Kalihim ng Embahada ng UAE sa Maynila, at G. Motaz Mohamed Salih Mustafa Mohamed Salih, pinuno ng programa ng Emirates Red Crescent, ipinamahagi ang 3,000 kahon sa mga pre-identified farming communities sa iba’t ibang munisipalidad at lungsod sa Bulacan, na naglalaman ng limang kilong bigas, food supplies, hygiene items at iba pang pangangailangan.

 

Sa kanyang mensahe, personal na inihayag ni Fernando ang kanyang pasasalamat sa gobyerno ng UAE para sa kanilang tulong sa sektor ng pagsasaka sa lalawigan.

 

“This generous donation from the United Arab Emirates reflects the strong international partnerships we continue to foster for the welfare of our people. These goods symbolize hope and encouragement for our farmers who tirelessly work to ensure our food security. On behalf of the Bulakenyos, we are truly grateful,” anang gobernador.

 

 

Binanggit din ni Fernando ang kanyang plano na i-level up ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga pasilidad sa Doña Remedios Trinidad gaya ng Productivity Center, Breeding Center at Multiplying Center, na kapwa magpapalakas sa pagiging produktibo ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng pataba, punla, at paghahayupan.

 

 

Samantala, nakapagtala ang Provincial Agriculture Office ng may kabuuang P561,695,711.45 damages sa agrikultura na nakaapekto sa 3,388 na magsasaka at mangingisda matapos ang paghagupit ng Tropical Storm Kristine.

Kinilala rin ang husay nina Dimples at Mon: NADINE at BARON, waging best actress at actor sa ‘39th Star Awards for Movies’

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MATAGUMPAY na isinagawa sa prestiyosong Winford Hotel and Casino ang ’39th Star Awards for Movies’ last Sunday.

 

Kung sa mga nakaraang Star Awards ang Airtime Marketing ni Madam Tess Celestino ang producer pero dito sa 39th Star Awards for Movies ay mismong ang PMPC ang producer.

 

At dito ay muling napatunayan ng club na kayang-kaya rin namang mag-produce ng isang awards night.

 

Kahit hindi gaano ng bongga ang presentasyon, ay maituring na isang tagumpay ang katatapos na pagpaparangal para sa mga karapat-dapat na mga alagad ng sining na nagpakita ng kakaibang kahusayan sa aspeto ng pagganap at teknikal para sa pelikulang inilabas sa taong 2022.

 

Kasama pa rin sa binigyan ng parangal ay ang dalawang maituring na institusyon sa showbis na sina Roderick Paulate at Seiko producer Robbie Tan, na ginawaran ng Lifetime Achievement Awards.

 

Full force naman ang attendance ng mga nagsipagwagi ng 33 categories sa pangunguna nina Nadine Lustre (best actress), Baron Giesler (best actor), Dimples Romana (best supporting actress), Mon Confiado ( best supporting actor) at marami pang iba.

 

Buhay na buhay naman ang show dahil sa sıgla at very energetic na pagho-host ng tinaguriang primera kontrabida na si Ms. Gladys Reyes kasama sina Ara Mina at Sir Joey.

 

Siyempre kudos sa aming president na si Rodel Fernando na tinutukan nang husto ang production at paghahanap ng sponsors. At siyempre congratulations din PMPC sampu ng mga opisyales at miyembro ng samahan.

 

***

 

AS of this writing ay wala pa ring pahayag ang kampo ng dating aktres na si Neri Naig at asawa nitong si Chito Miranda hinggil sa napaulat na pagkaaresto diumano ng una para sa kasong paglabag sa kasong Republic Act (RA) 8799 Section 8, o may titulong “Registration of Brokers, Dealers, Salesmen and Associated Persons” ng Security of Exchange Commission o SEC.

 

Ito ay ayon sa scoop na tsika ng sikat na showbiz insider at showbiz-oriented game show host na si Ogie Diaz na inaresto raw ng mga awtoridad ang Kapamilya aktres.

 

Ayon pa sa latest showbiz vlog ni Ogie na mapapanood sa “Ogie Diaz Showbiz Update,” may nagpadala raw sa kanya ng impormasyong si Neri nga raw ay hinuli ng mga pulis ng Pasay City Pulis noong Sabado, Nobyembre 23, 2024.

Gilas Pilipinas opisyal ng nakapasok sa FIBA Asia Cup 2025

Posted on: November 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Opisyal ng maglalaro sa FIBA Asia Cup 2025 ang Gilas Pilipinas na gaganapin sa Saudi Arabia sa buwan ng Agosto sa susunod na taon.

 

 

 

Ito ay matapos na talunin ng New Zealand ang Chinese Taipei 81-64 sa home court ng New Zealand.

 

 

Matapos ang kasi ang pagkatalo ng Taiwan ay tiyak na ang puwesto ng Pilipinas sa Top Two sa Group B na siyang kailangan para makaabot sa torneo sa buwan ng Agosto.

 

 

Mayroong apat na panalo at wala pang talo ang Gilas ng tambakan nila ang Hong Kong 93-54 nitong linggo sa Mall of Asia Arena.

 

Pasok rin ang New Zealand Tall Blacks ng talunin nila ang Chinese Taipei at makuha ang record na 3-1.Streaming service.

 

 

Sa susunod na taon na torneo ay nais ng Gilas na ma-improve ang kanilang ika-siyam na puwesto noong FIBA Aisa Cup sa Jakarta noong 2022.

 

 

Tatangkain ng Gilas Pilipinas na agawin ang korona sa Australia na siyang defending Asia Cup champion.

 

Kasama ring nakapasok sa FIBA Asia Cup ang Japan at ang Saudi Arabia bilang host country.