• December 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 3rd, 2024

Discover ‘The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim’ with director Kenji Kamiyama in a thrilling behind-the-scenes featurette

Posted on: December 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

THE epic return to Middle-earth, brought to life by visionary director Kenji Kamiyama, The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim comes exclusively to cinemas on December 11.

 

In an exciting new featurette, director Kenji Kamiyama takes fans behind the scenes of the highly anticipated anime film, The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim.

 

 

“By delving into the past and maintaining that connection, I believed we could add depth to the film,” says director Kenji Kamiyama about the highly anticipated original anime feature “The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim,” in a newly released featurette about the film. “This approach also allowed new stories to emerge.”

 

 

The film explores the untold saga of the legendary King Helm Hammerhand of Rohan, voiced by acclaimed actor Brian Cox (Succession). Facing a relentless siege by Wulf, a cunning and vengeful Dunlending lord brought to life by Luke Pasqualino (Snowpiercer), Helm and his people make their final stand at the fortress of the Hornburg—later known as Helm’s Deep. The story also introduces Helm’s daughter, Héra (Gaia Wise), a resilient young leader who rises to protect her people against overwhelming odds.

 

 

As an esteemed anime filmmaker known for works like Blade Runner: Black Lotus and Ghost in the Shell: Stand Alone Complex, Kamiyama believes anime is uniquely suited to Tolkien’s world. “When you are entering into the world of animation, you have a certain agreement with the audience that it is make-believe,” he shares. “It’s a fantastic medium to depict fantasy and science fiction, where the world itself is already imagined.”

 

 

Actress Gaia Wise, who voices Héra, reflects on the timeless appeal of The Lord of the Rings. “These stories are about human nature, kindness, love, and resilience—things that speak to our souls,” she says. Wise, a lifelong fan of Tolkien, believes his stories resonate with every generation. “The world he created is so dramatic, beautiful, and heartfelt, and I think it will always captivate people.”

 

 

Narrated by Miranda Otto (The Lord of the Rings trilogy) as Éowyn, the Shieldmaiden of Rohan, the film features a remarkable voice cast that includes Lorraine Ashbourne (Bridgerton), Yazdan Qafouri (I Came By), Benjamin Wainwright (World on Fire), and Shaun Dooley (The Witcher).

 

 

Behind the scenes, the creative team includes Oscar winners Philippa Boyens and Richard Taylor, alongside Tolkien illustrator John Howe, ensuring the film stays true to the spirit of Middle-earth.

 

 

The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim opens in cinemas on December 11, offering fans a stunning new perspective on Tolkien’s timeless world. Don’t miss this chance to journey back to Middle-earth. (Photo Credit: “Warner Bros. Pictures)

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

 

 

Pinarangalan din ang iba pang Asian actors: Direk NIJEL, back-to-back win sa international film festival sa Osaka, Japan

Posted on: December 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANG award-winning International Filmmaker, Direk Nijel de Mesa (na mula Njel ay ginawa nang Nijel ang name niya) ay muling maipagmamalaki ng Pilipinas sa pagkapanalo ng sunud-sunod na mga parangal para sa “Best Director” at “Best Cinematographer” sa katatapos na Ima Wa Ima Asian International Film Festival sa Osaka, Japan.

 

 

Ito ay inorganisa ng Global Maharlika sa Kansai, Philippine Community Coordinating Council, Korean Residents Union sa Japan, at Kyomigaru Creative Collective Group. Ang seremonya ng awards noong Disyembre 1, 2024 sa malaking Sumiyoshi Main Hall ay nagtatampok ng mga Special Awards para sa mga Asian artists na nagtatrabaho sa pelikula, telebisyon, at maging sa new media.

 

 

Nanalo naman si Jane de Leon ng “Best Actress” sa Kategoryang Suspense-Thriller-Horror Full-length at si Kim Ji Soo mula sa South Korea ay nanalo ng “Outstanding International Actor in a cross-cultural series” para sa kanyang pagganap sa GMA’s “Abot Kamay na Pangarap”.

 

Hinirang rin ang pelikula ni Direk Nijel na “Coronaphobia” ng “Best Picture” sa Kategoryang Suspense-Thriller-Horror. Si Daiana Menezes (isa sa mga bida ng “Coronaphobia”) at Ms. Jan Christine Reyes ng NDMstudios ay sumama kay Direk Nijel sa pagtanggap ng parangal. “Talagang hindi ito inaasahan! Sobrang saya namin—halos parang nag-hang out lang—habang nagsu-shoot. Ito ay isang labor of friendship at pag-ibig. Sobrang saya namin at nagustuhan ninyo ang aming nagawa kahit pa limitado ang aming mga resources,” sabi ni Daiana Menezes na puno ng saya.

 

Ang pelikula ay tungkol sa apat na banyagang naipit sa Pilipinas noong panahon ng pandemya—na nagpasya na magnakaw mula sa katabing gusali at isang baliw na psycho Janitor na may Coronaphobia.

 

Umaasa ang marami na dahil sa kahanga-hangang panalong ito, ang mga manonood sa Pilipinas ay sa wakas, magkakaroon na nang pagkakataon na mapanood ang award-winning na suspenseful film na ito sa mga sinehan sa taong 2025!

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Na-bash ng Noranians sa pagtanggap ng ‘Uninvited’: LOTLOT, nakikiusap na ‘wag magtampo dahil magkaibigan naman sina NORA at VILMA

Posted on: December 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGKASAMA sa ‘Uninvited’ sina Lotlot de Leon at si Ms. Vilma Santos.

 

 

At dahil anak ng Superstar na si Nora Aunor, nakatikim si Lotlot ng pamba-bash mula sa ilang solid supporters ng mommy niya, na bakit raw tumanggap ng pelikula si Lotlot na kasama ang Star For All Seasons na mahigpit na karibal sa popularidad ng Superstar.

 

 

Ano ang nararamdaman ni Lotlot kapag may mga masasabing nagtatampo na kasama siya ni Ate Vi sa isang proyekto?

 

 

“Huwag na silang magtampo kasi unang-una magkaibigan naman si mommy at si Tita Vilma.

 

 

“Inaanak ni Tita Vilma si Kiko, yung kapatid ko, so magkumare ang mommy ko at si Tita Vilma.

 

 

“My mom loves Tita Vilma dearly and Tita Vilma loves my mom dearly and pati kaming mga anak, so we’re grateful.

 

 

“I guess yung mga iba lang na nag-iisip ng mga tampu-tampo, baka dahil nga sobrang siyempre loyalist sila kay mommy.

 

 

“Pero wala naman pong ano, wala silang dapat ipag-alala at ipagtampo dahil Tita Vilma is also like family to us dahil ang relationship nga nila ni mommy is magkumare.

 

 

“So hindi sila dapat magtampo, plus trabaho po ito, nagtatrabaho po ako.”

 

 

At maging ang Star For All Seasons ay very vocal sa pagsasabing mahal nito si Lotlot.

 

 

“Yeah. Ganun din kami sa kanya, you know, she’s a very nice person.

 

 

“She’s beautiful in and out, she’s very caring. Wala po akong masasabi, hands-up ako kay Tita Vilma.”

 

 

Mula sa Mentorque Productions at Project 8 sa pakikipagtulungan ng Warner Bros. Pictures, ang ‘Uninvited’ ay sa direksyon ni Dan Villegas at panulat ni Dodo Dayao. Official entry ito sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre 25, 2024.

 

 

Bukod kina Lotlot at Vilma ay nasa pelikula sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Ron Angeles, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto at Mylene Dizon.

 

 

Ano naman ang ang aabangan kay Lotlot ng publiko sa taong 2025?

 

 

“May pelikula po akong kakatapos lang. I’m doing other… may mga series din po akong tinatapos, pero hindi po muna puwedeng i-divulge kasi they’re all under production.

 

 

“But yes, I’m very busy. Thank God. Thank you, Lord. Kaya exciting, exciting po ang mga dadating na ipapalabas namin sa 2025.”

 

 

Isa sa mga proyekto ni Lotlot ay ang pelikulang ‘Unconditional’ mula sa BR Film Productions.

 

 

Makakasama ni Lotlot sa pelikula sina Rhian Ramos at Allen Dizon, sa direksyon ni Adolf Alix, Jr.

 

 

Nasa pelikula rin, kung saan line producer si Dennis Evangelista, sina Elizabeth Oropesa, Paolo Gumabao, Rico Barrera, Brandon Ramirez at Joel Lamangan.

 

 

At dahil nalalapit na ang Kapaskuhan, tinanong namin si Lotlot kung ano ang kanyang Christmas wish.

 

 

“Kapayapaan po para sa ating gobyerno,” ang nakangiting sambit ng multi-awarded actress.

 

 

***

 

 

MAY Korean invasion na nga sa Pinas.

 

 

Bukod kay Kim Ji-soo na narito ngayon sa Pilipinas at artist na ng GMA Network, nakakailang balik na rin sa atin ang South Korean celebrity na si Moon Su-in at umaalagwa na rin ang mga showbiz projects.

 

 

Endorser na ang model-basketball player ng ER Guard of Medicare Plus Inc. na isang health card.

 

 

Kilala, bukod sa pagiging modelo, si Moon Su-in bilang basketball player pero sa ngayon ay hobby na lamang niya ito at mas nakapokus na siya sa sa modeling at acting.

 

 

Sa recent na pagbisita niya sa Pilipinas ay na-enjoy ni Moon Su-in ang Boracay bilang isa siyang beach lover.

 

 

And my dear editor Rohn Romulo, nakaka-happy na ang manager ni Moon Su-in ay ang kaibigan anting Rams David na pninuno ng Artist Cricle Talent Management!

 

 

Si Rams ang nag-ayos para maging endoser siya ng Medicare Plus.

 

 

Bukod dito, newest endorser na rin si Moon Su-in ng beauty and wellness clinic na Skinlandia ni Madam Noreen Divina na matatagpuan sa SM Fairview.

 

 

Sumikat at nakilala si Moon Su-in bilang ace player sa SBS reality show na Handsome Tigers.

 

 

Noong 2011 ay napili siya ng yumaong si Kobe Bryant bilang the MVP para sa inter-university basketball tournament sa Kobe Bryant in Seoul Tour.

 

Taong 2014, sumali si Moon bilang modelo at ace player ng Korean celebrity and model team na Code One na sinundan pa ng maraming proyekto sa South Korea.

 

 

Base rin sa kanyang Instagram account, isang dog lover si Moon Su-in.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

 

Nasa float ng Sesame Street at kumanta with the cast: LEA, kasama sa Macy’s Thanksgiving Day Parade sa NYC

Posted on: December 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IT’S true na nakasama pala sa Macy’s Thanksgiving Day Parade sa New York City last November 28 ang Filipino Broadway star na si Lea Salonga.

 

Nakasakay si Lea sa float ng Sesame Street at nag-perform ito ng song na “Sing” kasama ang cast at mga muppets ng show.

 

“No, it wasn’t a sunny day, and it would’ve been great if the clouds were swept away, but today’s @macys Thanksgiving Day Parade was still such a wonderful highlight!” post pa ni Lea sa kanyang Instagram page.

 

Nagpasalamat din ang Tony Award-winning singer sa Sesame Street dahil sinama siya sa kanilang float.

 

“Thank you, @sesamestreet, this was truly very special, and thank you for plastering the biggest smile on my child’s face. Nic (Lea’s daughter) will not be able to erase that smile for a while!” post pa niya.

 

Taong 1993 nang magkaroon ng guest appearance si Lea sa Sesame Street. This was two years after niyang manalo ng Tony Award for Miss Saigon as Best Lead Actress in a Musical.

 

Katatapos lang ni Lea sa kanyang Manila leg for Stage, Screen and Everything In Between concert sa Solaire Resort last November 4 to 7.

 

“Oh Manila, thank you! Thank you for being so generous with us during Stage, Screen and Everything In Between at @solaireresort!!” pagpapasalamat ni Lea

 

Kasalukuyang on tour si Lea sa US para sa kanyang Christmas album na Sounding Joy.

 

Muling babalik si Lea on December 31 para sa New Year’s Eve Party sa Solaire Resort.

 

***

 

RAMDAM mo pa rin sa mga mata ni Janno Gibbs ang lungkot at pangungulila nito sa namayapang ama, ang aktor na si Ronaldo Valdez.

 

Nagbigay-pugay si Janno sa ama noong kaarawan nito last November 27. Ronaldo would have been 77 years old.

 

Sa Instagram ni Janno, pinost nito ang isang slideshow ng mga photos at isang video nila ni Ronaldo na inaawit ang song na “Just the Two of Us”.

 

Caption ni Janno: “Happy Bday Papa! Miss you always.”

 

Pumanaw si Ronaldo noong December 17, 2023 sa kanyang bahay. Huling napanood ang veteran actor sa 2021 series na 2 Good 2 Be True nila Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

 

Para kay Janno, si Ronaldo ang “the sweetest dad ever”.

 

***

 

NAKITANG magkasama last Thanksgiving Day ang ex-couple na sina Ben Affleck at Jennifer Garner.

 

Nag-volunteer sila para sa ‘Midnight Mission’ in Los Angeles, serving Thanksgiving brunch to 2,000 homeless individuals.

 

Kasama nila na mag-volunteer ang boyfriend ni Garner na si John Miller.

 

Ito ang first holiday na hiwalay na si Ben sa ex-wife na si Jennifer Lopez. Kasama ni J.Lo ang kanyang mga anak sa East Coast last Thanksgiving.

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

 

Ads December 3, 2024

Posted on: December 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PBBM sa Russian submarine na namataan sa WPS: Labis na nakababahala

Posted on: December 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LABIS na ikinabahala Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang namataang Russian attack submarine sa West Philippine Sea (WPS) noong nakaraang linggo.

 

 

“That’s very concerning. Any intrusion into the West Philippine Sea, of our EEZ, of our baselines is very worrisome. Yes it’s just another one,”ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamahayag.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na hahayaan niya ang Philippine military na pag-usapan ang bagay na ito.

 

Nauna rito, kinumpirma naman ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson para sa WPS Commodore Jay Tarriela ang impormasyong isang Russian attack submarine ang nakita sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Philippine Navy spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na na-monitor nila ang presensiya ng Russian attack submarine.

 

Ang vessel aniya ay isang Russian Navy’s Ufa.

 

Samantala, ayon naman sa Philippine Navy na nagpadala na sila ng mga asset upang i-monitor ang galaw ng nasabing Russian submarine. (Daris Jose)

PBBM, nangako ng isang ’Maligayang Pasko’ para sa bawat Pinoy

Posted on: December 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ginagawa lahat ng gobyerno ang mga paraan para hayaan ang mga bawat Filipino na maranasan ang isang “Maligayang Pasko” ngayong taon sa gitna ng global challenges at kahirapan na nakaaapekto sa bansa.

 

 

Binitiwan ng Pangulo ang pangako niyang ito matapos pangunahan ang gift-giving event para sa mga residente ng Marillac Hills at Haven for Women sa Muntinlupa City.

 

Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na nais nya na maramdaman ng bawat Filipino lalo na ang mga kabataan na apektado ng kamakailan lamang na sunod-sunod na bagyo at kalamidad ang tunay na diwa ng Pasko.

 

“Kahit na tinamaan tayo ng kung anu-anong bagyo, kahit na nasunugan ang mga iba’t ibang lugar, kahit papaano tiyakin natin [na] tayong lahat, lahat ng Pilipino, lalo na itong mga maliliit, itong mga bata, ay makaramdam ng Pasko,” ayon sa Pangulo.

 

“Basta kami sa pamahalaan titiyakin namin lahat ng Pilipino ay may merry Christmas ngayong 2024,” dagdag na wika nito.

 

Hinikayat din niya ang mga residente na maglaan ng oras para magpahinga at i-enjoy ang Christmas season kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at kaibigan.

 

Sa kabilang dako, namahagi naman ang Pangulo ng mga regalo at tulong sa mga biktima ng sexual abuse at exploitation sa Marillac Hills at Haven for Women.

 

At upang magbigay ng ginhawa at suporta, iniabot ng Pangulo ang 20 sako ng 50- kilo na bigas sa Marillac Hills at 10 sako ng bigas sa Haven for Women. Nagpaabot din ang Pangulo ng food packs, medisina, bitamina, toiletries at infant supplies.

 

Bilang kapalit, nagpamalas naman ang mga residente ng isang madamdaming “Thank you” song para ihayag ang kanilang paghanga at pasasalamat sa pagiging mahabagin at sa liderato ng Pangulo.

 

Sa ilalim ng liderato ng Pangulo, nakapaghatid na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 1,837 mga kabataan na nangangailangan ng special protection mula sa ‘trafficking, physical and sexual abuse, rape, and neglect o pag-abandon sa pamamagitan ng service centers nito at residential care facilities.

 

Suportado rin community-based initiatives ng DSWD ang 3,616 mga kabataan na nangangailangan ng special protection.

 

Nagbigay din ito ng tulong mdikal, transportasyon, pangkabuhayan, legal at psychosocial support sa 939 biktima ng karahasan laban sa mga kababaihan. (Daris Jose)

Russian attack submarine, naispatan

Posted on: December 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAISPATAN kamakailan ang isang Russian Attack Submarine sa katubigan ng Pilipinas na ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay nakakabahala.

 

 

Kinumpirma rin ito ng Philippine Coast Guard (PCG) Task Force on ther West Philippine Sea .

 

Gayunman, ang ibang detalye ay ipinauubaya na lamang ng PCG sa Philippine Navy.

 

Sinabi naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang submarine na UFA 490 ay namataan sa layong 80 nautical miles west ng cape Calavite,Occidental Mindoro noong Nobyembre 28.

 

Agad namang ipinadala ng PN ang BRP Jose Rizal (FF 150) aT nagsagawa ng radio communications sa submarine kung saan ito ay nakumpirma ang identity, crew complement at navigational intent.

 

Ang Russian vessel umano ay naghihintay na bumuti ang kondisyon ng panahon bago magpatuloy sa Vladisvostok, Russia, ayon sa AFP.

 

Galing umano ito sa exercise kasama ang Royal Malaysian navy sa Kota Kinabalu sa Malaysia ay patungo na ito pabalik sa kaniyang naval base sa Vladivostok. GENE ADSUARA

Warriors star Stephen Curry nagtala ng panibagong record sa NBA

Posted on: December 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGTALA ng kasaysayan sa NBA si Golden State Warriors star Stephen Curry.

 

 

Siya ngayon ang pang-29 na manlalaro ng NBA na nakaabot ng 24,000 career points.

 

 

Naitala nito ang record sa laban nila ng Phoenix Suns kung saan sa kasamaang palad ay nabigo silang manalo.

 

 

Isa lamang ito sa ilang mga NBA history na naitala ni Curry kung saan ang star point guard ay siyang nangunguna sa all-time na nakagawa ng three pointsat ilang mga kategorya.

 

 

Mayroon ng apat na sunod na talo ang Warriors na aabot na sa 12 panalo at pitong talo sa Western Conference.

Gobyerno, suportado ang 18-day campaign para tuldukan ang karahasan laban sa mga kababaihan

Posted on: December 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang taunang 18-Day Campaign para wakasan ang Violence Against Women (VAW).

 

 

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang kampanya, tatakbo taun-taon mula Nov. 25 hanggang Dec. 12, binigyan ng mandato ng Proclamation 1172 s. 2006, nakahanay sa layunin ng pamahalaan na panindigan ang karapatan ng mga kababaihan at tugunan ang lahat ng uri ng gender-based violence.

 

Sinabi pa ng PCO na ang pagdiriwang ay pinalakas ng Republic Act 10398, idineklara ang Nov. 25 ng bawat taon bilang National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women and Children (VAWC).

 

Sa ilalim ng batas, inatasan ang mga ahensiya ng pamahalaan na itaas ang kamalayan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng epekto ng karahasan laban sa mga kababaihan at i-promote ang eliminasyon nito.

 

Sinabi pa ng PCO na ang kampanya ay nagsimula noong Nov. 25, ang International Day to Eliminate VAW, hanggang sa Dec. 10, International Human Rights Day.

 

“The campaign is to emphasize VAW is a human rights violation and to ensure better protection for survivors and victims of violence,” ayon sa PCO.

 

Ayon sa depinisyon o pakahulugan ng United Nations, ang karahasan laban sa mga kababaihan ay “any act of gender-based violence that results in, or is likely to result in, physical, sexual, or mental harm or suffering to women, including threats of such acts, coercion or arbitrary deprivation of liberty, whether occurring in public or private life.”

 

Tinukoy naman ng PCO ang National Demographic and Health Survey (NDHS) ng Philippine Statistics Authority noong 2017, na nagsiwalat na isa sa apat na mga kababaihan na may edad na 15 hanggang 49 ay nakaranas ng ‘physical, emotional, o sexual violence’ mula sa kanilang partner, kama-anak o kakilala.

 

“Globally, the World Health Organization (WHO) reports that about one in three women (35 percent) has endured physical and/or sexual violence from an intimate partner or non-partner in their lifetime,” ayon pa rin sa PCO. (Daris Jose)