• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 6th, 2024

Ads December 6, 2024

Posted on: December 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LTFRB sinisilip mataas na pasahe, surge fees ng Grab

Posted on: December 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINISIYASAT na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang umano’y paggamit ng Grab ng algorithm para sa pasahe at price surge nito na inirereklamo ng mga customer.

 

 

 

Sa isang radio interview, sinabi ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz na masyadong malaki ang singil ng Grab kaya nila kinuwestyon at iniimbestigahan.

 

 

“Ang formula nila, iyon ang kinukuwestiyon ko ngayon. Baka gawin na lang uniform rate o i-reduce ang surge fees by as much as 50 percent,” ani Guadiz.

 

 

Umaasa ang LTFRB head na makatutulong ang pagpasok ng dag­dag na 5,000 TNVS units sa Metro Manila para matugunan ang demand at mapababa ang price surge.

 

 

“Hopefully with this, totally ma-re-reduce if not totally matatanggal iyong surge charges on certain hours of the day. Usually, ang surge fees in the morning, pag pasukan at saka sa hapon pag-uwian na, between 4 to 7 o’clock,” dagdag pa ni Guadiz. ( Daris Jose)

Knockout round sa NBA Cup ngayong taon, buo na

Posted on: December 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Buo na ang knockout round para sa NBA Cup ngayong taon, kasunod ng huling laban ngayong araw, Dec. 4.

 

 

Uusad sa unang round ng elimination sa Eastern Conference ang Milwaukee Bucks kontra Orlando Magic para sa unang set, at New York Knicks kontra Atlanta Hawks sa ikalawang set.

 

 

Sa Western Conference, maglalaban ang Oklahoma City Thunder at Dallas Mavericks sa unang set habang Houston Rockets kontra Golden State Warriors naman sa ikalawang set.

 

 

Ang mga naturang team ang umusad matapos ang apat na magkakasunod na laban sa group stage.

 

 

Batay sa schedule na inilabas ng NBA, ang knockout game ay nakatakda na sa December 10 at 11(US time), habang ang semifinals ay gaganapin sa Dec. 14.

 

 

Itinakda naman ang championship match sa Dec. 17, 2024.

 

 

Ang bawat player ng team na magkakampeon sa NBA Cup Finals ay makakatanggap ng tig – $514,970, habang ang bawat player ng matatalong team naman ay makakatanggap ng tig – $205,988.

 

 

Gaganapin ang finals sa Las Vegas.

 

 

Ito na ang ikalawang edisyon(taon) ng NBA Cup. Sa nakalipas na taon, ang Los Angeles Lakers ang nag-uwi sa pinakaunang kampeonato.

PBBM sa AFP: Manatiling matatag, huwag isuko ang misyon

Posted on: December 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na manatiling matatag at huwag isuko ang misyon para masiguro ang depensa ng bansa laban sa banta at mga hamon.

Sa isinagawang oath-taking ceremony ng newly promoted generals and flag officers ng AFP, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Philippine military ay naging ‘bedrock’ ng soberanya ng bansa, “a vital force that protects our land, our people, our freedoms.”

“However, we continue to face complex and dynamic challenges—threats to our sovereignty, lawless elements that undermine peace, and the increasing frequency of natural disasters. These require us to remain steadfast, resourceful, unyielding in our resolve,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

“As stewards of our national defense, you bear the solemn responsibility of ensuring the security of our land, of our seas, of our skies, our cyberspace,” ang tinuran ng Pangulo.

Ayon sa Chief Executive, sa pagtatanggol sa katubigan ng bansa, “we must uphold international maritime laws, deepening our commitment to regional peace and cooperation.”

“By fostering coordination amongst nations, we can safeguard stability while advancing our collective interests,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Diplomacy rooted in strong legal foundations is the most effective instrument in navigating these endeavors,” aniya pa rin.

Ang panawagan ng Pangulo sa military ay matapos na magsagawa ang China Coast Guard ng water cannon attacks at binangga ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsasagawa ng maritima patrol sa bisinidad ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, spokesman ng Philippine Coast Guard (PCG)for the West Philippine Sea, ang una sa dalawang water cannon attacks ng CCG 3302 ay direktang pinuntirya ang navigational antennas ng barko habang ito ay nasa 16 nautical miles sa timog ng Bajo de Masinloc.

Ayon kay Tarriela, nagsasagawa ang BFAR at PCG ng routine maritime patrol sa lugar nang maengkwentro nila ang agresibong aksiyon mula sa China Coast Guard vessels.

Pinasabugan din ng water cannon ang barko ng BFAR, ang BRP Datu Pagbuaya.

 

Kasunod nito ay sinadya ng barko ng China ang pagsagi sa BRP Datu Pagbuaya sa bahagi ng starboard nito, na sinundan ng isa pang water cannon.

 

Samantala, nanawagan naman si Pangulong Marcos sa mga military leaders na ipagpatuloy lamang na hayaan ang mga tropa na magsilbi ng mas maayos sa mga komunidad.

 

“Train them to respond not only with skill but with empathy—ensuring that their actions reflect the highest ideals of public service,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

“After all, the stars on your shoulders signify the responsibilities you now carry—the trust of the Filipino people, the security of our nation, and the future of generations yet to come,” dagdag na wika nito.

 

Samantala, sinabi ng Pangulo na ang kanyang administrasyon ay mananatiling matatag sa pagpapalakas sa institusyon at panindigan ang rule of law. ( Daris Jose)

Harden nagtala ng panibagong record sa NBA

Posted on: December 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Napabilang na si James Harden sa tanging NBA player na mayroong 3,000 career 3-points.

 

 

 

Dahil ito ay kasama na siya sa listahan na pinangungunahan ni Golden State Warriors star Stephen Curry.

 

 

Nakuha ni Harden ang nasabing record sa panalo ng Los Angeles Clippers 126-122 laban sa Denver Nuggets.

 

 

Sa first half ay mayroong tatlong three points na ito habang sa second half ay mayroong tatlong three points muli.

 

 

Mayroon na itong kabuuang 39 points sa nasabing laro.

 

 

Labis namang nagpasalamat si Harden sa kaniyang fans dahil sa suporta at pagbati na kaniyang mga natatanggap.

 

 

Kabilang sa mga nagtala ng nasabing record ay sina Kobe Bryant, Wilt Chamberlain at Michael Jordan.

Gastos sa biyahe abroad ng OVP noong 2023, triple tinaas — COA

Posted on: December 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TRIPLE ang tinaas ng halaga ng gastos sa pangi­ngibang bansa ng mga opisyales ng Office of the Vice President noong 2023 na umabot sa P42.58 milyon.

 

 

 

Ayon sa Commission on Audit (COA), mas mataas ito ng 648% o nasa P11.15 milyon mula sa P1.49 milyong foreign trips ng OVP noong 2022.

 

 

Sinasabing ang naturang pondo ay ginastos para sa daily allowances at travel costs ni Duterte, kanyang security detail at delegado sa pagpunta sa ibang bansa.

 

 

Wala namang ulat ang COA kung gaano karami ang foreign trips ng OVP noong 2023 pero si VP Sara ay may tatlong trips abroad bilang official capacity noong 2023.

 

 

Batay sa tanggapan ng OVP, si VP Sara ay nagtungo sa Brunei at Singapore noong Hunyo para sa education-related meetings bilang head ng Southeast Asian Ministers of Education Organization kung saan ang Pilipinas ang chairperson dito at nagtungo rin ng South Korea noong Setyembre para sa Education global summit. ( Daris Jose)

NTA, namamamahaging 100M tobacco production grant sa mga magsasaka sa kalagitnaan ng Disyembre

Posted on: December 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HANDA na ang National Tobacco Administration (NTA) na mamahagi ng P100 million crop production grant sa mga kuwalipikadong tobacco farmers sa buong bansa.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng NTA na ang 16,666 tobacco farmers ay tinukoy bilang recipients ng cash assistance na nagkakahalaga ng P6,000 kada isa, ipamamahagi bago o sa mismong araw ng Disyembre 15, 2024.

 

 

“The cash aid would cover tobacco farmer-recipients’ production for cropping year 2024-2025, which began in September 2024 and will conclude by June 2025,” ayon sa NTA.

 

 

Sinabi ng tobacco authority na ang recipients na tinukoy ng branch offices ng ahensiya ay batay sa Itinakda na alituntunin at aprubado ng NTA Governing Board.

 

 

Winika pa ng NTA na ang kabuuang 16,666 recipients ng cash assistance, 9,055 mula sa nasabing bilang ay magsasaka na nakalista sa ilalim ng Tobacco Contract Growing System (TCGS) program ng NTA at 7,611 ang non-TCGS farmers.

 

 

Sa ilalim ng TCGS program, ang mga farmer-recipients ay dapat na mayroong nakatanim na tobacco sa isang ektarya ng lupang sakahan.

 

 

Samantala, ang mga non-TCGS farmer-recipients ay dapat na mayroong tumubo o tanim na tobacco sa isang half-hectare farmland at sa ibaba nito, kapuwa para sa cropping years 2023-2024 at 2024-2025.

 

 

Sinabi ng NTA na ang mga benepisaryong cash assistance ay kailangan na rehistradong tobacco farmers ng ahensiya at personal na nagbubungkal sa sakahan ng tabako “capable of providing adequate labor to attend to all activities in quality tobacco production, able to provide basic farm tools and equipment, such as plow, harrow, sprayer, work animal, irrigation pump, and curing bar/air curing shed, and should have adequate sources of good quality irrigation water and desirable for tobacco production.”

 

 

“Before the grant’s actual distribution, the NTA branch offices will ensure that the recipients will meet all the requirements and surely plant tobacco this coming planting season,” ang sinabi pa rin ng NTA.

 

 

Ang bilang ng mga recipients ng cash aid kada NTA branch office ay:

 

Abra – 992 tobacco farmers

 

Batac (Ilocos Norte) – 2,778 magsasaka

 

Cagayan – 700 farmers

 

Candon (Ilocos Sur) – 2,573 magsasaka

 

Isabela – 2,925

 

La Union – 1,667

 

Mindanao – 1,666

 

Pangasinan – 1,765

 

Vigan (Ilocos Sur) – 1,600

 

 

Sa kabilang dako, nagsimula naman ang NTA na mamigay ng P6,000 production assistance sa kuwalipikadong tobacco farmers sa cropping year na 2023-2024.

 

 

Ang cash aid ay pinondohan sa pamamagitan ng General Appropriation Act (GAA).

 

 

Layon nito na dagdagan ang production support na pinalawig sa pamamagitan ng Buying Firms, Local Government Units (LGUs), at Farmer Cooperatives to the tobacco farmers para paghusayin ang kalidad ng tobacco production na sa kalaunan a makatutulong sa mga ito na itaas ang kanilang kita.

 

 

“The giving of production assistance for our tobacco farmers is realized under the administration of President Ferdinand Marcos Jr., through Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. and the NTA to enhance the production of quality tobacco considering that the tobacco industry remains one of the strongest pillars of the country’s economy contributing 1% of the gross domestic product (GDP) and 6% of the overall annual tax revenue collections,”ang litaniya ni Agriculture Undersecretary Deogracias Victor Savellano. (Daris Jose)

Warriors, nalasap ang ika-limang sunod na pagkatalo sa kamay ng Nuggets

Posted on: December 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nalasap ng Golden State Warriors ang ika-limang sunod na pagkatalo sa kamay ng 2023 NBA champion na Denver Nuggets.

 

 

 

Dahil dito, lalo pang nabaon ang Warriors sa walong pagkatalo matapos simulan ang season sa 12 – 3, at maging pinakamalakas na team sa Western Conference.

 

 

Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang koponan. Ilang beses ding hinawakan ng Warriors ang Lead kung saan sa 4 na minuto bago matapos ang laro ay hawak ng GSW ang walong puntos na kalamangan.

 

 

Gayonpaman, magkakasunod na ginawaran ng free throw ang Denver at sa loob ng nalalabing apat na minuto ay napagbigyan ang koponan ng walong free throws.

 

Sa tulong ng magandang opensa at depensa ni 3-time NBA MPV Nikola Jokic ay naungusan ng Denver ang Warriors, 48 secs. bago matapos ang laro.

 

 

Hindi na nakabawi ang GS matapos nito, sa kabila ng ilang shots ng GS.

 

 

Muling gumawa ng double-double si Jokic sa naging panalo ng Denver – 38 pts, 10 rebs, 8 assts. Nagpasok naman ng 22 points ang forward na si Michael Porter.

 

 

Sa Warriors, hindi nagawa ni Stephen Curry na isalba ang kaniyang team sa kabila ng double-double – 24 pts, 11 assts, at 7 rebs. Hindi naman nakapaglaro si Draymond Green sa naturang laro, at pumalit sa kaniya bilang forward si Jonathan Kuminga na tumipa ng 19 pts.

 

 

Sa kasalukuyan, hawak ng Nuggets ang 11 – 8 win/loss record.

Ikalawang impeachment laban kay VP Sara Duterte, inihain

Posted on: December 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGHAIN ng reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

 

 

Kabilang na dito ang 21 youth complainants sa pangunguna ni

 

 

Kabataan Partylist’s Atty. Renee Louise Co, at iba pang lider ng iba’t ibang sektor.

 

 

Ayon kay Kabataan Spokesperson at First Nominee Atty. Renee Co, “hindi kami na-brainwash, nautusan lang o nabayaran. Natuto kami ng GMRC at bahagi ng tungkulin natin sa bayan at para sa sarili naming kapakanan bilang bagong henerasyon na magmamana sa Pilipinas, ang punahin ang mali. Stop the madness! Brain rot na ang kabataan sa bangayan at korapsyon ng iilan!”
(Vina de Guzman)

AFP officials muling tiniyak loyalty sa constitution sa ginawang courtesy call kay Speaker Romualdez

Posted on: December 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING binigyang-diin ng mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang loyalty sa Constitution at maging sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

 

Ginawa ng mga ito ang pahayag ng mag courtesy call ang mga ito ay House Speaker Martin Romualdez kahapon sa Kamara.

 

 

Ayon kay AFP Deputy Chief of Staff LtGen. Jimmy Larida na sila ay nangangako na Constitution at ang duly-constituted authorities.

 

 

Sa panig naman ni Lt Gen. Ferdinand Barandon, commander ng AFP Intelligence Command kaniyang binigyang diin na tapat ang militar sa konstitusyon , manatiling propesyunal at mission focused.

 

 

Kasama sa nag courtesy call kay speaker ang 17 newly promoted generals at senior flag officers.

 

 

Una ng tiniyak ni Speaker martin Romualdez ang suporta sa AFP lalo na sa kanilang 2025 budget at ang P350 daily subsistence allowance. ( Vina de Guzman)