• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 14th, 2024

Mapapanood na Viva One sa 80 countries: AKIHIRO at MARY JOY, nagpakilig at nagpaiyak sa ’The Last 12 Days’

Posted on: December 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TUWANG-TUWA at nagpapasalamat ang owner ng Blade Auto Center na si Robert S. Tan sa matagumpay na world premiere ng ’The Last 12 Days’ na ginanap sa Cinema 1 ng Ayala Malls Manila Bay.

 

 

 

Showing na nga ito sa 80 countries sa pamamagitan ng Viva One.

 

 

Sa kanyang FB post kasama ng mga photos na kuha sa event…

 

“Last night may not have been perfect, but we came pretty close.

 

“Thank you Cris Jason Santos for all the dedication and talent you poured into our trilogy. Thank you Aki Blanco and Mary Joy Apostol for bringing our characters to life. To our amazing cast, crew and our awesome fans of The 12 Days Saga, maraming salamat sa inyong walang sawang pagsuporta.

 

“To all our family and friends who took the time out to join us. Thank you very much.

 

“Blade celebrated its 20th anniversary with ‘The Last 12 Days’ world movie premiere. The program flow, organization and execution could not have been any better thanks our team of Bladers headed by Albert, Ricky, Mavic, Rommel, Miles and Hannah, job well done guys! I’m so proud of all of you.

 

“And to my partners Fanny and Frances, looking forward to bringing Blade to greater heights with you.”

 

Anyway, hindi pa rin makapaniwala sina Akihiro at Mary Joy, na nagkaroon ng part three ang love story nina Daniel at Camille na kanilang ginagampanan. Umabot nga sa 25 million views ang dalawang movie na libreng pinalalalabas YouTube ang ’12 Days to Destiny’ at ’The Next 12 Days’, na mapapanood na rin sa Viva One, kasama ang ‘Dito Lang Ako’ at ‘Good Times Bad’.

 

Napakahusay nga nina Aki at Mary Joy sa ’The Last 12 Days’ na punum-puno ng drama at may halo pa ring kilig at komedya.

 

For sure, matutuwa ang sumubaybay sa kanilang love story, na ngayon ay magtatapos na, kaya ‘wag palampasin na panoorin ang worth-watching na pelikula.

 

Congrats Blade PH at sa bumubuo ng ’The Last 12 Days’.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

JIM CARREY, BEN SCHWARTZ AND IDRIS ELBA WELCOME KEANU REEVES IN THE NEW FEATURETTE “CASTING A SHADOW.” “SONIC THE HEDGEHOG 3”

Posted on: December 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AN icon playing an icon. Keanu Reeves is Shadow. Get ready for Sonic the Hedgehog 3, opening in Philippine cinemas January 15, 2025.

 

 

 

“For 50 years, Shadow’s been in a state of suspended animation. He’s coming out of it seeking revenge,” says Keanu Reeves, who voices Shadow, a fan favorite villain in the Sonic universe.

 

 

Says Idris Elba, who plays Knuckles, another popular character: “Keanu, whatever he does, he kind of brings icon status to it.” 

 

Reeves, well-loved for his Matrix and John Wick characters, adds, “Sonic’s no match for me.”

 

Watch the “Casting a Shadow” featurette: https://youtu.be/hQ1sVXO-J7o?si=SS4JYW8ztfhiSPCg

 

Sonic the Hedgehog returns to the big screen in his most thrilling adventure yet. Sonic, Knuckles, and Tails reunite against a powerful new adversary, Shadow, a mysterious villain with powers unlike anything they have faced before. With their abilities outmatched in every way, Team Sonic must seek out an unlikely alliance in hopes of stopping Shadow and protecting the planet.

 

Sonic the Hedgehog 3 opens in Philippine cinemas January 15, 2025. Join the conversation with the hashtag #SonicMovie3 and tag @paramountpicsphAbout Sonic the Hedgehog 3: Paramount Pictures Presents In Association with Sega Sammy Group

 

An Original Film / Marza Animation Planet / Blur Studio Production

 

SONIC THE HEDGEHOG 3 Produced by Neal H. Moritz, p.g.a., Toby Ascher, p.g.a.,Toru Nakahara, Hitoshi Okuno

 

Executive Producers: Haruki Satomi, Shuji Utsumi, Yukio Sugino, Jeff Fowler, Tommy Gormley, Tim Miller

 

Based on the SEGA Video Game and story by Pat Casey & Josh Miller

 

Screenplay by Pat Casey & Josh Miller and John Whittington and Directed by Jeff Fowler.

 

Cast: Jim Carrey, Ben Schwartz, James Marsden, Tika Sumpter, Idris Elba, Keanu Reeves, Krysten Ritter, Lee Majdoub, Natasha Rothwell, Adam Pally, Shemar Moore, Colleen O’Shaughnessey, Alyla Browne, James Wolk

 

(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”).

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Sinorpresa ang lahat sa kanilang announcement: MIKAEL, nagkatotoo ang hula na magkaka-baby na sila ni MEGAN

Posted on: December 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGKATOTOO ang saju reading noon kay Running Man PH cast member Mikael Daez na magkaka-baby sila ng misis na si Megan Young.

 

 

Sinorpresa ng Daez couple ang lahat sa announcement nila sa social media noong Biyernes, December 6, na ipinagbubuntis na ni Megan ang kanilang anak.

 

 

Sa episode ng Running Man PH na ipinalabas noong Agosto, sinabi ni Park Seong-jun ang kapalaran ni Kap Mikael pagdating sa pagkakaroon ng anak.

 

Sabi ni Seong-jun in Korean, “Pagdating sa suwerte sa pagkakaroon ng baby, malakas ito next year and the year after that.”

 

Binalikan din ni Mikael ang fortune telling moment niya sa phenomenal reality game show at sabi niya sa Instagram post, “What a journey it has been. What a journey to come”

 

***

 

GALING na rin kay Pauline Mendoza na medyo naging pabaya siya sa kanyang career dahil sa kanyang personal na buhay.

 

Pero determinado ang Kapuso actress na ituloy ang sipag niyang ito hanggang sa pagpasok ng 2025.

 

“Focus na po tayo ngayon sa career. I admit na there was a point in my life na medyo naapektuhan ako. Ayoko na pong mangyari iyon kasi pati ang family ko naapektuhan. I want to show them na puwede pa rin nila ako mapagkatiwalaan,” pahayag ni Pauline sa media conference para sa official entry ng GMA Pictures sa 2024 Metro Manila Film Festival na ‘Green Bones’.

 

Noong nakaraang taon pa raw nakipag-break ang 25-year old Sparkle actress sa boyfriend nitong si Mayor Bryan Celeste ng Alaminos City, Pangasinan.

 

Nagsimula ang relasyon nila noong 2020. Sa kanyang Tiktok account kinumpirma ni Pauline ang break-up nila.

 

Dahil sa mga pinagdaanan daw na pagsubok ni Pauline sa kanyang lovelife, na-blind item ito na nagiging unprofessional at muntik na raw palitan siya sa isang teleserye.

 

“Ay, wala naman pong gano’n. Kahit po nagkaroon tayo ng personal problems, it never affected my work before. Ten years na po ako sa trabahong ito, never po ako naging sakit ng ulo or problema sa work. Professional po tayo.”

 

After ng break-up ni Pauline with Mayor Bryan, isang taon daw na single ito. Pero ngayon ay may non-showbiz boyfriend na raw siya.

 

“Mas okey po ngayon kasi pribadong tao siya, unlike noong last na nasa politics. Ayoko na sa gano’ng relasyon. Mas happy ako ngayon,” ngiti pa ni Pauline.

 

Ito ang second time niyang magkaroon ng pelikula sa MMFF. Nakasama siya noon sa pelikulang ‘My Teacher’ nila Toni Gonzaga at Joey de Leon na nakasama sa 2022 MMFF.

 

***

 

NAHAHARAP sa reklamong rape ang rapper na si Jay-Z.

 

Inireklamo siya ng babae na ginahasa raw niya sa isang party noong 2000 when she 13 years old at kasama pa raw si Sean “Diddy” Combs.

 

Sa social media post, pinabulaanan ni Jay-Z ang alegasyon sa kanya at “blackmail attempt” daw ito mula sa abogado ng nag-aakusa.

 

Noong October 2024 pa unang inihain ang kaso sa Southern District of New York.

 

Pinagdroga at ginahasa umano ng dalawang celebrity ang dalagita na hindi pinangalanan. Nangyari umano ang krimen sa isang party na pinangunahan ni Combs matapos ang MTV Music Awards noong 2000 na ginanap sa New York.

 

Hindi pa sumasagot ang legal counsel ni Jay-Z patungkol sa kasong sinampa rito.

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Umaming napagsabihan ni Direk Chito dahil nakukulangan: LORNA, strong support kay JUDY ANN sa ‘Espantaho’ at ‘di maglalaban sa best actress

Posted on: December 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si Ms. Lorna Tolentino na strong support siya kay Judy Ann Santos sa ‘Espantaho’ na filmfest entry n Quantum Films sa 50th MMFF na magsisimula na sa December 25th.

 

 

Kahit na ang billing nila sa poster ng movie ay magkasinglaki, si Judy Ann pa rin ang pinaka-bida at hindi sila maglalaban sa pagka-Best Actress.

 

 

“Ay hindi, kung ako ang juror, I’m a strong support to Judy Ann,” sagot ni LT.

 

 

“Pareho kami ni Chanda (Romero), kasi mas malaki yun character niya.

 

“As a strong support, I really don’t care basta nandun ako sa pelikula.”

 

Hindi rin siya nagdalawang isip na tanggapin ang role bilang ina ni Juday, na originally nga para kay Star for All Seasons Vilma Santos.

 

“Ay bakit naman, ‘yun edad ni Judy Ann halos kaedad lang ng mga anak ko, konti lang ang tanda niya, kaya okay lang talaga.

 

“Saka pasok talaga sa role, at maiintindihan n’yo kung bakit, pag napanood na ninyo ang pelikula.”

 

Second time na nilang nagkasama sa movie, una nilang ginawa ang ‘Mano Po 2: My Home’ noong 2003.

 

Pero hindi ganun karami ‘yung mga eksena nila, kumpara ngayon na halos bawat eksena ay magkasama sila ay gumaganap silang mag-ina sa ‘Espantaho’ na hinuhulaan isa sa magta-topgrosser sa MMFF.

 

Thankful naman si Lorna kay Juday dahil pagiging mapagbigay nito bilang aktres.

 

“Nagpapasalamat nga ako kay Juday, kasi ang character ko, hindi masyadong masalita. Kumbaga, sa kanya ako humuhugot kung ano man ang kailangang maramdaman ng character ko.

 

“Nagpapasalamat talaga ako, kasi she’s sa giving actress, hindi siya madamot. Nagbibigay talaga siya, para makuha mo, masalo mo, maramdaman mo,” pahayag pa ng premyadong aktres.

 

Dagdag pa niya tungkol sa mga co-stars, “yun makasama ka lang sa mga veteran stars, challenge na ‘yun. Pero para maging effective ka, dapat you go with the flow. Para mag-swak lahat ang damdamin n’yo.

 

“Magiging effective lang naman ang isang eksena kung lahat kayo ay umaangat.”

 

Inamin ni LT na kahit isa siya sa kinikilalang mahusay na aktres, napagsasabihan pa rin siya ng direktor, tulad ni Chito S. Roño na direktor nila sa ‘Espantaho’.

 

Happy naman si Lorna na pag nako-call out ang pag-arte niya dahil para sa kanya, “I’m so happy na ganun, hindi naman ako nao-offend, minsan kasi akala mo okay na at naibigay mo na. Pero meron pa eh, meron pang mas malalim dun.

 

“Tulad dito sa ‘Espantaho’, sinabihan ako ni Direk Chito ng ’sandali, okay ka lang, alam mo ba yun eksena, ito ‘yun gusto ko.’

 

“Magso-sorry naman ako sa kanya, kasi nga alam niya kung ano ‘yun dapat maramdaman ng tao. Dahil siya yun nakakakita sa screen, kailangang maramdaman niya dahil kung hindi, wala kang binabato.”

 

 

***

 

Inilunsad ng ‘PlayTime’ ang partnership sa ‘Bumper to Bumper Car Shows’

 

 

 

 

ANG PlayTime, ang fastest-growing online gaming platform sa bansa, ay nagsimulang itatag ang presensya nito sa mundo ng automotive sa pakikipagtulungan nito sa Bumper to Bumper Car Shows, ang longest-running outdoor car show and lifestyle event sa Asya.

 

At sa taong ito, 2024 ay minarkahan ang ika-20 milestone year ng Bumper to Bumper.

 

Sa isang seremonya ng pagpirma, pinagtibay ng PlayTime ang pangako nito bilang kasosyo sa lahat ng mga aktibidad sa destinasyon ng Bumper to Bumper’s Road Tour simula Nobyembre ng 2024.

 

Bilang karagdagan, ang series ng “Mega Meet” ay muling ipakikilala sa 2025, at magiging bahagi din ang PlayTime ng eksklusibong line-up ng mga kasosyo na nagpapalaki ng experience sa event.

 

 

“Through this collaboration, PlayTime and Bumper to Bumper are set to bring a unique fusion of automotive culture and entertainment,” pahayag ni PlayTime Senior PR Manager Jay Sabale.

 

Inaasahan ng PlayTime na maimbitahan nila ang mga mahilig sumabak sa thrill of cars and gaming under one roof, na magtutulak sa mga hangganan ng entertainment, na naglalapit sa mga tagahanga sa kanilang passion sa ‘di malilimutang dynamic setting.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Pangakong gagawing world class ang AFP muling iginiit ni PBBM

Posted on: December 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kanyang pangako na gagawing modernisado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hanggang sa Ito’y maging world-class’.

 

 

 

“Be assured that this Administration remains committed to transforming our AFP into a world-class force that is a source of national pride and national security,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa idinaos na joint graduation ceremony ng Major Services Officer Candidate Course (MS OCC).

 

 

Ang MS OCC ay one-year program para sa mga baccalaureate degree holder na iko-komisyon bilang mga opisyal ng Philippine Army (PA) at Philippine Air Forces bilang Second Lieutenants. Ito rin ay para sa Philippine Navy (PN) bilang Ensigns sa AFP regular force.

 

 

“We will modernize your equipment, enhance your training programs, ensure that you are equipped to face challenges not just of today, but also of the future. Because together, we will build an AFP that will stand as a beacon of strength, of alliance, resilience, and technological excellence,” aniya pa rin.

 

 

Kamakailan ay inihayag ng Philippine Navy ang mga planong kumuha ng dalawang karagdagang corvette warship at anim na offshore patrol vessels (OPVs) sa ilalim ng patuloy na modernization program ng militar.

 

 

Ipinahayag ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng West Philippine Sea (WPS), na ang mga acquisition ay bahagi ng “Re-Horizon 3,” ang ikatlong yugto ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program. Ang programa ay may badyet na $35 bilyon (mahigit P2 trilyon).

 

 

“Hindi ito one-shot deal; ito ay isang tuluy-tuloy na programa upang tasahin at paunlarin ang ating mga kakayahan sa cyber, command and control, at land, sea, at air operations,” sabi ni Trinidad.

 

 

Nauna nang kinumpirma ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga update sa Horizon 3. Isang kontrata noong 2021 sa Hyundai Heavy Industries ang naglaan ng P28 bilyon para sa dalawang modernong corvette, na nagpapakita ng progreso sa programa.

 

 

Ang pagpapalakas ng Navy ay nagmumula sa gitna ng patuloy na tensyon sa South China Sea, kung saan nagpapatuloy ang mga agresibong aksyon ng China, kabilang ang mga pag-atake ng water cannon at mga banggaan ng barko, sa kabila ng desisyon ng 2016 Hague tribunal na pabor sa Pilipinas.

 

 

Sa kabila ng mga hamon na ito, sinabi ni Trinidad na mananatili ang Navy ng mga patrol sa WPS nang hindi tumutugon sa mga provokasyon ng China.

 

 

Samantala, nanawagan naman si Pangulong Marcos sa mga graduate na isakatuparan ang kanilang mandato na may kahusayan. ( Daris Jose)

Mapayapang BARMM polls, susi sa Mindanao Peace Process- PBBM

Posted on: December 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG -DIIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan para sa mapayapang pagdaraos ng halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na taon.

 

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos, ang electoral process ang susi para sa kapayapaan sa Mindanao.

 

 

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang naging pagdalo sa 2nd Joint National Peace and Order Council (NPOC)-Regional Peace and Order Councils (RPOCs) meeting for 2024 sa Camp Crame sa Quezon City, araw ng Huwebes.

 

 

Sa naturang pulong, muling inulit ni Pangulong Marcos ang pangangailangan sa pagsunod sa non-escalatory approaches sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi magpapadala ang Pilipinas ng Navy warships sa WPS sa kabila ng kamakailan lamang na pang ha-harass ng Tsina.

 

 

Binigyang diin din nito ang hakbang ng bansa na ituloy ang resupply mission at protektahan ang territorial rights nito.

 

 

Sinabi pa rin niya na ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagtataguyod sa mapayapang resolusyon sa regional issue.

 

 

Samantala, muling inorganisa ng Executive Order (EO) No. 773, s. 2009 ang NPOC para pangasiwaan ang ‘integrated peace and order efforts’ ng pamahalaan at magbigay ng forum para sa isang interdisciplinary dialogue para tugunan ang mga isyu na nakaaapekto sa kapayapaan at kaayusan.

 

 

Ang RPOC, sa kabilang dako, inorganisa sa pamamagitan ng EO No. 773 para irekumenda ang mga hakbang para paghusayin o ayusin ang peace and order at public safety initiatives at i-orchestrate ang internal security efforts ng ‘civil authorities, military, at kapulisan.‘ ( Daris Jose)

VP Sara, hinamon ang Kongreso na silioin ang confi funds ni PBBM

Posted on: December 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na silipin at imbestigahan ang Office of the President (OP) kung saan natuklasan ng Commission on Audit (COA) na top confidential at intelligence fund spender para sa 2023.

 

 

 

Sinabi ni VP Sara na hindi dapat sini-single out ng mga kongresista ang Office of the Vice President (OVP) kung nais talaga ng mga ito na magpasa ng batas ukol sa paggamit ng confidential funds.

 

 

“If you are in aid of legislation and want to legislate about confidential funds, you do not target one office and terrorize and torment the employees of that office. What you do is you do a sampling, a random sampling of the offices who have confidential funds,” ayon kay VP Sara.

 

 

“Why not call the Office of the President who has billions and billions of confidential funds if you want to legislate about the confidential funds? So that shows that they’re singling out the Office of the Vice President. And I really feel that it’s very disrespectful to the Office of the Vice President,” dagdag na wika nito.

 

 

Napaulat kasi na base sa COA Annual Financial Report, ang OP sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nananatiling nasa pinakamataas na halaga ng confi funds, nananatiling pareho ang antas noong nakaraang taon.

 

 

Gumastos ang OP ng P2.25 billion para sa confidential funds at P2.31 billion naman para sa intelligence funds, kapuwa noong 2023, may kabuuang P4.56 billion.

 

 

Para sa mga mambabatas, binigyang katarungan nito ang trabaho at obligasyon ng Pangulo, bilang commander-in-chief ng Armed Forces of the Philippines, na tugunan ang mga alalahanin sa national security.

 

 

Bilang tugon sa mga natuklasang iregularidad sa paggamit ng confidential at intelligence fund ng Office of the Vice President at DEPED sa ilalim ni VP Sara, isang panukalang batas na maghihigpit sa paggamit at pag-audit ng confidential at intelligence fund ang inihain sa Kamara.

 

 

Pinangunahan ng House Blue Ribbon Committee ang paghahain ng House Bill 11192 o Confidential and Intelligence Funds Utilization and Accountability Act

 

 

Tutugunan anila nito ang kakulangan sa Joint Circular 2015-01 patungkol sa guidelines ng paggamit at liquidation ng confidential funds partikular ang mga isinusumiteng dokumento sa pinaggamitan nito.

 

 

Sa ilalim ng panukala tanging mga ahensya ng pamahalaan na may kinalaman at mandato sa national security, peace and order at intelligence gathering ang maaaring paglaanan ng CIF.

 

 

Ang halaga ng CIF ay hindi dapat hihigit sa 10 percent ng kabuuan nitong annual budget, maluban na lang kung papahintulutan ng batas.

 

 

Hindi maaari gamitin ang CIF sa operational expenses ng ahensya maliban na lang kung ito ay may kagunayan sa peace and order o intelligence gathering.

 

 

Lahat ng national agencies, local government units at government corporations ay aatasan na isumite ang report sa paggamit ng CIF sa COA para sa pagsusuri.

 

 

Ang summary ng pinaggamitan at halaga ng ginamit na pondo ay isasapubliko sa paraan na hindi makakasama sa national security o law enforcement operations.

 

 

Nakasaad din sa panukala na oras na isyuhan ito ng COA ng notice of disallowance ay mawawla ang confidentiality status at agad na ide-declassify.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni VP Sara na hindi naman niya iniiwasan ang anumang tanong hinggil sa paggamit ng confidential fund ng kanyang tanggapan, subalit inamin nito na hindi lamang aniya siya sumasagot sa mga tanong dahil sa kadahilanang ang topic ay “pertains to national security and the lives of the people involved in intelligence operations.”

 

 

“In fact, two quarters of the Department of Education are already cleared by the Commission and Audit, but it is still being questioned inside the committee in the House of Representatives. So that is the reason why I am not answering questions from the House of Representatives, plus the fact that, as I said, it is an attack. It is a political attack,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, nanawagan din si VP Sara sa mga miyembro ng Kongreso sa pangunguna ni Speaker Martin Romualdez, pinsan ni Pangulong Marcos na igalang ang OVP.

 

 

“Respect begets respect. So if they want respect, they should first respect the Office of the Vice President. That is what I was saying if they don’t like me, they don’t like my version, they don’t like Sara Duterte, but they have to respect the Office of the Vice President. So if they want to investigate confidential funds, they don’t single out one office,” aniya pa rin.

 

 

Si VP Sara ay kasalukuyang nahaharap ngayon sa dalawang impeachment complaints sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

Ang una rito ay isinumite ng advocacy groups na may kaugnayan sa di umano’y korapsyon, bribery, betrayal of public trust, at iba pang high crimes.’ Ang nasabing reklamo ay inendorso ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña.

 

 

Ang pangalawang impeachment complaint ay inihain naman ng mahigit sa 70 kinatawan mula sa iba’t ibang sektor, naka-angkla ang di umano’y betrayal of public trust na may koneksyon sa maling paggamit ng confidential funds. Inendorso naman ito ng progresibong Makabayan bloc. ( Daris Jose)

$900,000 project ng ADB, layon na tapyasan ang unpaid care work

Posted on: December 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAKAKAHINGA na ng maluwag ang mga kababaihang Filipina mula sa pasanin ng unpaid care work matapos aprubahan ng Manila-based Asian Development Bank (ADB) ang $900,000 technical assistance project para isulong ang de-kalidad at affordable childcare sa iba’t ibang lugar sa Asya at Pasipiko.

 

 

Ang proyekto, “Promoting Sustainable Investments in Quality and Affordable Childcare in Asia and the Pacific,” nakatuon sa apat na developing na bansa/ lugar sa rehiyon, kabilang na ang Pilipinas, Cook Islands, Kyrgyz Republic, at Vanuatu.

 

 

“Approved on Dec. 6, the initiative will focus on developing policies, improving childcare services, and building capacity to enhance access to affordable childcare for children aged 0-6 years,” ayon sa ADB.

 

 

“This will be the first regional technical assistance (TA) of the ADB focused on formal childcare provision,” ang sinabi pa rin ng ADB.

 

 

idinagdag pa nito na ang nasabing tulong “will provide research, policy dialogue, and capacity building to support the introduction and scaling up of quality, affordable, and accessible childcare for children aged 0-6 across Asia and the Pacific, and to accelerate socioeconomic and educational benefits for caregivers and children.”

 

 

Binigyang diin ng ADB na ang pagpapalawak sa childcare provision ay nakahanay sa Strategy 2030 at ng United Nations’ Sustainable Development Goals ng regional bank partikular na sa 4 at 5.

 

 

Noong Dec. 9, inaprubahan din ng ADB ang $1.5 million (P88.45 million) technical assistance special fund para palakasin ang partnership nito sa gobyerno ng Pilipinas.

 

 

Layon ng partnership na ito na palakasin ang ‘climate resilience, connectivity, at inclusive growth’ sa pamamagitan ng ‘strategic policy advice, institutional building, at innovative business development’ sa mga umuusbong na mga lugar.

 

 

Ayon sa ADB, ang technical assistance ay base sa six-year Country Partnership Strategy (CPS) ng multilateral lender para sa Pilipinas at inaasahan na susuportahan ang gobyerno sa pagpapatupad ng CPS priorities.

 

 

Samantala, ang National Economic & Development Authority (NEDA), bilang pangunahing ahensiya, ipaprayoridad ang pagtugon sa natitirang kahirapan, pagbabawas ng hindi pagkakapantay-pantay, pagpapabilis ng pag-unlad sa gender equality, pagharap sa climate change, pagtatayo ng climate at disaster resilience, pagpapahusay sa environmental sustainability, at pagpapalakas sa pamamahala at ‘institutional capacity.’ (Daris Jose)

Inatasan ang DBM na maglabas ng pondo

Posted on: December 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa mga kababayan natin na apektado ng pagsabog ng Bulkang Mayon ang tulong at suporta ng gobyerno sa kanila.

 

 

 

Pinasisiguro din ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Budget and Management (DBM) ang kakailanganing budget para sa pagpapatuloy ng pagtugon ng pamahalaan sa pinakahuling aktibidad ng Bulkang Kanlaon.

 

 

Sa inilabas na mensahe ng Pangulo, tiniyak nito na una nang naka-handa na ang food packs at iba pang non food items na kakailanganin ng mga apektado ng bulkan.

 

 

Nakabantay din ang Department of Health (DOH), sa mga sakit na maaaring idulot ng volcanic ash sa mga dadapuan o makalalanghap nito.

 

 

Ang NDRRMC at Task Force Kanlaon, mahigpit na ang ginagawang pagbabanatay sa pinakahuling aktibidad ng bulkan, upang mapaghandaan ang pinaka-huling pangyayari.

 

 

Pagsisiguro ng pangulo, naka-high alert na ang lahat ng unitng AFP, PNP, at Bureau of Fire Protection sa buong isla ng Negros, at sila ang unang tutugon sa anumang pangangailangan. (Daris Jose)

 

PBBM, aprubado ang pagkakaloob ng SRI sa mga govt employees, 20k makukuha

Posted on: December 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaloob ng Service Recognition Incentive (SRI) sa mga kuwalipikadong government personnel para sa fiscal year 2024, kabilang na rito ang mga guro at military at uniformed personnel.

 

 

Ang bawat isa ay makatatanggap ng P20,000.

 

 

Sa ilalim ng administrative order (AO) 27 na tinintahan ni Pangulong Marcos, ang one-time SRI ay ipagkakaloob sa civilian personnel sa national government agencies (NGAs); military at police personnel; fire at jail personnel sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government; at mga tauhan ng Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority.

 

 

Ang mga eligible government employees ay magsisimulang makatatanggap ng SRI sa Disyembre 15.

 

 

Sa kabilang dako, sa ipinalabas na kalatas ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, pinuri nito si Pangulong Marcos para sa pagbibigay pahintulot sa pagpapalabas ng SRI sa lahat ng government employees para sa fiscal year 2024.

 

 

Inihatid naman ni Pangandaman ang “good news” na ito sa mga public school teachers, at maging sa military at uniformed personnel, makatatanggap ng P20,000 halaga ng SRI para palakasin ang kanilang morale. Para naman sa natitirang government employees, ang SRI ay nasa uniform rate at hindi lalagpas sa P20,000.

 

 

Ang SRI ay ipagkakaloob sa civilian personnel sa NGAs, kabilang na iyong naasa state universities and colleges (SUCs) at government-owned and -controlled corporations, nanunungkulan bilang isang regular, contractual o nasa casual position.’

 

 

Ang insentibo ay ibibigay naman sa mga nakakompleto ng 4 na buwan ng satisfactory government service ‘as of Nov. 30, 2024,’ at patuloy na nagta-trabaho sa gobyerno.

 

 

“Those who have rendered less than four months of satisfactory service as of Nov. 30, 2024 will be entitled to a pro-rated SRI,” ayon sa Kalihim.

 

 

Ang mga empleyado ng senado, Mababang Kapulungan ng Kongreso, Hudikatura, Tanggapan ng Ombudsman, at constitutional offices ay maaaring mapagkalooban din ng one-time SRI ng kani-kanilang office heads na nasa uniform rate at hindi lalagpas sa P20,000, huhugutin mula sa available Personnel Services (PS) allotment ng kani-kanilang ahensiya.

 

 

Ang SRI ay maaari ring ipagkaloob sa mga empleyado ng local government units (LGUs), kabilang na iyong mga nasa barangay, depende sa financial capability ng LGUs.

 

 

Sa kabilang dako, ayon sa AO 27, ang local water districts ay maaari ring magbigay ng insentibo sa kanilang mga empleyado sa uniform rate na idedetermina ng kanilang boards of directors.

 

 

Ang SRI ay isang insenstibo na ipinagkakaloob sa mga government workers, bilang pagkilala sa kanilang matibay na commitment at dedikasyon para patuloy na makapagbigay ng epektibo at episyenteng public service sa kabila ng mga hamon dulot ng iba’t ibang domestic at external factors.

 

 

 

“Employees engaged without employer-employee relationship, and whose compensation are funded from non-PS appropriations are excluded from the grant of SRI,” ayon kay Pangandaman sabay sabing “These include consultants and experts engaged for a limited period to perform specific activities or services with expected outputs; laborers engaged through job contracts and paid on piecework basis; student workers and apprentices; and individuals engaged through job orders, contracts of service and other similar arrangements.”

 

 

 

Ang kopya ng AO 27, ay isinapubliko araw, Biyernes, kagyat na magiging epektibo sa oras na mailathala sa Official Gazette o pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)