• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 17th, 2024

Dahil aligaga sa promo ng ’Topakk’ ni Arjo: SYLVIA, sa bisperas na ng Pasko makikita ang apo kina RIA at ZANJOE

Posted on: December 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA December 24 na raw makakasama ni Sylvia Sanchez ang kanyang apo kay Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

 

 

Dahil aligaga si Sylvia sa promo at advance screening ng 2024 MMFF official entry ng Nathan Studios na ‘Topakk’ kaya hanggang Facetime lang daw muna sila ng kanyang apo.

 

 

“May sariling bahay kasi sina Ria at Zanjoe kaya puro facetime muna kami ng apo ko. Hindi ko sila mabisita ngayon dahil sa schedules ng Topakk.

 

 

“Pero for sure sa Noche Buena, makakasama ko na ang apo ko. Pahinga ako sa pagluto dahil mag-Noche Buena kami sa bahay ng father-in-law ko. Yun na ang free time ko with my apo,” sey ni Sylvia.

 

Pagpasok ng 2025, may nakahanda na raw na bagong film project ang Nathan Studios na ipapasok din nila sa MMFF.

 

***

 

MAY dalawang bagong Kapuso singers agad ang GMA-7 dahil sa back-to-back finals ng ‘The Clash’ at ‘The Voice Kids PH’ noong nakaraang weekend.

 

Ang Soulful Gen Z ng Las Piñas na si Naya Ambi anh hinirang na grand champion ng ‘The Clash 2024’. Naging winning song niya ay “I’ll Be There” ni Mariah Carey. Kinabog niya sa finale si Chloe Redondo ng Laguna.

 

Si Nevin Adam Garceniego ng Quezon City ang magwagi sa ‘The Voice Kids’. Si Nevin ay galing sa team ni SB19 Pablo na Tropa Ni Pablo.

 

Naging winning song ni Nevin ay “May Bukas Pa” ni Rico J. Puno. Tinalo niya ang mga kalaban na sina Mark Anthony “Makmak” Punay, Jan Hebron Ecal, at Wincess Jem Yana.

 

Bilang champions, nakatanggap sina Nami at Nevin ng tig-one million pesos in cash, recording and management contract at brand new house and lot from Vistaland.

 

***

 

MULING naghakot ng awards sa katatapos lamang na 2024 Billboard Music Awards (BBMAs) si Taylor Swift.

 

Nauwi ni Taylor ang 10 BBMAs including Top Artist, Top Female Artist, at Top Billboard 200 Album for The Tortured Poets Department.

 

Si Taylor na ang most awarded artist ng BBMAs with a total of 49 trophies. Tinalo na niya ang dating may hawak ng record na si Drake.

 

Perfect birthday gift daw ito for Taylor who turned 35 last December 13.

 

“This is like the nicest, early birthday present you could have given me so thank you very much. Thank you to the fans, because Billboard is counting your stuff. They’re counting what you’re listening to, the albums that you’re passionate about. So I count these as fan voted awards, because you guys are the ones who care about our albums and come see us in concert,” sey ni Taylor sa kanyang video message.

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Na-trauma nang bahain ang kuwarto sa basement: ANJO, naramdaman ang sobrang pagmamahal ng mga co-host sa ‘Unang Hirit’

Posted on: December 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

 

MAHIRAP ang obligasyon ng isa sa pinakabago sa ‘Unang Hirit’, ang guwapong weather reporter na si Anjo Pertierra.

 

 

Inatang sa kanyan na maghatid ng lagay ng panahon sa publiko na siyang pinagbabasehan ng karamihan sa mga aktibidades ng bawat isa sa atin.

 

 

Kaya tinanong namin si Anjo kung paano niya nagagawang mas madali o mas simpleng maintindihan ng mga tao ang kanyang weather report?

 

 

“Dati nung nanonood ako ng weather, idol ko po si Man Tani talaga,” pagtukoy ni Anjo sa dating resident weather reporter ng GMA, ang meteorologist na si Nathaniel Cruz.

 

Pagpapatuloy niya, “Pero ang napansin ko kasi dati, yung may mga words na malalim e, mga matalinhaga.

 

“So ngayon ang atake ho namin ngayon yung maiintindihan ng lahat.

 

“So parang… in layman’s term. So mga simpleng salita pero direct to the point. At iyon po yung nilalaman ng reports ng PAGASA, nire-relay lang po namin para po updated yung mga Kapuso natin all these times mas lalo na sa mga pagkakataong kunyari may bagyo…

 

“Kasi hindi po simpleng uulan lang o maaraw ba, iba-iba po iyong epekto ng klima depende po sa lugar dito sa ating bansa.

 

 

“Kasi sa atin, maaari dito sa Metro Manila ulan lang pero sa ibang bahagi ng bansa, mas lalo na po sa extreme Northern Luzon e binabaha na po sila nang sobra.

 

“Kaya iyon po, ang ginagawa namin in layman’s term, direct to the point para po madaling ma-adapt or maintindihan ng tao.”

 

Speaking of bagyo, isa si Anjo sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Carina; lumubog sa tubig-baha ang buong kuwarto niya na nasa basement.

 

Kumusta na ang kuwarto niya?

 

“Lumipat na po ako kasi na-trauma po ako,” bulalas ni Anjo.

 

“Ang nangyari dun napuno yung kuwarto ko po pa-basement so pababa.

 

“So imagine-in niyo po napuno siya hanggang ceiling. So nandun lahat ng damit ko, pampasok, lahat, sapatos, gamit, lahat kasi nandun, kama.”

 

Pero sa kabila noon, kinabukasan ay pumasok pa rin daw siya sa ‘Unang Hirit.’

 

“Binigyan ako ng damit ni Sir Ivan, binigyan ako ng assistance ni mommy Su, ni Igan, ng production pong Unang Hirit, binigyan po ako ng pambili ng brief ni Shaira tsaka ni EA.

 

“As in lahat po [nagbigay].

 

“Doon ko po naramdaman na sobrang mahal po nila ako kasi sa simpleng mga bagay naramdaman ko po na may kasama po ako at may katuwang po ako sa hirap at ginhawa ng buhay.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Simula sa Rizal Day, December 30: Digitally restored and remastered na ‘Jose Rizal’, mapapanood na sa Netflix PH

Posted on: December 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ANG “Jose Rizal,” ang makasaysayang pelikula noong 1998 na ginawa ng GMA Pictures, ay digitally restored and remastered para sa isang bagong henerasyon ng mga manonood.

 

 

Mapapanood na ang cinematic masterpiece sa Netflix Philippines simula sa Rizal Day, December 30.

 

 

Ang klasikong pelikula noong 1998, na pinamunuan ng yumaong direktor na si Marilou Diaz-Abaya at isinulat nina Ricky Lee, Jun Lana at Peter Ong Lim, ay isang tatlong oras na epiko na sumasalamin sa buhay at pakikibaka ng pambansang bayani na si Jose Rizal. Ginagampanan ni Cesar Montano ang title role.

 

 

Ang “Jose Rizal” ay ang pinaka-pinarangalang pelikula noong 1998 Metro Manila Film Festival (MMFF), na nanalo ng 17 sa 18 parangal noong taong iyon, kabilang ang Best Picture, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Actor, at Best Director.

 

Dalawampu’t anim na taon mula noong una itong pinalabas sa mga screen ng pelikula, ang digitally remastered version ng “Jose Rizal” ay muling nakaakit sa mga manonood nang ito ay mag-premiere sa 2024 Cinemalaya Independent Film Festival.

 

Ang restoration ng “Jose Rizal” ay ginawa ng Central Digital Lab at GMA Post Production na bahagi ng pagpupugay ng GMA Pictures sa Philippine cinema.

 

Sa pagdadala rin ng pelikula sa Netflix Philippines, mas maraming manonood ang makakapanood at makaka-access sa cinematic masterpiece sa pamamagitan ng sikat na streaming platform.

 

Panoorin ang “Jose Rizal” at maging inspirasyon sa pamana ng pambansang bayani ng Pilipinas. Available na ito sa Netflix Philippines sa Rizal Day, December 30.

 

***
SIYAM na pelikula—mula sa maaksyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang binigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa linggong ito.

 

 

Ang epic, “The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim,” isang prequel sa mga nangyari sa trilogy na “The Lord of the Rings,” ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

 

 

Rated PG din ang mga animated movies na “Bocchi The Rock! Recap Part 2” at “Daft Punk & Leiji Matsumoto: Interstella 5555.”

 

 

Kaparehong PG din ang horror-comedy na “Betting With Ghost,” mula Vietnam; “Christmas with The Chosen Holy Night,” at ang mga concert films mula South Korea na “Seventeen Right Here World Tour” at “NCT Dream Mystery Lab: Dream Scape.”

 

 

Sa PG, kailangang kasama ng edad 12 at pababa ang mga magulang o nakakatanda sa sinehan.

 

 

Ang “Kraven The Hunter” at “Dirty Angels” ay parehong rated R-16–mga edad 16 at pataas ang puwede lamang makapanood.

 

 

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mahalagang tungkulin ng mga magulang sa paggabay sa mga bata habang nanonood.

 

 

“Habang mahigpit na tinitiyak ng MTRCB na ang lahat ng pelikula ay may angkop na klasipikasyon, esensyal din na maging aktibo ang bawat magulang at guardian sa paggabay sa mga bata pagdating sa pagpili ng angkop na palabas,” sabi ni Sotto-Antonio.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Experience Disney’s Mufasa: The Lion King, a visual and musical spectacle, see it in IMAX or 4DX for the ultimate adventure!

Posted on: December 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

THE countdown is on! In just a week, Disney transports audiences back to the iconic Pride Lands with Mufasa: The Lion King. This untold story unveils the humble beginnings of one of Disney’s most beloved characters, tracing his path to becoming the revered king. It’s a tale of perseverance, self-discovery, and legacy—perfect for the holiday season.

 

 

 

Mufasa: The Lion King is a groundbreaking cinematic achievement, merging live-action techniques with photorealistic computer-generated imagery. From sweeping African savannahs to intimate, dramatic moments, the film reimagines the Pride Lands with unparalleled visual detail.

 

 

 

Crafted by the industry-leading Moving Picture Company, the movie is the result of four years of dedication by hundreds of artists across three continents. Directed by Academy Award winner Barry Jenkins (Moonlight), the film employed digital virtual reality tools to meticulously plan its visuals. The result? A feast for the senses, where every frame pulsates with life.

 

 

For the ultimate viewing experience, Mufasa: The Lion King is best enjoyed in IMAX or 4DX. The grandeur of the Pride Lands and the film’s intricate details make these formats the perfect way to immerse yourself in Mufasa’s journey.

 

 

The film’s heart beats not just with its visuals but also with its unforgettable soundtrack, composed by none other than Lin-Manuel Miranda (Encanto, Hamilton). The multi-award-winning composer injects emotional depth into the narrative with his remarkable music.

 

 

“When I read the screenplay, I felt like the places where the songs needed to happen really just popped out,” he shared. “In fact, [for] at least a few of the songs, the titles of the songs I ended up writing were originally lines of dialogue in the screenplay. ‘I always wanted a brother’—there’s a line of dialogue—and I built the whole song around that title.”

 

 

Don’t miss this season’s most anticipated cinematic event. Mufasa: The Lion King opens nationwide on December 18, exclusively in theaters. Share this captivating adventure with your loved ones and witness the story behind the lion who started it all.

 

 

Pro tip: Upgrade your viewing experience by catching it in IMAX or 4DX for a jaw-dropping journey into the Pride Lands.

 

 

Follow Disney Philippines for Updates in Facebook: @WaltDisneyStudiosPH, Instagram: @disneystudiosph, X: @disneystudiosph #MufasaPH | #TheLionKing

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads December 17, 2024

Posted on: December 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Lahat ng POGO dapat sarado na ngayong Disyembre – PAOCC

Posted on: December 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TITIYAKIN ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na sarado na ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa hanggang katapusan ng ­Disyembre 2024 matapos bawiin na ang lisensiya ng mga natitira pang POGO nitong Linggo, Disyembre 15.

 

 

 

Sinabi ni PAOCC ­executive director Gilbert Cruz, na batay sa record ng PAGCOR, nasa 20 na lamang ang POGO kaya maipasasara ito hanggang sa katapusan ng buwan.

 

 

Masasabing simula Enero 2025 wala nang POGO o anumang mga internet gambling licensee at maging ang mga nagsasabi na business process outsourcing.

 

 

Dagdag pa ni Cruz, na magsasagawa sila ng inspeksiyon sa mga POGO upang malaman kung sumusunod ang mga ito sa total ban.

 

“Next week, mag-iinspeksyon na kami nung mga sinabing nagsara… Syempre ayaw namin nung baka maisahan kami, sinabi nila nagsara sila pero hindi naman talaga nagsara,” ani Cruz. (Daris Jose)

Pagbisita ng mga magulang at anak ni Mary Jane Veloso sa Indonesia, naudlot

Posted on: December 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang naudlot ang pagbisita sana ng pamilya ng Filipina death row convict na si Mary Jane Veloso sa Indonesia matapos makansela ang kanilang dapat sana’y biyahe patungo sa nasabing bansa para makita at mabisita si Mary Jane.

 

 

“Kami, mga magulang at anak ni Mary Jane ay nanghihinayang na hindi kami matutuloy sa pagbisita kay Mary Jane dahil napaghandaan po namin ito at nasasabik namin siyang makasama makalipas ng isang taon mula ng huli naming bisita sa kanya,” ang nakasaad sa isang kalatas.

 

Nakansela ang December 16 hanggang 18 trip na byahe sana ng pamilya Veloso sa Yogyakarta matapos na ipaalam sa kanila na nakatakdang ilipat si Mary Jane sa Jakarta.

 

“Ayon sa DFA, ngayong araw nakatakda ang pag-biyahe ni Mary Jane papuntang Jakarta para simulan ang proseso ng kanyang pag transfer sa Pilipinas, alinsunod sa utos ng Indonesian Ministry for Law, Human Rights, Immigration and Corrections,” ang sinabi nina Celia at Cesar Veloso.

 

Sinabi ng pamilya Veloso na walang pagsidlan ang kanilang kasiyahan na makauuwi na ng Pilipinas si Mary Jane kahit pa walang depinidong petsa ng kanyang pagdating.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Indonesian Minister for Human Rights and Corrections Yusril Ihza Mahendra na nais ni Indonesian President Prabowo Subianto na makabalik ng Pilipinas si Veloso bago sumapit ang Pasko.

 

Sa ulat, pino-proseso na kasi ang pagbabalik sa Pilipinas ni Mary Jane bago mag-Pasko.

 

“It’s wonderful right? This was already discussed for more than 10 years, finally we can settle this method only around two months. President Prabowo is very fast to take decision,” ayon kay Mahendra.

 

Ang 39 taong gulang na si Veloso si inaresto at hinatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa pagdadala ng ilegal na droga sa naturang bansa noong 2010.

 

Pinasalamatan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Indonesian President Prabowo Subianto, at ang Indonesian government sa kanilang kabutihang-loob, at pagpapamalas ng dalawang bansa ng pagtutulungan sa usapin ng hustisya at pagmamalasakit dahil makauuwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso.

 

Bagama’t maililipat na sa Philippine custody si Veloso, mananatili naman ang naging hatol sa kanya ng Indonesian court.

 

Samantala, igagalang Indonesian government ang anumang desisyon ng administrasyong Marcos sa situwasyon ni Veloso kabilang na ang pagkakaloob ng clemency. (Daris Jose)

Suspensyon ng Abra gov, vice gov, binigyang katuwiran ni ES Bersamin

Posted on: December 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG KATUWIRAN ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang suspensyon laban kina Abra Governor Dominic Valera at kanyang anak na si Vice Governor Maria Jocelyn Valera-Bernos, sabay sabing ang kautusan ay alinsunod sa umiiral na batas at hindi isang arbitrary decisions.

 

 

Ang pahayag na ito ni Bersamin ay matapos na ihayag ng pamilya Valera ang apela kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makialam sa nagpapatuloy ‘political rift’ sa Abra.

 

“I am not personally aware of the appeal to the President. If there is one, the Valeras should accept that there is a process ongoing and they have been suspended in accordance with pre-existing (not whimsical) rules,”ayon kay Bersamin.

 

Inilagay ng Malakanyang si Valera sa ilalim ng preventive suspension sa loob ng 60 araw dahil sa paglabag sa Local Government Code.

 

Nag-ugat ang desisyon mula sa reklamo na inihain noong nakaraang taon laban sa mag-am ang Valera at kanyang anak na si Febes Palcon, asawa ni Bucay town councilor Juan Palcon, na pumanaw dahil sa sakit noong 2023.

 

Sinabi ni Palcon na ang mag-amang Valera ay lumabag sa Local Government Code nang maglagay ang mga ito ng iba pang tao para palitan ang kanyang asawa, ‘when the law provides that the party of the deceased member should name a replacement.’

 

Samantala, sinuspinde si Bernos ng 18 buwan matapos na matuklasan na guilty ng “oppression, abuse of authority, conduct unbecoming of a public official, and disobedience to government policies’ na may kaugnayan sa pagpapatupad community lockdown na nakaapekto sa hospital services sa panahon ng pandemya noong 2020.

 

Habang pinabulaanan ng mag -ama ang akusasyon laban sa kanila, sinabi ni Bersamin na ang preventive suspension ay alinsunod sa legal procedures na dinisenyo para pigilan ang gobernador mula sa pag-impluwensiya sa mga testigo sa panahon ng nagpapatuloy na imbestigasyon.

 

“The vice governor earlier resorted to judicial remedy, but her resort failed because of her own blunder,” ang sinabi ni Bersamin.

 

“It is time for the Valeras to man up. They have been unchecked for a long time because of their money and illegal use of influence. Now is the time for justice to be meted [out] in favor of the people they have aggrieved for a long time. Accountability is at last staring them in the face.”aniya pa rin. (Daris Jose)

Pagpapalawak ng murang bigas, pinuri ni Tiangco

Posted on: December 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang Department of Agriculture (DA) sa pagpapalawak nito ng Rice-for-All program at pagpapatupad ng mas murang bigas sa panahon ng bakasyon.

 

 

“Sakto sa Kapaskuhan ang pagpapalawak ng implementation ng Rice-for-All Program. Mabibili na sa mas marami pang public markets, pati na train stations, ang P40 kada kilo na bigas kaya maiibsan din nito ang mga gastusin ng ating mga kababayan,” aniya.

 

Sinabi ni Tiangco na ang programa ay umaayon sa pangako ng administrasyon na labanan ang inflation at ibaba ang presyo ng mga bilihin.

 

 

“The President’s marching orders have always been clear – we must take every step possible to keep prices down and help Filipinos deal with inflation. Itong karagdagang areas na mag-ooffer ng murang bigas ay patunay na seryoso si President Bongbong sa pagtupad sa kanyang commitment sa ating mga kababayan,” pahayag ni Tiangco.

 

“I’m confident this program will continue to expand, given the President’s clear directive to explore all avenues to lower the prices of food staples. Kahit papa’no, mas masaya ang Pasko kung mas magaan sa bulsa ang mga bilihin tulad ng bigas,” dagdag niya.

 

 

Ayon sa DA, ang bigas na nasa ₱40 kada kilo sa ilalim ng programa ay available na sa Maypajo Public Market (Caloocan City), Murphy Market and Cloverleaf Balintawak (Quezon City), La Huerta Market (Parañaque City), at Trabajo Market (Sampaloc, Maynila).

 

Ang programang Rice-for-All ay accessible din sa LRT Recto Station at sa mga istasyon ng MRT sa Ayala, North Avenue, at Cubao. (Richard Mesa)

Valenzuela, nakuha ang 1st Place sa 2024 National Literacy Awards

Posted on: December 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-UWI ang Lungsod ng Valenzuela ng isa pang major award at tinanghal na Gawad Liyab 1st Placer para sa Outstanding Local Government Unit – Highly Urbanized/Independent Component City Category sa 2024 National Literacy Awards ng Department of Education sa pamamagitan ng Literacy Coordinating Council (LCC) sa Mandaue City Cebu.

 

 

Kinilala ang pambihirang paghahatid nito ng kalidad at inklusibong edukasyon para isulong ang literacy sa pamamagitan ng award-winning na Education 360 Degrees Investment Program, nasungkit ng Valenzuela ang 1st Place sa National Literacy Awards (NLA) ngayong taon.

 

 

Ang Gawad Liyab ay isa sa mga kategorya ng NLA na ibinibigay sa mga LGU at NGO na nagpatupad ng mga programa, patakaran, at proyekto ng literasiya na nagpabuti ng kalidad ng buhay sa mga komunidad.

 

Ayon sa LCC, sinasagisag ng Liyab ang maalab nitong hangarin na makamit ang layunin nitong gawing pangkalahatan ang literasiya sa konseho sa suporta ng mga stakeholder at mga kasosyo.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Mayor WES Gatchalian ang kanyang kaligayahan sa pagkakamit ng tatlong pangunahing parangal ngayong taon.

 

“Ako na ho ata ang pinakamasayang Mayor sa buong Pilipinas dahil tayo ay nagkamit ng tripleng panalo para sa Pamilyang Valenzuelano.” Aniya.

 

“Iisa lamang ho ang ating layunin, at ito ang magbigay ng dekalidad na edukasyon at serbisyo sa bawat Valenzuelano–isang misyon na sinimulan ni Senator WIN dalawang dekada na ang nakakaraan, na isinulong ni Secretary REX, at ngayon ay patuloy nating pinagtitibay.” dagdag niya.

 

Nagkamit din ang Valenzuela City ng espesyal na parangal bilang Outstanding Financial Literacy Program mula sa Cebuana Lhuillier Foundation sa parehong kategorya.

 

Ang National Literacy Awards ay isang biennial search para sa mga namumukod-tanging LGU at NGo na naghahatid ng pinakamahuhusay na kasanayan sa literacy na tumutulong sa pag-alis ng kahirapan, pagbibigay ng mga pagkakataon sa kabuhayan, pagtugon sa mga pangangailangan sa welfare, pagtataguyod ng kalayaan, at gawing accessible para sa lahat ang mga pasilidad sa edukasyon. (Richard Mesa)