• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Headlines’ Category

Fingerprints nina Alice Guo, Guo Hua Ping pareho – NBI

Posted on: June 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“WALANG sikretong hindi nabubunyag!”

 

 

Ito ang sinabi ni Sen. Risa Hontiveros matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation (NBI) na magkatugma ang fingerprints nina Mayor Alice Guo at Guo Hua Ping.

 

 

“Ibig sabihin, they are the fingerprints of one & the same person,” ani Hontiveros.

 

 

Kumpirmado na aniya na isang pekeng Pilipino si Guo.

 

 

“Kinukumpirma nito ang pinaghihinalaan ko sa lahat ng panahon. Pekeng Pilipino si “Mayor Alice” — or should I say, Guo Hua Ping. Siya ay isang Chinese national na nagbabalatkayo bilang Filipino citizen para mapadali ang mga krimen na ginagawa ng POGO,” ani Hontiveros.

 

 

Napakalaking insulto aniya ito sa mga botante ng Bamban, sa mga institusyon ng gobyerno, at sa bawat mamamayang Pilipino.

 

 

Ito na aniya ang pinakamabigat na ebidensya para palayasin na sa pwesto si Guo.

 

 

“Salamat sa NBI sa pamumuno ni Dir. Jaime Santiago sa mabilis nilang pagkilos. Nananawagan ako sa Opisina ng Solicitor General na bilisan ang pagsasampa nito ng quo warranto case laban sa kanya. Dapat mapanagot siya sa lahat ng krimen na ginawa niya at ng kanyang POGO hub,” ani Hontiveros.

 

 

“Ang paghahayag na ito ay hindi ang wakas. Guo Hua Ping, sa lalong madaling panahon, malalaman namin ang buong lawak ng iyong panlilinlang. Magpapatuloy ang aming imbestigasyon sa Senado. Maghuhukay tayo ng mas malalim at hahanapin ang mga sistematikong ugat ng ating problema sa POGO,” dagdag ni Hontiveros. (Daris Jose)

Toll fee sa Cavitex libre buong Hulyo –PBBM

Posted on: June 24th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG buwan na libreng toll fee ang alok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga moto­rista na dadaan sa Cavitex simula sa Hulyo.

 

 

Ginawa ng Pangulo ang anunsiyo sa groundbreaking ng Cavitex-Calax link at Cavitex C5 Link Segment 3B at inagurasyon ng pagbubukas ng Cavitex C5 link Sucat interchange.

 

 

Ito ay matapos irekomenda ng Philippine Reclamation Authority na nagsisilbing operator ng Cavitex na gawing libre ang paggamit sa kalsada.

 

 

Iiral ang toll holiday sa buong buwan ng Hulyo sa lahat ng klase ng sasakyan.

 

 

“This is especially so after receiving the good news that the PRA or the Philippine Reclamation Authority, as operator of the CAVITEX, proposed to suspend the collection of toll fees for all types of vehicles passing through the Manila-Cavite Toll Expressway in Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor, and Kawit for thirty days. This will introduce our new roads, expressways to those who are in need of that transport system,” pahayag ni Pangulong Marcos sa groundbreaking ng Cavi­tex-Calax Link, Cavitex C5 Link Segment 3B at inagurasyon ng Cavitex C5 Link Sucat Interchange sa Parañaque City.

 

 

Ayon sa Pangulo, bunga ang proyekto ng Private-Public Partnership projects ng PRA, Cavitex Infrastructure Corporation at Metro Pacific Tollways Corporation.

 

 

Tinataya naman na nasa 23,000 motorista ang makikinabang araw-araw sa bagong kalsada. (Daris Jose)

Chinese Coast Guard armado ng itak, sibat, kutsilyo – AFP

Posted on: June 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ARMADO ng itak, sibat, kutsilyo at iba pang mga patalim ang Chinese Coast Guard (CCG) na umatake sa Philippine Navy personnel habang nagsasagawa ng Rotation and Resupply (RoRE) mission sa Ayungin Shoal.

 

 

 

“They fight with their bare hands, despite the absence of weapons to defend themselves lumaban sila (Filipino troops). ‘Yung mga Chinese may mga dala silang bolo, sibat, knives, machete and other bladed weapons,” pagkumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief Gen. Romeo Brawner Jr. sa nangyaring harassment noong Hunyo 17 sa nabanggit na teritoryo.

 

 

 

“With their bare hands, tinutulak nila ang RHIB ng (rigid hull inflatable boats of) Chinese Coast Guard. They were preventing Chinese Coast Guard from hitting them,” ani Brawner.

 

 

Sinabi ni Brawner na hindi basta na lamang hinayaan ng Phl Navy troops ang kanilang mga kagamitan pero may limitasyon din ang mga ito kung saan higit na marami ang kalaban na binangga pa ang kanilang rubber boats.

 

 

 

Nilinaw naman ng AFP chief na ang hangarin ng mga sundalo ay mag-supply lamang ng pagkain at iba pang pangangailangan para sa tropa ng mga sundalo na naka­istasyon sa BRP Sierra Madre at ayaw ng AFP ng giyera.

 

 

Sinabi naman ni AFP-Westcom Chief Rear Admiral Alfonso Torres, sumampa sa Phl vessel ang mga Chinese, kinumpiska ang pitong mahahabang armas na nakatago ng mga sundalo at maging ang kanilang mga personal na cellphone.

 

 

 

‘Di pa nakuntento ay kinuha rin ang dalawang rubber boats na hinila ng mga ito at winasak ang communication equipment, outboard motor saka binutas ang mga rubber boats.

 

 

 

Inihalintulad din ni Brawner sa mga pirata ang Chinese Coast Guard sa illegal na pagkuha at pagwasak sa kagamitan ng mga sundalong Pinoy.

 

 

 

Ang mga nawasak na rubber boats ay nagawa namang marekober sa pagsaklolo ng mga barko ng Philippine Coast Guard. (Daris Jose)

VP Sara, nagbitiw sa posisyon sa DepEd, NTF-ELCAC

Posted on: June 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NAGBITIW na si Vice President Sara Duterte bilang Kalihim ng  Department of Education at vice chairperson ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Ayon kay   Presidential Communications Office (PCO)  Secretary Cheloy Garafil, tinanggap naman ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni VP Sara, epektibo ngayong araw, Hulyo 19.
Sinabi ni Garafil na tumanggi si VP Sara na magbigay ng dahilan kung bakit bumitiw na siya sa gabinete ni Pangulong Marcos.
“She will continue to serve as Vice President. We thank her for her service,” ayon kay Garafil sa mailing kalatas.
Hindi naman nagbigay ang PCO ng kahit na anumang impormasyon ukol sa kung sino ang magiging kapalit ni VP Sara bilang Kalihim ng DepEd.
Si VP Sara ay  naging runningmate ni Pangulong Marcos sa  Eleksyon 2022 sa Ilalim ng  UniTeam. (Daris Jose)

P100 milyong frozen meat, agri-commodities nakumpiska

Posted on: June 17th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG nasa P100 milyong halaga ng frozen meat at agri-commodities ang nasamsam sa isinagawang joint raid ng mga tauhan ng Food Safety Regulatory Agencies ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse na na-covert na cold sto­rage facilities sa Kawit, Cavite, iniulat kahapon.

 

 

 

Ayon sa DA, nadiskubre sa nasabing bodega na inuupahan ng Vigour Global, ang may 10 cold storage facilities mula sa concealed false wall.

 

 

 

Nabatid na matapos sirain ang dingding ng warehouse, tumambad ang iba’t ibang uri ng frozen products gaya ng assorted meatballs, shabu-shabu items, beef and pork, chicken wings, siomai, assorted fish, pork belly, boneless pork, beef at peking ducks.

 

 

“This should serve as a stern warning to unscrupulous traders that we will not stop in going after these illicit activities. We want to ensure that our farmers are not disadvantaged by these unfair and often illegal trade practices,” pahayag ni Agrarian Secretary Francisco Tiu Laurel.

 

 

 

Aabot sa 98,000 kilo ang nasamsam na items at may kasalukuyang market value na P100 million.

 

 

Base sa pagsusuri ng Bureau of Animal Industry at National Meat Inspection Service, hindi ligtas kainin ang mga nakumpiskang frozen food products na malinaw na paglabag sa Republic Act No. 10611, o Food Safety Act of 2013. (Gene Adsuara)

Paglilinaw ng DBM… Pagpapalabas ng performance-based bonus, magpapatuloy

Posted on: June 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALABAS ng paglilinaw ang Department of Budget and Management (DBM) matapos na ipag-utos ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon ng Results-Based Performance  Management System (RBPMS) at Performance-Based Incentive (PBI) System.

 

 

 

Upang bigyang-linaw ang concern na ito na nagmula sa pagpapalabas ng   Executive Order No. 61, sinabi ng DBM na  “release of the 2022 and 2023 performance-based incentives to qualified government workers in the government will proceed.”

 

 

 

Nakasaad kasi sa EO No. 61, suspendido ang implementasyon  ng Administrative Order No. 25 (s. 2011) at  EO No. 80 (s. 2012).

 

 

 

Itinatag naman ng AO No. 25 ang “unified at integrated” RBPMS sa lahat ng departmento at ahensiya sa loob ng  ehekutibong sangay ng gobyerno.

 

 

 

“EO 80 adopted the PBI System —which consisted of a Productivity  Enhancement Incentive (PEI) and the Performance-Based Bonus (PBB) aimed at motivating higher performance, greater accountability in the public sector, and ensuring the accomplishment of government commitments and  targets,” ayon sa DBM.

 

 

 

Sinabi pa ng  DBM na hangad ng  EO No. 60 na rebisahing mabuti ang RBPM at PBI systems ng gobyerno “in order to harmonize, streamline and make the process of releasing personnel incentives more efficient and timely.”

 

 

 

Sa kanyang pinakabagong EO, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang masusing pag-aaral sa  RPB at PBI systems dahil pinaniniwalaang may “duplicative” at “redundant” sa internal at external performance audit at evaluation systems ng government.”

 

 

 

Ang dalawang sistema ay kulang sa review mechanism  “leading to the accumulation of rules, regulations, and issuances from the Inter-Agency Task Force (IATF) on the Harmonization of National Government  Performance Monitoring, Information, and Reporting Systems.”

 

 

 

“Under the EO, possible refinements may be made for the more efficient and streamlined release of the 2023 PBB,” ayon sa DBM.

 

 

 

Idinagdag pa ng  Budget Department na ang budget allocation para sa 2024 PEI ay naipalabas na sa mga ahensiya at dapat lamang na magpatuloy

 

 

 

“Meanwhile, the Fiscal Year 2025 PEI shall also be included in the National Expenditure Program,” ayon sa DBM.

 

 

 

Sinabi pa ng DBM na hangad ni Pangulong Marcos na ireporma ang  government performance evaluation process at incentives system tungo sa mas “responsive, efficient, agile,  at competent bureaucracy sa pamamagitan ng pagpapalabas ng  EO No. 60. (Daris Jose)

Pinas, dapat maging handa sa gitna ng mga napaulat na external threats-PBBM

Posted on: June 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DAPAT na maging handa ang Pilipinas sa gitna ng napaulat na external threats bilang resulta ng umiigting na geopolitical tension sa Indo-Pacific.

 

 

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga miyembro ng 5th ID ng Philippine Army sa Camp Melchor dela Cruz sa Gamu, Isabela, ang distansiya ng Pilipinas sa Taiwan ang naglagay sa ‘area of interest’ ng Tsina kaya mahalaga na ang hilagang bahagi ng Pilipinas ay “well-prepared’ para sa anumang kaganapan.

 

 

“And that is why — the external threat now has become more pronounced, has become more worrisome. And that is why we have to prepare,” ang sinabi ng Pangulo sa mga miyembro ng 5th ID.

 

 

“So, that is the mission that you have before you. Now, you have two missions, whereas before it was only internal security,” dagdag na wika nito sabay sabing “while the Philippines isn’t taking territory, its leadership has to reorient its thinking and must adopt full commitment to defend the country’s territory.”

 

Bukod pa sa, kailangan din ng pamahalaan na maugnay sa iba’t ibang pagsisikap para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon gaya ng sa pamamagitan ng diplomasiya.

 

 

 

“We are not trying to take territory. We are not trying to redraw the lines of sovereign territory, the EEZ, the baseline,” aniya pa rin.

 

 

 

“Hindi natin binabago anything na kahit isang — not even one inch. Ngunit hindi tayo puwedeng pumayag na kukunin naman ‘yan sa atin.” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

 

At dahil sa nagbabagong geopolitical landscape at paglutang ng mga bagong pagbabanta, nagdesisyon ang gobyerno na isama ang Cagayan bilang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Estados Unidos, pinakamalapit na military ally.

 

 

 

Sa kabilang dako, tinuran pa ni Pangulong Marcos, kabilang sa 5th ID’s mission ay ang territorial defense mula sa external threats, binigyang-diin nito ang kahalagahan na bigyan ang AFP ng equipment, pagsasanay, at pasilidad upang maging ‘highly capable force’ ito.

 

Sakop ng Joint Task Force (JTF) Tala ang bahagi ng Ilocos at Cagayan Valley regions at ang buong Cordillera Administrative Region, pangangasiwaan ang 501st, 502nd, at 503rd Infantry Brigades, Joint Task Group Baguio, Philippine Air Force (PAF) Tactical Operations Group 1, at ang Tactical Operations Group 2.

 

 

Kabilang naman sa kasalukuyang domestic security threats ay ang Ilocos-Cordillera Regional Committee (ICRC) at Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV) groups.

 

 

Matatandaang, idineklara naman noong October 10, 2022 na insurgency-free ang lalawigan ng Quirino at ang Nueva Vizcaya noong December 18, 2023, at maging ang ibang bahagi ng Isabela (Ilagan City at ilang munisipalidad).

 

 

Nalansag naman ng government forces ang apat na communist terrorist group (CTG) operating units: dalawang KRCV (September 2022); isang KRCV at isang Komiteng Larangan Guerilla-ICRC noong Disyembre ng nakaraang taon. (Daris Jose)

Mahigit 100 kanseladong POGO, nananatiling nag-o-operate -PAOCC

Posted on: June 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nananatiling nago-operate ang mahigit sa 100 kanseladong Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

 

 

Sa Bagong Pilipinas Ngayon forum, sinabi ni PAOCC spokesperson Winston John Casio na sinusubaybayan ng ahensiya ang 402 kanseladong POGO hubs.

 

 

“Sa listahan na binigay ni [Philippine Amusement and Gaming Corporation] noong nakaraang taon, meron silang 402 na di umano’y mga kanseladong mga POGOs,”ayon kay Casio.

 

 

“Sa aming pagmamanman doon sa 402 na iyon, marami pa ho halos 100 ang mga operational sa mga iyon,” aniya pa rin.

 

 

Ani Casio, sa ngayon, apat na POGO hubs ang naipasara ng PAOCC, sa tulong ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation.

 

 

Tinuran pa ni Casio na umabot pa ng limang linggo ang PAOCC para sa case buildup at dalawang buwan naman para sa operasyon laban lamang sa isang POGO hub.

 

 

“To be honest, at the rate we are going, hindi ho yata natin kayang tapusin ang problemang ito hangga’t hindi magkakaroon ng polisiya na mas malalim at mas malakas laban dito sa mga scam farms ng mga ito,” aniya pa rin.

 

 

At nang tanungin kung irerekomenda ng PAOCC kay Pangulong FerdinandMarcos Jr. ang “total ban” sa mga POGOs, sinabi ni Casio na bahala na si PAOCC chair, Executive Secretary Lucas Bersamin sa bagay na ito.

 

 

Winika ni Casio na palaging sumasangguni si Bersamin sa ibang Cabinet secretaries at law enforcement agencies. (Daris Jose)

PBBM hinikayat ang mga kabataang lider na makialam sa pamamahala

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG-DIIN ang kahalagahan ng mga kabataang Filipino sa national development, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. araw ng Miyerkules, ang nakababatang henerasyon na makialam sa pamamahala at pampulitikang diskurso kasabay ng pangako ng Chief Executive ng kumpletong suporta mula sa national government.

 

 

“Kung mayroon kayong nakikitang mas magandang pamamaraan, sabihin ninyo. Isigaw ninyo. Iyong mga matatanda, hindi makikinig sa inyo, pero pilitin niyo.,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang oath taking ceremony sa Palasyo ng Malakanyang ng mga bagong halal na mga opisyal ng Liga ng mga Barangay (LnB) at Sangguniang Kabataan (SK) National at Island Representatives.

 

 

“Lahat naman pagka may pangyayari na ganyan, sasabihin — kung maganda ang naging resulta, anong masama doon? Kung hindi matagumpay, hindi maganda ang lumabas, hindi bale, sige next, subukan natin ibang bagay, subukan natin ibang sistema,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

“With the Filipino youth becoming probably the youngest workforce in Asia averaging 25 years old, it is important that young people get involved in social debate and governance,” aniya pa rin.

 

 

Dagdag pa rito, kailangan ng bansa ang enerhiya o lakas ng mga kabataang Filipino, ang kanilang “new blood”, partikular na sa kasalukuyang pagsusulong sa teknolohiya at cyberspace, naging “very important part’ ng buhay ng mga tao.

 

 

Habang ang teknolohiya ay hindi naman ganoon kahalaga sa nakalipas na ilang dekada, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na kailangan ng bansa ang “intuitive at instinctive knowledge” ng mga kabataan.

 

 

“The future is going to be technology driven, and that is why the natural instinct of younger people, when it comes to technology, is important. It has to be part of all our thinking. It has to be part of all our planning,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

 

“So, kaya’t nabanggit ko lahat ‘yan ay dahil nais ko lang naman talagang ipaalam sa inyo na dahil nga sa aking karanasan bilang local government official ay asahan po ninyo na lahat ng inyong mga iniisip, lahat ng inyong mga suggestion, lahat ng inyong sinasabi sa amin ay pinapakinggan namin ‘yan,” ang sinabi pa ng Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, pinaalalahanan din ng Pangulo ang kanyang ‘audience’ ng kahalagahan ng lokal na pamahalaan, partikular na ang barangay sa ‘decision-making, planning ng gobyerno at pag-asa para sa hinaharap ng bansa.

 

 

“What the national leaders are doing is not intended for the older generation of Filipinos but for the country’s young people and the new generation,” ayon sa Punong Ehekutubo.

 

 

“So, we have to hear from the young people. We have to hear from the ordinary citizens what is the future that you want? What is the future that you feel we can achieve? And how do you suggest that we do it?” aniya pa rin.

 

 

“These questions are very, very important and these are questions that we ask of the local government and I promise you, we will listen to those answers,” diing pahayag nito.

 

 

Samantala, ipinasa ang Republic Act 10742 o ang SK Reform Act of 2015 para hikayatin ang mga kabataan na magpartisipa sa lokal na pamamahala.

 

 

Kabilang naman sa mga programa at proyekto ng SK ay ang magtatag ng Local Youth Offices na mamamahala sa “youth programs and advocate youth rights; pagtatakda ng Local Youth Development Plan na magsisilbi bilang roadmap para sa youth development; at pagpapatupad ng Local Development Council para palakasin ang naka-sentrong polisiya at mga programa. (Daris Jose)

Mt. Kanlaon, sumabog; 5000-meter plume, naitala – Phivolcs

Posted on: June 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS  ng alerto ang Mt. Kanlaon na matatagpuan sa Negros Island.

 

 

 

Sa ongoing eruption at Kanlaon Volcano, nakita ang nalikhang 5,000-meter plume.

 

 

Ayon sa Phivolcs, tumagal ng anim na minuto ang pagsabog bandang 6:51 ng gabi na sinundan ng malalakas na volcanic-tectonic earthquake.

 

 

 

Dahil dito, nananatili ang Alert Level 1 sa bulkan at sa paligid nito.

 

 

 

Pinapayuhan ang publiko na lumayo sa mga lugar na maaaring bagsakan ng abo mula sa pagsabog ng bulkan.

 

 

Ang Kanlaon, na kilala rin bilang bundok Kanlaon at bulkang Kanlaon, ay isang aktibong stratovolcano at ang pinakamataas na bundok sa isla ng Negros.

 

 

 

Gayundin ang pinakamataas na tuktok sa Visayas, na may taas na 2,465 metro above sea level.

 

 

 

Ang Mount Kanlaon ay ika-42 sa pinakamataas na peak ng isang isla sa mundo. (Daris Jose)