• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Headlines’ Category

Pang. Marcos tiniyak ang suporta kay Senate President Chiz Escudero

Posted on: May 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments
Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang kaniyang suporta sa bagong Senate President na Sen. Chiz Escudero.
Ayon kay Pangulong Marcos, ang legislative record ni Escudero at ang kaniyang commitment sa public service ay patunay na isa siyang dedicated leader.
Pinuri naman ng Pangulo si Senator Migz Zubiri sa kaniyang liderato sa Senado.
Kumpiyansa naman si Pangulong Marcos na sa liderato ni Escudero ipagpapatuloy nito ang pagbibigay prayoridad sa mga transformative na mga batas upang makamit ang mga ninanais na pagbabaho para sa bansa sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Kahapon bumaba sa pwesto si Sen. Migz Zubiri bilang Senate president kung saa n pinalitan siya ni Escudero.
“I extend my support to the new Senate President, Chiz Escudero. His legislative record and commitment to public service have distinguished him as a dedicated leader. Senator Chiz steps into this role following the commendable tenure of Senator Migz Zubiri, and I am confident that under his leadership, the Senate will continue to prioritize transformative laws to achieve our shared vision for a Bagong Pilipinas,” pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Aminado si Senador Juan Miguel Zubiri, masama ang kanyang loob kasunod ng kanyang pagbibitiw bilang senate president.
Tinanong din si Zubiri kung sino ang tinutukoy niyang makapangyarihan na hindi raw niya sinunod kaya kinailangan niyang mag-resign.
Hindi naman sinagot ni Zubiri kung ang pagdinig sa PDEA leaks ang siyang naging dahilan sa kaniyang pagbibitiw. (Daris Jose)

P2.8B, ipinalabas ng DBM para sa pagkuha ng firetrucks, emergency vehicle ng BFP

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments
IPINALABAS ng Department of Budget and Management (DBM) ang kabuuang P2.880 billion para sa Bureau of Fire Protection (BFP) para pambili ng 300 firetrucks at emergency vehicles na naaayon sa nagpapatuloy sa ‘modernization efforts’ nito.
Inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagpapalabas sa Special Allotment Release Order (SARO) para sa pagpopondo noong Mayo 10, 2024.
Ang alokasyon ay gagamitin para sa pagkuha ng 154 firetrucks, tatlong collapsed structure at rescue truck, at 132 ambulance.
“We understand how crucial BFP’s responsibilities are during emergency response and fire incidents. We owe it to them to support their ongoing capability enhancement efforts so they can effectively perform their mandate,” ayon sa Kalihim.
“The release of the funding is in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to continuously capacitate the fire bureau,” aniya pa rin.
Ang nasabing halaga ay huhugutin mula sa balance na 80% share ng BFP mula sa Fire Code revenues, alinsunod sa Republic Act No. 9514. (Daris Jose)

Pilipinas at Japan, pumirma ng kasunduan para sa 97-meter patrol vessels

Posted on: May 20th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PUMIRMA ng kasunduan ang Pilipinas at Japan ngayong araw para sa limang 97-meter Multi-Role Response Vessels ng Philippine Coast Guard.

 

 

 

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nagkakahalaga ng 64.38 billion yen o halos 24 million pesos ang limang vessels gayundin ang pag-develop ng support facilities.

 

 

 

Ito ay popondohan ng Japanese official development assistance loan sa ilalim ng third phase ng Maritime Safety Capability Improvement Project.

 

 

 

Pinangunahan nina Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Japanese Ambassador Endo Kazuya ang pirmahan ng exchange of diplomatic notes para sa naturang proyekto.

 

 

Kabilang din daw sa naturang kasunduan ang pag-develop ng required support facilities para sa PCG na magpapaunlad umano sa kakayahan ng PCG na tumugon sa mga transnational crime.

 

 

 

Ayon kay Manalo, ang kasunduan ay hindi lamang para palakasin ang bilateral relations ng dalawang bansa bagkus ay isang patunay ng unwavering commitment para patatagin ang maritime safety capabilities.

 

 

 

Nauna ng bumili ang PCG ng sampung 44-meter at dalawang 97-meter multi-role response vessels sa Japan.

 

 

 

Kung matatandaan, ang dalawang 97-meter patrol ships na BRP Melchora Aquino at BRP Teresa Magbanua ay ginamit na para mag-patrol sa West Philippine Sea.  (Daris Jose)

Maging ‘aware sa umiiral, umuusbong na mga banta

Posted on: May 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 39 na newly promoted officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging aware sa umiiral at lumilitaw na banta laban sa bansa.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga newly promoted AFP generals at flag officers, sinabi ni Pangulong Marcos na maaaring I-jeopardize ng banta ang peace efforts ng administrasyon, pinaalalahanan niya ang mga ito sa mas mabigat na responsibilidad na kaakibat ng mga estrelya sa kanilang balikat.

 

 

“There is much still left to do, missions to accomplish, service to be selflessly rendered to the people that we have all sworn to protect with our lives,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga newly promoted officials.

 

 

“Be mindful always of the weight that that carries. After all, the load that you feel are in fact our people’s hopes. Especially now that we are at the juncture of our history where our nation faces complex security challenges.,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Winika ng Punong Ehekutibo na ang pagtugon sa umiiral at umuusbong na mga hamon ay nangangailangan ng mapangahas na pag-inisip at matapang na aksyon ng militar , habang kumpiyansa naman niyang ipinahayag na makakaya ng mga ito na epektibong makatugon.

 

 

“This is the landscape that confronts you now. It is the security terrain that you have to address in the remaining tours of duty of your career,” aniya pa rin.

 

 

“As senior officers in our armed service, may the stars conferred upon you serve as an inspiration in performing your duties with utmost dedication, professionalism, integrity, all worthy of emulation,” dagdag na wika nito.

 

 

At bago pa tinapos ng Pangulo ang kanyang talumpati, kumpiyansang sinabi ng Pangulo na ang AFP members ay nananatiling committed sa kanilang sinumpaang salaysay na protektahan at paglingkuran ang Pilipinas at mga mamamayang Filipino. (Daris Jose)

Ex-PDEA agent Morales pipigain sa Senado

Posted on: May 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BALAK pigain ng Senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa susunod na pagdinig upang malaman kung sino ang nasa likod ng kanyang re­belasyon tungkol sa “PDEA leaks” na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang celebrity sa paggamit ng ilegal na droga.

 

 

“Itanong natin ‘yan sa kanya tanong natin kung may nagbayad sa kanya. Tanong ko yan next hearing…Haharap pa rin siya…,” pahayag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs na nagsisiyasat sa kontro­bersiyal na PDEA leaks.

 

 

Una rito, binatikos si Dela Rosa ng ilang kongresista dahil sa patuloy na pagdinig ng kanyang komite sa “PDEA Leaks” kahit wala namang inihain na matitibay na ebidensiya at kaduda-duda ang ilang humarap na personalidad.

 

 

Pero giit ng senador, “Wala namang problema kaya nga tayo nag-hearing para pakinggan ang lahat ng side na merong relevant sa issue na ito, pakinggan natin lahat ng side, di porke pinakinggan natin pinaniwalaan natin ang sinasabi nya, may portion naniniwala tayo may portion ‘di tayo solve sa kanyang sinasabi, pakinggan natin lahat.”

 

 

Tiniyak din ni Dela Rosa na hindi pinipigilan ang katotohanan at pinagsasalita ang mga resource persons na humaharap sa komite.

 

 

Matatandaan na kinuwestiyon ni Sen. Jinggoy Estrada ang kredibilidad ni Morales na dalawang beses nang sinibak sa police force at na-dismissed at nakasuhan sa korte dahil sa pagiging incompetent o walang kakayahan sa kanyang trabaho sa PDEA.

 

 

Sa desisyon ng Civil Service Commission (CSC) noong Hulyo 7, 2014, kinatigan nito ang desisyon ng PDEA na nagpapatalsik kay Morales dahil sa hindi pagsasabi ng totoo at grave misconduct sa pagtatanim ng ebidensiya sa isang huwad na drug-bust operation. Pinagbawalan din si Morales na kumuha ng anumang civil service exam at forfeited ang kanyang retirement benefits. (Daris Jose)

Walang report ng destab plot sa hanay ng mga aktibong pulis laban sa kanya

Posted on: May 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang report ukol sa mga aktibong police officials ang kasama sa nagpa-planong patalsikin siya sa puwesto.

 

 

Nauna rito, sinabi ni dating Senador Antonio Trillanes IV na may ilang retirado at aktibong high-ranking officials mula sa Philippine National Police (PNP) ang nangungumbinsi umano sa kanilang hanay para patalsikin sa puwesto si Pangulong Marcos.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos na maaaring maging bahagi ng destab plot ang mga retirado mula sa police service subalit pagdating sa aktibo ay wala naman silang natatanggap na report.

 

 

“I don’t see—, wala kaming report na in the ranks. Iyong mga retired baka mayroon, mayroong mga gumagalaw, sumasama sa mga destab na ginagawa,” ayon pa rin sa Pangulo.

 

 

“Pero sa ating mga kapulisan at siyempre lalo na sa officer corps, wala naman tayong nakikitang ganun na namumulitika ang mga police,” dagdag na wika nito.

 

 

Tinuran ng Pangulo na ang kanyang main concern ay ang ‘security officials’ kabilang na ang military, na gagampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin na magsilbi at proteksyunan ang bayan at mamamayan.

 

 

“So, ang loyalty check, hindi ko alam kung ano ‘yung loyalty check katotohanan. Anong sasabihin mo doon sa tao? Sasabihin, ‘loyal ka ba sa akin?’ Siyempre, oo ang sagot noon, ‘di ba, kahit na hindi siya loyal sa ‘yo. Pero titingnan natin mga record [nila.]” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ang ano ko naman, kahit hindi mo ako binoto, okay lang sa akin basta’t maging professional ka, gawin mo ‘yung trabaho mo nang tama. Iyon lang naman ang hinihiling ko sa lahat ng police, sa lahat ng Armed Forces,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Samantala, nakiusap naman si PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo kay Trillanes na huwag isama ang PNP sa naturang isyu. Iginiit niyang nakatuon ang kanilang atensyon sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

 

 

Giit ni Fajardo, wala silang impormasyon na may aktibong opisyal ng PNP na sangkot sa destab plot laban sa gobyerno.

 

 

“Wala po tayong na mo-monitor na sino man na aktibong pulis na involve allegedly diyan sa sinasabing destabilization plot. At wala po tayong namo-monitor na destabilization plot for that matter,” dagdag niya. (Daris Jose)

P59.8-B health emergency allowance, ipamamahagi sa mga medical frontline -PBBM

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG P59.8 bilyong piso ang ipamamahagi sa medical frontline workers para sa kanilang health emergency allowance sa panahon ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na ang nasabing halaga ay 78.92% ng COVID-19 health emergency allowance na inilaan ng gobyerno sa mga health worker.

 

 

Sa naging pagdiriwang ng Health Workers’ Day, araw ng Martes, hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo ang sakripisyo at serbisyo ng mga health worker.

 

 

”Mas pinahahalagahan natin ang sakripisyo ng ating mga frontliner na naglilingkod nang buong puso at nagpapakita sa mundo ng galing at malasakit ng Pinoy,” ayon sa Punong Ehekutibo.

 

 

Samantala, sa ulat sa nasabing araw, nagtipon ang mga Health worker mula sa iba’t ibang ospital sa Kalakhang Maynila at nagmartsa sa Mendiola, ang hirit ng mga ito ay starting salary na P33,000 para sa public at private health workers.

 

 

Hiniling din ng mga ito ang pagpapalabas ng benepisyo, job security sa kanilang hanay at mass hiring ng permanent health workers para idagdag sa lumalalang understaffing sa mga public hospital. (Daris Jose)

PBBM pinatitiyak sa DENR na magkaroon ng access sa malinis na tubig ang 40-M Filipinos

Posted on: May 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga concerned agencies ng gobyerno na tutukan ang nasa 40 million Filipinos sa bansa na hanggang ngayon wala pa ring access sa portable water.
Sinabi ng Pangulo na nais nito na sa lalong madaling panahon mabigyan na ng fresh waters ang mga kababayan natin.
Inihayag naman ni Dr. Carlos Primo David , Undersecretary for integrated Environmental Science ng DENR na karamihan sa wala pang access sa potable water ay mga lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at mga island barangays.
Sa ngayon nasa 65 island barangays ang prayoridad ng DENR para mabigyan ng fresh water.
Sinabi ni David na kabilang sa kanilang tinitingnang mga hakbang para mabigyan ng fresh water ang ating mga kababayan ay ang paggamit ng desalination process technology kung saan ang tubig dagat ay i-convert sa fresh water sa pamamagitan ng nasabing teknolohiya.
Nasa P5 to P8 million ang halaga ng nasabing teknolohiya.
Tinitingnan din ng DENR na magtatayo ng mga infrastruktura sa mga lugar na may source ng fresh water partikular sa Mindanao.
Sa kabilang dako, tiniyak ni David na may sapat pa rin na water supply sa Metro Manila sa kabila ng nararanasang El Nino o tagtuyot at pagtaas ng water consumption sa kalakhang Maynila. (Daris Jose)

PBBM, nais na ibalik ang old school calendar ngayong taon

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibalik ang old school calendar ‘as early as next school year’ (2024-2025) para maiwasan ang kanselasyon ng klase dahil sa matinding init ng panahon na dala ng El Niño phenomenon.

 

 

Sa isang panayam sa sidelines ng Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) Day sa Pasay City, araw ng Lunes, sinabi ng Pangulo na hiniling na niya kay Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte na maghanda ng konkretong plano ukol sa paglipat sa old school calendar.

 

 

“Well, of course, hiningi ko ‘yan sa DepEd and asked Inday Sara to give me already a concrete plan because mukha naman hindi na tayo kailangan maghintay pa. At mukha naman kailangan na at I don’t see any objections really from anyone,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Especially, with the El Niño being what it is. Every day you turn on the news, F2F classes are cancelled, F2F classes have been postponed, etcetera. So, talagang kailangan na kailangan na. So, yes. That’s part of the plan that we are trying to do to bring back already the old schedule,” dagdag na pahayag nito.

 

 

May ilang eskuwelahan sa malaking bahagi ng bansa ang tumalon na sa online classes para protektahan ang mga kabataan mul sa matinding init ng panahon.

 

 

Samantala, sinabi ng Pangulo na ang pagbabalik sa old school calendar days “will be better for the kids.” (Daris Jose)

Taas-sahod ng manggagawa, tiniyak ng DOLE

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na makapagpapatupad ang pamahalaan ng umento sa sahod sa lalong madaling panahon.

 

 

Ang pagtiyak ay ginawa ni Laguesma sa isang panayam sa radyo, kasunod na rin ng kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na repasuhin ang minimum wage rates sa bansa.

 

 

Ayon kay Laguesma, bago sumapit ang unang anibersaryo ng umiiral na wage order ay magpapatupad muli ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng bagong wage order kaya’t hindi aniya ‘false hope’ lang ang pahayag ng pangulo hinggil dito.

 

 

Tiniyak din ni Laguesma, na siya ring chairman ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), na bilang tagapaglikha ng polisiya ng RTWPBs ay sisi­guruhin nilang maipatutupad ang direktiba ng pangulo.

 

 

Ipinaliwanag pa ng DOLE chief na base sa kanilang mga dati nang karanasan, kalimitan nang nag-uutos ng panibagong umento sa sahod ang RTWPB matapos marepaso ang kasalukuyang rates.

 

 

Makatutulong naman aniya ang kautusan ng ­pa­ngulo upang mapabilis pa ang proseso ng deli­berasyon at maiwasan ang kawalan ng katiyakan ng paglalabas ng mga bagong wage orders.

 

 

Paglilinaw pa ng kalihim, iba-iba ang petsa ng ­anibersaryo ng mga umiiral na wage rates sa 17 rehiyon sa bansa. (Daris Jose)