• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Home Left Side Outline’ Category

‘Tulak’ kulong sa P34K droga sa Navotas

Posted on: June 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG lalaki na hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay alyas Jay Vee, 25, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng droga.

 

 

 

Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang suspek, dakong alas-12:46 ng hating gabi sa Gov. Pascual St., Brgy. San Roque.

 

 

 

Ayon kay SDEU chief P/Capt. Genere Sanchez, nakumpiska nila sa suspek ang humigi’t kumulang 5.11 grams ng hinihinalang shabu na may stand drug price value na P34,748.00 at buy bust money.

 

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

DOH nagdeklara ng Code White

Posted on: June 5th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGDEKLARA na  ng Code White ang Department of Health (DOH) sa mga ospital malapit sa Kanlaon Volcano.

 

 

Payo ng DOH sa mga residente , mag-ingat at making sa mga  abiso ng local government officials .

 

 

Ang pagdedeklara ng Code white alert ay kadalasang ginagawa tuwing malalaking kaganapan o holidays na nagdudulot ng mass casualty incidents o emergencies.

 

 

Itinaas ng PHIVolcs ang alert level; sa Kanlaon Volcano mula Alert level 1 hanggang Alert Level 2 nitong Lunes na nangangahulugang ang pagtaas ng kaguluhan na dala ng shallow magmatic processes ay maaaring mauwi sa karagdagang pagputok ng bulkan o kahit na tumaas ang mapanganib na pagsabog ng magmatic.

 

 

Ngayong Martes, kabuuang 1,562 indibidwal  o 210 pamilya na sa probinsya ng Negros Occidental ang nailipat sa evacuation centers kasunod ng pagputok ng bulkan ,ayon sa provincial disaster risk reduction and management council (PDRRMC). GENE ADSUARA

Mura, mabilis na annulment mas bet ni Chiz kesa divorce

Posted on: May 29th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA HALIP na diborsiyo, nais ni ­Senate President Francis “Chiz” Escudero na isulong ang mura at accessible na annulment.

 

 

 

“Ang personal stand ko ay ito: mas nais kong palawakin at affordable at accessible ‘yung annulment na nasa family code natin ngayon,” ani Escudero.

 

 

Ginawa ni Escudero ang pahayag kasunod ng pag-apruba ng Kamara kamakailan sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang batas na naglalayong gawing legal ang diborsyo sa Pilipinas.

 

 

 

Ayon kay Escudero, ang pagpapabuti sa proseso ng annulment ay maaaring gawin sa iba’t ibang paraan, lalo na sa pagpayag sa mga abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) na tanggapin ang mga naturang kaso.

 

 

 

Dagdag pa niya, idineklara ng Supreme Court (SC) na hindi na kailangan ng psychologist para patunayan ang psychological incapacity.

 

 

Panghuli, ay para sa Kongreso na malinaw na tukuyin kung ano ang maaaring ituring bilang psychological incapacity.

 

 

 

Sinabi ni Escudero na depende pa rin ito dahil hindi pa niya nababasa ang bersyon ng Kamara ng divorce bill at ang divorce ay may “wide spectrum of definitions”.

 

 

 

Nang tanungin tungkol sa tyansa ng panukalang batas sa Senado, sinabi ni Escudero na itinuturing niyang personal na boto ng konsensya ang diborsyo.

PBBM, FL Liza nag-host ng casual dinner sa mga senador at asawa ng mga ito

Posted on: May 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG CASUAL DINNER ang inihanda ng First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos sa mga senador at asawa ng mga ito sa Bahay Pangulo, Martes ng gabi matapos ang pagbabagong bihis sa liderato ng Senado.

 

 

 

Sa katunayan nag-post ang Unang Ginang ng larawan sa Instagram na may caption na, ”Had a nice time breaking bread with the Senators & their spouses.”

 

 

Ipinost din ng Unang Ginang ang kahalintulad na larawan sa Facebook na may caption na, “Casual dinner with the Senators & their spouses, Bahay Pangulo, Manila.”

 

 

 

Makikita sa larawan sina newly elected Senate President Francis ”Chiz” Escudero, Senators Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, Francis Tolentino, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Mark Villar, Jinggoy Estrada, Grace Poe, Cynthia Villar, Loren Legarda, at Pia Cayetano.

 

 

Sa mga dumalo sa pulong, tanging sina Gatchalian at Legarda ang hindi sumuporta para patalsikin bilang Senate president si Juan Miguel Zubiri.

 

 

Sa ulat, inihalal ng mga senador nitong Lunes ang kanilang kasamahan na si Francis “Chiz” Escudero bilang bagong Senate President, kapalit ng “heartbroken” na si Juan Miguel Zubiri, na iginiit na prinotektahan niya ang pagiging independent ng Senado.

 

 

 

Matapos ang talumpati ni Zubiri para ihayag ang kaniyang pagbibitiw bilang lider ng Senado, iminungkahi ni Sen. Alan Peter Cayetano sa plenaryo si Escudero na maging bago nilang lider, na sinang-ayunan naman ng mayorya.

 

 

Ginawa ni Escudero ang panunumpa bilang bagong Senate President kay Sen. Mark Villar, na siya namang pinakabatang miyembro ng kapulungan.

 

 

Kasama ni Escudero sa panunumpa ang kaniyang asawa na si Heart Evangelista.

 

 

Sa kanyang pahayag matapos ang oath-taking, pinasalamatan ni Escudero si Zubiri sa pagmamahal nito sa bayan at sa Senado bilang isang institusyon.

 

 

 

“My hats off to you, Senate President Zubiri. I salute you and I hope I will make you proud. You especially among all our other colleagues and hopefully, you will not leave my side whenever I ask for guidance, whenever I ask for help and whenever I ask for your wisdom. Mas malayo po at mas marami kayong alam sa akin lalo na bilang taga-pangulo ng Senado,” ayon kay Escudero.

 

 

Tiniyak ni Escudero na walang mangyayaring pagkakahati-hati sa Senado sa kabila ng pagbabago sa liderato.

 

 

“Walang my team, walang your team para sa akin. Walang SP Migz, wala ring Chiz para sa akin. Ang tingin ko sa bawat isa sa atin ay mga miyembro ng nag-iisang Senado. At kung may kulay man tayong dadalhin, para sa akin, ang mga kulay na yan ay dapat sumasagisag as bandila ng Pilipinas na nagkataon lamang na nasa likod at nasa harap natin ngayon,” dagdag niya. (Daris Jose)

4K NAVOTEÑOS NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Posted on: May 21st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng iba’t ibang programa ang nasa 4,000 Navoteños.

 

 

May kabuuang 3,832 rehistradong mangingisda at mga driver ng tricycle de padyak at de motor ang nakakuha ng P3,000 cash subsidy mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development.

 

 

“Our fisherfolk and tricycle drivers are vital to our economy and daily life. We recognize the hardships they endure to provide for their families and we want to help lessen their financial burden,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

Pinaalalahanan ni Tiangco ang mga benepisyaryo na unahin ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya at mag-ipon para sa kinabukasan. Hinikayat din niya ang mga ito na gamitin ang serbisyo ng pamahalaang lungsod.

 

 

“We have several initiatives aimed at providing sustainable livelihood such as the NavoBangkabuhayan program for our registered fisherfolk. We also have Tulong Negosyo carts and Tulong Puhunan for those who wish to start their own business,” dagdag niya.

 

 

Samantala, namahagi ang Navotas noong nakaraang linggo ng educational assistance sa 355 public special education students o mga estudyanteng may kapansanan. Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng P1,000 para sa buwan ng Marso at Abril.

 

 

Ipinasa ng pamahalaang lungsod ang City Ordinance 2019-04 para mabigyan ang mga PWD students ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year.

 

 

Nakatakda ring magbigay ng P2,000 ang lungsod sa 102 benepisyaryo ng Saya ALL, Angat ALL Tulong para sa mga rehistradong Navoteño solo parents.

 

 

Kabilang dito ang mga Navoteno na nakakuha ng kanilang Solo Parent ID sa loob ng Enero-Abril 2024 at hindi naging kwalipikado para sa buwanang tulong na pera ng lungsod na ipinamahagi noong Abril. (Richard Mesa)

Gobyerno tutulong hanggang may nagugutom na Pinoy – Romualdez

Posted on: May 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“HINDI titigil ang gobyerno na tumulong hanggang may Pilipinong nagugutom,” paniniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa isang panayam sa Zamboanga City noong Biyernes.

 

 

Kasama ang higit 90 mga kongresista, namahagi si Romualdez ng milyun-milyong pisong cash assistance at tone-toneladang bigas sa mga taga-Zamboanga City sa ilalim ng Serbisyo Fair Program ni Pang. Marcos.

 

 

Ayon kay Romualdez,” di ba ito ang pangako ng administrasyong Marcos na walang maiiwan dahil sabay-sabay baba­ngon? kaya this is it.”

 

 

Bukod sa pamamahagi ng 25 kilo na bigas sa libu-libong dumalo sa Bagong Pilipinas Fair ng pamahalaan, may tig-P3,000 cash pa ang bawat pamilya na naroon.

 

 

“Pansamantala lang naman itong pamimigay natin ng cash at bigas sa bawat pamilya habang naghahanap ang gobyerno ng permanenteng solusyon para maibsan ang kagutuman ng mga mahihirap na mga kababayan natin,” ani Romualdez.

 

 

Pati ang ilang daang estudyante ay nabigyan ng P15,000 cash para sa kanilang mga pangangailangan sa paaralan.

 

 

 

“Ang Kongreso po ay laging maglalaan ng pera para sa mga kababayan natin na hindi lang mga mahihirap, pati mga estud­yante,” dagdag pa ng House Leader.

 

 

Namahagi rin ng puhunan para sa small businesses si Romualdez na bahagi pa rin ng Serbisyo Fair ng pamahalaan. (Daris Jose)

4 drug suspects timbog sa halos P1M droga sa Caloocan

Posted on: May 11th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng halos P1 milyong halaga ng droga nang maaresto sa magkahiwalay na drug operation sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsagawa ng beripikasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) matapos ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y nagaganap na transaksyon ng illegal na droga sa Phase 10, Brgy., 176, Bagong Silang.

 

 

Pagdating sa lugar dakong alas-10:35 ng umaga, naaktuhan ng mga operatiba ang tatlong indibidwal, kabilang ang isang babae na nagtatransaksyon sa illegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas Mark, 22 at alyas Juliana, 21, kapwa ng San Jose Del Monte, Bulacan habang nakatakas ang kanilang katransaksyon.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong kilograms ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may Standard Drug Price (SDP) value na P840,000.00.

 

 

Dakong alas-10:22 naman ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy bust operation sa Sampaguita St., Barangay 156, sina alyas Jonjon, 34, at alyas Jeff, 37, kapwa ng Quezon City.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang nasa 21.20 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P144,160.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim na pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas Caloocan police sa kanilang magatumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

DA, minomonitor ang umuusbong na ‘zoonotic diseases’

Posted on: May 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MINOMONITOR ng Department of Agriculture (DA), pinuno ng Philippine Inter-Agency Committee on Zoonoses (PhilCZ), ang umuusbong na ‘zoonotic diseases o infections” na maaaring kumalat mula sa hayop hanggang sa tao.

 

 

Sa isinagawang turnover ceremony ng chairmanship ng PhilCZ mula sa Department of Health (DOH) tungo sa DA, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Constante Palabrica na kabilang sa mga sakit na pinagtutuunan nila ng pansin ay ang rabies at “highly pathogenic” avian influenza.

 

 

Sinabi pa ni Palabrica na naghahanap ang DA ng P20 million hanggang P30 million budget para sa pagbili ng karagdagang anti-rabies vaccine. Aniya, inendorso na ito para sa pirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

 

 

Base sa pinakabagong data ng DOH, may kabuuang 89 human rabies cases, nagresulta ng pagkamatay ng lahat, ang naitala mula January 1 hanggang March 16, 2024.

 

 

Nakapagtala ang Soccsksargen ng pinakamataas na bilang ng kaso na 12. Sinundan ito ng Calabarzon at Bicol Region na mayroong tig-11 kaso bawat isa.

 

 

Tinatayang 82 ng mga kasong ito ay may kinalaman sa kagat ng aso, limang kaso naman ang kagat ng pusa, habang ang natitira naman ay kagat mula sa ibang hayop.

 

 

Kabilang sa kabuuang kaso, tanging isa lamang kaso ang napaulat na ang nakakagat na hayop ay fully vaccinated, 40 kaso naman ang nagsabi na ang hayop ay unvaccinated, habang ang natitirang 48 kaso ay kinasasangkutan ng mga hayop na may “unknown vaccination status.”

 

 

Ukol naman sa avian influenza, sinabi ni Palabrica na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang tatlong kompanya para magpatuloy na I-trial ang vaccine.

 

 

“It’s still in process, ‘yung AI na bakuna . We’re just waiting for the results of the trial and from that, we can get an approval from the FDA,” ayon pa rin kay Palabrica.

 

 

Maliban sa mga ito, sinabi ni Palabrica na sinusubaybayan niya ang paglitaw ng foot-and-mouth disease at anthrax.

 

 

“As of now, merong emerging diseases…and that is the foot-and-mouth disease. The foot-and-mouth disease, as of now, the Philippines is free. Wala tayong bakuna. Hindi naman ito naita-transfer sa tao,” ayon kay Palabrica.

 

 

Ang mga kaso ng anthrax sa bansa ay kasalukuyan lamang limitado sa hilagang bahagi ng Luzon. Sinabi pa niya na handa ang DA sakali’t lumagap ang nasabing nakahahawang sakit.

 

 

“We have the capability to produce the vaccine for anthrax and we can do immediate action against anthrax,” ang sinabi ni Palabrica.

 

 

Buwan ng Marso, sinabi ng DOH na minonitor nito ang anthrax situation sa ibang mga bansa, kahit pa tiniyak ng departamento sa publiko na mayroon lamang na maliit na tsansa na kumalat ang nasabing sakit sa pangkalahatang populasyon. (Daris Jose)

Insurgency, nananatiling prayoridad ng NICA sa kabila ng paghina ng NPA

Posted on: May 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING kabilang sa prayoridad ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ay ang pangangalap ng mahahalagang ‘intelligence’ laban sa mga aktibidad ng mga komunista.

 

 

Ito’y sa kabila ng paghina ng terrorist group’s armed wing.

 

 

Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, araw ng Huwebes, sinabi ni NICA Deputy Director General for Special Concerns Abelardo Villacorta na nagpapatuloy ang communist recruitment activities kung saan target ang mga estudyante at sektor ng kabataan.

 

 

Sinabi pa nito na ang ahensiya bilang pinuno ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC) Situational Awareness and Knowledge Management Cluster, nakatuon sa pagmo-monitor sa mga nasabing pagtatangka na akitin ang mga kabataan na mag-armas laban sa pamahalaan.

 

 

“There are so many of our youth, the students that are being recruited into the CPP-NPA-NDF at kawawa sila, iyong mga pangarap nila, ambisyon nila ay nasisira (their dreams and their ambitions in life are being destroyed) because they are being deceived to join the movement and become members of the NPA,” ayon kay Villacorta.

 

 

Aniya pa, marami ng mga magulang ang nakikipag-ugnayan ngayon sa NICA para tumulong na mabigo ang mga komunista sa kanilang recruitment activities.

 

 

“Tumutulong sila sa amin in our situational awareness and knowledge management, at napakalaking tulong nila,” aniya pa rin.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr. na ang walang humpay na operasyon ng pwersa ng estado laban sa mga komunista ay naging napaka-epektibo para was akin ang aktibong New People’s Army (NPA) guerrilla fronts.

 

 

Base sa pinakabagong impormasyon mula sa military, ang bilang ng guerrilla fronts ng terrorist group ay bumaba na sa 11. (Daris Jose)

PBBM, target ang 10% ng sasakyan ng gobyerno na maging electric

Posted on: May 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang 10% ng government service vehicles ay maging electric powered.

 

 

‘Yes, targeting 10 percent of the fleet should be electric vehicles. Mayroon siyang pinasang inter-agency na led by the Department of Energy, and nandoon din iyong DBM (Department of Budget and Management) para maayos iyong procurement niya at para mag-comply,” ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

”So when the President was looking into that, there was a thumbs up from DBM Secretary Amenah na it’s already in place,” aniya pa rin.

 

 

At sa tanong naman kung may timeline para sa mga government service, ang sagot ni Usec. Fuentebella, “yon nga, kasi iyong sa procurement timeline ‘no, ayaw kong makialam. I think every year kasi mayroon tayong procurement ‘no, so I just have to check on that. Sorry, hindi ko lang naano iyong timeline. Ayaw ko kasing magkamali ng bitawan ko.”

 

 

Sa kabilang dako, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang DOE at ang lahat ng concerned agencies na bilisan ang implementasyon ng action plans at estratehiya para i-develop ang electric vehicle industry sa bansa. (Daris Jose)