• September 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘News’ Category

Valenzuela ipinagdiwang ang 262nd Mano Po San Roque Festival 2024

Posted on: May 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA gitna ng naranasang matinding init, nagpupursige ang Lungsod ng Valenzuela sa kultura at tradisyon sa dobleng pagdiriwang ng kapistahan ng 262nd Mano Po San Roque Festival 2024 at Mother’s Day sa Barangay Mabolo.

 

 

Napuno ng buhay at kultura ang Mabolo sa San Roque Festival kung saan sinimulan ang masiglang kasiyahan sa Sayaw-Pasasalamat parade ng bawat barangay na nagtanghal ng mga sayaw at pag-awit habang itinataas ang kanilang mga banner.

 

 

Ang Sayaw-Pasasalamat ay nangangahulugan bilang parangal sa patron na si San Roque o St. Roch, kung saan muling binuhay ng parada na ito ang tradisyon na may mga sayaw para sa mga taong nagnanais na makahanap ng tunay na pag-ibig at nag-aalay ng mga panalangin para sa kagalingan.

 

 

Bukod sa pasasalamat sa panibagong taon ng Mano Po San Roque, pinarangalan din sa banal na misa ang mga ina at mother figures sa pagdiriwang Mother’s Day bilang pagkilala sa kanilang mga paghihirap at marangal na sakripisyo para sa kanilang mga pamilya. Kasunod nito, ang pagbabasbas ng mga bagong SWAT vans at mobile showers at toilets.

 

 

Sa pagtatapos ng isang linggong selebrasyon, isang solemne na prusisyon ang naganap na naghatid ng imahen ng San Roque pabalik sa kapilya kung saan isang musical jamboree na nagtatampok ng mga banda at artista ang nagpasigla.

 

 

Bago ang araw ng Mano Po San Roque fiesta, ilang aktibidad din ang idinaos noong Mayo 3 hanggang 11 para itakda ang kasiyahan kabilang ang paligsahan sa sayaw, pageant, singing contest, battle of the bands, at sagalahan.

 

 

Sinaksihan ang masiglang pagdiriwang ng San Roque Festival nina Senator WIN Gatchalian, Mayor WES Gatchalian, Mayoress Tiffany Gatchalian, Bianca Manalo, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at mga konsehal ng lungsod. (Richard Mesa)

Maging ‘aware sa umiiral, umuusbong na mga banta

Posted on: May 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 39 na newly promoted officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maging aware sa umiiral at lumilitaw na banta laban sa bansa.

 

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang oath-taking ceremony ng mga newly promoted AFP generals at flag officers, sinabi ni Pangulong Marcos na maaaring I-jeopardize ng banta ang peace efforts ng administrasyon, pinaalalahanan niya ang mga ito sa mas mabigat na responsibilidad na kaakibat ng mga estrelya sa kanilang balikat.

 

 

“There is much still left to do, missions to accomplish, service to be selflessly rendered to the people that we have all sworn to protect with our lives,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga newly promoted officials.

 

 

“Be mindful always of the weight that that carries. After all, the load that you feel are in fact our people’s hopes. Especially now that we are at the juncture of our history where our nation faces complex security challenges.,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

Winika ng Punong Ehekutibo na ang pagtugon sa umiiral at umuusbong na mga hamon ay nangangailangan ng mapangahas na pag-inisip at matapang na aksyon ng militar , habang kumpiyansa naman niyang ipinahayag na makakaya ng mga ito na epektibong makatugon.

 

 

“This is the landscape that confronts you now. It is the security terrain that you have to address in the remaining tours of duty of your career,” aniya pa rin.

 

 

“As senior officers in our armed service, may the stars conferred upon you serve as an inspiration in performing your duties with utmost dedication, professionalism, integrity, all worthy of emulation,” dagdag na wika nito.

 

 

At bago pa tinapos ng Pangulo ang kanyang talumpati, kumpiyansang sinabi ng Pangulo na ang AFP members ay nananatiling committed sa kanilang sinumpaang salaysay na protektahan at paglingkuran ang Pilipinas at mga mamamayang Filipino. (Daris Jose)

PBBM iniutos ang pagpapalakas ng kakayahan ng PAF sa pagprotekta sa teritoryo ng PH

Posted on: May 15th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng guidance si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Air Force (PAF) para sa pagpapatatag pa ng kakayahan ng mga ito, sa pag-depensa ng soberanya, teritoryo, at patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.

 

 

Ito ang inihayag ni Communications Secretary Cheloy Velicaria- Garafil na ilan lamang sa mga natalakay sa command conference na pinangunahan ni Pangulong Marcos, sa Villamor Air Base ngayong araw.

 

 

Ayon sa kalihim, inilatag kay Pangulong Marcos ang mga plano, pinaka-huling aktibidad, at mga isinusulong na proyekto ng Philippine Air Force (PAF).

 

 

Nagbigay aniya ng inputs ang pangulo, sa ilang mga proyektong ito.

 

 

Bukod kay Pangulong Marcos, present sa command con ngayong araw, sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Defense Secretary Gibo Teodoro, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo, at AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr.

P700K droga nasamsam sa Caloocan buy bust, 2 timbog

Posted on: May 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.7 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City, Linggo ng hapon.

 

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Boboy, 31, HVI ng Brgy. Gen. T De Leon, Valenzuela City at alyas Christian, 25 ng PNR Compound, Caloocan City.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay ‘Boboy’ matapos ang nakatanggap nilang impormasyon hinggil sa pagbebenta umano nito ng droga.

 

 

 

Nang tanggapin ni ‘Boboy’ ang P6,500 buy bust money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba dakong 4:44 ng hapon sa Riverside Libis Baesa, Brgy., 160, kasama ang kanya umanong parukyano na si ‘Christian’.

 

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 107.2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P728,960.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang anim na pirasong P1,000 boodle money.

 

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Ex-PDEA agent Morales pipigain sa Senado

Posted on: May 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BALAK pigain ng Senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa susunod na pagdinig upang malaman kung sino ang nasa likod ng kanyang re­belasyon tungkol sa “PDEA leaks” na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang celebrity sa paggamit ng ilegal na droga.

 

 

“Itanong natin ‘yan sa kanya tanong natin kung may nagbayad sa kanya. Tanong ko yan next hearing…Haharap pa rin siya…,” pahayag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs na nagsisiyasat sa kontro­bersiyal na PDEA leaks.

 

 

Una rito, binatikos si Dela Rosa ng ilang kongresista dahil sa patuloy na pagdinig ng kanyang komite sa “PDEA Leaks” kahit wala namang inihain na matitibay na ebidensiya at kaduda-duda ang ilang humarap na personalidad.

 

 

Pero giit ng senador, “Wala namang problema kaya nga tayo nag-hearing para pakinggan ang lahat ng side na merong relevant sa issue na ito, pakinggan natin lahat ng side, di porke pinakinggan natin pinaniwalaan natin ang sinasabi nya, may portion naniniwala tayo may portion ‘di tayo solve sa kanyang sinasabi, pakinggan natin lahat.”

 

 

Tiniyak din ni Dela Rosa na hindi pinipigilan ang katotohanan at pinagsasalita ang mga resource persons na humaharap sa komite.

 

 

Matatandaan na kinuwestiyon ni Sen. Jinggoy Estrada ang kredibilidad ni Morales na dalawang beses nang sinibak sa police force at na-dismissed at nakasuhan sa korte dahil sa pagiging incompetent o walang kakayahan sa kanyang trabaho sa PDEA.

 

 

Sa desisyon ng Civil Service Commission (CSC) noong Hulyo 7, 2014, kinatigan nito ang desisyon ng PDEA na nagpapatalsik kay Morales dahil sa hindi pagsasabi ng totoo at grave misconduct sa pagtatanim ng ebidensiya sa isang huwad na drug-bust operation. Pinagbawalan din si Morales na kumuha ng anumang civil service exam at forfeited ang kanyang retirement benefits. (Daris Jose)

PCO, mga dambuhalang social media company pinaigting ang digital defense kontra fake news

Posted on: May 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SANIB-PUWERSA ang Presidential Communications Office (PCO) at ang mga higanteng social media company sa Pilipinas sa paglaban sa “misinformation at disinformation.”

 

 

Binigyang diin ni PCO Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao sa pagtitipon na may katawagan na UniComm 2024 sa Bayleaf Hotel sa Intramuros, Maynila ang pangangailangan na ‘wakasan na” ang “misinformation at disinformation” sa loob ng “digital sphere” laban sa mga programa ng gobyerno at indibiduwal.

 

 

“We are starting with our digital defense today because it is very clear to us that misinformation and disinformation campaigns against the government programs, and against the persons within the administration, are increasingly prevalent,” ayon kay Ridao.

 

 

“And so, we’re hoping that together,  we can really put an end to this problem within our digital sphere,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, dumalo naman sa “Tech Talks” discussion ang mga opisyal mula sa Meta, Google, at TikTok.

 

 

Ibinahagi ng mga ito ang kanilang “invaluable insights at expertise sa paglaban sa misinformation at disinformation.”

 

 

Sa kabilang dako, pinaalalahanan ni Meta public policy associate manager Genixon David ang publiko na panatilihing ‘secure’ ang kanilang social media accounts. Ang Meta ay ang kompanya na nasa likod ng Facebook, Instagram, Threads at WhatsApp.

 

 

“As much as possible, let’s make our passwords strong and unique,” ayon kay David.

 

 

Pinag-iingat din nito ang publiko laban sa paggamit ng kanilang pangalan, kaarawan, address o iba pang identified data bilang kanilang passwords, at pinaalalahanan ang mga ito na iwasan ang paggamit ng single password sa multiple social media accounts para maiwasan na makompromiso.

 

 

Tinuran naman ni Google head of government affairs Yves Gonzales na hindi pinapayagan ng YouTube ang mga contents na naglalaman ng seryosong panganib sa pagpapakalat ng medical information na salungat sa local health authorities o guidelines na itinakda ng World Health Organization.

 

 

Sinabi ni Gonzales na misyon ng YouTube na bigyan ng boses ang publiko sa social media at bigyan ang mga ito ng go-to platform kung saan sila matututo, mai-entertain at makalilikha ng audience sa pamamagitan ng kanilang channels.

 

 

“YouTube has basically democratized having an audience, as an open platform, users like you, [like] individual users and governments come to YouTube on a voluntary basis and you have the full control over when, if and what kind of content you choose to upload,” ayon kay Gonzales.

 

 

Binigyang diin naman ng pinuno ng public policy ng TikTok sa Pilipinas at Malaysia na si Toff Rada ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “critical thinking” lalo na kapag ang users ay hindi ma-distinguish o masabi ang tama at maling content.

 

 

“Even if you remove the bad pieces of content, even if you put up the right pieces of content, if your user cannot distinguish between right and wrong, then it is of no use. So, I think we have to build that critical thinking,” ayon kay Rada.

 

 

Samantala, tinalakay din sa komperensiya ang mga hamon na kinahaharap ng mga ahensiya ng gobyerno kabilang na ang “account hacking at pagpapalaganap ng fake news.”

 

 

Tinalakay din ang mga panukala para pagaanin ang panganib kabilang na ang pag-Iwas mula a pagpapalaganap ng pag-uulat ng “compromised accounts at advocating for the cultivation of critical thinking skills.” (Daris Jose)

Economic adviser ni ex-PRRD pahaharapin sa P3-B shabu probe ng Kamara

Posted on: May 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PAHAHARAPIN ng House Committee on Dangerous Drugs sa susunod nitong pagdinig kaugnay ng P3 billion halaga ng shabu na nakumpiska ng otoridad sa Pampanga si Michael Yang, na naging presidential economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo.

 

 

Ayon sa chairperson ng komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lumalabas sa imbestigasyon na ang Empire 999, ang kompanyang may-ari ng warehouse kung saan itinago ang nakumpiskang droga ay pagma-may-ari ng mga Chinese national na mayroon din iba pang maliliit na kompanya kasama ang ilang personalidad na nasangkot din sa anomalya noong nakaraang administrasyon.

 

 

Isa na rito si Lincoln Ong, na nagsilbing interpreter ni Michael Yang sa mga imbestigasyon ng Pharmally scandal.

 

 

Lumabas sa pinakahuling pagdinig nitong Mayo 8 na isa si Ong sa incorporator ng mga kompanyang may kaugnayan sa Empire 999.

 

 

Sa presentasyon ni Public Accounts Chairman Joseph “Caraps” Paduano, lumalabas na may kaugnayan si Michael Yang kay Lincol Ong.

 

 

Upang malinawan ang kaugnayan ng dalawa, nag-mosyon si Public Order Chairman Dan Fernandez na padaluhin si Yang sa susunod na pagdinig.

 

 

Matatandaan na nasungkit ng Pharmally ang bilyong pisong halaga ng kontrata ng PS DBM, na noon ay pinamumunuan ni Christopher Lao, para sa pagbili ng medical supply noong panahon ng pandemiya.

 

 

Sa kabila ng kawalan ng kakayanang pinansyal, sinabi ni Lincoln Ong na nabili ang mga suplay dahil binayaran ito ni Michael Yang.

 

 

Nito lamang nakaraang linggo ay kinasuhan ng Ombudsman ang isa pang mataas na opisyal ng Pharmally at malapit na kaibigan ni Michael Yang kaugnay sa kaso sa Pharmally.

 

 

Lumalabas sa imbestigasyon ng Kamara na karamihan sa mga incorporators ng mga kompanya ay mga Chinese national na nakakuha ng pekeng dokumento upang palabasin na sila ay Pilipino.

 

 

Kaya mula sa usapin ng droga ay naungkat na rin ang banta sa pambansang seguridad dahil nakakabili ng mga ari-arian ang mga indibidwal na ito gamit ang pekeng mga dokumento. (Daris Jose)

PBBM, lumikha ng special committee para protektahan ang human rights sa Pinas

Posted on: May 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUMUO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang special committee para mas palakasin ang human rights protection at promosyon sa bansa.

 

 

Base sa Administrative Order No. 22, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Mayo 8, ang Special Committee on Human Rights Coordination ay nilikha, inatasan na panatilihin ang inisyatiba at nagawa ng United Nations for the Joint Programme (UNJP) on Human Rights sa aspeto ng law enforcement, criminal justice, at policy-making.

 

 

Si Bersamin ang uupong chairman ng komite, at co-chair naman si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla. ang ibang mga miyembro ng komite ay ang mga pinuno ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of the Interior and Local Government (DILG).

 

 

“[I]t is imperative to sustain and enhance the accomplishments under the UNJP, which is set to expire on 31 July 2024, through institutionalization of a robust multi-stakeholder process for the promotion and protection of human rights in the Philippines,” ayon sa AO.

 

 

Ang Pilipinas ay isang state party sa ilang international human rights instruments, gaya ng Universal Declaration of Human Rights, International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights, at International Covenant on Civil and Political Rights.

 

 

Itinatag din ng Pilipinas ang Presidential Human Rights Committee (PHRC) para bumalangkas ng isang National Human Rights Action Plan, at tiyakin ang pagsunod ng bansa sa obligasyon nito sa international human rights groups.

 

 

Magsisilbi naman ang PHRC Secretariat bilang secretariat ng special committee para makapagbigay ng mahahalagang “technical, administrative, at operational support.”

 

 

Kabilang naman sa “duties at functions” ng komite ay ang pagsasagawa ng imbestigasyon at accountability, data-gathering hinggil sa di umano’y paglabag sa karapatang-pantao ng law enforcement agencies, at pagpapalawig sa civic space at engagement sa pribadong sektor.

 

 

Dapat din itong magpatupad ng human rights-based approach tungo sa drug control at counter-terrorism.

 

 

Inatasan din ang komite na i-monitor at tiyakin ang epektibong implementasyon ng government policies at programs na “aimed at upholding and protecting human rights of persons deprived of liberty, particularly in guaranteeing that no one is subjected to torture and other cruel, inhumane or degrading treatment of punishment.”

 

 

Samantala, ang pondo para sa paunang implementasyon AO, ay kukunin sa kasalukuyan at available appropriations ng member-agencies special committee. (Daris Jose)

Inter-agency council, binuo para tukuyin ang government lands na angkop para sa mass housing

Posted on: May 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

LUMIKHA ang national government ng isang Inter-agency Coordinating Council na mangangsiwa sa ‘accounting’ at paglikha ng master’s list ng government lands na maaaring gamitin para sa mass housing.

 

 

Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Jose Rizalino Acuzar na ang naturang hakbang ay bahagi ng intensyon ng pagpapalabas ng Administrative Order AO 21 na nagbibigay atas sa buong burukrasya para tiyakin ang pinakamainam na gamit ng government lands sa pagsuporta sa nilalayon ng national development.

 

 

Ipinaliwanag ng AO ang government lands bilang nakatiwangwang na lupa o abandonadong lupa o iyong hindi na ginagamit para sa layunin kaya ito nakareserba o binili; lupa na mayroong titulo o hanggang ngayon ay wala pang titulo sa ilalim ng pangalan ng gobyerno at ibang lupa na itinakda ng AO.

 

 

“In the AO, all hands that we need are already onboard. We are giving our full attention to come up with the Master List the soonest so that we can identify the areas that are suitable for housing and immediately consider it for Pambansang Pabahay,” ayon kay Acuzar.

 

 

Sinabi ni Acuzar na ang Inter-agency Coordinating Council is co-chaired ng DHSUD at Department of Environment and Natural Resources (DENR), kung saan ang pinuno ng Department of Agrarian Reform (DAR) bilang vice chairperson. Ang mga miyembro ng ahensiya ay kinabibilangan ng Departments of the Interior and Local Government, Agriculture, Justice, at Information and Communications Technology (DICT); Office of the Executive Secretary; Office of the Solicitor General; Land Registration Authority; at Commission on Higher Education.

 

 

Primarily, maghahanda naman ang coordinating council at magsusumite sa Pangulo ng isang digital Master List ng government lands, at mag-update ng kahalintulad kung kinakailangan.

 

 

Maaaring ipakita sa listahan ang lokasyon ng lupa, kabuuang lugar, property classification, kasalukuyang aktuwal na paggamit, bukod sa iba pa at iba pang kaugnay na impormasyon.

 

 

“The council is also directed to ensure the timely submission of land inventories by government offices, as well as the integrity, completeness and accuracy of the data. With DICT, the council will study, formulate and implement a mechanism for the digitalization of the Master List,” ayon kay Acuzar.

 

 

Winika pa nito na ang DENR – Land Management Bureau (LMB), bilang coordinating council’s secretariat ay inaatasan na magkaloob ng administrative at technical support, habang ng burukrsya ay magsisilbi bilang repository ng lahat ng dokumento at impormasyon na may kinalaman sa Master List.

 

 

Ang coordinating council ay inatasan na bumalangkas ng ‘implementing guidelines’ ng AO, nagpapakita na ang format ng Master List at ang proseso at mekanismo para sa pag-uulat at pagsusumite ng kani-kanilang inventory ng government offices kasama ang tungkulin ng land identification at inventory.

 

 

“Within 60 days from the effectivity of the implementing guidelines, all national government agencies and instrumentalities are directed to prepare and submit to the council through the DENR-LMB a complete inventory of lands in their possession,” ayon kay Acuzar.

 

 

Samantala, ang DHSUD at DENR-LMB ay makikipag-ugnayan sa local government units para sa gagawing pagsusumite ng huli alinsunod sa Republic Act 7279. (Daris Jose)

TAMBOBONG INDAKAN FESTIVAL 2024 SA MALABON

Posted on: May 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SUOT ang kanilang makukulay at magagarbong costume, nagpasiklabhan sa showdown dance competition ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Malabon at mga kawani ng pamahalaang lungsod kung saan ipipakita nito ang kwento ng kasaysayan at mayabong na kultura ng Malabon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Tambobong Indakan Festival 2024.

 

 

Inilunsad ni Mayor Jeannie Sandoval ang ikalawang Tambobong Indakan Festival na nagtatampok ng mga talento, kasanayan, pagkamalikhain, at koordinasyon ng 23 grupo ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod at departamento ng lokal na pamahalaan upang isulong ang mayaman at makulay na kasaysayan ng Malabon, alinsunod sa pagdiriwang ng ika-23 Anibersaryo ng Pagkalungsod ng lungsod at ika-425 Anibersaryo ng Pagkakatatag nito. (Richard Mesa)