• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Showbiz’ Category

Hindi matatawaran ang kontribusyon sa pelikulang Pilipino… Sen. BONG, pinarangalan si Mother LILy sa inihaing resolusyon

Posted on: August 9th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA Facebook post ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., noong Martes, ilang araw ng pagpanaw ni Mother Lily Monteverde, mababasa ang kanyang bagong resolusyon.

 

 

 

“Atin pong inihain ang Proposed Senate Resolution No. 1099 na nagbibigay-karangalan kay Lily Yu Chu-Monteverde o mas kilala natin bilang Mother Lily.

 

 

 

“Sya ay tunay na haligi ng entertainment industry na nagbigay-oportunidad sa mga artista, direktor at manunulat na maipakita ang kanilang angking husay at talento— na siyang nagpayabong sa pelikulang Pilipino.

 

 

“Kaya naman, nararapat lamang bigyang-pagkilala ang kanyang ‘di matatawarang kontribusyon sa sining at kultura ng ating bansa.”

 

 

At pagkaraan ng dalawang araw ay muling nag-post ang butting senador tungkol sa kanyang inihaing resolusyon.

 

 

“Sa aking Sponsorship speech sa Senado para sa Senate Resolution No. 1099, ating binigyang-pugay ang haligi ng industriya ng pelikula at telebisyon na si Lily Yu-Chu Monteverde, o mas kilala bilang Mother Lily.

 

 

“Sa kabila ng ating lungkot at pagkabigla sa kanyang pagpanaw, inalala natin ang kanyang ‘di matatawarang kontribusyon hindi lang sa karera ng marami sa showbiz, kundi sa sining at kultura ng ating bansa.

 

 

“Mother, dalangin namin ang iyong kapayapaan sa piling ng ating Diyos Ama. Habambuhay kang mananatili ka sa aming puso at isipan. Maraming salamat at paalam.

 

 

#MotherLily #BongRevilla #BongRevillaJr #UgaliAtGawa

 

 

***

 

 

PUMUNTA kami sa wake ni Mother Lily sa 38 Valencia Events Place last Tuesday, August 6 at ramdam kakaibang ambience dahil sa makukulay na bulaklak na naka-decorate malapit sa casket ng sikat na film producer.

 

 

Sabi nga namin, very Mother Lily pa rin na masayahin, na nakagawa ng more than 1,000 movies ang Regal Films.

 

 

Kaya natanong namin si Ms. Roselle Monteverde sa mga plano ng Regal after nang pagpanaw ni Mother Lily?

 

 

“So, the plan is really to continue on the legacy of mother that created. So, more movies. Meron din kaming mga series na kini-create for certain OTT (over the top) platforms,” sabi ni Roselle na matagal-tagal na ring namamahala ng Regal Entertainment.

 

 

Hindi nga madaling tanggapin na magkasunod na pumanaw ang kanyang mga magulang. Six days after na mamatay si Father Remy Monteverde ay sumunod na nga si Mother Lily, isang araw pagkatapos ng libing.

 

 

 

“Of course, it is very overwhelming. It’s a mixed feeling, since syempre hindi naman masaya talagang to lose both your parents in the span of just a week. But then, every time I think about it, they’re also tired because, as you know, their bodies are not well enough to live.

 

 

“I think it’s better talaga for them, and you know they’re together. I’m sure they’re together, kasi parang it’s a matter of, you know, ‘yung burial ng Dad namin. Right after that, we rushed to the hospital, kasi tinawag kami. Parang timing naman.

 

 

“Then we got to the hospital, sabi ng doctor; parang they thought my mom’s going to be well, but then suddenly bigla na lang siyang nag-bid na unexpec­tedly.

 

 

So, the doctor gave us a choice, so we stayed with her until her passing. So ‘yun na, sinundo siya talaga ng Dad ko,” pagbabahagi pa ni Ms. Roselle.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Masamang-masama ang loob lalo na kay Jojo: NIÑO, emosyonal nang humarap sa hearing ng Senate committee

Posted on: August 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGING emosyonal si Niño Muhlach dahil sa sobrang sama ng loob nang humarap siya sa hearing ng Senate committee on public information and mass media kahapon.

 

 

 

Pinangunahan ito ni Sen. Robin Padilla, present din sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla.

 

 

 

Ipinakita ng dating child actor ang matinding sama ang loob sa dalawang “independent contractors” ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz na inakusahan ng kanyang anak na si Sandro Muhlach ng sexual abuse.

 

 

Hindi raw inakala ni Niño na magagawa ni Jojo ito kay Sandro lalo’t magkasama sila sa isang GMA sitcom.

 

 

“Nasaktan talaga ako nang kinuwento niya sa akin ang nangyari,” pahayag ng aktor.“Kasi para makita mo ang anak mo na nangingingig at hindi halos mahawakan ang telepono niya, nu’ng ikinukuwento sa akin ang ginawa sa kanya.

 

 

“Lalo na si Jojo Nones po nakatrabaho namin sa ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’, siya po ang head writer namin. Sobrang galang ko sa kanya, sobrang respeto sa kanya.

 

 

“Kapag may events kami, ako pa lumalapit sa kanya, Sir Jojo pa nga tawag ko sa kanya, alam mo naman ‘yun. Kaya talagang hindi ko matanggap na ginawa niya sa anak ko.”

 

 

Dagdag pa ni Niño na patuloy na naging emosyonal, “yun isa, hindi ko naman kilala. Nakilala ko na lang siya nang nangyari ‘yun insidente. Pero sobrang sama talaga ang loob kay Jojo Nones

 

 

“Tapos nalaman ko pa, bago niyang kinuwento sa akin, kinuwento muna niya sa kapatid niya si Alonzo Muhlach, na dating child star din…

 

 

“Sinabihan daw siya ng kuya niya na, ‘bro, sana ‘wag mangyari sa ‘yo, ang nangyari sa akin.”

 

 

Pagpapatuloy pa ni Niño, “nakakasama ng loob kung kayang gawin sa, di ko naman binubuhat ang aming bangko…ang talagang malaking kontribusyon sa industriyang ito, what more sa iba, what more sa mga baguhan?

 

 

“Di ko sinasabing may ginawa silang iba pero kung kaya nilang…sa isang pamilya na may pundasyon sa industriyang ito what more sa iba?”

 

 

Saglit na tumigil si Niño at patuloy siyang naglabas ng sama ng loob kina Nones at Cruz, na binabaligtad pa raw ang nangyari sa kanyang anak, na nagkaroon ng matinding trauma.

 

 

“Tapos ngayon binabaligtad pa ang sitwasyon? Di ko sinasabing GMA ah. Binabaligtad ni Jojo at ni Richard ‘yung nangyari sa mga comment nila, sa mga press release nila.

 

 

“Nakakasama ng loob, kung sino may sala, yan pa ang nagagawang magbaligtad sa istorya. Kahit sinong ama o magulang ganito din mararamdaman.” Seryoso pang tugon ni Niño.

 

 

Nauna nang sinabi ng abogado nina Nones at Cruz na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na hindi dadalo ang kanyang kliyente. Dahil ayon sa legal counsel kapag humarap sa hearing ang dalawa ay, “might be questioned during the senate hearing which may be tantamount to cross-examination during the trial of the case.”

 

 

Kaya magkikita na lang sila sa korte, para doon magharap-harap, habang nililitis ang kaso. (ROHN ROMULO)

Pinuri ng netizens dahil diyosang-diyosa pa rin… R’BONNEY, naranasan ding umangkas nang ma-stuck sa trapik

Posted on: August 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT Miss Universe pa man, naaapektuhan ng sobrang traffic sa Maynila!

 

 

 

Kaya naman upang makaiwas sa trapiko ay sumakay sa motorcycle riding service si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel!

 

 

 

Kesa nga naman ma-stuck at maubos ang oras sa loob ng kanyang sasakyan, deadma sa poise at umangkas sa motorsiklo si R’Bonney.

 

 

Hindi lamang iyan, ni-post pa niya sa kanyang Instagram Reel ang kanyang experience, na umani ng papuri dahil queenly pa rin at napakaganda at napaka-poise ng beauty queen habang nakaangkas sa motor!

 

 

Aminado naman si R’Bonney na ninerbiyos siya sa una niyang experience na ito.

 

 

At reaksyon ng mga netizen, kahit na nakasuot ng helmet ay diyosang-diyosa pa rin ang ganda nito.

 

 

Lahad pa ni R’Bonney, “When you refuse to spend 2.5 hours in the car with traffic but now you have to worry about the upcoming 4 way intersection with no light, everyone ignoring the lane markings, and making it home before it rains.

 

 

“And do the honks mean “hello?” or move out of the way???”

 

 

Umani rin ng papuri si R’Bonney na bukod sa kagandahan niya ay ang pagsubok niya sa isang aspeto ng pagiging Pilipino; may dugong Pinoy si R’Boney dahil Pinoy ang ama niya.

 

 

At ang pag-angkas sa motor ay regular na gawain na nating mga Pilipino, well, yung mga malalakas ang loob, siyempre.

 

 

Tanda namin, many years ago, noong hindi pa uso dito sa Pilipinas ang motorsiklo bilang uri ng public transportation, nasa Bangkok sa Thailand kami ni Judy Ann Santos at ang aktres ang unang nagturo at nagyaya sa amin na umangkas sa motorsiklo o habal-habal na sa Thailand nagsimula at unang naging public transport bago pa man sa Pilipinas.

 

 

***

 

 

TINANONG namin si Ashley Sandrine Yap, bilang matinee idol ang ama niyang aktor na si Richard Yap, kung ano ang feeling niya kapag may mga babae (at bading) na may crush sa tatay niya.
“Natutuwa naman po ako!

 

 

“Actually, marami nga pong nagsasabi sa akin na, ‘Oh my God, crush ko yung daddy mo!’, ‘Oh my God, ang hot ng daddy mo!’

 

 

“Tapos parang, natatawa na lang po ako kasi sanay na rin po ako, and I’m very happy na even at his age, di ba, na marami pa ding nagka-crush sa kanya talaga.”

 

 

At ang reaksyon ni Richard sa sinabi ng anak ay, “Sinasabi niya sa akin, ‘Mas mabuti ng may nagkaka-crush sa iyo kesa wala!’”

 

 

Ano ang best advise kay Ashley ng daddy niya?

 

 

“To be hands-on talaga and to know na you know, paglalaanan mo siya talaga ng oras and may mga paghihirap kang pagdadaanan, but we have them, my parents.”

 

 

Sa mga hindi nakakaalam, artista rin si Ashley, nakakontrata ang dalaga sa GMA Network bilang isang Sparkle artist.

 

 

Pero hindi pa nagkasama sa anumang serye ang mag-ama, at iyon sana ang nais ni Ashley.

 

 

“Actually iyon po yung dream ko, I really wanna be able to work with him onscreen talaga.”

 

 

Hindi ba siya mag-ge-guest sa ‘Abot Kamay Na Pangarap’ na top-rating TV series ng GMA kung saan isa si Richard sa mga bida?
“Malay po natin in the future,” ang isinagot ni Ashley.

 

 

Hindi man magkasama sa show ay magkasama naman bilang business partners sina Ashley at Richard sa negosyo ni Ashley na Sip2Glow Collagen Drink na available online.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Nakipagsabayan sa Japanese actress na si Arisa Nakano: GABBY, tumagos ang role sa ‘Kono Basho’ dahil na-experience niya

Posted on: August 8th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SANIB-PUWERSA ang Project 8 Projects at Mentorque Productions para sa Cinemalaya Independent Film Festival na ‘Kono Basho’ na kinunan sa Japan.

 

 

 

Ang Project 8 Projects ang naghatid ng Cinemalaya Audience Choice Award Rookie (2023) and Gawad Urian Best Film winner, na ‘Iti Mapukpukaw’ (2023).

 

 

 

Sila rin ang nag-produce ng well-awarded movies tulad ng ‘Never Not Love You’ (2018), ‘Alone Together’ (2019), at ‘Fan Girl’ (2020).

 

 

Naging matagumpay naman ang Mentorque sa kanilang box-office hit and critically acclaimed film na ‘Mallari’ (MMFF 2023 entry), ito rin ang first Filipino mainstream movie na distributed by Warner Brothers.

 

 

Ibinagi naman ni Bryan Dy (Executive Producer under Mentorque Productions) kung ano ang nag-udyok sa kanya na buhayin ang kuwento ito.

 

 

 

 

 

“What drew me to Kono Basho was the powerful story the director embodies hope in the face of adversity.

 

 

“Witnessing the rebuilding efforts of Rikuzentakata and the community’s unwavering spirit is incredibly inspiring. I want audiences to feel the warmth and solace that ‘Kono Basho’ offers.”

 

 

At dahil sa tagumpay ng kanilang debut film na ‘Mallari’, nakita ni Dy ang kahalagahan sa pagsuporta sa mga filmmaker na naglalagay ng puso sa bawat kwentong kanilang gagawin.

 

 

“It’s important for me to continue supporting filmmakers who bring such impactful stories to life, emphasizing the strength of the human spirit,” papayag pa niya.

 

 

Sa pinagsamang malikhain puwersa, kahanga-hangang isinalaysay sa ‘Kono Basho’ ang kuwento ng dalawang estranged half sisters na sina Ella (Gabby Padilla) at Reina (Arisa Nakano), na muling nagkama-sama sa libing ng kanilang ama sa Rikuzentakata, na kung saan nauwi sa pakikipag-ugnayan nila upang gamutin ang mga personal na sugat.

 

 

Kailangang harapin ni Ella, na isang 28-anyos na Filipina Anthropologist, ang mga kultural at emosyonal na kumplikadong kaakibat ng pangalawang pamilya ng kanyang ama, lalo na ang kanyang kapatid sa ama, si Reina, na ipinanganak at lumaki sa Japan.

 

 

Sa gitna ng masalimuot na kaganapan sa kanilang relasyon, natagpuan nina Ella at Reina ang koneksyon habang pareho silang nagsusumikap na magkasundo sa magkakaibang pananaw sa kanilang ama.

 

 

Ang paglalakbay ng magkapatid ay pagtuklas din sa sarili at naging kaakibat ng pagpapagaling ng Rikuzentakata, isang lungsod na lubhang naapektuhan ng mapangwasak na lindol at tsunami noong Marso 2011 sa silangang Japan.

 

 

Ang ‘Kono Basho’ ay isang personal na kuwento na ginawa ng visual artist, curator, teacher turned filmmaker at direktor na si Jaime Pacena II. Humugot siya ng inspirasyon mula sa panahon na ginugol niya sa Japan sa pagsasaliksik at pag-i-immerse sa Rikuzentakata.

 

 

Masining na sinasalamin ni Pacena ang kanyang labintatlong taong pangangalap ng mga larawan at video bilang mga natitirang alaala, na pangunahing tema na makikita sa kabubuan ng pelikula.

 

 

“Seeing Rikuzentakata rebuild and reform after the disaster for several years is what drew me in writing Kono Basho. The hope amidst loss and pain is such an inspiration,” pagbabahagi pa ni Pacena.

 

 

Ang lalong nagpa-espesyal sa pelikulang ito ay ang pagbabalik ni Direktor Dan Villegas bilang isang cinematographer. Matapos mag-focus sa mga directorial roles na nakakuha sa kanya ng Metro Manila Film Festival Best Director noong 2014, gayundin sa paggawa ng mga pelikula at palabas sa TV, bumalik si Villegas sa kanyang pinagmulan bilang Direktor ng Photography para mas bigyang-buhay ang mga kuwento nina Ella at Reina.

 

Bukod sa kanyang tungkulin bilang DOP, nagsisilbi rin si Villegas bilang Executive Producer at Producer ng pelikulang ito sa ilalim ng Project 8 Projects.

 

 

Higit pa sa mga kahanga-hangang talento, malaki rin ang naging bahagi ng Japan Foundation sa pagpipinta ng kwentong ito.

 

 

Dahil ang pelikula ay ganap na kinunan sa Japan, ang production team ay tinulungan ng foundation upang matiyak na ang kultura at sensibilidad ng Rikuzentakata, Japan ay maayos na nakuha at pinarangalan.

 

 

Ang Kono Basho ay isang kwento tungkol sa pamilya, pagkawala, pagkakakilanlan at pagbabago. Malalim itong sinasaliksik ang mga masalimuot na isyung nakapalibot sa diaspora ng mga Pilipino, na itinakda sa backdrop ng mga trauma na dulot ng tsunami noong Marso 2011, na nag-aalok ng malalim na pagmuni-muni sa mga temang ito. Dumadaloy ang kalungkutan. Ngunit hindi mo kailangang sakyan ito nang mag-isa. Minsan ang mga taong hindi natin inaasahan na tutulong sa atin ay sila pa ang nagpapahirap.

 

 

Litaw na litaw nga ang kahusayan ni Gawad Urian and Cinemalaya Best Actress nominee Gabby Padilla sa pagganap sa ‘Kono Basho’, napansin nga ang pagganap sa kanyang outstanding roles sa ‘Kalel, 15’, ‘Billie and Emma’, at sa ‘Gitling’.

 

 

Natanong si Gabby sa naging experience niya habang nagso-shooting ng pelikula sa Japan.

 

 

“The community we built in Japan while shooting in Rikuzentakata was one of my favorite things about the whole Kano Basho experience. Being able to work with an amazing team in such a magical place was already a gift in itself.”

 

 

Dagdag pa niya sa story ng worth watching na movie, “noong nabasa ko siya, medyo tumagos siya sa akin, kasi may sister din ako. And the film is about the two sisters going through the loss of their father together.

 

 

“And that something that I experienced with my own sister.”

 

 

Hindi rin matatawaran ang galing sa pagganap ni Japanese actress na si Arisa Nakano, na na nakilala sa kanyang pivotal role in the Oscar nominated movie ‘Perfect Days’.

 

 

Kaya naman hanggang-hanga rin si Gabby at hindi siya nahirapang sa kanilang eksena.

 

 

“Si Arisa magaling po niya,” pag-amin niya.

 

 

“Sobrang husay niya at sobrang generous niya as an actress. Kaya hindi mahirap to share a scene with her.”

 

 

Dahil nakatira siya sa Japan, ang disaster sa Rikuzentakata hit closer to her.

 

 

She expresses her sentiment and hopes for the Filipino audience seeing this film:

 

 

“Having lived through the big natural disaster in Japan, I’ve seen how people’s lives changed because of it. I hope people in the Philippines get a glimpse of that reality through this film.”

 

 

Maglakbay sa Japan kasama ang ‘Kono Basho’, na official entry sa 20th Cinemalaya Independent Film Festival na nagkaroon ng Gala Premiere noong August 6 sa Ayala Malls Manila Bay (AMMB), na talaga namang pinalakpakan nang matapos ang movie.

 

 

Patuloy itong mapapanood:

 

 

August 8 – AMMB Cinema 8 & 10 at 11:00 AM; UP Town Center Cinema 3 & Greenbelt Cinema 3 at 2:00 PM

 

 

August 9 – TriNoma Cinema 1 & Market Market Cinema 2 at 2:00 PM

 

 

August 10 – UP Town Center Cinema 3 & Greenbelt Cinema 3 at 5:00 PM

 

 

Hoping din sila na after Cinemalaya at maisali ang ‘Kono Basho’ sa iba’t-ibang international filmfest.

 

 

“Sana naman, we’ll happy to bring the film to wherever it is meant to. If it is to Japan or worldwide, why not? We’ll be happy to share to the bigger audience,” pagtatapos pa ni Gabby Padilla.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Parang sundalo raw talaga kung kumilos: COCO, puring-puri ni SMUGGLAZ dahil napaka-propesyunal

Posted on: August 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HALOS bumalik na nga ang normal na sitwasyon matapos magtuluy-tuloy na bumaba ang mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo. Ano ang nararamdaman ni Smugglaz na buhay na buhay na muli ang industriya ng musika na isa sa tinamaan ng pandemya noong taong 2020?

 

 

 

Aniya, “Sobra po akong nagpapasalamat, sobra akong grateful, kasi ramdam na ramdam ko po iyan, e!

 

 

 

“Kasi nung pandemic yung mga entertainers ang talagang unang pinaka tinamaan, lalo na ang mga trabaho namin sa gabi, pag-entertain sa mga probinsiya, sa mga events, so ramdam ko yun.

 

 

“At buti nga nung panahon na yun kasalukuyan akong nasa taping ng ‘Ang Probinsiyano’, at sa pagkakaalam ko sila ang unang-unang nag-taping nung pandemic, sila yung parang gumawa ng protocol ng lock-in na ginaya na ng iba.”

 

 

Naging cast member si Smugglaz ng action-serye ni Coco Martin, at ngayon naman ay nasa ‘Batang Quiapo’ siya.

 

 

“So nung pandemic lock-in kami, sobrang ibang journey din yun kasi isang buwan kaming magkakasama, dun sinisingit-singit ko naman yung paggawa ng mga kanta, at ang kagandahan naman pag rapper ka kasi salangan mo lang ng beat, camera, kayang-kaya na naming maka-produce ng music.

 

 

“Kaya nung panahon ng pandemic ang daming mga online challenges na nauuso, mga rap online na nagpasigla pa din sa hiphop, kumbaga nagkaroon ng buwelo, yung 2 years na pandemic na yun, dahil sa online… gumalaw kami sa online, yung mga vloggers, mga musicians, kumbaga nagkaroon ng panibagong era e.

 

 

“Pagkatapos na pagkatapos ng pandemic, nung nabuksan na uli yung mundo para sa mga events, ayan na, may mga bago ng mga artists, may mga bago ng influencers, parang nag-switch talaga siya, para tayong na-reset after ng 2 years na yun.

 

 

“Kaya sobra po akong grateful na ngayon pupuwede na, na nakakapagsama-sama na tayo, kasi naabutan ko yan e, yung social distancing, na magpe-perform ka ang layo ng tao, magpe-perform kami sa TV tapos may face shield, sabi ko, ‘Paano yung mic?’

 

 

“Nasa ilalim ng face shield,” pagbabalik-tanaw ni Smugglaz noong kasagsagan ng pandemya.

 

 

Pagpapatuloy niya, “Sobrang ang ginhawa na ngayon. Alam mo yung para kang hindi makahinga noon tapos bigla kang nakakuha ng hangin, so talagang sinusulit po namin ngayon.”

 

 

Six years din siyang naging bahagi ng ‘Ang Probinsyano’.

 

 

At ngayon nga ay nasa ‘Batang Quiapo’ siya bilang si Kidlat.

 

 

Paano nga ba katrabaho si Coco?

 

“Sa totoo lang po si Coco Martin ay napaka-propesyunal na tao, pero bukod dun na para siyang sundalo talaga kumilos ay napakabait niya din po off-cam.

 

 

“Kasama din po namin siya sa mga happenings, sa mga harutan, sa mga kuwentuhan ng mga kung anu-ano lang, mga kuwentuhang kanto, nakikisama din siya diyan, marunong siya.

 

 

“Pero ang pinakagusto ko po kay Coco Martin ay pag trabaho talaga is trabaho talaga. Pinaghihiwalay po niya yan, yung may oras tayo para dito, may oras naman sa trabaho.Iyon ang sinasabi niyang parang sundalo si Coco.

 

 

“Yes po,” sambit ni Smugglaz, “kasi po talagang si Coco Martin e never nale-late, at pag nandun na kami sa set dapat naka-ready na kami, lalo na nung mga scenes namin na nagpulis kami. “Kasi sobrang ang daming abubot, kailangan may baril kami, kailangan kumpleto yung uniform ng pulis, dahil nire-represent namin ang PNP.

 

 

“Bawal ang sloppy-sloppy na pagsusuot, so talagang check, check, check, talagang ganun kami, snappy po talaga.

 

 

“Talagang na-i-apply din namin siya, yung character namin, kung paano kami nakikipagtrabaho kay Coco Martin, kasi talagang nakita namin isinapuso niya yung pagiging pulis nun e, naging sundalo kami, naging Presidential Task Force kami dun sa Ang Probinsiyano, talagang niyakap namin yung role nun.”

 

 

May bagong kanta na ni-release ang rapper/TV actor, ito ay may pamagat na “Piging”.

 

 

Tinanong namin si Smugglaz kung ano inspirasyon sa kanta niyang ito at kung paano ito siya nabuo.

 

 

Lahad niya, “Unang-una po siyempre ang aking birthday, dahil kaarawan ko din po noong July 21, itong kantang po ito ay bukod po sa birthday ko, ginawa ko ‘tong kantang ito na parang gusto kong maging soundtrack siya, sa buhay din ng ibang tao.

 

 

“Kumbaga soundtrack nila pag nandun na din sila, at pasasalamat dahil sa dami ng nangyayari nandito pa din sila, still standing.

 

 

“Sa paglipas ng panahon maraming nagbabago, mga changes, may mga kasamahan tayo na nawawala, may mga pumapalit, but still nandito pa din tayo.

 

 

“Ayun, kaya para sa akin itong kantang ‘to is just a celebration of life, ng journey po, ng success, ganun po.”

 

 

Bukod sa “Piging” ay si Smugglaz ang kumanta ng mga hit songs na “Pilosopo”, “Samin”, “ThePakyuSong”, “Bat Maangas Ka” at marami pang iba, at nakasama rin siya sa sikat na kanta ni Vice Ganda na “Karakaraka.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

 

Dahil ibang level ang pagiging kontrabida: DENNIS, inaming pinakamahirap na role ang tinanggap sa ‘Pulang Araw’

Posted on: August 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ni Kapuso Drama King Dennis Trillo na ang role bilang Japanese Imperial Army’s head, Col. Yuta Saitoh sa ‘Pulang Araw’ ang pinakamahirap na papel na ginampanan niya sa ngayon.

 

 

 

 

Sa exclusive media conference para sa aktor, ang kontrabida role na ito ay ibang level sa kanyang acting career.

 

 

 

 

“Matagal ko na rin hinihintay itong ganitong klaseng project, ganitong kabigat na character ngayon naman as a kontrabida.

 

 

 

“May konting pressure pero mas doon ako sa importansya sa pagkakaroon ko ng challenge bilang artista.

 

 

 

“Sa rami na ng nagawa ko, kailangan ko ng isang mabigat na role na mag-iisip ako at pag-iisipan ko bawat kilos, bawat galaw, bawat dialogue, excited ako sa ganun,” sey ni Dennis.

 

 

 

Lumabas na kontrabida si Dennis sa ilang GMA dramas tulad sa Super Twins, Temptation of Wife, Mulawin Vs Ravenq, at I Can See You: Truly, Madly, Deeply.

 

 

 

Para sa role niyang si Col, Yuta Saitoh, nag-aral si Dennis kung paano magsalita ng Nihongo fluently. Nagpapasalamat siya sa dalawang language coach na tinutulungan siya sa set.

 

 

 

“Hindi madali kasi kailangan tama yung bigkas mo sa lengguwahe nila. Kaya minsan paulit-ulit ako para makuha ko ng tama yung dialogue ko.”

 

 

 

Di rin daw nagawang makipag-bonding sa set ni Dennis sa mga co-stars niya dahil gusto niyang hindi mawala ang focus niya sa role niya.

 

 

 

“Nasa loob lang ako ng tent parati. Kaya hindi ako nakasama sa kuwentuhan kasi gusto ko kapag kukunan na ako, nasa katauhan ko pa rin si Yuta.”

 

 

 

***

 

 

 

NABINYAGAN na ang baby girl ng Kapuso comedian na si Sef Cadayona.

 

 

 

Pinabinyagan ni Sef at ng kanyang fiancee na si Nelan Vivero si Baby Anya sa same church kunsaan bininyagan ang aktor.

 

 

 

Very intimate lang ang christening ni Baby Anya at present ang close friends and family members nila Sef at Nelan.

 

 

 

Mga celebrity friends ni Sef na tumayong godparents ni Anya ay sina Iza Calzado, Klea Pineda, Rodjun Cruz, and Kokoy de Santos.

 

 

 

Post ni Sef sa IG para sa mga godparents ni Anya: “Isa sa pinakamadaling decision namin sa pag plan nito ay ang pagpili sa inyo. Nagpapasalamat kami sa inyong pagtanggap. We love you!”

 

 

 

Mapapanood pala si Sef sa GMA Prime teleserye na ‘Pulang Araw.’

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Malaki rin ang pasasalamat kay Mother Lily… ICE, proud na proud sa parangal na natanggap ni LIZA sa Luna Awards

Posted on: August 7th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PROUD na proud na ibinahagi ni Acoustic Icon Ice Seguerra sa kanyang Facebook account ang parangal na natanggap ng loving wifey at dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza Diño.

 

 

 

 

Kasama ang larawan na kuha awards night na kung saan pinarangalan si Liza ng FPJ Lifetime Achievement Award sa Luna Awards Night ng Film Academy of the Philippines

 

 

 

 

“Noong na-appoint ka sa FDCP, ang sabi mo noon if there’s one thing na gusto mong gawin, mabigyan nang proteksiyon ang ating mga film workers.

 

 

 

“Sa buong anim na taon na pinagsilbihan mo kaming lahat, nakita ko kung gaano mo binuhos ang sarili mo para masiguradong ang mga filmmaker sa BUONG Pilipinas ay magkaroon ng oportunidad lumago at maipakita ang kanilang mga kwento, kahit saan man silang sulok sa bansa,” panimula ni Ice.

 

 

 

Dagdag pa ni Ice…

 

 

 

“You gave equal treatment, mapabago man o pillar na ng industriya, at sinigurado mo na tulong ng gobyerno ay makakarating sa kanila.

 

 

 

“You used your position to make everyone feel we’re one industry, taken care of and seen.

 

 

 

“For others, maikli ang anim na taon. Pero dahil ikaw ay ikaw, bawat minuto ng bawat araw sa anim na taon na iyon ay buong puso mong inalay sa serbisyo.

 

 

 

“Maraming salamat sa pagmamahal mo sa industriyang minsan ay mahirap mahalin.

 

 

 

“Congratulations, my love, sa FPJ Lifetime Achievement Award na ibinigay sa iyo nang ating mga kasamahan sa industriya. Ang mga taong pinagsilbihan mo ang mag-aangat sa iyo.

 

 

 

“Maraming salamat, Film Academy of the Philippines, sa paggawad kay Liza ng parangal na ito.

 

 

 

“I’m so proud of you!

 

 

 

“I love you so much!”

 

 

 

***

 

 

 

SAMANTALA, isa si Ice Seguerra na maituturing na Regal baby, dahil bata pa lang siya ay gumawa na siya ng movies sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde na pumanaw na noong Linggo, August 4.

 

 

 

Kaya nagluluksa na naman ang buong showbiz, industry.

 

 

 

Sa kanyang Facebook post, mababasa ang kanyang pasasalamat sa kilalang film producer unang nagbigay ng break sa kanya.

 

 

 

“I was a Regal baby!

 

 

 

“Si Mother Lily ang unang nagbigay sa akin ng break sa pelikula. From Wake Up, Little Susie, ilang box office hit films ang ginawa namin under Regal Films.

 

 

 

“Si Mother Lily ang nagbigay sa amin ng bahay sa Quezon City na naging tahanan ng aking pamilya nang maraming taon.”

 

 

 

Dagdag pa niya, “kaya siya tinawag na “Mother” dahil maalaga siya. Yes, she had her quirks (sino ba namang wala) but if there’s one thing about Mother, grabe siya mag mahal.

 

 

 

“Ang pagmamahal niya sa pelikula ang nagbigay ng oportunidad sa mga taong kagaya ko na magkaroon ng career sa mundo ng showbusiness.

 

 

 

“Maraming salamat po, Mother Lily, for giving me my big break in the movie industry at sa pagaalaga at pagmamahal hindi lang sa akin kundi sa aking buong pamilya.

 

 

 

“May you rest in peace.”

 

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Unang producer na sumugal sa movie nila ni Gladys: JUDY ANN, labis-labis ang pasasalamat kay Mother LILY

Posted on: August 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ni Jed Madela ang mga larawan na kuha sa kanyang pagbisita kay Queen of All Media Kris Aquino, na patuloy na nakikipaglaban sa kanyang karamdaman.

 

 

 

Sa post ni Jed sa kanyang IG, may caption ito ng, “Finally got to visit Ms. Kris, Kuya Josh & Bimb. So happy to see her!

 

 

 

“We had a lot of catching up to do.”

 

 

Marami nga ang natuwa sa ginawang pagdalaw ni Jed, pero mas napansin ng netizens ang muling pagpayat ni Kris, na kanilang labis na ikinababahala.

 

 

Ilan sa mga komento nila:

 

 

“Sad. Paiba iba ng condition si Kris A. Ngayon ang payat nanaman nya. Nung interview with OD (Ogie Diaz) medyo okay ang built nya dun. Hope she get better soon.”

 

 

“She Just had her interview with Ogie Diaz lately diba? Mas better itsura niya dun. After a few months iba na ulit.”

 

 

“Sad result nga daw yung ginawang blood test kaya napabalik uli dun si Josh at Bimby.”

 

 

“Pumayat sya lalo God bless miss Kris.”

 

 

“Lalo sya pumayat maka uwi pa kaya sya.”

 

 

Samantala, isa nga si Jed sa favorite male singer ni Kris, at palaging nire-request kumanta sa show niya rati sa ABS-CBN.

 

 

Ipagpatuloy pa rin nating ipagdasal si Kris na bumuti na ang kanyang kalagayan, para makauwi na rin siya ng Pilipinas, at dito na tuluyang magpagaling.

 

 

***

 

 

MAY madamdaming mensahe ng pasasalamat si Judy Ann Santos-Agoncillo para kay Mother Lily Monteverde, na pumanaw noong ika-4 ng Agosto, anim na araw lang ang nakalipas ng mamatay ang kanyang asawa na si Father Remy Monteverde.

 

 

Mababasa sa IG post ni Juday na kalakip ang kanilang larawan, “My dearest mother Lily.. if i remember it right, this was our last photo together when we had our meeting for your biopic before the pandemic happened.. i could still remember how tight you embraced me when i arrived..”

 

 

Pag-alala pa ng award-winning actress, “all my firsts in showbizness was under you. My first teleserye “kaming mga ulila” and the only producer na sumugal sa amin ni gladys para gawin ang pelikulang “sana naman”.. and the rest is history..

 

 

“Ginawa mong makulay ang buhay ng maraming tao sa industriyang ito na minahal mo ng sobra sobra..

 

 

“And for that.. i will forever be grateful for your trust and love.. andito ako sa industriyang to, dahil sayo.. thank you mother.. fly high and enjoy walking around the heavens with father.. we love you soo much! 🙏🏼❤️”

 

 

Kahapon, nagsimula ang memorial service para kay Mother Lily sa 38 Valencia Events Place at sa Sabado, Agosto 10 naman ihahatid ang kanyang labi sa The Heritage Park sa Taguig City.

 

 

Sa statement na pinost ng Regal Entertainment, nare-request ang pamilya Monteverde na ipagdasal ang yumaong film producer.

 

 

Muli, ang aming taos-pusong pakikiramay.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Patuloy na ibibigay ang pagka-inis ng viewers… RICHARD, ‘di alam kung kailan magtatapos ang top-rating series

Posted on: August 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TILA wala nang katapusan ang extension ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ dahil nga sa consistent na mataas na ratings nito.

 

 

 

Kaya tanong namin kay Richard Yap, hanggang kailan ba ang show nila?

 

 

 

“As of now wala pa kaming ending e, so hindi pa namin alam, but of course, we want to continue giving you a good program.

 

 

“Of course, hinihintay ng mga tao ma-resolve yung mga problema dun at saka kung mag-e-end up ba kami ni Lynette, so yun, gusto ko abangan nila,” sagot ni Richard. Gumaganap ang aktor bilang Dr. RJ Tanyag sa show na kapareha ni Carmina Villarroel bilang si Lynette Santos, na ina ni Dra. Analyn Santos na ginagampanan naman ni Jillian Ward.

 

 

Dagdag pang sinabi ni Richard, “Well, of course we’re very happy because may trabaho kami, but we also want to continue giving you know, kung naiinis kayo sa show, gusto pa rin naming ibigay yung inis sa inyo,” at muling natawa si Richard, “para mag-continue, hindi naman maputol.”

 

 

Samantala, todo ang suporta ni Richard sa anak niyang si Ashley Sandrine Yap na pinasok ang pagnenegosyo via Sip2Glow, isang uri ng Collagen drink.

 

 

“Of course, it’s natural na suportahan ko siya because we’re family of business people,” pahayag ni Richard, “my dad was a businessman, kaya nga hindi ako naging doktor kasi gusto niyang magnegosyo ako.

 

 

“So all-out support tayo diyan because I think that’s the way to go rather than working for somebody.”

 

 

At siyempre, hahanap pa ba si Ashley ng ibang celebrity endorser, eh ama niya ang isa sa pinakasikat na artista ngayon, lalo pa at top-rating ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’.

 

 

Natawa nga si Richard sa tanong namin kung gaano katagal ang kontrata niya bilang endorser ng Sip2Glow, kung isang taon o panghabambuhay?

 

 

“Medyo may part na din ako sa negosyo, parang pampalubag-loob. Ha!Ha!Ha!“

 

 

So iyon nga, mag-business partner rin sina Richard at Ashley sa Sip2Glow?

 

 

“Parang ano… what do you call that? Industrial, yung bibigay ko lang yung pag-endorse ko, not really because binabayaran ako, but because I believe in the product also,” wika ni Richard.

 

 

Ayon pa kay Ashley, ang Sip2Glow ay gawa sa mga Korean ingredients at sa Korea mismo tinitimpla. Available na ito mabibili online.

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Handog ang giant videoke birthday concert experience: ICE, aminadong nabitin dahil ‘di nakanta ang favorite OPM songs

Posted on: August 6th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NGAYONG Setyembre, sa iconic Music Museum sa Greenhills muli magaganap isang masaya at tatatak na selebrasyon ng Original Pilipino Music (OPM).

 

 

 

Mamarkahan ng Acoustic Icon ng Asia na si Ice Seguerra, ang kanyang ika-40 (+1) na kaarawan sa pamamagitan ng pinaka-aabangang ikatlong edisyon ng “Videoke Hits.”

 

 

 

Sa ika-13 ng Setyembre magaganap ang natatanging concert na ito at nangangako ng isang hindi malilimutang interactive experiences na kung saan magiging mahalagang bahagi ng palabas ang mga tagahanga ni Ice.

 

 

Ang “Videoke Hits: OPM Edition” ay maituturing na one-of-a-kind event na pinaghalo ang energy nang live performance at ang kaligayahan sa pag-awit sa videoke.

 

 

Magsisimula ito ng ika-8 nang gabi, kung saan kakantahin ni Ice ang mga iconic na videoke classic at paborito ng mga tagahanga.

 

 

Ang highly-interactive na “By Request with Ice, Please!” segment ay magbibigay sa mga manonood ng isang pambihirang pagkakataon na kumanta kasama si Ice.

 

 

Dapat ding abangan ang segment na “Jam with Ice” na kung saan iimbitahan ni Ice ang mga espesyal na bisita na sumama sa kanya sa entablado.

 

 

Ipakikita ni Ice ang kanyang kakaibang pananaw sa mga sikat na karaoke classic sa segment na “Ice-fied”, na naghahatid ng mga bago at kapana-panabik na interpretasyon ng mga minamahal na kanta.

 

 

Ang makabagong konseptong “VIDEOKE HITS” ay pinasimulan ng ideya ni Fire and Ice CEO at creative director na si Liza Diño, na humahantong sa isang malikhaing pakikipagtulungan sa Fire and Ice LIVE! team.

 

 

“This isn’t just any concert; it’s an interactive sing-along event where fans are part of the show! Ice will bring the Karaoke vibe live on stage, giving you a chance to hear your favorite hits like never before,” say naman ni Liza.

 

 

Pagbabali-tanaw sa kanyang previous shows, ibinahagi naman ni Ice ang kanyang excitement for the upcoming event.

 

 

“I felt bitin during my last Videoke Hits dahil hindi ko nakanta ang mga paborito kong OPM songs. Napakaraming OPM songs ang masarap kantahin sa videoke. I also want to do this for my fans.

 

 

 

“Instead of celebrating my birthday with just friends, this time around, I wanna enjoy my time with my fans kasi hindi ko ito normal na ginagawa. I don’t usually celebrate my birthday with other people, so ngayon, it’s one giant videoke birthday concert experience,” pahayag ni Ice.

 

 

 

Ang mga tiket para sa “Videoke Hits: OPM Edition” ay mabibili na TicketWorld at Fire and Ice LIVE! (09175420303). Ang mga presyo ay mula sa ₱1500 para sa mga upuan sa Balcony, ₱2000 para sa Orchestra Side B, ₱3000 para sa Orchestra Side A, ₱3500 para sa Gold, ₱4000 para sa Patron, ₱5000 para sa VIP na may additional options para sa isang Soundcheck Experience (₱1500) at sa Meet & Greet (₱1000) kasama si Ice Seguerra. Ang mga VVIP seat ay para sa ₱7000 na may kasamang Soundcheck Experience at Meet and Greet.

 

 

Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan kay Anna sa info@fireandice.ph o tumawag sa 09175420303.

 

 

Huwag palampasin ang natatanging pagkakataong ito na magdiwang kasama si Ice Seguerra at maging bahagi ng isang incredible videoke birthday party!