• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Sports’ Category

Tapales WBC Asian Continental champion

Posted on: May 14th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINATUNAYAN ni two-division world champion Marlon Tapales na may ibubuga pa ito matapos magtala ng first-round knockout win para makuha ang WBC Asian Continental super bantamweight title sa labang ginanap sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.

 

 

 

Mabibigat na suntok ang pinakawalan ni Tapales para mabilis na tapusin si Nattapong Jankaew ng Thailand sa 2:15 marka sa first round.

 

 

 

Sa umpisa pa lang ng laban, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Tapales nang rumatsada agad ito ng kaliwa’t kanang kumbinasyon para mapabagsak ng dalawang beses ang Thai pug.

 

 

 

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Tapales nang muli itong bumanat ng solidong atake dahilan para magulpi ng husto si Jankaew at tuluyan nang itigil ng referee ang laban.

 

 

Ito ang ika-20 knockout win ni Tapales para uma­ngat ang rekord ng Pinoy champion sa 38-4.

 

 

Bagsak naman ang Thai fighter sa 12-4 marka.

 

 

 

Hindi naman pinalad ang isa pang Pinoy bet at dating world title challenger na si Reymart Gaballo matapos matalo kay Mexican boxer Kenbun Torres.

Pacers inaasahang mas magiging agresibo, makaraang mabaon sa 2-0 lead ng Knicks

Posted on: May 10th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahang mas magiging agresibo sa susunod na paghaharap ang Indiana Pacers kontra sa New York Knicks.

Nabaon pa kasi sa 2-0 lead ng NBA Eastern Conference semifinals ang Indiana.

Sa third quarter ipinakita ng Knicks ang kanilang lakas.

Nagbuhos pa ng puwersa sa huling bahagi si Jalen Brunson para sa NYK.

Nagtapos ang laban sa Madison Square Garden sa score na 121-130, pabor sa New York.

Nadal, nag-anunsyo ng pagreretiro, matapos talunin ni Lehecka sa Madrid Open

Posted on: May 3rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Nag-anunsyo na ng pagreretiro ang 22-time Grand Slam champion na si Rafa Nadal matapos mabigo kay Czech Jiri Lehecka sa Madrid Open nitong Martes.

 

 

 

Ito na umano ang kanyang huling pagpapakita sa isang torneo.

 

 

 

Nabatid na nanalo siya ng limang beses sa Madrid Open sa mga nakalipas na taon.

 

 

 

Sa loob ng dalawang oras, naharang ni Lehecka ang pag-asa ni Nadal na maabot ang kanyang ika-100 Masters 1000 quarter-final matapos ang isang fairytale run sa kaniyang ikalawang torneo mula noong Enero habang ang Spanish superstar ay nahihirapan dahil sa injury.

 

 

Sinabi ni Nadal na inaasahan niyang magretiro pagkatapos ng 2024 season.

 

 

 

“I’m happy. It was a very special week for me, very positive in every way. I was able to play again on a court that gave me a lot, also on an emotional level,” wika ni Nadal.

Big night ni Derrick White, nagdala sa Celtics sa 3-1 edge vs Heat

Posted on: May 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NAGBUSLO  si Derrick White ng 38 puntos sa 15-for-26 shooting, kabilang ang 8-for-15 victory mula sa 3-point range, at ang Boston Celtics ay namayagpag sa 102-88 panalo laban sa host Miami Heat.
Nagdagdag si Jayson Tatum ng 20 points at 11 rebounds para sa Celtics, na nasungkit ang 3-1 lead sa best-of-seven Eastern Conference quarterfinal series.
Nagtapos naman si Jaylen Brown ng 17 puntos.
Si White, na isang 29-anyos lamang na shooting guwardiya, ay gumawa ng career-high point total para sa regular season at postseason.
Sa kabilang banda, pinangunahan ni Bam Adebayo ang Heat na may 25 points, 17 rebounds at limang assist.
Nag-ambag si Tyler Herro ng 19 puntos at si Caleb Martin ay may 18 para sa Miami.
Ngunit iyon naging sapat para makuha ng Heat ang kanilang tagumpay.
Magaganap ang Game 5 ng serye sa Miyerkules ng gabi sa Boston.

Dwight Howard tiniyak ang tulong sa mga biktima ng lindol sa Taiwan

Posted on: April 25th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ni dating NBA star Dwight Howard na tutulungan niya ang Taiwan matapos na tamaan ito ng malakas na paglindol.

 

Si Howard ay kinuha ngayon ng Taoquan Leopards ng Taiwan Basketball League mula pa noong 2022.

 

Naglabas ito ng video kung saan tiniyak niya sa mga mamamayan ng Taiwan na tutulungan niya ang mga ito.

 

Magugunitang tumama ang magniture 7.4 na lindol sa Taiwan na ikinasawi ng 23 katao at ikinasira ng maraming mga gusali.

Yulo humirit ng ginto sa World Cup

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPARAMDAM ng kahandaan si world champion Carlos Yulo matapos sumungkit ng gintong medalya sa FIG Artistics Gymnastics World Cup sa Doha, Qatar.

 

Isang solidong performance ang inilatag ni Yulo para masiguro ang ginto sa men’s parallel bars.

 

Nakalikom si Yulo ng impresibong 15.200 puntos upang angkinin ang unang puwesto.’

 

 

Pinataob ni Yulo si Hung Yuan-Hsi ng Chinese-Taipei na nagkasya lamang sa pilak bunsod ng nakuha nitong 14.966 puntos habang pumangatlo lamang si Caio Souza ng Brazil na nagsumite ng 14.566 puntos.

 

 

 

Bukod sa ginto, umani rin si Yulo ng pilak na medalya sa men’s vault.

 

 

 

Nagrehistro ang 24-anyos na Pinoy gymnast ng 15.066 puntos sapat para sa pilak.

 

 

 

Nanguna si Artur D­avtyan ng Armenia na may 15.166 puntos habang napasakamay naman ni Yahor Sharamkou ng Bela­rusia ang tanso na may 14.749 points.

 

 

 

Magandang performance ito para kay Yulo na naghahanda para sa Paris Olympics na idaraos sa Hulyo sa France.

 

 

 

Kasama ni Yulo sa Paris Games sina Fil-Americans Aleah Finnegan at Levi Ruivivar na nakahirit din ng tiket sa women’s division.

 

 

 

Sa kabilang banda, sariwa pa si Ruivivar sa pag-angkin ng Paris Games berth sa World Cup Doha Leg.

NBA stars bibida sa USA Basketball team na sasabak sa Paris Olympics

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL ng inanunsiyo ng USA Basketball Team ang mga manlalaro na kanilang isasabak sa 2024 Paris Olympics.

 

 

Gaya ng inaasahan ay star-studded ang nasabing lineup sa pangunguna ng kanilang head coach na si Steve Kerr.

 

 

Pinangungunahan ito nina Los Angeles Lakers star LeBron James, Golden State Warriors Star Steph Curry at Kevin Durant.

 

 

Tanging sina Durant at James ang nakapaglaro ng makailang ulit sa Olympics.

 

 

Si Durant ay apat na beses na itong nakasabak noong makakuha ng gold ang USA sa taong 2012, 2016 at 2020 habang si James ay pangatlong beses pa lamang nitong maglaro na ang unang paglalaro niya ay noong 2012.

 

 

Ang mga unang pagkakataon na sasabak sa Olympics ay sina Curry, Tyrese Haliburton, Joel Embiid, Anthony Edwards at Kawhi Leonard.

 

 

Habang sina Jrue Holiday, Bam Adebayo, Jayson Tatum, Anthony Davis at Devin Booker ay pangalawang beses ng naglaro sa Olympics.

 

 

Ang pinakabatang manlalaro sa listahan ay si Edwards sa edad 22 habang ai James ang pinakamatanda sa edad nitong 39.

 

 

Ang listahan ay pinaghalong kumbinasyon ng mga baguhan at first timers kung saan ito rin ay maaaring huling paglalaro sa Olympics nina James, Curry na edad 36 ay 35-anyos na si Durant dahil maaring sa 2028 Olympics ay magreretiro na sila.

 

 

Tanging si James lamang ang aktibong miyembro ng USA Basketball team kung saan kasama ito noong 2004 USA Olympic ng magwagi sila ng bronze sa edad lamang nito na 19.

 

 

Mula pa noong 2008 ay hindi pumapalya ang USA Basketball team na nagwawagi ng gold medal sa Olympics.

PVL: Alyssa Valdez, player of the game sa laban kontra Nxled

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGHAL na player of the game si Creamline Cool Smashers team captain Alyssa Valdez sa laban nito kontra Nxled Chameleons matapos itong makakuha ng 11 points mula sa 11 attacks.

 

 

Ayon kay Valdez, masaya sila sa kanilang pagkapanalo at unti-unti na nilang nababalik ang kanilang confidence at identity.

 

 

Nasungkit na ng Creamline ang kanilang ika-pitong panalo matapos nitong patumbahin ang Nxled sa tatlong sets na may score na 25-22, 25-12, at 25-20 ngayong gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

 

 

Dahil dito, mayroon ng 7-2 standing ang Creamline na nagpalakas ng standing nito para makapasok sa semi-finals ng 2024 All-Filipino Conference ng Premier Volleyball League.

 

 

Matatandaan na pinataob ang Creamline ng Petro Gazz sa huling laban nito noong April 6 sa Sta. Rosa Laguna.

 

 

Dalawang laban na lang ang haharapin ng Creamline. Sa April 18 kontra Choco Mucho Flying Titans at April 25 kontra PLDT High Speed Hitters.

Mga weightlifters ng bansa todo handa na para sa Paris Olympics

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPAHINGA muna ng bahagya bago sumabak sa ensayo ang mga weightlifter ng bansa na sasabak sa Paris Olympics.

 

 

Matapos ang paglalaro nila sa International Weightlifting Federation World Cup sa Phuket, Thailand nina two-time Olympian Elreen Ando at first time na nag-qualify sa Olympics na sina Vanessa Sarno at John Ceniza ay dumating na sila sa bansa.

 

 

Labis ang kasiyahan ni Ando matapos ang pagpasok niya ng Paris Olympics para sa 59 kgs. weight division ng mabuhat ang kabuuang 228 kgs.

 

 

Tinalo ni Ando sa nasabing kumpetisyon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

 

 

Ilan sa mga paghahanda ng mga wieightlifter ay ang pangangalaga sa kanilang mental at physical health.

 

 

Ang nasabing mga atleta ay makakasama nina pole vaulter EJ Obiena, boxers na sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas; at gymnasts na si Carlos Yulo at Aleah Finnegan.

Lithuanian player tumutulong sa Gilas

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MALAKING  tulong para sa Gilas Pilipinas ang mga payo ni dating Lithuanian player Virginius Sirvydis na tumutulong sa training camp ng tropa sa Kaunas, Lithuania.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, malaki ang kontribusyon ni Sirvydis na may mga puntong ibinibigay para mas lalong mapalakas ang Pinoy cagers para sa FIBA World Cup.
Isa na rito ang depensa.
“There’s a lot of room for growth and improvement for the next two months. Defensively, he’s a fundamental coach, teaches good foundation on defense. He can give us other things that can help us moving forward,” ani Reyes.
Malalim ang karanasan ni Sirvydis na siyang ama ni NBA G League player Devidas Sirvydis.
Iginiit ni Sirvydis na kailangang patatagin ng Gilas Pilipinas ang depensa nito upang makipagsabayan sa matitikas na tropa sa World Cup.
“We got to fix up (our transition) and get back on defense to make sure we know exactly what we want to do. He (Sirvydis) coaches in one of the club teams in Lithuania and has coached internationally in Kazakhstan with Astana. More importantly, I like his philosophies defensively,” dagdag ni Reyes.
Nasaksihan ni Sirvydis ang laro ng Gilas Pilipinas kung saan naipanalo ng Pinoy squad ang dalawang laro nito laban sa Ukraine under-20 team.
“The better our defense becomes, the better our offense as well cause if we defend really well in practice, we can be sharp in our offense as well,” wika pa ni Reyes.
Dalawang tuneup ga­mes pa ang pagdaraanan ng Gilas sa Lithuania.
At umaasa si Reyes na mas magiging maganda ang resulta ng laro ng kanyang bataan partikular na sa depensa.
“I like the situation where we don’t know we will be playing so that we can be adjust, which is a test of our adaptability and our flexibility. And helps us in our ability to make game time adjustments and game time decisions,” dagdag ni Reyes.