• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Sports’ Category

Yulo humirit ng ginto sa World Cup

Posted on: April 23rd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPARAMDAM ng kahandaan si world champion Carlos Yulo matapos sumungkit ng gintong medalya sa FIG Artistics Gymnastics World Cup sa Doha, Qatar.

 

Isang solidong performance ang inilatag ni Yulo para masiguro ang ginto sa men’s parallel bars.

 

Nakalikom si Yulo ng impresibong 15.200 puntos upang angkinin ang unang puwesto.’

 

 

Pinataob ni Yulo si Hung Yuan-Hsi ng Chinese-Taipei na nagkasya lamang sa pilak bunsod ng nakuha nitong 14.966 puntos habang pumangatlo lamang si Caio Souza ng Brazil na nagsumite ng 14.566 puntos.

 

 

 

Bukod sa ginto, umani rin si Yulo ng pilak na medalya sa men’s vault.

 

 

 

Nagrehistro ang 24-anyos na Pinoy gymnast ng 15.066 puntos sapat para sa pilak.

 

 

 

Nanguna si Artur D­avtyan ng Armenia na may 15.166 puntos habang napasakamay naman ni Yahor Sharamkou ng Bela­rusia ang tanso na may 14.749 points.

 

 

 

Magandang performance ito para kay Yulo na naghahanda para sa Paris Olympics na idaraos sa Hulyo sa France.

 

 

 

Kasama ni Yulo sa Paris Games sina Fil-Americans Aleah Finnegan at Levi Ruivivar na nakahirit din ng tiket sa women’s division.

 

 

 

Sa kabilang banda, sariwa pa si Ruivivar sa pag-angkin ng Paris Games berth sa World Cup Doha Leg.

NBA stars bibida sa USA Basketball team na sasabak sa Paris Olympics

Posted on: April 19th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL ng inanunsiyo ng USA Basketball Team ang mga manlalaro na kanilang isasabak sa 2024 Paris Olympics.

 

 

Gaya ng inaasahan ay star-studded ang nasabing lineup sa pangunguna ng kanilang head coach na si Steve Kerr.

 

 

Pinangungunahan ito nina Los Angeles Lakers star LeBron James, Golden State Warriors Star Steph Curry at Kevin Durant.

 

 

Tanging sina Durant at James ang nakapaglaro ng makailang ulit sa Olympics.

 

 

Si Durant ay apat na beses na itong nakasabak noong makakuha ng gold ang USA sa taong 2012, 2016 at 2020 habang si James ay pangatlong beses pa lamang nitong maglaro na ang unang paglalaro niya ay noong 2012.

 

 

Ang mga unang pagkakataon na sasabak sa Olympics ay sina Curry, Tyrese Haliburton, Joel Embiid, Anthony Edwards at Kawhi Leonard.

 

 

Habang sina Jrue Holiday, Bam Adebayo, Jayson Tatum, Anthony Davis at Devin Booker ay pangalawang beses ng naglaro sa Olympics.

 

 

Ang pinakabatang manlalaro sa listahan ay si Edwards sa edad 22 habang ai James ang pinakamatanda sa edad nitong 39.

 

 

Ang listahan ay pinaghalong kumbinasyon ng mga baguhan at first timers kung saan ito rin ay maaaring huling paglalaro sa Olympics nina James, Curry na edad 36 ay 35-anyos na si Durant dahil maaring sa 2028 Olympics ay magreretiro na sila.

 

 

Tanging si James lamang ang aktibong miyembro ng USA Basketball team kung saan kasama ito noong 2004 USA Olympic ng magwagi sila ng bronze sa edad lamang nito na 19.

 

 

Mula pa noong 2008 ay hindi pumapalya ang USA Basketball team na nagwawagi ng gold medal sa Olympics.

PVL: Alyssa Valdez, player of the game sa laban kontra Nxled

Posted on: April 16th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGHAL na player of the game si Creamline Cool Smashers team captain Alyssa Valdez sa laban nito kontra Nxled Chameleons matapos itong makakuha ng 11 points mula sa 11 attacks.

 

 

Ayon kay Valdez, masaya sila sa kanilang pagkapanalo at unti-unti na nilang nababalik ang kanilang confidence at identity.

 

 

Nasungkit na ng Creamline ang kanilang ika-pitong panalo matapos nitong patumbahin ang Nxled sa tatlong sets na may score na 25-22, 25-12, at 25-20 ngayong gabi sa PhilSports Arena sa Pasig City.

 

 

Dahil dito, mayroon ng 7-2 standing ang Creamline na nagpalakas ng standing nito para makapasok sa semi-finals ng 2024 All-Filipino Conference ng Premier Volleyball League.

 

 

Matatandaan na pinataob ang Creamline ng Petro Gazz sa huling laban nito noong April 6 sa Sta. Rosa Laguna.

 

 

Dalawang laban na lang ang haharapin ng Creamline. Sa April 18 kontra Choco Mucho Flying Titans at April 25 kontra PLDT High Speed Hitters.

Mga weightlifters ng bansa todo handa na para sa Paris Olympics

Posted on: April 12th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPAHINGA muna ng bahagya bago sumabak sa ensayo ang mga weightlifter ng bansa na sasabak sa Paris Olympics.

 

 

Matapos ang paglalaro nila sa International Weightlifting Federation World Cup sa Phuket, Thailand nina two-time Olympian Elreen Ando at first time na nag-qualify sa Olympics na sina Vanessa Sarno at John Ceniza ay dumating na sila sa bansa.

 

 

Labis ang kasiyahan ni Ando matapos ang pagpasok niya ng Paris Olympics para sa 59 kgs. weight division ng mabuhat ang kabuuang 228 kgs.

 

 

Tinalo ni Ando sa nasabing kumpetisyon si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

 

 

Ilan sa mga paghahanda ng mga wieightlifter ay ang pangangalaga sa kanilang mental at physical health.

 

 

Ang nasabing mga atleta ay makakasama nina pole vaulter EJ Obiena, boxers na sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Aira Villegas; at gymnasts na si Carlos Yulo at Aleah Finnegan.

Lithuanian player tumutulong sa Gilas

Posted on: July 6th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MALAKING  tulong para sa Gilas Pilipinas ang mga payo ni dating Lithuanian player Virginius Sirvydis na tumutulong sa training camp ng tropa sa Kaunas, Lithuania.
Ayon kay Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes, malaki ang kontribusyon ni Sirvydis na may mga puntong ibinibigay para mas lalong mapalakas ang Pinoy cagers para sa FIBA World Cup.
Isa na rito ang depensa.
“There’s a lot of room for growth and improvement for the next two months. Defensively, he’s a fundamental coach, teaches good foundation on defense. He can give us other things that can help us moving forward,” ani Reyes.
Malalim ang karanasan ni Sirvydis na siyang ama ni NBA G League player Devidas Sirvydis.
Iginiit ni Sirvydis na kailangang patatagin ng Gilas Pilipinas ang depensa nito upang makipagsabayan sa matitikas na tropa sa World Cup.
“We got to fix up (our transition) and get back on defense to make sure we know exactly what we want to do. He (Sirvydis) coaches in one of the club teams in Lithuania and has coached internationally in Kazakhstan with Astana. More importantly, I like his philosophies defensively,” dagdag ni Reyes.
Nasaksihan ni Sirvydis ang laro ng Gilas Pilipinas kung saan naipanalo ng Pinoy squad ang dalawang laro nito laban sa Ukraine under-20 team.
“The better our defense becomes, the better our offense as well cause if we defend really well in practice, we can be sharp in our offense as well,” wika pa ni Reyes.
Dalawang tuneup ga­mes pa ang pagdaraanan ng Gilas sa Lithuania.
At umaasa si Reyes na mas magiging maganda ang resulta ng laro ng kanyang bataan partikular na sa depensa.
“I like the situation where we don’t know we will be playing so that we can be adjust, which is a test of our adaptability and our flexibility. And helps us in our ability to make game time adjustments and game time decisions,” dagdag ni Reyes.

Kai Sotto puwersadong magpakitang-gilas sa ensayo

Posted on: July 4th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
SA UNANG ensayo pa lamang ng Orlando Magic para sa sasabakang NBA Summer League ay kailangan nang makapagpakita ng maganda si Pinoy center Kai Sotto.
Ito ay matapos muling papirmahin ng Magic ang parehong 6-foot-11 na sina Mo Wagner at Goga Bitadze para sa kanilang frontline.
Nagposte si Wagner ng mga averages na 10.5 points, 4.5 rebounds at 1.5 assists para sa Orlando sa nakaraang season habang tumipa si Bitadze ng 5.8 points at 5.2 rebounds.
Dahil dito ay dapat matindi ang ipakita ng 7’3 na si Sotto sa team practice pa lang bago sumabak sa NBA Summer League.
Pinapayagan ng NBA ang bawat koponan na maglagay ng 20 players sa kanilang training camp na gagawing maximum na 15-man lineup para sa opening night roster at tatlo sa isang two-way contracts.
Ang pagtanggap sa two-way contract ang ma­aaring maging opsyon ni Sotto para matupad ang kanyang NBA dream.
Sisimulan ng Magic ang kanilang team practice ngayong araw kasunod ang pagharap sa Detroit Pistons sa Hulyo 8 para una nilang laro sa NBA Summer League sa Tho­mas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

IRONMAN 70.3 Davao: Azevedo at Crowley NANGUNA!

Posted on: March 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pinasigla nina Filipe Azevedo at Sarah Crowley ng Australia ng Portugal ang kani-kanilang title bid sa bike leg pagkatapos ay pinigilan ang laban ng kanilang mga karibal sa nakakapagod na closing run para koronahan ang kanilang sarili bilang 2023 Alveo IRONMAN 70.3 Davao champions sa Azuela Cove dito Linggo.

 

Si Azevedo, 30, ay nasa three-way battle kasama ang Serbian na sina Ognjen Stojanovic at Tuan Chun Chang ng Taiwan sa paglangoy pagkatapos ay nanguna sa halos apat na minuto kay Chang na may napakabilis na bilis sa bike (2:00:17) sa pamamagitan ng Transition 2. pagkatapos ay nabuhay sa punishing run (1:20:38) sa mainit na mga kondisyon upang manaig sa 3:51:09 sa 1.9k swim-90k bike-21k run distance event na pinalakas ng Petron.

 

Nakuha ni Stojanovic ang pinakamahusay na clocking sa closing leg (1:18:02) ngunit nabigo siya sa kanyang comeback bid, settled for runner-up sa 3:52:28, habang nag-time si Chang ng 3:57:12 para sa ikatlo na sinundan ng American Sina Robbie Deckard at Zsombor Deak ng Romania, na nagtala ng 4:09:01 at 4:14:27, ayon sa pagkakasunod.

 

Nang maglaon ay pumasok si Crowley na may 4:20:14 clocking para talunin ang American Lauren Brandon (4:22:49) at Lottie Lucas ng United Arab Emirates (4:25:09) sa kanilang panig ng pro battle habang ang Brisbane native ay nananatili ang kanyang mainit na sunod-sunod na sunod-sunod na pambihirang sweep ng tatlong karera ng Australian IRONMAN noong nakaraang taon, kabilang ang IM Western Australia sa Busselton noong Disyembre.

 

Si Crowley, na pumangatlo sa World Triathlon Championship noong 2019, ay nagtayo ng halos tatlong minutong pangunguna pagkatapos ay nakaligtas sa huling-ditch rally ni Brandon upang ibahagi ang mga nangungunang karangalan kay Azevedo sa kaganapan na minarkahan ang pagbabalik ng mga pro sa bersyon ng bansa ng serye ng IRONMAN .

 

Ang karera, na nagtampok din ng relay all-male, relay all-female at relay mixed events sa tuktok ng mga indibidwal na kumpetisyon sa iba’t ibang age-group divisions, ay nagbigay-pansin din sa isang 12-man team competition (Tribu Maisugon) na ginanap bilang parangal sa ang 11 tribu ng host city na pusta ng P550,000, kabilang ang P500,000 mula sa Davao City at P50K mula sa Aboitiz. (CARD)

Bryan Bagunas KAMPEON sa Taiwan Top League

Posted on: March 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nagpakitang-gilas ang Filipino import na si Bryan Bagunas para pangunahan ang Win Streak sa titulo sa 2023 Top League sa Taiwan noong Lunes sa National Taiwan University Sports Center.

 

Bumagsak si Bagunas ng halimaw na performance, nagtapos na may 42 puntos na binuo sa napakaraming 39 na pag-atake kasabay ng dalawang block at isang service ace nang patalsikin ng Win Streak ang pitong beses na kampeon na si Pingtung Taipower sa limang set, 19-25, 25-20, 18-25, 25 -21, 15-12.

 

Dahil sa panalo, ang 25-anyos na open spiker ang naging pangalawang Filipino volleyball player na nakakuha ng titulo sa ibang bansa matapos si Jaja Santiago at ang Ageo Medics ang namuno sa 2021 Japan V. League V Cup Championship.

 

Dati nang pinalakas ni Bagunas si Oita Miyoshi Weisse Adler sa Japan, na umaangkop mula 2019 at 2022, habang kinakatawan din ang Pilipinas sa iba’t ibang internasyonal na kaganapan sa proseso. (CARD)

Eala at Spoelstra, naispotan sa Miami

Posted on: March 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nagkita si Miami Heat coach Eric Spoelstra at Filipina tennis star Alex Eala.

 

Sa social media account ng Heat ay ibinahagi nila ang larawan na magkasama sina Spoelstra at Eala.

 

NItong Huwebes ay tinalo ng Heat ang New York Knicks 127-120.

 

Habang si Eala ay naglaro sa Miami Open tennis pero nabigo siya sa unang round.

 

Isang Filipina ang ina ni Spoelstra na makailang beses na ring nakapasyal sa bansa. (CARD)

Petro Gazz shoot para sa korona, Creamline naghahanap ng ‘goma’

Posted on: March 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Sa limitadong oras upang maghanda at gumawa ng mga pagsasaayos, sinang-ayunan ng Petro Gazz at Creamline na magsisimula ito kung aling panig ang tatahakin para sa Game 2 ng Premier Volleyball League All Filipino Conference Finals na may tamang pag-iisip.

 

“Ihanda ang mindset, ihanda ang katawan, at ang lahat ay sumusunod,” sabi ni Petro Gazz coach Oliver Almadro matapos patnubayan ang Angels sa klasikong 25-22, 24-26, 25-23, 26-24 na panalo sa pagbubukas ng kanilang pinakamahusay- of-three series bago ang 11,532 fans sa Pasay arena noong Linggo.

 

“One day lang ang pahinga, kaya mindset sa next game,” said Creamline mentor Sherwin Meneses, who vowed to strike back in today’s match set at 6:30 p.m. at pilitin ang magpapasya sa Huwebes.

 

“Mahirap mag-adjust (sa schedule ng training), pero dapat malakas ang mindset (for Game 2),” added Meneses. “Kailangan namin na mas gumalaw ng tama. Gustong manalo ng Petro Gazz, grabe yung laro nila ngayon.”

 

Ikinalungkot ng multi-titled mentor ang maling pamamasyal ng kanyang mga ward at idiniin ang pangangailangan para sa kanila na tumuon sa pag-iwas sa paggawa ng mga pangunahing pagkakamali sa serbisyo at net touch, bukod sa iba pa.

 

Sinunggaban ng The Angels ang 22 miscues ng Cool Smashers, kabilang ang match-clinching net violation na medyo nagbigay ng kapanapanabik na tunggalian, na dinagdagan ng matinding palitan ng mga pag-atake, paghuhukay at lahat ng bagay, isang anti-climactic na pagtatapos.

 

Meneses, gayunpaman, downplayed their last error, a crucial point that Petro Gazz gained on a net touch challenge, saying: “Breaks of the game, pero hindi kami natalo dahil doon, marami kaming lapses, marami kaming errors.”

 

“Hindi base doon yung pagkatalo namin. Breaks talaga yun kasi napunta sa kanila, kasi net touch, so kasalanan namin. Siguro yung from 1 to 24, doon kami nagkulang,” added Meneses.

 

Gayunpaman, ang two-time PVL champion coach, gayunpaman, ay nananatiling tiwala sa mga pagkakataon ng kanyang Cool Smashers habang naghahangad silang maging all-out upang ipadala ang serye sa isang mapagpasyang laro at manatili sa paghahanap para sa back-to-back championship sa centerpiece tournament ng liga na inorganisa ng Sports Vision.

 

Asahan na si Tots Carlos, Jema Galanza, Ced Domingo, Michele Gumabao at ang playmaker na si Jia de Guzman ay magsusumikap sa kanilang mga nakakasakit na laro at ang iba pa ay suportahan sila ng isang magaspang na floor defense at coverage at panatilihin ang pressure sa reigning Reinforced Conference champions.

Ngunit ang puspusang Angels ay masigasig na tapusin ang kanilang mga multi-titled na karibal sa kanilang paghaharap para sa kanilang unang All-Filipino trophy matapos maipako ang dalawang korona sa import-laced tournaments, kasama na sa finals noong nakaraang Disyembre laban sa Cignal HD Spikers.

 

“Sundin ang game plan, ipakita ang character, teamwork at right attitude,” sabi ni Almadro sa kanilang battle plan. Inaasahang muli niyang aasahan ang kanyang matapang na crew na binubuo nina Grethcel Soltones, Jonah Sabete, Aiza Pontillas, Remy Palma at top middle MJ Phillips at Djanel Cheng, na ang napakahusay na husay sa playmaking ay nakatulong sa pag-angkla ng sorpresang tagumpay ng Angels sa Game One.

 

“Pero ang pinaka-importante ay kailangan nating maging handa. Creamline is a matured, intact team,” dagdag ni Almadro, na isang panalo na lang ang layo para makuha ang kanyang unang kampeonato sa PVL. “They’re strong team, they are the Goliaths of this tournament. Kami naman, tanong lang namin kay Lord, ‘can we be the David’?”

 

Samantala, naghahanda rin ang F2 Logistics para sa sarili nitong best-of-three series kasama ang PLDT sa alas-4 ng hapon. habang nagpapatuloy ang Cargo Movers para sa follow-up sa kanilang 20-25, 25-22, 25-18, 25-17 tagumpay sa Game One. (CARD)