• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Sports’ Category

Ukraine Athletes inalala ang mga sundalo

Posted on: March 15th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Binigyang ng pagkilala ng ilang mga atleta mula sa Ukraine ang kanilang mga mamamayan na pinatay ng mga sundalo ng Russia.

 

Ang mga atleta ay kinilala na sina tennis star Elina Svitolina at Premier League soccer players Oleksandr Zinchenko at Mykhailo Mudry at ang boksingero na si Oleksandr Usyk.

 

Naglabas sila ng video kasabay ng talumpati ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

 

Kinondina nila ang walang habas na pagpatay ng mga sundalo ng Russia sa mga sibilyan. (CARD)

Shohei Ohtani nagmalupet kontra Australia

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pa tapos ang pasiklab ni Shohei Ohtani sa World Baseball Classic, nag-deliver ito ng three-run homer na bumagsak sa ibaba lang ng sarili niyang imahe sa video advertising board sa Tokyo Dome para ihatid ang Japan sa 7-1 win kontra Australia nitong Linggo.

 

Naglayag ang kanyang first-inning drive ng 448 feet, dalawang beses din siyang niregaluhan ng walk at may apat na RBIs.

 

Nangibabaw ang Japan sa Group B sa 4-0 card, haharapin sa quarterfinals sa Huwebes ang Italy.

 

Abante ang Italy, kasama ang Cuba, mula Group A sa bisa ng tiebreakers, suumakay ang Italians kay Matt Harvey para kalusin ang Netherlands 7-1, tinalo naman ng South Korea ang Czech Republic 7-3 sa Group B, tinabunan ng Cuba ang Taiwan 7-1 sa Group A. (CARD)

SLP-PH tankers, kargado ng 61 medalya

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Humakot  ang Swimming League Philippines-Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang 16 na ginto para makopo ang ikatlong puwesto sa overall medal standings sa Asian Open Schools Invitational Aquatics Championships kamakailan sa Bangkok, Thailand.

 

Pinangunahan ng 5-anyos at tinaguriang bagong ‘swimming wonder’ ng bansa na si Pia Severina Magat ang ratsada ng 32-man Philippine squad sa napagwagiang pitong gintong medalya at tanghaling Most Outstanding Swimming sa  7-under age female categorysa torneo na nilahukan ng kabuuang 980 swimmers mula sa 57 swimming clubs sa rehiyon.

 

Pinahanga ng pambato ng Sharkpeedo Swim club ni coach Bryan Estipono at kinder student ng St. Joseph’s School of Novaliches, Quezon City ang manonood sa kanyang impresibong panalo sa 50m freestyle (59.56 seconds), 50m backstroke (57.91), 50m butterfly (1:19.34), 50m breaststroke (1:29.45), 100m freestyle (2:12.45), 100m backstroke (2:09.12), at 100m breaststroke (3:15.23) events.

 

“Hindi na ako nasopresa sa kanya (Pia). Dedicated siya sa kanyang training at talagang ginagawa ang makakaya kahit sa mga sinalihan niyang division meet sa atin. Basta focus lang kami sa training, yun lang muna ang target lagging personal best,” sambit ni Estipona, dating varsity sa University of the Santo Tomas.

 

Bukod kay Magat, nasungkit din ni Galvin Cayanan ang MOS title sa boys’ 7 years old and under category sa napagwagihang  tatlong ginto, tatlong silver at dalawang bronze medals, habang  nanguna sa girls 12-13 yers class si Kyla Louise Bulaga sa kanyang panalo sa  200m at 400m Individual Medley, 400m freestyle events, habang silver sa (200m butterfly, 200m breaststroke at 4x50m medley relay),at bronze medals sa 50m at 100m butterfly, at 4x100m freestyle relay).

 

Nagpahayag ng kasiyahan si SLP president Fred Galang sa naging performance ng mga batang swimmers na aniya’y pawang nanguna sa kani-kanilang events sa isinagawang qualifying meet para sa torneo sa bawat torneo ng SLP.

 

“We’re very proud. Yung performance nila talagang tuloy-tuloy ang pagtaas. Hopefully, as SLP continued to strengthen the grassroots program through tournaments around the provinces, mas marami pa tayong tagumpay na makukuha sa abroad,” pahayag ni  Ancheta.

 

Ang iba pang nakapag-uwi ng medalya ay sina Ryiah Zach Belen na may dalawang ginto (50m at 100m backstroke), isang silver silver (200m backstroke) at isang bronze  (100m freestyle); Gerice Oyaman na may isang silver (4x50m medley relay) at dalawang  bronze  (50m freestyle at  4x100m freestyle relay); Ryzie Danielle Belen na may silver (4x50m medley relay) at dalawang bronze  bronze (400m freestyle at  4x100m freestyle relay); at Paul Vincent Ocampo na may dalawang bronze (4x50m medley relay at 4x100m freestyle relay).

 

Humirit din sina Riannah Coleman (1 gold, 2 silvers, 5 bronzes), Fritz Gabriele Espero (1 gold, 1 silver, 4 bronzes), Samantha Gabuni (1 gold, 2 bronzes), Sara Santiago (2 bronzes), Angel Magdalene Gabuni (2 bronzes), Gerald Cayanan (1 bronze), at  Dwayne Angelo Gabuni (1 bronze). (CARD)

Fil-Am rider Patrick Coo runner up sa BMX 2023

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN ni Patrick Bren Coo ang kampanya sa asam na magkwalipika sa unang Olympics sa Paris 2024 sa pagwawagi ng medalyang pilak sa Indonesia BMX 2023 Round 1 sa Pulonas International BMX Center sa Jakarta nitong Linggo.

 

“It was very, very close to the gold, but it’s racing,” sabi ni Filipino-American Coo, na naging Asian Juniors champion noong 2021. “But it’s racing, you know what it is.”

 

Si Gusti Bagus Saputra ng Indonesia ang nanalo ng ginto sa 33.919 segundo, kung saan si Coo ay kinapos lamang ng .20 segundo sa likod at isa pang Indonesian na si Rio Akbar, na inuwi ang tanso sa oras na 34.346.

 

Labing-isang (11) riders ang sumabak sa final round.

 

Naapektuhan ang mga atleta at coach mula sa mga dayuhang koponan dahil sa maikling pahinga sa pagitan ng mga motos, quarterfinals at finals.

 

“It was so hot and was super hard to cool down,” sabi ni Coo, na magiging 21 taong gulang sa Marso 17. “We were given only some 15 minutes break in between races, unlike in other races and in the US where there are breaks of one hour or more.”

 

Nakakuha si Coo ng 86 na puntos ng International Cycling Union mula sa posibleng 100.

 

Ang susunod para kay Coo ay ang Thailand BMX Cup 2 na isang C1 UCI race din na nag-aalok ng mga puntos sa pagraranggo tulad ng Jakarta event sa Marso 19. (CARD)

2nd gold nasungkit ni Carlos Yulo

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Tinapos ni Carlos Yulo ang double-gold campaign sa FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan, sa paghahari niya sa vault final kahapon.

 

Si Yulo, sariwa pa sa isang panalo sa parallel bars final noong Sabado, ay pinatamis ang kanyang paghatak sa nakakumbinsi na panalo sa vault matapos tumapos lamang sa ikatlong bahagi sa apparatus noong Doha leg ng World Cup series.

 

Ang gymnastics dynamo ay nag-norm ng 14.933 sa kanyang dalawang vault upang lumukso sa kompetisyon at manalo. Ang dating vault world champion ay unang nag-vault ng Blanik (handspring double front pike) na nakakuha sa kanya ng 15.033.

 

Sinundan ito ni Yulo ng isang Lopez ngunit umatras sa kanyang paglapag.

 

Gayunpaman, ito ay isang solidong 14.833 sa kanyang pangalawang vault upang makuha ang nangungunang puwesto.

 

Kinuha ni Harry Hepworth ng Great Britain at Wai Hung Shek ng Hong Kong ang ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakabanggit.

 

Ang top qualifier na si Mahdi Olfati ng Iran ay hindi nakuha ang podium at nagtapos sa ikaapat na may average na 14.399.

 

Umaasa si Yulo na muling makapag-uuwi ng mga medalya sa final leg ng World Cup series ngayong taon sa Cairo, Egypt sa huling bahagi ng Abril.

 

Sa Doha, nanalo si Yulo ng ginto sa floor exercise, isang silver sa p-bars, at ang kanyang bronze sa vault.

 

Samantala, mayroon siyang nag-iisang tanso sa parallel bar pati na rin sa Cottbus. (CARD)

Lalaki ba o Babae?: Trisha Tubu

Posted on: March 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng isyu tungkol sa mga umano’y lalaki na naglalaro si liga ng mga babae.

 

Isa ngayon si Adamson Falcon women’s volleyball rookie sa nasa gitna ng kotrobersiya dahil kung maglaro ito ay parang may lakas ng isang lalaki bukod pa sa ang itsura, boses nito ay parang isang lalaki rin.

 

Naging palaisipan din sa mga fan at kritiko ang pagkakaroon nito ng napakalaking adams apple na makikita lang sa isang lalaki.

 

 

Sa isang interview, tahasang sinabi ni  rookie spiker  Trisha Tubu na pinipigilan niya ang “ingay sa social media” at pinananatili ang kanyang focus sa paghahatid ng panalo para sa Adamson Lady Falcons sa kanilang UAAP  women’s volleyball campaign.

Isang volleyball fan naman ang nagsabi na maging si Alyssa Valdez ay mapapahiya sa ipinakikitang husay at lakas ni Tubu na parang lalaki rin kung tumalon at dadaigin ang isang basketbolista.

 

May taas si Fubu na 5 foot  8 pero tila kaya nitong mag-dunk ng bola sa basketball ring kung susukatin ang kanyang lundag.

 

Hindi lingid sa kaalaman ni Tubu ang mga masamang komento tungkol sa kanyang hitsura. Aminado rin siyang hindi naging mabait sa kanya ang social media mula noong high school  kung saan naglaro siya sa UAAP girls’ volleyball para sa Adamson.

 

“Marami ang nagtataka at nagugulat sa aking appearance na parang isang lalaki na naglalaro sa liga ng mga kababaihan,” ani Tubu.

 

Nagtataka ang marami kung bakit private ang age, facebook maging ang gender ni Fubu at walang makuhang impormasyon ang media.

 

Matatandaang isa pang Pinoy na nakaladkad dati sa kontrobersiya kaugnay sa kanyang kasarian at ito ay si sprinter Nancy Navalta na may hawak ng Palaro record para sa 100-meter dash for girls noong 1997 at 200-meter dash for girls noong 1993.

 

Qualified umano si Navalta sa Olympics kung pagbabasehan ang record nitong nagawa pero nagkaroon ng kontrobersiya sa kanyang kasarian.

 

Base sa sex test na ginawa kay Navalta ng Philippine Center for Sports Medicine noon, si Navalta ay may kundisyon na tinatawag na hermaprodism o dalawa ang kasarian.  Sa huli, mas pinili ni Navalta na maging isang lalaki at magtapos ng criminology. Isa na siya ngayong sports consultant sa La Union.

 

Upang umano matapos na ang kotrobersiya at para maging patas din ang sports, hiniling ng mga fans sa pamunuan ng Adamson na sumailalim si Tubu sa isang examination para malamang kung siya ba ay lalaki o babae. (CARD)

Filipinas, 7 iba pang teams, pinuri ng FIFA sa World Cup

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pinuri ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup.

 

Matatandaang kabilang  ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup.

 

Sisipa ang FIFA Women’s World Cup sa Australia at New Zealand mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20.

 

Ayon pa kay Samoura, kapuri-puri ang pagsabak ng mga bagong koponan dahil makakahikayat ang mga ito ng kabataan na pagbutihin ang mga sports na mapipili. (CARD)

Petro Gazz pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference ang Petro Gazz.

 

Ito ay matapos talunin ang Akari sa apat na set 25-15, 25-19, 22-25, 25-16 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.

 

Nanguna sa panalo si Grethcel Soltones na nagtala ng 20 points mula sa kaniyang 16 na atake at four aces.

 

Mayroong 15 points naman ang naitala ni Aiza Maizo-Pontillas at 13 points ang naitala ni middle blocker Remy Palma at 11 points kay Jonah Sabete.

 

Mayroon na silang limang panalo at dalawang talo kung saan makakasama nila ang Creamline sa semifinals. (CARD)

LA Tenorio sumailalim sa opera

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT ang Iron Man, kailangan ding maglangis ng mga pumapalyang piyesa. Kaya si LA Tenorio, nagpasya na ipaopera na ang lumalang sports hernia na nakuha pa sa finals ng PBA Commissioner’s Cup.

 

Martes sumalang sa surgery ang Tinyente ng Ginebra, wala na sa sidelines sa 109-104 win ng team kontra Terrafirma sa Ynares Center-Antipolo noong Miyerkoles. “He had surgery I think yesterday, and he’ll be in the hospital for the next few days,” balita ni coach Tim Cone.

 

Mula apat hanggang anim na linggo ang recovery period, posibleng out na si Tenorio sa nalalabi pang kampanya ng Gins sa pagdepensa sa korona ng Governors Cup.

 

Walang palya sa laro sa loob ng 17 years si Tenorio, 38. League record ang kanyang 744 straight games – bago napilitang gumarahe sa huling apat na laro ng Ginebra. (CARD)

Team ‘Pinas plantsado partisipasyon sa SEAG

Posted on: March 11th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PLANTSADO na ang lahat para sa maayos na partisipasyon ng Team Philippines sa nalalapit na 32nd Southeast Asian Games na gagawin sa unang pagkakataon sa Cambodia sa Mayo 6-17, ayon kay Chief of Mission Chito Loyzaga.

 

“All preparations are in place. Aside sa malillit na problema lalo na mga technical handbook which is understandable dahil first time ng Cambodia mag-host ng SEA Games, maayos na ang lahat. We already submitted the entry by numbers, then the entry by names deadline is on Saturday (March 11). Hopefully, makumpleto natin ang lahat, although may ilang mga sports association like swimming na may internal dispute ang katatapos pa lang ng tryouts,” pahayag ni Loyzaga, pangulo rin ng baseball federation, sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ Huwebes sa PSC Conference Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.

 

“With close coordination with the Philippine Sports Commission, iyung allowances, mga request namin for training and competition uniforms, approved na. Sa hosting naman, actually, halos lahat ng member country, naguguluhan dahil maraming pagbabago but we have to understand the fact na bagito ang Cambodia sa hosting, but as we go on naayos naman. Iyung mga hinihingi namin lalo na sa wi-fi sa Athletes Village para sa communication naibigay naman nila,” ayon pa kay Loyzaga sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Behrouz Persian Cuisine.

 

Mahigit sa 1,300 ang kabuuang miyembro ng Team Philippines batay sa entry by number na isinumite ng Philippine Olympic Committee (POC), ngunit iginiit ni Loyzaga na mababago pa ito bunsod ng mga naganap na pagbabago sa dami ng events na ibinigay ng host sa bawat sports, gayundin ang pagbusara sa ilang events na nilaro sa Vietnam sa nakalipas na taon. (CARD)