• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 15th, 2021

Luke 6:38

Posted on: February 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Give, and it will be given to you.

PCOO, nakiisa sa Filipino-Chinese community sa bansa na nagdiwang ng Chinese New Year

Posted on: February 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAABOT ng pagbati ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at nakiisa sa pagdiriwang ngayon ng Filipino-Chinese community ng kanilang Chinese New year.

 

“Happy Lunar New Year, Xīnnián kuàilè to everyone!,” ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar.

 

Ani Andanar ang taong 2020 ay naging isang mapaghamong taon sa maraming paraan para sa lahat at sa buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Gayunman, lahat ay nagsikap para mapagtiisan at magkaisang makayanan ang hamon na ito.

 

“May 2021 be the year for our collective recovery from the virus and the effects it has had on our lives, as we conitnue to undertake measures to ensure our commitment in this regard,” ayon kay Andanar.

 

Habang ipinagdiriwang aniya ang okasyon na ito ay mangyaring alalahanin ng lahat ang health protocols at minimum health standards para mabawasan ang paghawa ng nasabing virus.

 

“We wish everyone a prosperous, safe, and healthy Lunar New Year!,’ ang pahayag ni Andanar. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads February 15, 2021

Posted on: February 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Double face mask mas mabisang pang-iwas vs COVID-19

Posted on: February 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inirekomenda ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos ang pagsusuot ng dobleng face mask para mas mabisang makaiwas sa pagkahawa sa coronavirus 2019.

 

 

Sa bagong resulta ng pag-aaral ng CDC, mas mabisang pag-iwas sa virus kung ipapatong ang cloth mask sa disposable medical mask.

 

 

Kapag isang disposable mask lang ang isinuot, mapoprotektahan nito ang isang indibidwal ng 42% lamang kontra sa mga droplets. Tataas ito sa 92.5% kung pagsasamahin ang cloth mask sa ibabaw ng medical mask.

 

 

Hinikayat din ng CDC ang publiko na tiyakin na naka-fit ang mga masks sa mukha para tuluyang hindi makakapasok ang virus. Ipinayo nila na gumamit ng masks na may nose wire para maging ‘snug fit’ at ibuhol ang ear loops para protektado ang gilid.

 

 

Hindi naman umano kailangan na dobleng surgical mask ang gamitin at hindi rin kailangan na ipandoble ang KN95 mask.

PDu30, handang mag- isyu ng Executive Order para alisin ang sagabal sa pagbili ng Covid vaccine ng mga nasa LGU

Posted on: February 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpalabas ng Executive Order para mabigyan ng exception ang mga nasa LGU sa pagsunod sa procurement law.

 

Ito’y bunsod na rin ng hirit ng mga nasa Local Government na humihiling ng EO dahil sa 20 percent down payment requirement ng pharmaceutical firms sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang problema sa Pangulo kung maglabas man ito ng Executive Order na kung sakali mang labag sa batas ay handa itong magpakulong.

 

Magkagayon pa man, mayroon ng ginagawang hakbang ani Roque ang Kongreso para sa exception ng mga kinauukulan sa Government Procurement Act.

 

Ito’y para makabili na ang mga lokal na pamahalaan ng kailangan nilang bakuna nang wala ng magiging sagabal.

 

“Kung kinakailangan po, wala pong problema iyan dahil ang posisyon ng Presidente eh kung kinakailangan iisyuhan at kung mayroon iyang paglalabag sa batas at mayroong pagkakakulong, magpapakulong siya para po sa mga Pilipino,” ani Sec. Roque.

 

” Alam kong mayroon nang mga hakbang na ginagawa sa Kongreso para magpasa po ng batas na magkakaroon po ng exception doon sa Government Procurement Act para sa ganoon ay makabili nga po nang walang sagabal ang mga lokal na pamahalaan ng kanilang mga bakuna. So, mayroon na pong nakabinbin sa Kongreso na panukalang batas tungkol dito,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

MARTIN at LIEZEL, deserving na maging Prince Zardoz at Zandra dahil parehong magaling na kontrabida

Posted on: February 15th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKILALA na nga noong Biyernes ng gabi ang dalawang magpapahirap sa Voltes V team na sina Prince Zardoz at Zandra sa inaabangang live action series na Voltes V: Legacy na ihahatid ng GMA Network.

 

 

Masasabi naming parehong masuwerte ang napili at malaking break ito kina Martin del Rosario na gaganap bilang si Prince Zardoz at sexy Kapuso actress na si Liezel Lopez ang gaganap na si Zandra.

 

 

Sa pahayag ni Kapuso hunk actor, “Nung nakuha ko ‘to, yung puso ko talaga kumabog nang kumabog nang malakas kasi alam ko kung gaano kalaki ‘tong project na ‘to.

 

 

Noong Lunes at Miyerkules ay pinakilala ang limang bida ng Voltes V: Legacy na sina Miguel Tanfelix bilang Steve, Ysabel Ortega bilang Jamie, Radson Flores bilang Mark, Matt Lozano bilang Big Bert, at Raphael Landicho bilang Little Jon.

 

 

Ang Voltes V: Legacy ay sa direksiyon ni Mark Reyes na malapit nang mapanood sa GMA Telebabad.

 

 

Marami naman ang natuwa at bumati kay Martin, at ‘yun iba ay tama ang hula, kaya ganun na lang ang pasasalamat niya kahit aminadong nakaka-pressure ang role na pinagkatiwala sa kanya ng GMA Network.

 

 

Samantala, pawang magaganda naman ang nakuhang reaksyon nina Martin at Liezel mula sa netizens at may nagsabi pang halos perfect ang cast at kamukha ng anime characters ang mga napili:

 

 

“Very blessed actors. Their biggest break.”

“Infer sa casting, yun mga kinuha nila na artista halos swak sa hitsu ng characters.”

“Magagaling yung mga nakuha nila sa cast. So far sa nakita ko na reveal na nila.”

“Congrats Martin. You deserve the role. Magaling kang artista.”

“Bagay kay Martin. Di ko kilala un isa.”

“Magaling si Martin at confident ako he will nail the role. Good job sa casting!”

“Ang perfect ng cast na ’to sa totoo lang.”

“Parang ang lamya nung girl. Kung bata bata Lang si glaiza ok sana yun.”

“ngak no to glaizs ok na yan si liezel.”

“Di naman sya malamya tignan. Panuorin mo teaser ng Babawiin ko ang lahat. May ibubuga sya sa aktingan.”

“Try mo panuorin yung teaser Babawiin ko ang Lahat. Kontrabida sya dun at may ibubuga sa pag-arte.”

“She’s a good kontrabida.”

“Napanood ko na si girl ok din ang acting nya.”

“Nakupo sana yng believable na machong villain. Anime geek here pero off sya.

“OMG yass crush na crush ko si Prinsipe Zardos, buti na lang si Martin ang kinuha, mejo yummeh yummeh hahaha.”

“Is he going to wear a wig?
His hair is receding and thinning.
Prince Zardoz has long beautiful thick hair.”

 

(ROHN ROMULO)