• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 18th, 2021

Nakikipag-mabutihang bansa lang ang Pilipinas sa China- Sec. Roque

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI bahag ang buntot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa China kundi nakikipag-mabutihang bansa lamang ang Pilipinas sa China.

 

Noong nakaraang Biyernes ay sinabi ni Pangulong Duterte na kailangang magbayad ng Estados Unidos sa Pilipinas kung nais nitong nitong manatili ang tropang amerikano sa bansa.

 

Pumiyok ang Chief Executiive na hindi kayang magmatapang sa China dahil umiiwas ito sa anumang komprontasyon.

 

At sa tanong kung matapang lang si Pangulog Duterte sa Amerika subalit malambot pagdating sa China ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na, “Hindi naman totoo iyan.”

 

“Ang ginagawa lang naman po ni Presidente ay nakikipagmabuting kapitbansa sa bansang Tsina dahil sa gustuhin at ayaw natin, talaga namang kapitbansa natin iyan ‘no,” ani Sec. Roque.

 

“Sabi nga nila, kinakailangang makipagkasundo sa kapitbahay, maski hindi ka makipagkasundo sa kamag-anak ‘no. Importante po talaga na magkaroon tayo ng mainit na pagsasama sa ating mga kapitbansa in the same way na importante iyong pagiging mabuting kapitbahay natin sa ating mga lokalidad,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, nais lamang naman ng pamahalaan ng makatarungang kompensasyon para sa Visiting Forces Agreement, kung saan ay pinapayagan ang US troops at mga kagamitan nito sa Pilipinas, upag maging “valid military target” kapag ang Washington ay nasangkot sa giyera.

 

“Pagdating naman po sa Amerika ay matagal na po kasi natin ito hinihingi sa kanila na magbayad ng tama,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Jesus; Matthew 16:24

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Take up your cross and follow me.

DOH: PH gov’t maglalabas ng ‘ventilation guidelines’ sa pagbubukas ng mga sinehan

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakatakdang maglabas ng bagong guidelines ang pamahalaan para maging gabay ng mga pinahuntulutang nang sinehan na mag-operate sa gitna ng pandemya.

 

 

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng ilang establisyemento tulad ng mga sinehan.

 

 

“One of the safeguards was the guidelines upcoming which will be coming from the Department of Labor and Employment, wherein they have consulted with an epidemiologist,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

“So that they can provide this ventilation requirements specifically in enclosed spaces.”

 

 

Paliwanag ni Vergeire, walang pagbabago sa guidelines na una nang inilabas ng DOH. Nilalaman nito ang paalala sa minimum public health standards.

 

 

Tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, at distansya ng isang metro o higit pa.

 

 

“Yun pa rin naman ang ating kailangan ipatupad, although kapag inilabas na yung sa DOLE baka magkaroon tayo ng additional supplementary guidelines for us to better explain.”

 

 

Nitong araw sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na iniurong na sa March 1 ang reopening ng mga sinehan.

 

 

Pero nilinaw nitong naka-depende pa rin sa approval ng local government units ang pagbubukas ng naturang establisyemento.

 

 

“Ang pagpapatupad po ng pagbubukas ng sinehan, kung matutuloy po, ay Marso 1,” ani Roque.

FEU Manila A tumapos sa Magic 10 ng online chess

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TUMAPOS sa top 10 ang Far Eastern University-Manila A sa kasusulong lang at sinalihan ng 125 teams na  Kasparov Chess Foundation University Cup via online.

 

 

Pinangunahan Morayta-based woodpushers si Darry Bernardo, kasapi ng national para chess team, na umiskor ng eighth sa posibleng nine points sa Board 4, at sa sinilat niya si International Master Harshit Raja ng India.

 

 

Sumosyo ang FEU-Manila A sa ikapitong puwesto kasama ang National Technical University of Athens A, (Greece), St. Louis University A (United States) at Moscow Institute of Physics and Technology A, (Russia) na may 6.5 points each.

 

 

Pero pagkapatupad ng tie break points, nagkasya sa 10th place ang reigning University Athletic Association of the Philippines (UAAP) champion team na ag ibang miyembro ay sina Jeth Romy Morado, Rhenzi Kyle Sevillano, John Merill Jacutina at alternate Kristian Glen Abuton.

 

 

“We are so fortunate despite of the pandemic the FEU Sports programs continues especially in Chess. We owe our success to FEU management,” suma ni national women’s squad at FEU coach Grandmaster Jayson Gonzales, na pinasalamatan din sina FEU chairman Aurelio Montinola III at athletic director Mark Molina sa suporta sa koponan. (REC)

DINGDONG, ARJO, ELIJAH, ALDEN, LOVI at CRISTINE, ilan lang sa pararangalan sa 5th ‘Film Ambassadors’ Night’ ng FDCP

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINAHAGI ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 60 na honorees at special awardees ng ika-limang Film Ambassadors’ Night (FAN) ngayong taon pati na rin ang performers para sa online event na isasagawa sa Pebrero 28.

 

 

Ang FAN, na taunang kaganapang isinasagawa ng FDCP simula noong 2017, ay kumikilala sa Filipino film industry creatives, artists, filmmakers, at mga pelikula na nakatanggap ng parangal mula sa established international film festivals at award-giving bodies ng nakaraang taon.

 

 

Kabilang sa FAN 2021 honorees ang A-Listers na filmmakers na sina Rafael Manuel at Lav Diaz. Ang A-Listers ang mga nanalo ng awards sa prestihiyosong A-List international film festivals na idineklara ng International Federation of Film Producers Associations (FIAPF).

 

 

Tinanggap ni Rafael Manuel ang Berlinale Shorts Silver Bear Jury Prize para sa “Filipiñana” sa ika-70 na Berlin International Film Festival sa Germany habang napanalunan ni Lav Diaz ang Orizzonti Award para sa Best Director para sa “Lahi, Hayop (Genus Pan)” sa ika-77 na Venice International Film Festival sa Italy.

 

 

May anim na honorees sa Feature Films category: “Sunshine Family” ni Kim Tai-Sik, “Write About Love” ni Crisanto Aquino, “Latay (Battered Husband)” ni Ralston Jover, “Pan de Salawal” ni Che Espiritu, “Lingua Franca” ni Isabel Sandoval, at “John Denver Trending” ni Arden Rod Condez. Ang honorees sa Directors category ay sina Maria Diane Ventura para sa “Dein Fabre,” Mallorie Ortega para sa “The Girl Who Left Home,” at Derick Cabrido para sa “Clarita.”

 

 

Tampok sa Actors category sina Cristine Reyes para sa “UnTrue,” Ruby Ruiz para sa “Iska,” Elijah Canlas para sa “Kalel, 15,” Louise Abuel para sa “Edward,” Isabel Sandoval para sa “Lingua Franca,” Alden Richards para sa “Hello, Love, Goodbye,” Lovi Poe at Allen Dizon para sa “Latay,” at ang cast members ng “Kaputol” na sina Cherie Gil, Alfred Vargas, Angel Aquino, at Ronwaldo Martin.

 

 

Sina Dingdong Dantes at Arjo Atayde ang television awardees na napabilang sa FAN 2021 Actors list.

 

 

“Philippine Cinema continues to thrive amid the pandemic because Filipino filmmakers and artists did not allow the global health crisis to derail them from sharing our stories to the world. Through the Film Ambassadors’ Night, we celebrate their efforts and laud their achievements,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño. 

 

 

Ang iba pang categories ng FAN ay ang Short Films, Documentaries, Creative Awards, at Special Citation.

 

 

Ang dalawang Special Citation recipients ay ang beteranong direktor para sa telebisyon at pelikula na si Luisito Lagdameo Ignacio at ang yumaong filmmaker at International Film Festival Manhattan co-founder na si Gerry Balasta.  (ROHN ROMULO)

Roque at Galvez, sanib-puwersa sa pagsopla kay Leachon

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSANIB-puwersa sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. para soplahin si dating NTF Adviser Dr. Tony Leachon makaraang sabihin nito na naniniwala siyang dapat nang i-abolish ang Inter-Agency Task Force (IATF) dahil sa umano’y ilang desisyon nito na walang scientific basis.

 

“Ang tanong ko ke Dr. Tony Leachon, sir the president has addressed your views. You’re sourgraping because he did not appoint you as secreatry of health. Pasensyahan na lang po,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Ang advice ko lang kay Dr. Leachon hindi mo pinagbuti ang trabaho mo sa IATF at ang nakita natin meron kang ulterior motive aside from serving our people kaya tinanggal ho namin kayo. ‘Yun pa lang nakita natin na si Dr. Leachon wala talagang word of honor yan, talagang mahirap makasama,” ang pahayag naman ni Galvez

 

Sa isang panayam kasi kay Leachon ay sinabi nito na natatawa siya na mare-reject na naman ang rekomendasyon ng IATF na buksan na ang mga traditional cinema sa bansa.

 

“Dapat siguro, wala ng IATF kasi lagi namang nabi-veto eh. At mas matatalino pa nga iyong mga netizens natin eh. Praktikal silang mag-isip eh. So, sa atin lang naman na comment iyon. I think, it’s about time na i-revisit natin kung ano ang role ng IATF. It has become a battle neck area for decisions not based on science. And the end of the day, we should delegate it to the Metro Manila mayors in terms of the implementation kasi mas nakakaalam sila on the pulse of the nation eh,” ayon kay Leachon.

 

Para pa rin kay Leachon, kailangan nang i-abolish ang IATF dahil irrelevant na sa ngayon ang task force dahil mas praktikal aniya pa na mag-isip ang mga netizens.

 

Bukod pa aniya sa marami ng ipinalabas na guidelines ang IATF na na-veto.

 

“Kasi walang maipresent na scientific reason for the cinema eh. So, saan nila pinupulot ang data nila to make guidelines tapos ibi-veto ng NCR. And since may local government code.. ang local government code supersedent the national code. at the end of the day, ang Mayor pa rin ang magi-implement kahit may IATF,” ang pahayag ni Leachon.

 

Para kay Leachon, makabubuti na nakatuon na lamang ang pansin ng IATF sa centrality ng focus ng buong mundo.

 

“So, kung inuuna natin ang procurement ng bakuna, in-implement natin ito at hindi tayo nagi-implement ng maliliit na bagay na walang kabuluhan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Pacquiao ibinahagi ang ginagawang training sa nalalapit na laban

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binahagi ni Filipino boxing champion Manny Pacquiao ang pagsisimula na ng kaniyang boxing training.

 

 

Sa kaniyang social media, nagpost ito ng video habang nagsasagawa ng workout.

 

 

Makikita sa video na ito ay tumatakbo at nagsasagawa ng shadow boxing.

 

 

Hindi pa ngayon inaanunisyo ng kampo ng fighting senator kung sino ang susunod na makakalaban niya.

 

 

Magugunitang huling lumaban si Pacquiao noong Hulyo 2019 ng talunin niya si Keith Thurman sa pamamagitan ng split decision.

Ads February 18, 2021

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Poll protest ni BongBong Marcos, ibinasura ng PET

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), na ibasura ang election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo na may kaugnayan sa naging resulta ng 2016 race.

 

“’Yan ay desisyon ng kataas-taasang hukuman, we respect that and we respect also that the camp of Senator Bongbong Marcos has a further remedy of moving for reconsideration,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Sa ulat, sinabi ni SC Spokesperson Brian Hosaka na nagkaisa ang korte na bumoto na ibasura ang nasabing protesta na may limang taon na ang nakalilipas nang ihain ito ni Marcos noong Hunyo 29, 2016.

 

Sa limang 15 mahistrado na dumalo sa pulong ay 7 mahistrado ang “fully concurred” sa pagbasura sa petisyon habang ang natitirang bilang ay “concurred” sa resulta.

 

Sinabi ni Hosaka na ang nasabing desisyon ay ia-upload sa website ng Korte Suprema sa oras na maging available na ito.

 

Hindi naman masabi ni Hosaka kung ang desisyon ay maaarinng iapela.

 

“I cannot answer the question because I only have the information which I read,” anito.

 

Sinabi naman ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo na hindi pa nila natatanggap ang naturang kopya ng desisyon.

 

“Hindi pa kami nakakatanggap ng desisyon, nakinig lamang kami sa presscon,” ayon kay Macalintal.

 

“Ngayon lang kami magkakausap mula nung magkaroon ng pandemya tungkol sa bagay na ito,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang, naghain ng memorandum sa Presidential Electoral Tribunal (PET) si dating Senador Bongbong Marcos para sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

 

Humingi ng konsiderasyon si Marcos sa PET na repasuhin at muling pag-aralan ang paunang resulta ng poll recount.

 

Matatandaan na nitong Oktubre ng taong 2019, inihayag ng PET na batay sa initial recount sa tatlong pilot provinces, lumaki pa ng 15,000 ang lamang ni Robredo kay Marcos. (Daris Jose)

Michelle Pfeiffer Makes A ‘French Exit’, Robin Wright’s Feature Directorial Debut ‘Land’ Hits Theaters

Posted on: February 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“MY plan was to die before the money ran out” has become the anthem and tagline of the Sony Pictures Classics’ French Exit. 

 

 

Starring Michelle Pfeiffer as a 60-year-old penniless Manhattan socialite – a role that has been earning her plenty of awards season buzz.

 

 

French Exit is directed by Azazel Jacobs and written by  Patrick deWitt, who wrote the bestselling novel on which the movie is based.

 

 

In it, Pfeiffer plays Frances Price whose life hasn’t gone exactly as planned after her dead husband’s (Tracy Letts) inheritance is gone. She cashes in the last of her possessions and decides to live out her twilight days anonymously in a borrowed apartment in Paris with her directionless son Malcolm (Lucas Hedges) and a cat named Small Frank — who may or may not embody the spirit of her husband.

 

 

French Exit made its world premiere as the closing Night feature at the 2020 New York Film Festival. It also stars Danielle Macdonald, Daniel di Tomasso, Susan Coyne, Imogen Poots, Isaach de Bankolé and Valerie Mahaffey, who recently received an Indie Spirit Award nomination for a supporting role.

 

 

Pete Hammond said of Pfeiffer’s performance in his review: “She tops an aces cast that is sublime in every way in an absurdist comedy that is surreal, dark, witty, quirky, humane, and oddly touching.”

 

 

“Stylistically it recalls everything from Wes Anderson to Harold And Maude but it sways to its own distinct rhythms,” he continues.

 

 

“All that said, French Exit likely is not for everyone, but those who embrace its considerable pleasures are in for a special treat.”

 

 

Robin Wright makes her feature directorial debut with Land.

 

 

The Focus Features film recently made its world premiere at the Sundance Film Festival and follows Edee (Wright) who finds herself disconnected from the world she once knew after an unfathomable event. In the face of that uncertainty she retreats to the wilds of the Rockies. After a local hunter (Demián Bichir) brings her back from the brink of death, she must find a way to live again.

 

 

The film was written by Jesse Chatham and Erin Dignam and also features Kim Dickens. This may mark the feature directorial debut, but she is no stranger to sitting in the director’s chair as she has directed 10 episodes of House of Cards.

 

 

In his review, Hammond said: “…for her feature directorial debut she really has upped the stakes and taken on a challenging project, both logistically and in terms of a starring role that is emotionally draining. She succeeds impressively on both counts.”

 

 

“She says she was inspired to take on those challenges by what she felt was a need for a movie that emphasized our own goodness and humanity in a time rocked by mass shootings and ugliness brought about in the Trump era. We can use it,” he added.

 

 

(source: deadline.com) (ROHN ROMULO)