• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 26th, 2021

Alok ng DOLE na payagan ang libo-libong mga health care workers na magtrabaho sa UK at Germany

Posted on: February 26th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WELCOME sa Malakanyang ang alok ng Department of Labor and Employment (DoLE) na hayaan ang libo-libong mga health care workers na karamihan ay nurses na magtrabaho sa United Kingdom at Germany kung ang dalawang bansa naman ay pumayag na mag-donate ng COVID-19 vaccines.

 

Sinabi kasi ni Alice Visperas, director ng labor department’s international affairs bureau, na bukas ang Pilipinas na alisin o bawiin ang cap ng mga health workers’ overseas deployment kapalit ng bakuna mula Britanya at Germany, kung saan ito rin ang gagamitin na pambakuna sa mga outbound workers at daang libong Filipino repatriates.

 

Nag-order ang Pilipinas ng sapat na coronavirus shots para sa adult population nito.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na bukas siya ssa nasabing ideya.

 

“Pero siyempre kung mas maraming supply pa ang makukuha natin, bakit hindi?,” anito.

 

“The idea for the offer did not come from President Rodrigo Duterte, but rather, from Labor Secretary Silvestre Bello III and Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. Wini-welcome din natin [ito] because more is better than less,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang, niluwagan ng Pilipinas ang pagba-ban sa pagpapaalis ng mga health care workers tungo sa ibang bansa subalit nananatili naman ang limitadong bilang ng mga medical professionals na aalis ng bansa ng hanggang 5,000 kada taon.

 

Sa katunayan ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na tanggalin na ang deployment ban para sa mga nurses at iba pang medical workers.

 

Kinumpirma ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na lifted na ang deployment ban sa mga healthcare workers.

 

Ang lifting ng deployment ban ay noon pang isang linggo inirekomenda ng IATF.

 

Sabi ni Sec. Bello, bumabagal na ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa at gumaganda na ang kondisyon kaya’t maaari nang payagan ang mga healthcare workers na makapagtrabaho sa ibang bansa.

 

May limitasyon ang bilang ng mga health workers na papayagang makapag-abroad upang matiyak na may sapat na medical professionals sa bansa na magpapatuloy sa paglaban sa COVID-19.

 

Nakasaad sa rekomendasyon ng IATF na 5,000 medical professionals lang ang papayagang mai-deploy sa ibang bansa. Nilinaw naman ni Sec. Bello na kalaunan ay madaragdagan ang bilang na ito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)