• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 4th, 2021

Pinay nag-silver sa archery

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUMBLAY si Shirlyn Ligue ng World Archery Philippines (WAP) sa 543 points old world record ni Claire Xie ng USA sa women’s 60-arrow, 18-meter category, pero sinapol ang silver medal sa bare bow category ng Online Indoor Archery Series sa nagdaang linggo.

 

 

Kinapos lang ng isang puntos ang 30-anyos na grade school teacher ng Davao City at bet ng Davao Archery Club para sa nasabing marka na burado na ni Fatemeh Ghasempour ng Iran na naka-551 markers para sa women’s bare bow gold

 

 

“I just have to challenge myself,” bulalas kamakalawa ni Ligue. “And in archery I get the mental training. It’s my stress reliever.”

 

 

Ipinasok na ang naturang event ng World Archery Philippines (WAP) sa programa sa taong ito dahil sa ipinakita ni Ligue sa world archeryfest. Lalaruin na rin ang disiplina sa PH Archery Cup. (REC)

CHLOE ZHAO, first Asian female director na nanalong Best Director sa ‘Golden Globe Awards’; nagwagi rin ang ‘Nomadland’

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAITAWID din ng Hollywood Foreign Press Association ang 78th Golden Globe Awards sa gitna ng pandemya at maraming kontrobersya sa kanilang nilabas na nominations.

 

 

Pinalabas ng live virtually ang Golden Globes sa dalawang locations: The Rainbow Room of the Rockefeller Center in New York hosted by Tina Fey and at the Beverly Hills Hilton in Los Angeles, California hosted by Amy Poehler.

 

 

Ang mga nominees ay nasa kani-kanilang bahay dahil sa pagsunod sa COVID-19 health and safety protocols.

 

 

Ang Chinese film director, screenwriter, and producer, Chloe Zhao, ay ang first Asian female director to win Best Director for her film, Nomadland, na nanalo rin as Best Motion Picture-Drama.

 

 

Ang mockumentary film na Borat Sebsequent Moviefilm ang nanalong Best Motion Picture-Comedy or Musical at nagwaging Best Actor in a Comedy ang bida rito na si Sacha Baron Cohen.

 

 

Nasorpresa naman sa kanilang panalo sina Jodie Foster as best supporting actress for the film The Mauritanian at Andra Day as best actress in a motion picture drama for The United States Vs. Billie Holiday.

 

 

Ang pinaka-touching moment ng awards night ay ang  posthumous win ng yumaong aktor na si Chadwick Boseman bilang best actor in a motion picture drama for Ma Rainey’s Black Bottom.

 

 

Ang Netflix drama series na The Crown ang nag-uwi ng maraming awards: best drama series, best actress, best actor and best supporting actress.

 

 

Binigyan naman ng special honors sina Norman Lear (Carol Burnett Award) at Jane Fonda (Cecil B. DeMille Award).

 

 

Narito ang mga nagwagi:

FILM:

Motion Picture – Drama:  “Nomadland”

Motion Picture – Musical/Comedy:  “Borat Subsequent Moviefilm”

Actress in a Motion Picture Drama:  Andra Day, “The United States vs. Billie Holiday”

Actor in a Motion Picture Drama: Chadwick Boseman, “Ma Rainey’s Black Bottom”

Actress in a Motion Picture Comedy/Musical: Rosamund Pike, “I Care a Lot”

Actor in a Motion Picture Comedy/Musical: Sacha Baron Cohen, “Borat Subsequent Moviefilm”

Supporting Actor: Daniel Kaluuya, “Judas and the Black Messiah”

Supporting Actress: Jodie Foster, “The Mauritanian”

Animated Film: “Soul”

Foreign Language Film: “Minari,” USA

Director: Chloe Zhao, “Nomadland”

Screenplay: Aaron Sorkin, “The Trial of the Chicago 7”

Original Score: Trent Reznor, Atticus Ross and Jon Batiste, “Soul”

Original Song: “Io Si (Seen)” from “The Life Ahead,” Music by Diane Warren, Lyrics by Diane Warren, Laura Pausini, Niccolo Agliardi

 

 

***

 

 

NANGUNA sina Ruru Madrid at Shaira Diaz sa isang tree-planting activity sa Antipolo kung saan sila nagte-taping sila para sa kanilang upcoming episode sa ikalawang season ng GMA drama anthology na I Can See You.

 

 

     May title na ‘On My Way To You’ ang episode nila Ruru at Shaira kunsaan makakasama nila sina Arra San Agustin at Richard Yap.

 

 

     Sa kanilang rest day sa lock-in taping ay nagtungo sina Ruru at Shaira kasama rin sina Arra, Moly de Guzman, at Ashley Rivera sa Mount Purro Nature Reserve upang magtanim ng mga puno.

 

 

Sa Instagram ay ibinahagi ni Ruru ang naganap na tree-planting activity: “Day 5 at the bubble. Today’s our rest day. So, we decided to plant trees and help save mother nature.”

 

 

     ***

 

 

NAGBUNGA rin ang ilusyon noon ni Herlene “Hipon” Budol na maging isang supermodel.

 

 

Natupad ang matagal nang dream ni Hipon nang kunin siya ng designer na si Leo Almodal para sa isang photo session at isuot ang kanyang latest creations.

 

 

Makikita nga sa Instagram ni Hipon ang series of photos niya na suot ang isang sexy red gown na backless at mataas ang slit para makita ang long legs ni Hipon.

 

 

Sa isa naman ay black gown ang suot niya na lace ang tumatakip sa kanyang dibdib.

 

 

May close up shot pa si Hipon at di mo siya nakikilala dahil sa ganda ng makeup niya. Nagmukha siyang professional supermodel!

 

 

Bago nga mapasama noon sa Wowowin si Hipon, nagmo-model na raw siya dahil maganda ang height niya at sexy pa ang katawan. Ngayon ay natupad na ang maging supermodel niya dahil sa naganap na photo shoot. (RUEL J. MENDOZA)

Mas maraming health workers, nais nang magpabakuna ng Sinovac

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mas marami nang health workers ang nahikayat nang magpabakuna gamit ang China-made Sinovac COVID-19 vaccine partikular sa Philippine General Hospital.

 

 

Sinabi ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi na nasa 200 hospital staff na nila ang nagpalista ang inaasahang mababakunahan nitong Martes.

 

 

Si Legaspi ang kauna-unahang sumalang sa bakuna nitong Lunes na sinundan ng nasa 123 medical staff nila.

 

 

Bago ang pagdating ng bakuna, nasa 12 porsyento lamang ng 2,500 hospital staff ang nagpahayag ng interes na magpabakuna gamit ang Coronavac ng Sinovac. Marami sa tumanggi ay ibang brands ang nais at handang maghintay na lamang sa pagdating ng suplay.

 

 

Samantala, sinabi ni Legaspi na maayos naman ang kaniyang pakiramdam matapos siyang mabakunahan. Maliban sa konting pamamaga ng braso, normal at malakas umano ang kaniyang katawan.

5 arestado sa shabu sa Caloocan

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Limang katao kabilang ang tatlong bebot ang arestado matapos makuhanan ng illegal na droga ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

 

 

Sa ulat, dakong 10:15 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality Oplan Galugad ang mga pulis sa kahabaan ng P. Burgos St. Brgy. 15 nang mapansin nila mga suspek na kinilalang si Mary Jane De Vera, 35, Jessabel Macaraig, 25, at Geeffren Estrada, 30, na nagtatransaksyon umano ng illegal na droga kaya’t nilapitan nila saka inaresto ang tatlo.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek limang plastic sachets na naglalaman ng nasa 2.6 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P17,680.00 ang halaga.

 

 

Bandang alas-10:30 naman ng gabi nang masita si Marilyn Raco, 35, at Ferdinand Jao, 53, driver ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa kahabaan ng Evangelista St., Brgy 144 sa pangunguna ni PCpl Raymond Ucag at PCpl Joseph Pastro, kasama ng mga tauhah ng 2nd MFC, RMFB NCRPO na may kaugnayan sa Simultaneous Enhance Managing Police Operation (SEMPO) dahil kapwa walang suot na face mask na malinaw na paglabag sa city ordinance no. 0862 s 2020.

 

 

Gayunman, nang mapansin ng mga suspek ang presensya ng mga pulis ay tumakbo ang mga ito at tinangkang tumakas subalit hinabol sila hanggang sa magawang makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakuha kay Jao ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P6,800 ang halaga habang nang ipalabas naman kay Raco ang lahat ng laman ng kanyang bulsa ay narekober din sa kanya ang isang plastic sachet ng shabu na nasa P6,800 din ang halaga. (Richard Mesa)

ValTrace magagamit na rin sa Mandaluyong

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magagamit na rin sa lungsod ng Mandaluyong ang ValTrace contact tracing QR codes ng Valenzuela City na naglalayong matukoy ang mga indibiduwal na posibleng positibo sa virus ng COVID-19 kung saan nauna na rin itong konektado sa Pasig at Antipolo.

 

 

Nabatid na nakapirma na sa Contact Tracing Network Consortium Agreement ang ValTrace ng Valenzuela City, PasigPass ng Pasig City, Bantay COVID-19 ng Antipolo City at Manda Track ng Mandaluyong City.

 

 

Hindi na kailangang mag-download ng hiwalay na QR code para sa apat  na lungsod dahil ang mga QR code na nakarehistro at ginagamit sa isang lungsod ay maaaring magamit sa naturang mga lungsod na kasama sa kasunduan.

 

 

Sinimulang ipatupad ng Valenzuela noong Oktubre 05, 2020, ang ValTrace QR code na napatunayang mahusay at mabisang paraan ng pagtingin sa mga COVID-19 exposures at mga contact ng isang pasyente.

 

 

Kailangan mayroon ang lahat ng mga mamamayan ng sariling ValTrace QR codes at para sa mga negosyo na i-scan ang mga QR code ng lahat ng mga pumapasok sa establishimento.

 

 

Ginagamit na rin ng Valenzuela ang ValTrace QR codes para sa kanilang VCVax COVID-19 Vaccination registration.

 

 

Ang Valenzuela ValTrace ay isinama sa PasigPass ng Pasig City noong Disyembre 07, 2020 at sa Antipolo City’s Bantay COVID-19 na epektibo noong Enero 10, 2021 habang nakakonekta ito sa MandaTrack ng Mandaluyong nitong Marso 1.

 

 

Inaasahan ng mga lokal na punong ehekutibo ng mga lungsod na mas marami pang local government units ang sasali sa digital contract tracing solution sa pamamagitan ng paggamit ng QR codes. (Richard Mesa)

PRANGKISA MO SA PANGALAN ng IBA! PAYAG KA BA?

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa public transport mahalaga ang prangkisa. Pag wala ka nito at pumasada ka, colorum ang tawag sayo.  Ang prangkisa ay ipinagkakaloob ng Estado sa isang indibidwal para ang holder ng franchise ay ligal na maghanapbuhay sa sektor ng public transportation. Pero dahil apektado nito ang isang uri ng public service – ang public transpo nga – ay maraming requirements ang dapat i-comply bago makakuha ng prangkisa.

 

 

Wala ngang bayad ang prangkisa pero para ma-comply ang requirements ay may gastos.  At ang prangkisa ay may hangganan – kapag mag-e-expire na ito ay kailangan mag-file ng petition for extension of validity.  Samantala, kahit hindi pa expired ay pwede bawiin ang prangkisa kapag may franchise violation. Ang prangkisa daw ay isang “privilege” at hindi “property” ng franchise holder kaya maari itong mabawi ng Estado kung may paglabag sa provisions ng franchise.  At ito marahil ang dahilan kung bakit nais ipatupad ng DOTr at LTFRB ang fleet management scheme kung saan ang mga operators ay magtatatag o sasali sa mga cooperatiba o corporation o yung tinatawag na “consolidation”.

 

 

Sa unang tingin ay parang okay naman ang scheme lalo at ikinakabit ang polisiyang ito sa tinatawag nilang “modernization” sa public transport sector. Pero kapag sinuring mabuti ay parang may diprensya sa polisiya. Mawawala na ang mga single operator na karamihan ay mga dating OFW, mga retired government or military personnel, o mga maliliit na negosyante dahil dapat na sila pumaloob o maging myembro ng isang coop o corporation as requirement sa franchise.  At ang prangkisa ay nasa pangalan na ng corporation o cooperatiba, hindi na sa indibidwal.  Pero eh ano naman kung ganoon? Ano ang masama dito, ang tanong ng ilan. Ito na ngayon:

 

 

Kung single operator ka ay parang sinuko mo na ang hahapbuhay mo ng ganun lang. Pero di bat ang prangkisa ay isang privilege lang at pwede bawiin anumang oras? Marahil dapat linawin ang polisiya sa prangkisa. Totoo na “privilege” lang ang prangkisa pero para mapasayo ito at mapanatiling active ay libo o milyong pisong investment. Hindi naman yun papel ng prangkisa ang kumikitang hanapbuhay – bibili ang operator ng sasakyan, ipapa-rehistro ito, kukuha ng driver na magbibyahe, hahanap ng garahe, magbabayad ng taxes, pondo para sa maintainance ng sasakyan at marami pang ibang gastos. Sa madaling salita ginastusan ang prangkisa kaya dapat bago bawiin sa isang tao ay may due process. Dapat may ligal na dahilan at proseso ng pagbawi sa individual franchise holder. Sa gusto ng DOTr na sapilitang pagsali sa isang corporation at coop, mukhang binawi ang individual franchise ng walang proseso at paranga walang paglabag sa prangkisa. Pero di ba ang polisiya dapat sundin? Oo. Pero kung ang polisiya naman ay may paglabag dapat palagan!

 

 

Bakit sapilitan itong polisiya na pag hindi ka sumali ay mawawala ang prangkisa mo at “death sentence na ng hanapbuhay mo?”. Hindi ba pwede na OPTIONAL ang polisiyang ito? Buti kung walang gastos sa pagtayo ng coop o corporation. At sino ang mamamahala? Sigurado bang hindi magkakaroon ng away at gulo sa coop o corporation tulad sa mga existing na? At sa pasahero naman – aba may nagtatanong ba sa driver ng isang public transport bago sumakay kung corporation o coop ang sinasakyan nito?

 

 

Ang deadline ng consolidation ay March 31, 2021daw. Bagamat nagkaroon na ng ilang palugit ang panawagan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ay extension pa ulit at tingnan at pagaralang muli ang polisiyang ito. Marami pa ang hindi nakaka-comply at sa panahon ng pandemya ay isa ang transport sector sa pinakamatinding tinamaan ng pahirap na ito – mga nawalan ng hanapbuhay at negosyo. Bakit kailangan alisin ang mga single operator?

 

 

Bakit sapilitan ang pagsali sa coop o corporation na pwede namang optional?  At dapat sigurong linawin na ang polisiya sa prangkisa – Oo “privilege” yan pag kumuha ka, pero pag meron na dapat may dahilan at proseso kung babawiin man. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

EX-HOUSE APPROPRIATIONS PANEL CHAIR BLAMES CAYETANO FOR P70-B CUTS IN MILITARY, POLICE PENSION BUDGET

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Deputy Speaker Isidro Ungab on Monday accused the previous House leadership of manipulating the 2020 national budget which resulted in budget cuts totaling P209 billion, including the more than P70 billion that were slashed from the Pension and Gratuity Fund (PGF) of retired military and police personnel.

 

 

Ungab was the chairman of the House Committee on Appropriations when Congress approved in 2019 the P4.1-trillion national budget for 2020 during the time of then Speaker Alan Peter Cayetano.

 

 

“I think this is the proper time to reveal what truly happened, everything that has happened. ‘Yun pong nag-finalize ng bicameral conference committee report was not anymore the chairman (of the Committee on Appropriations),” Ungab revealed.

 

 

“Na-finalize po ‘yan sa Office of the Speaker. Andun si Speaker Cayetano and (then) Deputy Speaker LRay Villafuerte, who finalized the bicam report,” he explained.

 

 

Ungab made the clarification after Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, a known staunch ally of Cayetano, accused Speaker Lord Allan Velasco for the alleged P20-billion decrease in military’s PGF in the 2021 General Appropriations Act (GAA) during the chamber’s privilege hour.

 

 

In his interpellation, incumbent Appropriations Committee Chairman Eric Yap clarified that the 2021 GAA was diligently scrutinized by the bicameral conference committee and the Executive department, including the Department of Budget and Management (DBM).

 

 

“It was the most responsive budget we could craft and pass in the wake of the global pandemic, especially considering the fact that Speaker Lord Allan Velasco had to work double-time to pass the GAA and prevent a re-enacted budget,” Yap said.

 

 

Yap explained that the P20-billion was in fact a buffer fund, which the DBM, the House and the Senate all agreed to realign in favor of budget items meant to address the Covid-19 pandemic including the procurement of vaccines and personnel protective equipment of medical frontliners.

 

 

He added that the current problems involving the pension of uniformed retirees was due to the P70-billion cut in their budget for the year 2020, during the previous House leadership under former Speaker Cayetano. The P20-billion realignment done for 2021 has no impact on the current issues faced by retirees.

 

 

Nevertheless, Yap said that he has been instructed by Speaker Velasco to urgently file a supplemental budget of P50 billion to be able to absorb the fund deficiency brought about by the P70-billion budget cut made by the previous House leadership. Budget Secretary Wendell Avisado has given his go signal too.

 

 

Ungab said that at the time, he talked to his Senate counterpart, Senator Sonny Angara, to pass the 2020 budget as the economy was severely affected then.

 

 

He was then ousted as head of the Appropriations panel as he continuously voiced his disgust over the cuts.

 

 

“Galit na galit ako kasi sundalo din ako e,” said Ungab, who bared that he is an army colonel reservist. “That’s why I am happy when I was ousted dahil hindi ko kayang makain yung style na bulok.”

 

 

Ungab said that he will tell all in a privilege speech at the proper time.

 

 

He said: “Ngayon lang ako nagsalita because I was mentioned on the floor. I did my best. Baka pagdating ko dyan next week I will tell you in a privilege speech to discuss the details what transpired in that room.”

SOUTH AFRICAN VARIANT, NATUKLASAN

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY natuklasan na ring anim na B.1.351 variant o South Africa variant sa Department of Health (DOH),  UP-Philippine Genome Center (UP-PGC), at UP-National Institutes of Health (UP-NIH).

 

 

 

Bukod dito karagdagang 30  B.1.1.7 variant (UK variant) kaso at dalawang karagdagang kaso ng mutation mula sa ika walong batch ng 350  samples na na-sequenced ng UP-PGC ang nadetect.

 

 

 

Sa kaso ng B.1.351 , sa ngayon mayroon ng 48 bansa  na iniulat na may naitalang mga kaso.

 

 

 

Habang wala ebidensya na ang variant na ito ay nagdudulot ng severe disease, ang pattern ng mga mutasyon sa loob ng variant na ito ay nagmumungkahi ng mas mataas na transmissibility at maaaring magkaroon ng isang epekto sa pagiging epektibo ng bakuna.

 

 

 

Sa 6 na kaso ng  South African variant ,  tatlo ang local cases at dalawa ang returning  Overseas Filipinos (ROFs), at isa naman ay patuloy na biniberipika.

 

 

 

Iniulat naman taga Pasay ang  tatlong local case na ang kanilang sample ay bakolekta sa pagitan ng  January 27 at February 13, 2021.

 

 

 

Dalawa sa local cases ay  61 taong gulang na babae at 39 taong gulang na lalaki na mga  aktibong kaso .

 

 

 

Ang pangatlong  kaso ay isang 40 anyos na lalaki na  nakarekober na.

 

 

 

Habang dumating naman sa bansa ang dalawang ROFs  mula UAE kung kasalukuyang biniberipika ang kanilang estado.

 

 

 

Bukod dito kasalukuyan ding bineberipika ng DOH  kung ang anim na kaso ay local cases  o  ROF. (GENE ADSUARA)

Diaz alerto habang palapit Summer Olympics Games

Posted on: March 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI maiwasan ni 31st Summer Olympic Games 2016 Rio de Janeiro women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz ang tumingin lagi sa countdown ng 32nd Summer Olympic Games 2020 na iniurong lang sa darating na Hulyo 23-Agosto 8 sa Tokyo, Japan sanhi ng pandemya.

 

 

“Closer and closer! Just 150 days to go to @Tokyo2020,” post Huwebes sa social media ng 29 na taong-gulang, 4-11 ang taas at isinilang sa Zamboanga City na barbelista na nasilip nitong Miyerkoles ng People’s BALITA.

 

 

Kailangan na lang sumali sa 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Abril 16-25 sa Tashkent, Uzbekistan ng national lifter upang pumalaot ikaapat niyang sunod na quadrennial sportsfest.

 

 

Nakahanda ang sundalong dalaga para sa ikaanim at huli niyang event para mag-qualify sa Tokyo Olympics, pero dahil sa pandemya na nagpaatrasado sa Olympics, inamin niyang nangangamba pa rin siyang maaring tuluyang makansela ang paligsahan para sa kaligtasan ng sangkatauhan sa pangkalahatan, at mga manlalarong gaya niya partikular.

 

 

Una nang nakalahok si Diaz sa limang event ng International Weightlifting Federation (IWF) at kasalukuyang world No. 5 sa ranking ng women’s 55-kilogram ang Pinay lifter na isang taon nang stranded sa Malaysia.

 

 

Kasama niya sa maunlad na Muslim country sina Chinese mentor Kaiwen Gao, at strength/conditioning coach Julius Naranjo.

 

 

Nanalo ng silver medal si Diaz sa 2019 Asian liftfest sa Ningbo, China. (REC)