GINANAP na ang 63rd Grammy Awards sa Los Angeles as hosted by Trevor Noah.
Sa Los Angeles Convention Center ang naging venue ng awards night. At dahil sa COVID-19 pandemic, walang audience ang Grammy at ang pinadalo lang ay ang mga performers, nominees and presenters.
Mga nag-perform ay sina Bad Bunny, Taylor Swift, Dua Lipa, Cardi B at Megan Thee Stallion.
Si Taylor Swift ang nagwagi ng Album of the Year para sa quarantine album niya na Folklore. Ito ang ikatlong Album of the Year award ni Taylor after Fearless (2010) and 1989 (2016) at ang kauna-unahang female artists na magawa ito.
“You guys met us in this imaginary world that we created,” sey ni Swift sa kanyang acceptance speech.
Si Beyonce naman ay na-break ang record ng most Grammy won by a female artist. May total of 28 Grammys na si Beyonce dahil sa panalo niya as Best R&B Performance for Black Parade.
“As an artist, I believe it’s my job, and all of our jobs to reflect the times, and it’s been such a difficult time. So I wanted to uplift, encourage, and celebrate all of the beautiful black queens and kings that continue to inspire me and inspire the whole world,” sey ni Beyonce.
Ang Fil-American singer na si H.E.R ang nagwaging Song of the Year for “I Can’t Breathe”. Si Billie Eilish ang nag-uwi ng Record of the Year for “Everything I Wanted” and Megan Thee Stallion became the first woman rapper to win best new artist this century.
Ang iba pang winners ng Grammy 2021 ay sina: Harry Styles (Best Pop Solo Performance: Watermelon Sugar); Lady Gaga with Ariana Grande (Best Pop Duo/Group Performance: Rain On Me); Dua Lipa (Best Pop Vocal Album: Future Nostalgia); John Legend (Best R&B Album: Bigger Love); Miranda Lambert (Best Country Album: Wildcard); Beyonce (Best Music Video: Brown Skin Girl).
***
MAGKASUNOD ang parangal na natatanggap ng bida ng The Lost Recipe na si Kelvin Miranda.
Kelan lang ay pinangaralan si Kelvin ng 4th Asia Pacific Luminare Awards bilang Philippines’ Fast Emerging Actor of the Millennium.
Ang Asia Pacific Luminare Awards ay kumikilala sa achievements at contributions ng iba’t ibang mga personalidad.
Ayon sa kanilang website: “Asia Pacific LUMINARE Awards and Asia’s Top Luminary Awards would like to honor and recognize them for their contribution and accomplishments. It is essential that we learn from their experiences and encourage them to continue in what they are doing and even support their growth so that they can be more and do more.”
Noong January 2021, nagwaging Best Young Actor si Kelvin sa 7th Urduja Heritage Film Awards para sa pelikulang Dead Kids.
“Masaya po ako dahil maganda ang salubong sa akin ng 2021. Bukod sa ‘The Lost Recipe’, na-appreciate po ng mga tao ang pelikula naming pinamagatang ‘Dead Kids’,” sey ni Kelvin.
Patuloy sa mataas na ratings ang The Lost Recipe kunsaan gumaganap si Kelvin bilang si Chef Harvey Napoleon.
***
MASUWERTE si Gabby Concepcion dahil siya na lang sa mga ka-batch niya sa showbiz sa showbiz ang aktibo at nananatiling leading man pa rin.
‘Yung ibang mga nakasabay ni Gabby ay kung hindi retired na sa showbiz ay abala na sa politcs, business o kung nasa showbiz pa sila, kontrabida, tatay or lolo roles na ang ginagawa nila.
Si Gabby ay patuloy na pina-partner sa mga aktres na mas bata sa kanya tulad nila Carla Abellana, Jennylyn Mercado, Sunshine Dizon, Ryza Cenon at ngayon ay si Sanya Lopez sa teleserye na First Yaya.
Kuwento ni Gabby na sobra siyang natuwa sa cast ng First Yaya dahil masayahin ang lahat sa set. Ilang buwan din kasing nag-stay si Gabby sa kanyang farm sa Batangas noong magkaroon ng lockdown. Na-miss daw niya ang nakasalamuha ang mga baguhang artista.
“First time ko makakasama ang lahat ng cast, kaya maganda itong ‘First Yaya’ kasi maraming ‘firsts’ na nangyari dito. Akala ko mahihirapan ako makipag-usap sa mga tao, but it turns out na lahat nag-blend at nag-jive. Maganda ang chemistry namin,” sey ni Gabby na napilit daw ni Sanya n mag-Tiktok.
(RUEL J. MENDOZA)